webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 5: Bad day

Agad nagpalarga ang aming prinsipal. May general meeting daw sila para sa darating na graduation namin. Kaya nagyaya ang lahat na gumala.

"Jaden, mall tayo?.." alok nila sakin pero tinanggihan ko lang. Wala ako sa mood eh. Ang gusto ko ngayon, humilata at matulog lang. Wala ng iba.

"Pre game zone tayo!. Sama ka?.." kulit sakin ni Ryan kahit umayaw na ako kanina. Nasa loob kami ng room. Nagsasara ng mga bintana.

"Kayo nalang.." sagot ko.

"Ano ka ba naman?. Ngayon ka na nga lang ulit sasama samin tapos aayaw ka pa?. Mag-enjog ka naman minsan pre..."

"Nag-eenjoy naman ako ah.." angil ko dito. Sa totoo lang. Simula nung araw na umalis sya. Hindi ko na mahanap ang salitang masaya. Oo, tumatawa ako. Oo, nakangiti ako. Pero pakiramdam ko. Hindi ako masaya. Parang laging may kulang. Na hindi ko alam kung saan hahanapin.

I'm stucked!.

"Sa lagay na yan?.. Pare, kung iniisip mo ang taong wala dito. Tigilan mo na yan. Ikaw lang ang masasaktan kapag pinagpatuloy mo pa yan..Maraming iba dyan. Maraming nagkakagusto sa'yo.. Patulan mo rin minsan. Hindi yung, ganyan. Para kang estatwa na sinimento sa isang lugar. Hindi makausad.."

Wala akong mahanap na salita para isagot sa kanya. Masama ba ang mag-isa?. Masama ba ang maghintay?. Yun ba ang punto nya?.

"Kung hihintayin mo pa ang pagbabalik nya pre. Baka mapag-iwanan ka na ng barkada. Get a life dude. Kung kayo man para sa isa't isa. Magiging kayo balang araw. Kaya galaw galaw din ha?.. hahaha.." tinapik ako sa likod saka iniwan na ng mag-isa sa loob ng room.

Hindi sa ayokong manligaw ng iba. Sadyang.ayaw ko lang gumawa ng mga bagay na alam kong hindi ako sigurado. Bakit ko papasukin ang isang relasyon nang hindi buo ang loob ko?. Kawawa lang ang babaeng liligawan ko kapag nagkataon. Masasaktan ko lang sya at yun ang pinakaayaw kong mangyari.

"Mga pare una na ako.." paalam ko sa kanila. Nasa loob sila ng gym. Nagkukumpulan. Nagpaplano ng lakad nila.

"Hep!. Not that fast.." hila sakin ni Kian pabalik ng gawi nila. Pinaupo nya ako sa stage. Saka tinuro. "Ayaw namin itong sabihin sa'yo pero mukhang kailangan." Anya sabay labas ng touch screen nyang cellphone.

Habang pumpindot sya. Hindi ko maiwasang mag-isip kung tungkol saan ang sinabi nya kanina. Nakatingin lang ang iba sakin. Tinging nakakaawa. Matang may simpatya. Para saan ang mga pinupukol nila?.

Damn!. This feeling is, weird.

Nang iangat ni Kian ang kanyang braso. Duon din ako tumingin sa kanyang mga kamay. Hawak nito ang cellphone na nahakarap sakin. Bakas pa ang nginig at mga ugat sa kanyang braso. Naglakbay ang aking paningin. Natigil sa laman ng screen ang nagtataka kong mata.

"Ano yan?.." paos kong sambit. Hindi mawari kung dahil ba sa uhaw o sa takot na biglang namuhay sakin.

"Nakikilala mo ba yan?.." balik tanong nila sakin. Tumunganga lang ako sa larawan.

Si Bamby. Oo. Sya yung nasa larawan. Nakapulupot ang braso ng lalaking mukhang kano sa kanyang baywang. Ganun rin ang kanyang braso sa baywang ng lalaki. Pareho silang malaki ang ngiti. At ang damit nila. Kalahating puso kay Bamby. Kalahati rin sa katabi nya.

Ang... sakit... sa.. mata.. dude!..

Habang tumatagal sa paningin ko ang mga puso. Lalo silang nabibiyak ng pinu-pino. Na unti unting, tinatangay ng hangin. Palayo saking piling. F*ck this!..

"Sorry pare. Pero may boyfriend na sya sa Australia..." paliwanag ni Bryle. Agad dumapo ang nagtutubig kong mata sa kanya. Shit!.. Bakit ang babaw naman ata ng luha ko ngayon?.

"Sinong nagsabi?.." basag na ang aking boses. Nilapitan ako ni Billy at tinapik ang balikat.

"Let go pre. Si Lance ang nagsabi samin." bulong nya sakin. Bahagya pang tinapik ang aking ulo.

Kagat ang labing yumuko ako at tumango sa kanila. Pinipigil ang luhang gustong bumaba. Kumurap kurap ako. Ayokong umiyak. Hindi ako ganun.

Jaden. Time for you to wake up. Been four years. They're right. Marami pang iba dyan.

Oo madaling maghanap ng iba. Pero, pano?. Kung sya lang ang hahanapin ko sa kanila. Hindi ba mas mahirap yun?. Mas masakit.

Imposible naman kasing walang magkakagusto sa kanya doon. I already knew that. Kaya nga, natakot ako nung araw na bitawan ko sya. At hayaang lumayo. I knew it. Mangyayari ito. Nga lang. I'm not that prepared. Sa ganda nya?. Malamang, hindi lang iisa ang manliligaw nya Kundi, marami sila..

"Pare. Hindi namin alam ang nararamdaman mo. Pero kung kailangan mo ng kausap. Andito lang kami.." Isa iaa nila akong tinapik sa ulo at balikat. Sinasabing, kasama ko sila sa labang ito. Binigyan ko lang sila ng isang thumps up. Di ko kayang magsalita eh. Saka na siguro kapag nailabas ko.na ang sakit.