webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 3: His voice

Days later...

Dumating na ang graduation ball namin. Mabilis palang dumaan ang panahon kapag busy ka. Naging abala kasi ako sa school papers. Dahil nga graduating na ang daming papel na kinakailangan. Nirush ko lahat ng iyon para wala na akong iisipin kapag aalis ako. Tuwing gabi lang din kami nagkikita ni papa. Abala rin kasi sya sa trabaho. Minsan pa nga iniwan akong mag-isa sa bahay. Pumunta syang site nila. Kailangan daw para sa itatayong building. Wala akong ginawa noon kundi tawagan sila mama. Mabuti pa sila masaya na sila doon. Ako dito?. Nagmumukmok dahil mag-isa. Indian ni papa.

"Kumain ka na?.." Ani mama nang gabing iniwan ako.

"Tinatamad ako ma.." busangot ang mukhang iniwas ko sa screen.

"Bakit?.. ano bang kinain mo kanina?.."

"Juice lang po.."

"And?.." boses nya lang ang naririnig ko dahil ayokong ipakita na umiiyak na ako. Namimis ko na sila. Ayoko nang ganitong mag-isa. Nakakapagod mag-isip. Kung saan saan na napapadpad utak ko. Nakakabaliw.

"Wala na po.."

I heard her heavy sigh. She's frustrated now. Alam ko kung bakit. Nag-aalala na sya sakin. "Nak.. you need to eat something. kahit konti lang.."

"Wala akong gana ma.."

"Pano ka tataba nyan kung di ka kakain?.." di ko sya sinagot. Paano naman ako kakain kung wala akong kasama?. I'm not used to it!.

"Tita, pinabibigay po ni mama.." boses ni Jaden ko. O my!. Suskupo!. Nagulantang ako at natigilan. Shet!.. Sya ba talaga iyon?.. Oh my God!.. I really miss his voice..

"Salamat hijo.. nasa labas sina Lance.."

"Okay po tita. Sa labas na po ako.." iyon lang at nawala na ang boses nyang bumuhay sa walang gana kong araw. Huminga ako ng malalim. Para itong kidlat. Binuhay ang katawang lupa ko. Mas lalong lumalim at naging buo ito. Lalong nahulog ang puso ko sa kanya. Damn it!.

Nanginig ako nang ibuka ang aking bibig para sana magsalita. Mariin ko nalang kinagat ang pang ibabang labi para pigilang manginig ng tuluyan. Baka mas mag-alala sya kung magtatanong pa kung bkait paos ang aking boses.

"Nak?.." she ask in a very low tone.

Nilinis kong mabuti ang lalamunan bago nagsalita. "Po?."

"Akala ko binaba mo na.. you okay?.."

No po. Gusto kong isagot subalit wala akong lakas para sabihin ito sa kanya. Baka humagulgol lang ako dito.

"I'm okay po.. ahmmm..." lintik!. pumiyok pa ako. Suskupo!. Paniguradong nahalata na nya ito.

"You look like not. Can I see your face?.." utos nito sakin. Mabilis kong inayos ang aking buhok at hinilamos ang mga palad. Suminghot ako at tumuwid ng upo. Humarap ako sa screen. Kinakabahan.

Hindi sya agad nagsalita. Nagsalubong lang ang kanyang kilay at tinignan ako ng husto.

"Did you hear that?..."

Kagat ang labing tumango ako. Tumango rin sya sakin. "Did you saw him?.." umawang ang aking labi ng sabihin nya ito saka ako umiling. Paano ko sya makikita kung di nga ako nakatingin sa screen?. Suskupo Bamby!... Bakit kasi di ka tumingin?. Di mo tuloy nakita. Haist!!.

"No po.." she sighed again.

"Don't worry you'll see him soon.. he's getting hotter nak.. hihi.." tukso nya sakin. Humalakhak pa lalo. Nakita kong dumungaw si kuya Mark sa screen. Kinawayan ako. Tapos umalis din agad nung nakakuha ng alak sa kusina.

"Ma?!..." mas lalo itong humalakhak. Alam nya kasing hanggang ngayon gusto ko pa rin sya. Kahit taon na ang lumipas. I'm still into him.

"What?. hahaha.." hindi mawala ang ngiti nito sa labi.

Kumunot ang noo ko at sinimangutan sya. "You're teasing me.."

"Hahahahaha..." sobrang saya lang nya. Nakakamis sila.

Nakangiti lang akong pinapanood syang tumatawa. Sana andyan rin ako. Kasama sya. Haist!.

"Who's that ma?.." himig ni kuya Lance na medyo malabo. Nasa malayo siguro ito nung nagtanong.

"Your sister.." nilingon sya ni mama. Maya maya. Nakita ko na ang mukha nyang nakalabas ang dila. Damn him!.

"Hey sis?.." ngumisi pa ang loko.

Nangalumbaba ako at sinamaan sya ng tingin.

"Zup crazy!.." sa sobrang inis ko sa kanya. Wala akong ibang maisip na pang-asar sa kanya.

"How's life there?.. We are enjoying here. With Jaden.." Kung katabi ko lang ito. Kanina ko pa nasipa. Maswerte lang sya. Ibinulong pa ang huling sinabi. Bakla nga talaga!.

"I'm enjoying here... with Dilan.. you know..." ako naman ngayon ang ngumisi. Let's see kung sinong maasar satin?.

As I've said. Hindi na maipinta ang mukha nya. Ayaw kasi nitong kasama ko si Dilan. Bad influence daw sya. Alam ko naman yun. Sadyang sobrang arte lang talaga nya. Mapili sa mga taong pinakikisamahan nya o ako.

"I'm warning you Bamby..." see?. Nawala na yung ngisi nya kanina. Ganyan sya kabilis magpalit ng mood. Like me. In an instant. Boom!. Change mode.

"Hehehe.." pang-aasar ko. Tumitig ito ng masama. Death glare dude.

"Lance, hinahanap ka na ni Aron.." mabuti nalang at binasag ni mama ang nag-iinit na inis nito. Bumuntong hininga sya at tinuro ako bago tuluyang binigay kay mama yung phone.

"Anyare dun?.." tanong ni mama.

Ngumiti ako. "Wala po ma.. Nainis. Sinabihan kong bakla.. hahaha.."

"Tsk.. Loko...." hanggang hating gabi pa kami nag-usap. Ang dami nyang kwento. Kaya di ko na namalayan ang oras at antok. Natulugan ko na si mama.