webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 39: Is it love?

Ang sabi ni Winly, antayin na lang raw namin si Jaden para diretsong bigay nya sakin yung pinagawa nya. Ang sabi ko naman, sila nalang magantay dahil naiinitan na ako. Gusto ko nang pumasok ng room. Pero ang nangyari. Pinigilan nila ako.

"Mag-antay pa tayong konti. Palabas na yun. Nararamdaman ko.." paniniguro nya. Nakatingin sa gawi ng library. Duon kasi pumunta si Jaden kanina. May assignment daw kasi sila. Di nya nagawa kagabi dahil nag-alaga sya ng kapatid.

"Pero kasi mainit na. Kayo nalang.."

"Hindi gurl. Tayo nalang ha.. tayo nalang.." pilosopong sambit pa nya. Nakapamaywang pa sakin. Hawak ang pamaypay. Di mabitawan.

Kaming tatlo ang nag-abang sa kanya. Habang nakaupo. Nagsimula silang nagtanong.

"Gurl kung, kung ha. Kung sakaling may gusto rin sya sayo. Anong gagawin mo?.." si Karen ang unang nagtanong. Na di ko alam kung anong isasagot. Swear. Kapag sya ang topic. I'm off words.

Napipi na naman. "Ganito nalang. Kung ikaw ang tatanungin?.."

"Nagtatanong ka na.." binara ko sya agad. Inirapan akong inirapan.

"Patapusin mo naman ako. Masyado kang excited. Halatang love mo na nga sya.."

"Tsss.. Magtanong ka na nga lang.. Dami pang satsat e.."

"E sa ang dami momg commercial e.." nagtawanan kami. Nakisali ako dahil natawa rin naman ako.

"Crush mo ba sya o mahal na?.." unti unting naglaho ang maganda kong ngiti. Di makapaniwala.

Crush ko nga ba sya o mahal na?. Seriously?. What Bamby?. Answer...

Naglinis ako ng lalamunan. Lumunok at huminga ng napakalalim. Nalilito ako e. Gusto ko sya na parang mahal na. Ano ba?. Nahihibang ka na Bamby!. Umayos ka nga!..

"Ah.. Mukhang alam ko na ang sagot. Wag mo nang sagutin." pigil sakin ni Winly. Tumayo syat hinla si Karen.

"Dyan ka muna ha. Bili lang kaming tubig. Uhaw na kasi ang dyosa.." anya. Tatango palang ako pero papalayo na silang dalawa.

Mga bwiset!.Iniwan nila akong mag-isa. Talaga lang?. Bakit kaya?..

Duon lang nasagot ang tanong ko ng may nagsalita.

"Bamby?.." nagtataka ang kanyang boses. Si Jaden. Nakatayo na saking likuran.

"Ah.. hehe. ikaw pala.." peke ang ngiting ginawa ko. Eto pala. Kaya kumaripas sila ng takbo dahil paparating na sya. Astig nila!. Mga ninja. Ampusa!.

"Sinong kasama mo dito?.." hinahanap kung sinong kasama ko.

"Sila Karen. bumiling tubig daw.."

"Bat di ka nila sinama?.." natulala ako. Yun nga rin gusto kong itanong sa kanila. Na ikaw rin ang sagot.

Nagkibit lang ako ng balikat.

"O.." sabay abot ng plain black nyang notebook.

"Ano yan?.."

"Yung current events..Kunin mo na muna yang note ko. Balik mo nalang pagkatapos.." O my God!. What a good day..

"Salamat.." ampusa!. Nautal ang dila. Di man lang nakisama.

"Sabay na tayong pumasok. Late na tayo.." di agad ako nakagalaw. Nauna pa syang naglakad bago ako sumunod.

Makaksabay ko sya!!.

Hell shit!. This is so ugh!. i'm happy. Waaaa....

Habang naglalakad...

"Huy bro!.." salubong ng taga ibang section sakanya. Tapos sulyap sakin sabay ngiti.

"Hoy! Jaden!. Ano yan!!?.." sigaw ng isa pang taga ibang section.. nilingon nya ako sabay kibit balikat sa nagtanong.

Marami pang kumaway sa kanya, maging sakin habang kaming naglalakad. Hanggang sa room..

"Salamat.." nahihiya ako. Ampusa!. Nagkamot ito ng ulo sabay tango at ngiti.

"Balik ko nalang to mamaya.. sige bye.." putik!.. Di ko sya kayang tingnan sa mata. Nababaliw ako. Mabilis ako pumasok sa loob at umupo ng mabilis ang takbo ng puso.

O juice ko!. Ano ba naman ito?. Di ba walang hiya!. Lols..