webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 6: Not interested

Pinabayaan nila akong manahimik ng ilang minuto bago hinila papuntang mall. Sinabi ko sa sarili ko na hindi dito natatapos ang lahat. Hindi ako papayag na ganun nalang matatapos ang lahat. Hindi man ngayon ang oras para sa amin. Sisiguraduhin ko. Sa araw na uuwi sya dito. Hinding hindi ko na hahayaang pang malayo sya sa piling ko. Kahit ano pa man ang mangyari o kahit sino pa ang humadlang. Buong puso ko itong susuungin. Maging kami lang.

"Pare may nakatitig sayong babae.." bulong sakin ni Bryle na mabilis kong siniko dahilan para humagalpak ito ng tawa. Pinagtinginan tuloy kami dito sa loob ng isang fast food. Kakatapos naming maglaro at nagyaya silang kumain dahil ginutom daw sila sa game zone kanina.

"Nakatingin sya sa'yo.." umakbay ito sakin bago na naman bumulong.

"Wag mo nga akong pagtripan. Wala ako sa mood.." sungit ko dito.

"Sus!. Wala sa mood o broken hearted?.. hahaha.." sinamaan ko agad ito ng tingin. Bwiset!. Pinaalala pa eh.

Nagtaas ito ng mga kamay. Defensive!. Malakas ang tawa kasabay ng kanyang ngisi.

"Bakit yun?.." tanong ni Billy kay Bryle na walang hiya kung tumawa. Wala talagamg hiya!..

Dumungaw ito palapit kay Billy saka sinabi ang "May babae. Kanina pa nakatingin sa kanya. Sinabi kong kawayan nya eh. Ayaw.. hahaha.." agad ko syang binatukan.

"Aray!.." reklamo pa nya habang tumatawa.

Gago!.

"Asan?.." hanap naman ni Billy. Luminga sya sa paligid. Tumayo naman si Bryle saka umakbay at tumabi sa kanya. "Nasa likod mo. Maganda. Parang diwata ang puti." bumuka ng malaki ang bibig naman nitong si Billy. Parang baliw!. Mga timang!..

Umiling ako at nilantakan na lang ang fries na nasa harapan ko. Kung sya lang yan. Baka kanina ko pa nilapitan. Pero hinde eh.

Inabala ko ang sarili ko sa pagsubo at pagnguya ng fries. Nang may maramdaman akong lumapit.

"Hi.." bahagya akong napatalon ng may magsalita saking tabi.

Damn!.

Salubong na ang aking kilay ng mag-angat ako ng tingin. At!... Yung babaeng tinutukso sakin ni Bryle. Nasa harapan ko na. Nakatayo at maganda ang ngiting nakalahad ang kamay.

"I'm Veberly. Can I join you here?.." Anya ng hindi nawawala ang ngiti. Binasa ko ang ibabang labi saka natatarantang tumayo.

Matagal muna bago ako makapagsalita.

"Yeah.. you can sit here.." pinaupo ko sya sa dating inuupuan ko saka hinanap ang mga unggoy.

Bigla silang nawala ng di man lang nagpapaalaam. Nalintikan na naman ako. Hinagod ko ang sariling buhok dahil sa kaba. Hindi ko tuloy alam kung pano kakausapin ang nagpakilalang Veb.

"Sinong hinahanap mo?.." tanong nya sakin ng hindi ako magkandaugaga kakalinga.

"Ah. Yung mga kasama ko. Hindi kasi sila nagpaalam na aalis." makita ko lang sila mamaya. Bugbog sarado ang dalawa.

"Ah. Ang sabi, pupunta lang daw silang game zone. Tatawagin yung mga kasama nyo.." paliwanag nya bigla. Kaya tumingin ako sa kanya. At nagsalubong ang aming mga mata. Kilabot ang nanalaytay saking buong katawan. Bat ganyan sya makatingin?. Nalintikan na!..

"Pano mo alam?. kinausap ka ba nila?.." Hindi ko maiwasang magtaka. Nahihiya akong umupo sa kaharap nyang upuan. Binasa ang ibabang labi saka umayos ng upo. Nilagay ang magkasalikop na kamay sa itaas ng nesa. Salubong pa rin ang kilay na tumingin dito.

"Oo eh. Binilin ka bigla sakin. Nagulat nga ako eh. haha.. May sakit ka daw. Kaya pumayag naman ako..."

Ngumisi. Hinagod ang buhok. Kinagat ang labi. Saka pinisil ang aking ilong sa narinig. Sabi na nga ba eh. Mga gago!. Pinagtripan na naman ako. Yumuko ako at pumikit. Anong gagawin ko ngayon?. Magpapaalam nalang ba ako?. O Iiwan sya mag-isa rito?. Ano Jaden?. Isip!..