webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 38: Stare

"Hoy gurl para ka ng baliw.. Magtigil ka nga.." kinurot pa ang ilong ko dahilan para samaan ko sya ng tingin. Sarap na nga view ko e. Sinisira pa nya. Palibhasa walang lablyp!. Inggit lang!.

"Wag mo masyadong titigan. Baka matunaw.. hahaha.." kahit puro pang-aasar nalang ang ginagawa ng bakla sakin. Mas pinili ko pa ring umupo sa shed. Mismong daanan namin papuntang room. Nilagyan nila ng bubong at upuan ang daraanan para kahit umulan man o maaraw. Safe pa ring dumaan dito.

"Whatever.." irap ko dito. Nakatayo sila ni Karen sa harapan ko. Mga nagtatawanan. Hindi ininda kung pagpawisan o mainitan.

Yung irap ko sa kanya. Sinuklian nya ng isang nakakaputol leeg irap. Mas lalong humagalpak si Karen. Di malaman kung uupo ba o tatayo ang gagawing pagtawa. Damn!.

"Try mo kayang sabihin sa harapan nya yang whatever mo. Tignan natin.." hinablot ko ang kanyang notebook pero mabilis syang umilag.

"Not me. Little Bamby..."

Di ko sya pinansin. Hanggang sa matigil nalang rin ito sa pang-aasar. Kinakawayan ang bawat taong nakikita. Ultimo guro. Ang kulit lang.

"Di pa ba kayo pupunta ng room nyo?. Mainit dito.." isa sa mga guro namin. Napadaan. Nakatayo sa gitna nilang dalawa.

"Tara na Bamby.." alok sakin ni Karen. Inilingan ko sya. Di ko pa kumpleto yung current events ko. Lima lang to. Dapat sampu. Baka pagalitan ako ng masungit naming guro.

"Mauna na kayo. Di pa kumpleto yung akin.." kako. Nauna nang nagpaalam ang aming guro. Mainit pero mahangin naman. Kaya medyo kaya ko pa.

"Ha?. Akala ko ba kanina ka pa natapos?. Kung makatitig ka sa dyaryong hawak mo kulang nalang kainin mo e tapos di ka pa pala tapos. Anyare gurl?.."

"Ay wala Karen. Lutang to kanina. May ibang iniisip.." turo nya sakin habang na kay Karen ang tingin.

"Di lang lutang gurl. Lumilipad pa.." humagalpak na naman sila. Kapag silang dalawa talaga ang nagsama, talagang rinig hanggang kabilang kanto pa ang kanilang tawa. Ang lakas.

"Ang iingay nyo. Umalis na nga kayo.." inis na singhal ko sa kanila.

"Bakit naman kami ang aalis?. Ikaw nalang kung gusto mo.." yung biro ni Winly, tinotoo ko. Tumayo ako't nag-umpisa nang maglakad papalayo. Pero mabilis rin naman nilang hinigit ang magkabila kong braso pabalik.

"Joke lang te. Ang seryoso mo naman.." ani Winly. Pinaupo akong muli sa dati kong pwesto kanina.

"Aalis na ako. Bakit nyo pa ako hinatak pabalik?.."

"Teka lang gurl. Wag kang atat.." nasa kamay na nya ang cellphone. Pumipindot. May tinatawagan ata.

"Hello..." maarte nya pang bungad sa kausap. Di ko alam kung sino.

"Huy Jaden. Si Dyosang Winly to.." yung normal kong mata na nakatingin sa kanya kanina. Lumaki ng bahagya. Gulat sa taong kausap nya. Damn him!. Alam na alam talaga nya ang kahinaan ko.

"Ah. May ipapakiusap lang sana ako. Pwede bang kumuha ka ng current events dyan. Kulang pa kasi yung kay Bamby e.." kumindat sya sakin. Kagat pa ang labi. Nagpipigil tumili.

"Sige. Salamat Jaden." binaba nya ang telepomo saka siniksik sa kanyang bag.

"Problem solved with the prince charming..." huminga sya ng maarte.

"Aray ko naman gurl!.." pinalo ko sya sa braso.

"Ano yun?.." reklamo ko.

"Diba sabi mo kulang pa yung nakuha mo kanina. Kaya tinulungan na kita para di ka na mahirapan pa. Lalo na't ban tayo ngayong araw na to sa library.."

"E bat sa kanya ka pa humingi ng tulong?.." inis na insi ako. Bakit sa kanya pa. Nakakahiya.

"Why not ba?.." matalim ko syang tinignan dahil sa sinabi.

"Alam mo gurl. Di ka magkakalablyp kung di ka gagawa ng paraan. Tinutulungan ka na nga namin e. Nagrereklamo ka pa.."

"Sino bang nagsabing kailangan ko ng tulong nyo ha?.." si Karen. Nakangiti lang samin. Si Winly, di talaga nagpapatalo.

"Wala ka ngang sinasabi. Pero yang mata mo, ang daldal. Ang ingay. Sumasayaw sila tuwing andyan sya.."

Grabe!. Pati ba naman yun nakikita nya. Ang astig nyang observer. Nakakabilib.

Happy New Year!.

Chixemocreators' thoughts