webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 37: Happy

Dahil nga sa di maiwasang pangyayaring iyon. Umabsent nga ako ng isang araw. Si Kuya, late nang pumasok.

"Uy gurl.. ganda mo ngayon ha.. Bat ka absent kahapon?." ani Winly. Nasa library kami ngayon. Naghahanap ng mga pwedeng ireport sa current events namin. Tanghaling tapat. Kakatapos naming kumain.

"May pinuntahan lang kami ni Kuya Mark.." a bit lie and a truth. Matapos kasi nung klase ni kuya ng hapon, sinamahan ko sya sa kanyang appoinment. Sideline kasi nito ang pagiging modelo. At nung time na yun, wala ng masakit sakin. Okay na lahat. Feeling ko nga, ayaw nya lang akong papasukin. Loko rin talaga minsan ang dugo ko. Nakikisama saking isip. Tamad. Lol!.

"Saan naman?."

"Basta.."

"Di ko ba pwedeng malaman?.."

Tinanguan ko lang sya. Sa notebook ang mata habang nasa ibang lapalop ang isip. Naglalakbay. Lumilipad.

Natahimik na sya. Naging abala sa paghahanap sa dyaryo. Nga lang. Makalipas ang ilang minuto. Dinunggol nya ako. Magkatabi kami. Tapos kaharap namin si Karen. Si Joyce, di na sya sumasama samin simula nung nanalo ako. Sa ibang grupo na sya ngayon. Nakatanaw lang samin.

"Hmmm?.."

"May naghahanap pala sayo kahapon?.."

"Hmm. sino naman?.." sa dyaryo pa rin ako nakatingin.

"Madami sila e..." anya. Nilipat ko sa kabilang pahina ang dyaryo tapos naghanap muli.

"Haist Winly, wag ka ngang mambola nasa library tayo gurl.."

Tapos tumawa sya ng mahina. Tinignan ko sya sa gilid ng aking mata. Nakanguso. Di malaman kung totoo ba ang sinasabi nya o niloloko lang ako. Kakaclub sya ni kuya Lance e. Tripper.

"Haha..swear gurl. I'm not lying. Kahit tanungin mo pa kay Karen.."

"Ano namang tatanungin ko sa kanya?.."

"Kung sinu-sino yung mga naghahanap sayo kahapon?.."

"Tsk.." walang interes kong singhal.

"Hinanap ka talaga nila samin Bamby. Lalo na ng iyong bestfriend at ni ehem Jaden mo.." natameme ako sa kanya. Really?. Grrr!. I can't talk.

Take it easy Bamby!. Calm down. Kung bakit di ka kasi pumasok kahapon e?. Yan tuloy namis ka nya. O sashhhhh!. Got damn it!. Really?. So assuming you little freaking heart of mine. Like I'm gonna die. Lolssss...

"Haha.. di sya makaimik. Kinikilig. Ampusa!.." mahinang hagalpak ni Winly saking tabi. Totoo bang hinanap nya ako?. Bakit kaya?. Can't figure it out!. Can't think to. I am lost!. Hell shit!.

"Hahaha... oo nga gurl. Namumula pa.." maging si Karen di na rin mapigilang tuksuhin ako. Tinuro pa mismo ang pisngi ko.

"Ssshhhh..." sinuway kami ng librarian. Nadinig siguro nila ang isang malakas na halakhak ni Karen kanina. Kung di pa sya sinuway ni Winly, baka napalabas na kami.

"Shit. Wag nga kayong maingay. Palabasin tayo e.." di sila nakinig. Ang sarap nilang kaibiganin. Mga walang hiya.

Di nga nagtagal. Nilapitan kami ng librarian saka pinalabas na ng tuluyan. Mga pusa!. Di ko pa tapos yung report ko. Bwiset!.

Nag-apiran pa ang dalawa kasabay ng malakas nilang tawa. Ako, nakatingin lang sa kanila ng masama. Talim na talim.

"Wag kang tumingin sakin ng ganyan baka mahimatay ako.. haha.." binanatan pa ako ng bakla. Sya kaya biruin ko.

Inirapan ko lang sya. Tapos walk out na. Di nagtagal. Sinundan rin nila ako.

"Oopsss. May paparating.." ani Winly. Natanggal tali ng sapatos ko kaya umupo ako sa gilid at tinali ito ng nakayuko. Kaya di ko rin makita kung sino ang tinutukoy nyang paparating.

"Jaden, saan punta mo?.." natigil ako ng ilang segundo. Palihim na huminga ng malalim bago tinapos ang pagtatali.

Tumayo ako't inayos ang sarili. Kabado syempre.

"Hi Jaden?.." ako ang unang bumati. Nanginginig na nakikiliti. Umayos ka Bamby!. Umayos ka!. Nakapamulsa ang isa nyang kamay. Ang isa naman, may hawak na notebook.

"Kamusta pakiramdam mo?.. Okay ka na ba?.." muntik na akong tumalon sa tuwa sa sinabi nya. O God!. Am I dreaming?.. He is concern to me. Gosh!. Ssshhhh... Hahaha. Bamby breathe!. Kamusta raw pakiramdam mo?. Sagot agad gurl.

"Uy gurl. Sagot sagot din pag may time.. Anu yan?. Napipi na ba tayo?.." binara pa ako ng baklitang to. Hay ewan. I'm happy. Lol.

Kay Jaden ako tumingin saka tinanguan sya. "Okay na ako. Salamat.." buti di pa ako nautal.

"Hmmm. sige. see you.." waaaa!....

sigaw ng puso kong pinana ni kupido. Natamaan na rin ata sya. Juicekupo!. Air please.

"Hay grabe!. Kakaiba talaga nagagawa ng pag-ibig. Lahat pinapalutang kahit mabibigat na damdamin. Kita mo sya. Parang bulkan, malapit nang pumutok. Magkalat ang mga lava, marinig ng mga iba. Hanggang sa makarating na sa kanya. Boom!. Volcanic eruption explode!. Beym!.." di ko maintindihan ang mga sinasabi nya. Basta ako. Nakangiting nakatingin sa daang tinahak nya. Mahal ko na ata ang taong yun. Kakaiba na pakiramdam ko e. Nakakabaliw.

ENJOY!. ?

Chixemocreators' thoughts