webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 75: Winked

Mahigit kalahating oras sya naligo at nagpalit. Kaya etong si Kuya. Puro mura ang lumalabas sa kanyang bibig.

"Fuck dude!...."

"Bakit ba?.." natatawa na si Jaden habang nilalagay ang seatbelt. Tumingin pa samin sa likod bago kumindat. Oh my God!.. Kinindatan nya ako. Damn those eyes!. It's like dagger. It's killing me.

Bago umalis, kinawayan kami ni tita.

"Ilang oras ka ba magpalit ha?. Daig mo pa babae.." galit nitong sambit. Ang sabi nya kanina pa naiinip yung kalaban nilang kaibigan nila sa court. Inis na inis itong mag-anatay sa kanya. Kundi pa naglagay ng juice si tita ay di pa lumamig ulo nya.

"Ano ka ba pre. Syempre, nagshower muna ako bago nagpalit.." tinawanan pa nya si Kuya na nakanguso na. Silang dalawa ang nakaupo sa harapan. Nagbabangayan.

"Fuck you.." mura pa rin nya ng madiin. Itinaas pa ang daliri. Sarap batukan.

Tumawa na naman si Jaden. Damn!. Kinilabutan ako. Nanindig ang maliliit kong balahibo sa ganda ng boses nyang humalakhak. Damn!. Am I obsess on him?. Sabihin na nating oo. Nilaro ko ang mga daliri sa kaba. Pampakalma.

"Wag ka ngang magmura. Mahiya ka naman sa kapatid mo. hahahaha.." damn!. Inaasar nya talaga si Kuya.

"Shut the hell up.." matindng mura nya dito.

"Chill pre. Ang seryoso mo naman.. hahaha.." tumahimik na ito ng di na umimik pa ang kausap. Abnoy talaga.

"Bamby, buti sumama ka?.." agaw panisn sakin ni Jaden. Bahagya pa nya akong nilingon. Di ko tuloy magawang lumunok. Muntik pa akong nasamid sa sariling laway. Dammmnnn!.

"Ehem!.. Your not even allowed to talk to her.." singit ni kuya.

Bumara ang hanging di ko kayang ibuga saking lalamunan. Shet!.. Why so awkward?..

"Para magtanong lang eh.." ngiwi ni Jaden sa kanya.

"Anong para dun lang?. Di ko pa nakakalimutan yung nangyari nung isang araw." Huminga ng malalim si kuya. "Pumayag akong sumama sya kahit kasama ka dahil, hiniling nya, na alam kong makikita ka nya. Pumayag ako dahil alam kong hanggang tingin ka lang. Pero nagkamali ba ako?.." bigla ay naging mainit ang dalawa.

"Kuya---!.." pigil ko sakanya.

"I don't need your opinion here Bamby.." natigilan ako. Damn him!.

Dun nabuo ang nakakabinging katahimikan samin. Di ko malaman kung dapat ba akong magsalita o tatahimik nalang kagaya ni Joyce. Tanging mga hininga at busina lang ang naririnig ko.

Hanggang sa lumiko na ang sasakyan at bumungad ang medyo marami ng tao. Isang hindi kalakihang covered court ang nasa harapan namin ngayon. Medyo maingay na dahil sa mga nagdadatingan pang tao.

"Bro, ang tagal nyo naman.." salubong ni Aron sakanila. Hindi sya sinagot ni Kuya. Basta nalang itong dumiretso at naupo sa mga bleachers.

"Hi Bamby!. Beast mode na naman Kuya mo?.." baling sakin ni Aron. Kasabay namin silang papasok. Si Joyce, nakasunod lang samin.

"Parang.." sagot ko dito habang hilaw na nakangiti. Nakatingin kasi sya sakin. Hell shit!. Can you please take your eyes off me?. Minutes of staring. Surely, I'm gonna love you more. Damn!. Kagat ang labing pinigilan ang sariling sabihin ito sa kanya. Kumikibot-kibot ang kanyang labi. Parang may gustong sabihin pero pinipigilan lang magsalita. Saka naman ako tinawag. "Bamby!. Sit here.." dun lang nawala ang tingin nya sakin at umupo rin sa tabi ni Kuya.. Para akong tuod na sinunod ang gusto nya.

May ceiling fan naman pero ewan ko kung bakit tagaktak ang pawis ko. Para akong natatae kahit hindi naman.