webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 7: Badtrip

Namalagi ang napakahabang katahimikan sa aming pagitan. Nakakabingi. Panay sulyap at linga lang kami sa mga dumadaan sa aming gawi. Sobrang awkward neto!!..

Malapit nang dumugo ang aking labi sa labis na pagkagat ko dito. Damn this!. Mga ugok na yun!. Iniwan ako sa sitwasyong ganito?. Papatayin ko sila ng suntok mamaya..

"Hey, okay ka lang?. malapit nang dumugo yang labi mo oh.." tinuro nya ang ibabang labi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya saka dinilaan at itinikom nalang ang aking bibig.

"Ayaw mo bang andito ako?.. Kung ganun aalis nalang ako.." nilingon ko lang sya at hinayaan nang umalis saking harapan.

Hinabol ko ng tingin ang kanyang likod. Maikli ang buhok na abot hanggang balikat. Itim ito at sobrang kintab. Ang balat nya, sobra pa sa makinis. Mas lalo pa itong kuminang dahil sa mahaba nyang legs. Idagdag mo pa ang kanyang katawan, payat pero hindi sobrang payat. Ang damit. Binabali nito ang mga ulo ng kalalakihan. Short shorts. Na sinamahan ng maluwag na damit na nakatuck in. Matching with the sneakers. Kung ibang lalaki lang siguro ang nasa kalagayan ko, siguradong kanina pa nila nakuha numero nya. Pero hindi ako ganun. Ayokong magpadalos dalos sa mga hakbang na ginagawa ko. Ayokong magpaasa ng tao dahil alam ko ang pakiramdam ng umaasa at naghihintay sa wala. Masakit. Masasaktan ko lang sya.

Damn Jaden!.. Nakakahiya ka!.. Hanggang kailan ka ba mahihiya ha?.. Maging lalaki ka nga!.

Kung itataanong mo. Ako yung tipo ng lalaki na tahimik kapag hindi mo kinausap. Tahimik kapag nahihiya o walang interes sa isang tao o bagay. Ganun. Alam mo na agad kapag hindi ako interesado sa'yo. Walang kibuan o pag-uusap man lang.

Lumabas ako ng fast food ng nalilito at may halong inis.

"Pre, dito!.." kaway sakin ni Kian ng maglakad lakad ako sa loob ng mall. Didiretso sana akong game zone kung saan sila. Kaso, baka masipa ko lang ang mga unggoy na yun. Pinahamak ba naman ako.

Nagtatawanan na ang mga gago ng papalapit ako sa gawi nila. Nasa loob sila ng isang boutique. Nagtutulakan. Humanda kayo sakin!..

Kumalma ako. Kailangan para makaganti sa mga bugok.

Ibinulsa ko ang dalawang kamay sa pantalon saka preskong pumasok ng boutique.

"Zup pre!.. hahaha.." apir sakin ni Kian. Tinanggap ko ang kamay nyang nakataas. Para makipag-apiran.

"Zup!.." sagot ko rin dito.

Matapos nun. Nilagpasan ko sya at dahan dahang nilapitan ang dalawa na abala sa pamimili ng damit. Hinanap ko kung may ibang tao pero kami lang. Nang nasa likod na nila ako. Sabay ko silang inakbayan sa gitna.

"Maganda ba yan?.." tanong ko sa kanila ng nakangiti.

Sabay lang lumaki ang kanilang mga mata. Nagtataka sa presensya ko. Di pala sila unggoy. Tarsier sila. Tarsier.

"Sana bilhan nyo rin ako.." wika ko sa kanila. Sakin pa rin ang mga mata nilang nagtataka. Nakakatawa silang panoorin. Para silang nakakita ng multo na gigisng sa katawang lupa nila.

"Anong ginagawa mo ri-rito?.." nauutal na himig ni Bryle. Umiling ako at hinimas ang pareho nilang batok.

"Kayo.. anong ginawa nyo kanina?.. ha!. mga ugok!. iniwan nyo akong mag-isa. mga timang!!.." salitan kong pinagsasapak ang mga batok nilang maiitim. Sabay pa ng sipa. Walang tigil na sipa.

Puro ilag lang sila. At tawa.

"Mga ugok kayo!.." patuloy kong sapak sa kanila. Pero patuloy lang silang tumatawa.

"Mga gago!.. natatawa pa kayo?. bwiset!.." inis kong bulyaw.

Nag-init ang buo kong katawan sa pagsapak. Lumapit na rin samin ang buong barkada.

Tumigil si Billy sa pagtawa pero hindi si Bryle.

"Anong akala nyo sakin, ha?. Laruan?. Na pwede nyong paglaruan?. gago!. Kung gusto kong manligaw ng babae, kusa kong gagawin yun. Hindi nyo na ako kailangan pang ipagtulakan.."

"Pare ano yan ha?.." singit ni Ryan.

Suminghap ako ng hangin saka binuga. Sumeryoso na rin ang mukha ni Bryle. Ganun rin si Billy. Ang iba. Nalilito sa aming tatlo.

"Ang seryoso mo naman pare. Niloloko ka lang namin eh.." angil pa ni Bryle.

Sasagot pa sana ako pero mas pinili kong manahimik nalang. Hindi ako agad nagagalit sa tao pero kapag napuno ako sa'yo. Ewan ko nalang.