webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 71: Penmanship

Sa likod ng mga pintuang nakasara, nakadapa kong binuksan ang kulay pink na envelope. Ingat na ingat ko pang tinanggal ang pagkakadikit nito. Saka dahan dahang tinanggal sa loob. Maging ang papel, ay kulay pink rin. At gaya ng envelope, stationary rin ito.

Humugot ako ng sobrang lalim na hininga. Kinakabahan ako ng sobra. Naeexcite na natatakot sa maaaring laman ng liham.

"Dear Bamby,.." unang dalawang letra palang. tagaktak na ang pawis ko kahit nakatutok sa electric fan. Mahaba ang papel. Ang unang tupi lang ang binkulat ko. Kaya di ko pa nakkita kung sinong nagpadala ng sulat.

"Masama ba akong tao kung ginagawa ko ang ipinagbawal sa akin?. Masama na ba akong tao kung sinaktan ko ang taong ayaw kong masaktan?. Hehe.. Weird ba?.. Alam mo kasi, nawiwirduhan rin ako nitong nakaraan sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit lahat ng kilos mo ay gustong gusto kong tignan. Hindi naman ako obsessed hindi ba?. Feel ko naman, hindi. Haha.. Kontrolado ko pa ang sarili ko, pero hindi lang nung nakaraan. Kaya nga umabot tayo sa ganito hindi ba?.. Gusto sana kitang kausapin, pero mukhang ayaw mo pa kaya ito nalang ang naiisp kong paraan para magka-usap tayo.. kahit ako nalang ang sumulat sa'yo, okay lang sakin yun. Kahit hindi ka magreply, ayos lang. Basta mabasa mo lang ang mga laman ng isip ko na pilit kong nilulunok dahil hindi ko mailabas."

Damn!. His hand written?.. The way he wrote his words. I knew already who he is. Kahit hindi ko na tignan ang kanyang lagda.

Ang tigas ng ulo. Sabe ng ayoko muna syang kausapin e. Talagang gumagawa pa ng paraan ang loko. Ace Agatep.

Sa huling tupi, ito lang ang isinulat nya. "I'm sorry. Forgive me please.. don't know what to do without you.." damn!.. Anong nakain ng mokong nato?.. Hinanap ko ang kanyang lagda ngunit wala. Hindi na nya nilagay pa dahil alam na nyang mahuhulaan ko agad na sya ang nagpadala nito dahil sa mga sulat kamay nya.

Inulit kong muli ang huling linyang sinulat nya ng malakas. "I'm sorry. Forgive me please.. don't know what to do without you.."

What?!....

Tahimik nga akong sumigaw. Hindi makapaniwala. Kinuha ang unan saking tabi saka tinakip sa mukha. Nakadapa pa rin ako. What the hell Ace?.. What's on you again?..

Akala ko sa kanya na galing e. Akala ko lang pala. Heto na naman tayo sa mga maling akala Bamby. Maling akala na lagi nalang tayong pinapaasa. Kahit wala naman, umaasa tayong meron. Inaakalang mangyayari ang nasa isip natin pero, damn!. Hindi pala. Dahil akala ko lang pala.

Tumayo ako't inayos ang nagulong buhok. Saka bigla ko nalang naisip ang huling lyrics sa isang kanta na "Ng maling akala." kinanta ko pa ito bago napatalon dhail sa gulat. Ampusa!. May pusa na naman!.. Hell shit!..

"Bamby.." si Kuya Lance naman ngayon ang nasa labas ng kwarto ko. Anu bang problema nila?. Puro sila Bamby. Mamaya mapudpod na pangalan ko kakatawag nila. Lol..

"Samahan mo raw muna si Joyce sa guest room. Dun ka na muna raw matulog sabi ni Mama." anya kahit di ko pa nabubuksan ang pinto. Tinamad na ako.

Kumatok lang sya ng kumatok kaya wala akong choice kundi pagbuksan ito.

"What?.." tamad kong sambit. Dinungaw ko ito. Nakahalukipkip na..Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Walang akong sapin sa paa. Suot ang pink na pajama at mahabang damit.

"Si Joyce, ang sabi ni Mama tabihan mo raw muna matulog.."

"Bat ako?.." Wala sa sarili kong sambit.

"Bakit naman hinde ikaw?. Bamblebie, bisita mo yun tapos iiwan mo sa ere?.." tumaas kilay nya.

Damn!. Wala ako sa mood makipag-usap e.

Umirap ako sa kawalan.

"Okay po." sabay alis sa kanyang harapan.

"Hep?.." pigil nya sakin ng isasara ko na ang pintuan.

"Anu na naman?.." nainis ako bigla. Di ko alam. Dahil siguro sa hindi naabot ang expectation ko o dahil sa nabasa kanina. Suskupo!..

"Bakit ano yan ha?.. Anyare sa'yo?.." hinawakan nito ang panga ko saka sinipat bawat anggulo. Damn!..

"Wala Kuya.." iniiwas ko sa kanya ang aking paningin.

"May hindi ba ako alam?.." pumasok sya sa loob ng aking kwarto saka hinawakan ang mga nakapatong sa mesang nasa tabi ng aking kama.

Suskupo!. Andun pa naman yung envelope. Sana di nya makita. Ampusa naman kasi Bamby. Bat di mo itinago agad?.

Inilingan ko lamang sya.

"Sus!!.. nagdeny pa. Mukha namang meron."

"Whatever Kuya.." sabay labas ng kwarto pero agad nyang hinila ang aking braso.

"Kanino galing yung sulat?.."

Paano nya naman nalaman ang tungkol dun?..

"Nakita ko kayo kanina ni Kuya. Kanino galing yung sulat ha?.."

"Di ko po kilala.." humakbang ako pero hinila nya muli ako.

"Malaman ko lang na kinakausap mo ang kahit isa sa kanilang dalawa, malalagot ka. Ay mali, sila ang lagot.. Bamby.." natulala ako sa likuran nyang pumasok na sa kanyang kwarto. Bwiset!.. Wala naman akong ginagawa ah. Bat nya ako tinatakot?. Bwiset talaga!!. Badtrip!..