webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 8: Too weak

Nag-uunahan ang luha ko habang inaakay nila ako paakyat ng aking kwarto. Paulit ulit nila akong tinatanong kung anong masakit sakin o may nakain ba akong ayoko. Ang dami dami nilang tanong pero ni isa sa mga iyon ay di ko nasagot.

"Pa, ako nang bahala dito. Bumaba na kayo't baka andyan na yung inorder nyo, Mark.." Ani mama sa kanilang tatlo. Tinulungan nila akong mahiga sa kama at kinumutan. Finull pa nila ang aircon para lalo raw akong maging okay. Na naging dahilan din ng bigla kong panlalamig.

Pinanlalamig ako ng kaba kong binabagabag ako. Tinatakot ako na baka hindi nila ako tanggapin o ang magiging anak ko, namin. Iniisip ko palang na di nila ako kakausapin o papansin. O mas masakit sabihin, na pabayan. Parang ayoko ng ituloy to.

Ginawa mo yan Bamby!. Panindigan mo!. Walang kasalanan ang walang muwang sa ginawa nyo!. Wag nyong ipagkait ang buhay sa kanya.

Nasaktan ako sa katotohanang naisip. Alam ko naman na maaaring mangyari ang ganito. Oo. Ginusto ko ito. At papanindigan ko. Ang di ko lang napaghandaan ay ang mga taong nasa paligid ko. Kung matatanggap ba nila o hinde. O huhusgahan din nila ako na tulad ng ibang tao.

"Are you okay?.." alanganing tanong sakin ni mama nang umalis na yung tatlo. Siniguro nyang nakalock pa iyon bago ako nilapitan at umupo saking gilid.

Humikbi lang ako sa kawalan ng lakas ng loob ng magsabi ng totoo sa kanya.

"Why are you crying?. May masakit ba sa'yo?. Tell me please..." nagmamakaawa na nyang sambit. Umiling lang ako saka sinubsob ang mukha sa kanyang kandungan.

I'm sorry mama! Katagang gusto kong sabihin. Salitang sinisigaw na ng aking puso ngunit di ko alam kung paano sabihin.

"Nak, you making me worried here.." dagdag nya pa habang inaayos ng dahan dahan ang aking buhok. "What's the problem?. I won't judge. Just let me know kung anong nangyayari.."

"Ma..." lalo akong humagulgol sa kanyang mga binti. Di ko lang mapigilan. Baka kasi pagkatapos ng usapang ito. Di na nya ako kakausapin. Natatakot ako. Nakakapanghina ang isiping iyon.

"Hmmm?.. Tell me hija.." hinayaan nya lang ako na ganun ang posisyon sa kanya. Di pa rin naman nya inaalis ang kamay saking buhok.

"Ma...I--.." O my goodness!. Paano ko tatapusin ito?. Paano ko sasabihin sakanya ng di sya nasasaktan?.

"You're what anak?.." malumanay pa rin nyang tanong. Walang bakas ng galit o pagtataka. Lalo lang akong kinabahan. Hindi sya nagtataka. Marahil, may alam na sya!. Gosh!!!. Help me please!

"I think.. I'm---.." kung sana andito ka na Jaden. O gosh!. Naluluha na naman ako.

Hindi na sya tumugon. Hinahayaan nya lang akong tahimik na umiiyak. Sumisinok na ako sa patuloy na pag-iyak "Ma, I'm sorry.."

Damn!. I'm too weak!. Di ko alam kung saan magsisimula.

"You're sorry for what?.."

O my goodness!. Mas nawalan ako ng lakas ng loob sa ganda ng pagkakatanong nya.

"Punta tayo ng ospital ngayon?.." tumatayo na sya ngunit hinila ko ang braso nya. Umiling ako ng umiling nang nasa sahig ang mata. Wala talaga akong lakas na tumitig sa mata nya. Baka bumigay lang talaga ako. O di kaya'y mahimatay.

"Ayaw mong pumunta?. Bakit?. Sumusuka ka tas di mo alam kung anong dahilan?. O--?..." she paused. At sa ilang minuto na lumipas. Saka lang ako nag-angat ng tingin. Puno ng luha ang aking mata ngunit nakita ko ng malinaw kung paano nya takpan ang kanyang labi. Nanlalaki ang kanyang mata at nanginig.

Di ko rin alam kung dapat ko ba syang lapitan o kumpirmahin ang hinala nya. I'm torn between telling the truth and saying a lie. Pinagpapawisan ako't nanlalamig. Nanginginig na ang aking labi sa halo halong pakiramdam.

"Ma?.." namamaos kong tawag dito subalit she just shook her head na, sinasabing di dapat ako lumapit. Tears run down on my cheeks.

"Tama ba ang hinala ko?.." takip nya pa ang kanyang labi. May luha na rin sa mga mata nya.

My heart aches.

"Ma, I didn't---.." magpapaliwanag sana ako. Sasabihing naging mahina ako at nagpatianod sa maling desisyon. Ngunit, tinalikuran na nya ako! Iniwan kahit na hindi pa ako tapos magpaliwanag. Ang sabi nya, she won't judge. Why now? Di nya ako pinakinggan.

Humagulgol ako sa sariling mga tuhod.

Ano nang gagawin ko ngayon?. Jaden, needs to know about this. Sasabihin ko ito sa kanya.