webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 72: False alarm

Nadatnan kong nakaupo sya sa malawak na kama. Suot rin ang pajama at jacket na kulay asul. Bulaklakin ito.

"Kumain ka na?.." tanong nito sakin. Bahagyang umatras para paupuin ako sa tabi nya hindi naman na kailangan dahil masyadong malaki ang higaan.

"Hindi ako gutom Pasensya ka na. Di kita nasamahang kumain sa baba kanina.."

"Hehe.. ayos lang. Ang sabi ni tita sakin, may araw daw na hindi ka kumakain. Baka isa itong araw na yun." kinukuotkot nito ang kanyang sugat. Hilaw akong ngumiti sa kawalan. Totoo naman yung sinabi ni Mama, pero ang dating nito sakin para akong naguilty bigla. Shit!.

"Matutulog ka na ba?.."

"Hindi pa ako inaantok.. ikaw ba?.."

"Hindi rin.." umurong ako upang maabot ang headboard ng higaan. Dun ako sumandal. Kinuha ang isang unan sa likod ko saka niyakap.

"Nga pala, pano mo naging pinsan si Denise?.." bahagya itong natigilan. Noon ko lang rin napagtanto na lumabas na pala saking bibig ang kanina ko pa iniisip. Damn Bamby!..

Nag-unat ang katahimikan sa aming pagitan. Damn!.. ano bang nasa isip mo kasi Bamby?..

"Ang mama nya at si mommy ay magkapatid.."

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng ibuka na nito ang kanyang bibig para magsalita.

"Hindi ko alam na matagal na palang niloloko ni Daddy si Mommy." bigla nyang kwento. Napaayos ako ng upo sa sandalan.

"Nalaman lang namin na totoo na pala yung mga tsismis tungkol sa kanya ng tumawag ang kanyang babae kay mommy na buntis na raw ito." nagsimula na nitong punasan ang mga luha sa kanyang mukha. Nakatalikod kasi sya sakin. Kaya tanging kamay lang nya ang nagsasabing umiiyak na ito.

"Gustong gusto kong sabihin sa'yo ang lahat noon pero ayaw kitang idamay sa problema ko. Kaya itinago ko sa'yo."

"Pero bakit?. Kaibigan mo ako Joyce. Magkaibigan tayo?.."

"Kaya nga hindi ko na sinabi sa'yo dahil kaibigan kita at ayaokong problemahin mo rin ang problema ko.."

"Ano ka ba?.. Anu pang saysay ng pagkakaibigan natin kung hindi tayo magtutulungan?.." humagulgol na sya. Dahilan para yakapin ko sya ng patalikod.

"Tahan na. Wag kang mag-aalala. Dito ka na muna habang hindi pa naaayos ang lahat.." niyakap nya rin ako ng mahigpit.

Hanggang sa nakatulugan na namin ang magkayakap.

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na tumatama na saking binti. Unti until kong iminulat ang aking mata. Mag-isa na ako sa kama..My goodness!!!. Late na ako!.. Sapo ang ulo habang lumalabas ng kwarto. Tinatawag si Kuya Lance.

"Kuya?!!!.." Hindi malaman kung kakatok ba ako sa kanyang silid o papasok nalang bigla.

Nilingon ko ang relong nakasabit sa itaas ng maliit na halaman. Sa gilid ng pagitan ng guest room at kwarto ni Kuya Mark. It's already 8:56 am.. Oh my God Bamby Eugenio!!. You are too late now!.. What are your plans?.. Damn!!..

"Mama!!.." sigaw ko. Pero hindi ang tinawag ko ang lumabas saking harapan kundi si Kuya Lance na nakasuot ng jogging pants, sando at sapatos. Pawisan ito.

"Bamby ang aga sumisigaw ka?. Anong nangyari sa'yo?.." sabay punas ng kanyang leeg at noo. Suskupo!..

"Bat di mo ako ginising?. Late na ako..." naiiyak kong sambit.. Hindi sya nagsalita. Mataman nya lang akong tinitigan habang abala sa pagpupunas.

"Bakit?. may lakad ka ba ngayon?.." pagtataka nya.

Saka ko lang narealize na hindi sya nakauniporme. What the f""k!.. Nananaginip na naman ba ako?. Bwiset!..

"Bamby?.." tawag pansin nya sakin. Bumalik sa reyalidad ang aking isip.

Umiling nalang ako. Nahihiya sa kapalpakan.

"Akala mo ba may pasok?. Hahahahaha... sabado ngayon Bamblebie.. Ang bilis mo naman makalimot. Hindi ka ba nakatulog kagabi?.. hahaha.. sayang naman, sabado ngayon. Di mo masusulyapan yung crush mo.. ahahahaha.." tumawa ito ng tumawa.. Abnoy!.. Masama ang naging timpla ng mukha kong iniwan sya. Ba'la sya dyan.

Bawal na ngang makausap e. Ni masilayan, Wala pa ngayon. Malas talaga.