webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 76: Don't

Hindi pa nagsisimula ang laro pero mainit na titigan ng mga taong nakapaligid sakin. Si Kuya Lance na panay buntong hininga. Si Jaden na biglang semeryoso ang mukha. Si Aron, na nakikipag-usap sa kateam na hindi rin maipinta ang mukha. Damn!. Sana hindi nalang ako sumama. Mukhang ako pa dahilan ng pagkatalo nila ngayon. Bwiset!..

"Uy. Sorry late ako. Zup bro!.." dumating si Bryle, Paul at Billy na masigla. Hindi napapansin ang katahimikann ng kagrupo nila. Nakipaghigh five pa sila sa iba. Walang takas maging sakanya at sa aking kapatid.

"Hi Bamby.. First time mong manood?.." tumabi agad sakin si Paul. Umupo sa bakanteng upuan na nasa pagitan namin ni Jaden.

"Ah. Hehe. oo eh.." Ang sagwa ng naging sagot ko. Pano ba naman kasi, hindi ako makapag-isip ng tama dahil sa taong kanina pa hindi kumikibo kahit kinakausap ng kanyang kasama. Asar lang!. Ang sarap nyang batukan at sikmurahan!.. Go Bamby!. Do it!.. Sigaw ng abnoy kong isip pero hindi ko ginawa dahil baka ako pa ang mapauwi ng di oras.

"Lance, okay ka lang?.." pansin nya sa kapatid kong nakatuko sa magkabilang binti ang dalawang siko at nakasalikop pa ang mga kamay. Seryosong seryoso ito kung susumain.

"Kuya, uwi nalang ako.." Ng di pa nya sinasagot ang tanong ni Paul. Ayoko sa mga taong ginagawa ang lahat para sakin ng sapilitan. Gusto ko kapag may ginawa sila, boluntaryo na. Walang nakabusangot na mukha. Walang nakakabinging katahimikan. Walang awkward moment. Para na akong yelo dito, until unting natutunaw sa galit nya na hindi ko alam kung saan galing. Wala naman kaming ginagawa ni Jaden. Nagtanong lang naman sya na hindi ko naman sinagot para sa ikasasaya nya. Pero bakit ganun parin sya?. Ang cold!.

"Dito ka lang. Mag-uumpisa na ang laro." Anya sabay tayo dahil pumito na ang referee nila. Naka-maroon ang team ni Kuya. Kasama ang buong barkada ni Jaden, at ni Kuya Mark. Pero wala si kuya. Bakit kaya?.. Ang kalaban naman ay naka itim na may halong dilaw sa gilid ng kanilang damit. Di ako pamilyar sa mga mukha nila. Pawang mga estranghero sa paningin ko.

"Silent warriors. Fight!.." sigaw nila ng nagkumpulan sila. Hudyat na mag-uumpisa na ang laro.

Unang naglaro sina Kuya. Aron. Jaden. Bryle at Poro. Panay ang sigaw ng mga tao dahil sila ang unang nakapuntos.

"Ang init ng kuya mo ha.." sambit ni Billy na sa mga kasamahan pa rin ang tingin. Oo kanina pa. Hindi ko ito masabi dahil bawat puntos ay sya ang naghuhulog ng bola. Damn!. The ape is really mad!.

"Bakit anong nangyari dyan?.." patuloy na sabi nya sa kawalan. Wala akong mahanap na tamang salita para sagutin ang kanyang tanong. Masyadong nagiging misteryo ang pagiging moody nya para sakin. Pinapasakit ulo ko. Ang weird nya this past days. Bakit kaya?..

"Baka wala lang sa mood.." nagsalita si Joyce na kanina pa tahimik sa gilid ko. Inuupuan ang silyang kay Kuya kanina.

"Baka nga.." dinugtungan ko na rin ang sinabi nya para matahimik na si Billy. Walang pang ilang minuto. Nakipagpalit sya kay Billy. Pawis na pawis ito. Iniabot ko agad ang towel at Gatorade sa kanya. Kinuha nya naman ito bago umupo at nagpunas ng pawis. Bago binuksan ang inumin saka lumagok ng kaunti.

"Kuya okay ka lang?.." Wala sa sarili kong tanong. Kunot na ang noo ko sa pagiging cold nya. Damn!.

Mabigat syang bumuntong hininga. "I'm fine.." tipid nya lang na sagot. Bwiset!!...

Maya maya. Si Jaden naman ang umupo at sya ang pumalit. Pero bago sya tumuloy sa court. Bumulong muna ito kay Jaden na nadinig ko. "Wag kang tumabi..." Hell shit!... Kuya naman!. Nakakahiya. Pinapahiya mo ako. Wala naman syang ginagawa.. Ampusa naman oh!.