webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 9: Oh damn!

"Bamby. Open the door.." katok nina kuya sa labas. Isinarado ko iyon makalipas ang ilang minuto kong pag-iyak.

Gumapang pa ako papunta saking kama upang doon magtago at umiyak ng di nila naririnig.

"Anong nangyayari?. Umiiyak si mama sa baba. We asked her but di nya kami sinasagot.." dinig kong sabi ni kuya. Hindi ako gumalaw o nagpatinag man lang.

"Ako na kuya.." singit naman ng isa. Patuloy pa rin sa pagbagsak ang aking mga luha. Para itong nasirang gripo na kung di isasara. Di talaga titigil. "Hey Bamblebie!. Can I come in?.." marahang tanong naman ni kuya Lance. Iniisip nya sigurong magbabago ang isip ko kapag sya ang nagsalita sa likod ng pintuan. Pero hinde. Anong mukha ang ipapakita ko sa kanila gayong, nahihiya ako sa ginawa ko. Not the blessings I have in me but the rules I broke.

Di ko sila pinagbuksan. Ang buong akala ko pa nga. Kukunin nila ang extrang susi kay mama para piliting pumasok subalit hindi nangyari yun. Imbes, hinayaan na nila ako.

"Jaden..." naiiyak kong tawag sa kanyang pangalan. Wala akong ibang masandalan kundi sya lang. Ang taong mahal ko.

Pinunasan ko ang luha at sipon gamit ang tissue bago kinuha ang cellphone na kanina pa walang buhay. Sinaksak ko iyon saka hinanap agad ang pangalan nya sa contact lists ko.

Sana lang, hindi sya busy.

"Babe, please answer the phone.." bulong ko habang kagat ang kuko sa frustration. Nakaupo ako sa sahig. Hinihintay na sana sumagot sya.

Unang tawag ko'y di nya sinagot. I tried again. Hanggang sa umabot na ng limang tawag. "Yes hello?. You're disturbing us.. uh!. harder please.. uh.."

Natutop ko agad ang aking labi sa taong nagsalita. Kahit di pa ako magtanong. Kilala ko kung kaninong boses iyon. And hell!. Gamit nya pa phone ni Jaden. Damn!. Really huh?. Anong ginagawa nila?.

"Shit Jaden!. Anong ginagawa mo?.." nagtubig na naman ang mata ko. Hindi ko na iyon napigilan pa at nagtuloy tuloy na parang sirang gripo.

"Can I talk to Jaden.." Ewan ko kung saan ko pa nakuha ang lakas ng loob para magtanong. Siguro dala ng galit o di na matukoy na emosyon.

"Uh!. hmmm.. we're busy.. please.. harder.. faster.." nanginginig at nanlalabo ang matang pinatay ang tawag.

I know what they're doing. "Talaga ba Jaden?. Sinabi mong, ako lang. Nangako ka sakin na di na uulit pa. What now huh?.. anong gagawin ko?. Buntis ako.."

Humagulgol ako sariling mga bisig. Wala akong makapitan. Yung nag-iisang tao pa na aking inaasahan. Nagpapakasaya pa yata sa iba.

Nangako sya sakin bago gawin ang bagay na ito. Ang sabi nya. Paninindigan nya ako. Ihaharap sa altar at bubuo ng pamilya. Hanggang pangako nalang ba iyon?. Hanggang slaita nalang ba sya?. Sinabi nyang hindi na sya magpapahulog sa bitag ng tukso. Naniwala ako. Pinaniwalaan ko sya. Mali na naman bang magtiwala ako sa kanya?. Mali na naman bang bumigay ako sa kailangan nya?.

"Damn Bamby!!. ang tanga tanga mo!!.." ginulo ko ang buhok sa panlulumo. Ngayong may bunga na ang lahat ng gusto mo. Susuko ka nalang ba?. Iiyak sa gilid at magpapakatanga?.

"No!. May tiwala ako kay Jaden.." gusto kong lokohin pa ang sarili ko. Malay ko naman diba. Baka gawa gawa lang iyon ng hindi ko maturingang pinsan.

I fix myself then tried to contact again his number but it's now off.

Lungkot at galit na ang namutawi sakin.

"Bukas nalang.. kung di mo pa sagutin ang tawag ko.. then we're off Jaden.. we are done.." sambit ko na para bang kausap ko talaga sya.

I tried to stand but nahilo ako. Wala pa akong kinakain simula kanina. I need to eat something.

Pero bago pa ako makatayo. Bumukas na ang pinto. Iniluwa noon si kuya Lance. Dala ang tray na may umuusok na sinigang. "You're order, sinigang.." Anya sabay lahad ng tray saking harapan. Kumalam lalo ang aking sikmura. Lalo pa ng maamoy ang mabango nitong sabaw. "Eat now. It's already midnight at wala pang laman yang tyan mo.."

"Kuya..." iyon lang ang nakaya kong banggitin. Tinignan nya ako. Walang bahid ng anong panghuhusga. I wonder kung alam na ba nila o hinde pa.

"Don't talk. Just eat.." matagal akong tumingin sa kanya bago kumain at humigop ng sabaw.

Hinintay nya pa akong matapos. Dinampot at inayos ang pinagkainan ko. "Matulog ka na.." tumayo sya at iniwan na ako kasabay ng tray. Hindi na sya nagtanong pa.

Di ko na alam kung anong gagawin ko bukas o sa makalawa. Basta bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa.