webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 77: Disappointed

Hindi nga sya umupo saking tabi. Una, dahil nasa magkabilang gilid ko sina Billy at Joyce. Nakatabi ko lang si kuya kanina dahil tumayo si Billy upang paupuin sya. Pangalawa, kahit naman hindi na sabihin pa ni kuya sa kanya na wag umupo sa tabi ko. Hindi talaga sya uupo. Assuming lang talaga ang kapatid ko. Lahat ginagawan nya ng issue. Pangatlo, sa nakikita ko kay Jaden, ang bawal ay bawal talaga. Pinilit nya lang akong tanungin kanina dahil awkward naman kung di nya kami papansinin sa loob ng sasakyan. Sobrang tahimik pa, kaya siguro nya ginawa yun. At para mabasag na rin ang nagyeyelong katahimikan samin.

"Huuu!. Ang gwapo mo Eugenio!!.." may sumigaw ng ganun. Hula ko, galing iyon sa mga dalagang nakaupo ilang hakbang mula sa bleachers.

Nakita kong tumulis lang ang nguso ng bakla. Bwiset!. Yun pala gusto nya. Yung isigaw mo na gwapo sya. Suskupo Bamby!.. Bat di mo kasi alam?.. Sumilay ang ngisi saking labi. Ampusa!. Saan banda ang gwapo sa kanya?.. Bwiset!. Bulag ata yung sumigaw.. Pilit kumawala ang hagalpak sakin ngunit mariin ko rin itong pinigilan. Seriously?. Nagiging bitter na ako sa ginagawa nya sakin.

Nagsibalikan sila sa bleachers. Tapos na ang first 12 minutes. At lamang ang kalaban ng limang puntos.

"Kaya ba nating manalo ngayon?.." tanong sa kanila ng coach nila na tinawag nilang Kaloy. Nakaupo ito sa harapan nila. May sinusulat sa white board na di ko maintindihan. Damn!.

"Yes coach!.." halos sabay nilang sagot.

"Akala ko ba practice game lang to?.. Totoo pala.." bulong ko sa likod ng kumpulan nila.

Nilingon ako ni Poro saka umupo sa hawak kong upuan. "Practice lang to pero mukhang yung kapatid mo ang seryoso.. hahahaha.." humalakhak pa ito. Maingay pa rin magpayo ang coach nila. Habang yung iba, hindi nakikinig. Hay boys!..

"Daig nya pa nasa tournament.. hahaha.." sumabat din si Bryle. Mukhang hindi nga seryoso dahil hindi naman sila sinusuway ng coach nila.

"Gusto nga kasi nyang maging mvp para maging sila na ni---.." biglang tumahimik si Paul nang tumingin si Kuya sa kanila. Ng matalim. Pikon!.

Nakakamatay ang iniwan nyang tingin kay Paul na tinawanan ng iba. "Hahaha.. galit na pre. Bugbog ka mamaya.." takot sakanya ni Aron.

"Ligawan ko kaya kapatid nya, baka sya pa magpabugbog.. hahahaha.." humagalpak ito ng tawa. Hindi ko rin kayang sumabay sa kanila dahil nabaling bigla sakin ang usapan. Hell shit!.. Double awkward.

"Wag nga kayong magbiro ng ganyan. Naririnig kayo ng tao oh.." bigla ay nakarinig ako ng musika sa pagsuway nya sa kanila. Damn Jaden!.. Yung boses mo parang musika, sinasayaw ako sa ulap. Hinehele sa alapaap. Hell shit Bamby!. Magtigil ka nga!..

Bumalik na muli sila sa gitna. Hindi nagtagal, yung limang puntos na kalamangan ng kalaban. Natabunan ng sampung lamang nila Kuya. Nagdiwang ang mga ito sa pagkapanalo.

"Congrats!.." bati ko sa kanila. Nakipag high five lang sila sakin matapos guluhin ang buhok ko. Nakakainis. Yung buhok ko po!.. Gusto kong isigaw pero di ko na nagawa nang magkatabi kami ni Jaden.

"Congrats.." nahihiya kong bati sa kanya. Magulo ang buong team. Pati ng mga tao. Malakas ang boses ng tawanan nila. Ngunit kahit ganun. Hinintay ko pa rin ang sagot nya pero, Damn it!. Nginitian nya lang ako kasabay ng kanyang tango. Wala syang sinabi na kahit na ano. Kahit thank you man lang. Wala.. Damn!. Feeling ko napahiya ako dun.. Pero inisip ko nalang na ginawa nya yun dahil pinahiya rin sya ni Kuya kanina. Sarap kutusan ang baklang yun na malaki na ang ngiti ngayon!... Hmp!..