webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 7: Sinigang

"We need to celebrate!.." anunsyo ni kuya Mark matapos magdrama ng nagtatampo naming kapatid.

Ang sabi nya kila mama, wala raw syang kwentang anak. Parang piniga naman ang puso ko doon. Dagdag pa nya. Sya nalang daw ang di pa nakapagbibigay ng karangalan sa kanila. "Nak, para samin ng papa nyo. Di kami naghangad ng mga bagay na alam naming kayhirap nyong abutin.." pang-alo pa sa kanya ni mama subalit wala pa ring epekto. Bagsak pa rin ang kanyang balikat. Nawawalan ng lakas ng loob para sa kanyang sarili.

"Kuya, lutuan mo ako sinigang.." umangkla ako sa kanyang braso kahit bagsak ang mga iyon. Ramdam ko ang panlulumo nya. Mahirap rin kasing abutin ang pangarap nya. Di yun basta basta lang na naaabot. Ilang taon at libu libong pera pa ang kailangan para lang makamit ang pagiging isang doktor.

"Anong sinigang?. Celebration nga tayo diba Bamblebie?. Labas na tayo!.." masiglang yaya ng aming panganay subalit matindi ko syang tinanggihan. Ayokong lumabas ngayon. Gusto ng sinigang at wala nang iba.

"Ayoko kuya. Gusto ko ng sinigang nya.." nguso ko kay kuya Lance.

"What the hell!?.." di makapaniwalang mura ni kuya sakin. Sinaway sya ni papa sa pagmumura nya subalit binalewala nya lamang na parang walang narinig. "Order na ba ako?.. Time for you to treat us now Bamblebie.." biro nya sabay akbay. Pinagigitnaan nila akong dalawa. Si kuya Lance na nakaupo at nakakawit ang braso ko sa braso nya at si kuya Mark naman na nakaakbay sakin habang kinukulot ang dulo ng buhok ko kaya napapakislot ako.

"Fine. Order what you want Basta lulutuan ako ni kuya ng sinigang.." nguso ko sa mukha ng taong nakaupo sa tabi ko. Di na maipinta lalo ang kanyang mukha sa request ko.

"Bakit ako pa?. andyan naman si mama eh.." reklamo nya. Kinamot pa ang gilid ng labi.

Nagpacute ako. Kumurap kurap para pagbigyan ang aking hiling.

"Bruh, pumayag ka na, para may one bucket tayong beer mamaya.. hahaha.."

"Ikaw nalang kaya kuya.." suhestyon nya saming panganay.

"E kahit naman gusto ko, kung AYAW ng celebrant natin.. anong magagawa ko?." diniinan pa ang ayaw sa mismong mukha ko. Kainis!.

Nilayo ko ang mukha nyang kulang nalang isubsob sakin ang labi nya. "Ew kuya!.." nandidiri kong sambit.

Ngumuso sya't lumabi. "Aw!. You don't love me na ba?. Si Lance lang ba ang kapatid mo?. Ako rin naman ah?.." nagkukunwaring galit na sya ngunit nakataas naman ang suloo ng kanyang labi. Nagpipigil matawa.

"Kuya, masarap kasi syang magluto.."

"So, ako hinde?.." tumayo ako ng maayos at hinarap sya. "It's not like that po..just, for now.. gusto ko ang mga luto nya..."

Matagal nya akong tinitigan. Iniisip kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagbibiro lang. "Sige na nga.." bumigay rin sya. Umikot upang hanapin yata sina mama. "So what now bruh?. Go ahead para makashot na tayo.. nakakapagod magduty sa ospital.." tinaasan ng kilay ang isang tahimik na nakaupo. "Treat ni bunso, minsan lang to kaya grab na natin.. ubusin natin ipon nya... hahahaha.." matagal pa muna gumalaw ang isa bago walang sabi sabing dumiretso ng kusina.

Napatalon ako sa tuwa ng sa wakas ay pagbigyan nya ako. "Mag-order na ako bunso huh?.." paalam nya pa at nag-umpisa ng maglakad patungong kusina. "Nga pala. Alam na ba ito ni Jaden?.." noon ko lang naalala. Oo nga pala!. Suskupo Bamby!.

Nahihiya akong umiling. Ewan ko kung nakita nya ng pagtalon ko ng bahagya dahil sa tuwa. Gosh!. Anong nangyayari sakin?. "Call him now." ngisii nya sakin. Tumango akong kinakapa ang bulsa ng pajama. "And, wag masyadong magtatatalon, baka mapahamak ka.." habol nya. I don't get kung anong ibig sabihin nya doon. Feeling ko may double meaning pero di ko alam kung ano.

Sa sinigang ang pokus ko ngayon. Yummy!

Umupo ako't pumunta sa profile ni Jaden. Nagtipa ako ng mensahe doon kasabay ng screen shot ng pangalan ko. "I miss you.." habol ko at may isang emoji na may halik.

Isinilid ko ulit saking bulsa ang cellphone bago pumasok ng kusina. Nadatnan kong nagbiburuan pa sina kuya. Si mama naman ay pumanhik sa taas upang maligo habang si papa naman ay may kausap sa telepono. Katrabaho nya siguro. Dinig kong tungkol sa mga site at papeles ang binabanggit nila eh.

"Wag ka kasing pikon bruh. Kaya ka inaasar lagi eh.. hahahaha.."

"Psh!. Ang sabihin mo, hilig nyo akong asarin ni Bamby.."

"Whu---?.." itatanong ko sana kung bakit napunta sakin ang usapan nang bumaliktad na naman ang sikmura ko. Patakbo akong nagtungo ng banyo at doon dumuwal.

Shit!. Ilang beses na akong dumuwal nitong nakaraang araw. What's happening?. Posible bang---?. O my gosh!! Di ko matuloy ang sariling tanong sa naiisip. Suskupo Bamby!. Bakit hindi mo agad nalaman ito.

"Uy!. ayos ka lang?.." hinimas ni kuya Mark ang likod ko upang makalma. Ngunit, para akong naestatwa sa kinauupuan ko. Agad nangilid ang luha ko at tuluyang napaupo sa sahig.

"Hoy!. Bamby. Are you okay?. why are you crying?.." nag-aalala na nyang tanong. Wala akong lakas ng koob para sumagot. I'm too speechless!!

"Okay ka lang?.." lalo akong nanlamig nang marinig ang boses ni kuya Lance. At wala pang isang minuto. Dumating rin sina mama at papa. "Anong nangyari dyan?. patayuin nyo nga.." utos ni papa sa kanila.

Tinulungan nila akong tumayo. Dali dali ko namang pinunasan ang dumaang luha saking mata.

"What happened?.." nag-aalala tanong sakin ni mama nang makaupo kami sa may kusina. Kumuha si kuya Mark ng tubig saka iniabot inilapag saking harapan. Umalis naman si kuya Lance sa harap ko para tignan ang niluluto.

"I'm ok-----..." shit!. Di ko na naman naituloy ang sasabihin nang dumuwal na naman ako.

Suskupo!. Kumpirmahin nga!. O my God Jaden!. It's time for you to come here..