webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 2: Sad

Nang nalaman ko na mauuna sina kuya sa pag-uwi. Nalungkot talaga ako. Gusto kong sumama. Ngunit, hindi pwede dahil di pa tapos ang graduation ko. Apat na taon din kaming di umuwi. Pinipilit ko silang bumalik subalit ayaw nila. Ang sabi mahal daw ang pamasahe. Tsaka. wala naman kaming uuwian doon. Anong wala?. Nasasabi lang nila iyon dahil wala silang naiwan noon. Ako?. Suskupo!.. Kung pwede ko lang liparin ang milyang layo ng dagat. Gagawin ko. Makita at makasama ko lang sya.

"Nak, sunod nalang kayo ng papa mo samin ha?.. gusto ka naming isama pero ang sabi nya. Sabay nalang daw kayo.."

"Pero ma, gusto ko talagang sumama..." malungkot kong sagot sa kanya. Nakaupo ako sa higaan nila. Pinapanood syang nag-eempake ng mga damit.

"Nak, sayang kung di ka aatend ng graduation ball nyo.. makakauiwi ka naman e. nga lang. Mauuna lang kami.."

Ngumuso ako. Ano pa nga bang magagawa ko diba?. Ayaw nila akong isama. Tsk.

Nilapitan nya ako at hinawakan ang aking kamay. "Don't be sad." kinuha ang buhok na tumakas sa balumbon saka inipit muli sa likod ng aking tainga. "Wag ka ng malungkot. Linggo lang naman ang pagitan natin eh.. I'll call you day by day.." di ako sanay na wala sila sa bahay e.

"Mamimis kita ma.." nangilid ang aking luha. Yumakap ako sa kanya. Tinapik nito ang aking likod. "Don't cry na.."

Pinunasan ko ang luhang di ko na napigilang mahulog.

"Ma, nakita mo ba yung sneaker ko na itim?.." boses ni kuya Lance.

"Nasa kwarto mo diba?.." dumungaw sya sa loob ng silid.

"What happened?.." pumasok sya't nilapitan kami. Ipinatong ang likod ng kanyang palad sa noo ko.

Sana ganito nalang sya palagi. Nag-aalala sakin. Di yung lagi nya akong iniinis. Tsk.

"Anyare ma?.." Kay Mama sya nagtanong. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Alam kong pula na kasi ito dahil sa pagpipigil na umiyak.

"Gustong sumama satin kaso hindi pa pwede eh.."

Bigla silang natahimik. "Gusto mo talagang sumama?.." tanong nito sakin. Di ko sya tinignan. Mas ibinaon ko lang sa balikat ni mama ang buo kong mukha.

"Kahit naman gusto ko. Hindi papayag si papa.." mahina kong sambit. Sinabi na ni papa. Di na mababago iyon.

"Kailan ba graduation nyo?.."

"This coming week. "

"Pwede bang di umatend duon?.."

"I don't know.." sagot ko sa kanya. Hindi pa rin makatingin ng diretso sa mata nya.

Kinaumagahan. Hinatid namin sila sa airport. Madaling araw iyon. Alas dos. Ang sabi ni kuya kagabi. Kakausapin nya si papa. Ngunit. Maging sya. Wala ring nagawa. Kaya heto. Naiwan ako kasama sya.

"You want to go home now?.." inakbayan ako ni papa .

Matapos ihatid sila sa loob. Nang di na namin sila matanaw. Inakay na nya akong umuwi.

"Pa, susunod po ba tayo sa kanila?.." tanong ko ng nasa bahay na kami. Nakaupo ako sa stool chair sa bar counter. Umiinom ng kape. Si papa naman. Nagtitimpla ng sarili nyang kape.

"Oo naman. after your grad.."

"For real po?.." tinignan nya ako ng ilang minuto bago bumalik sa paggawa ng kape. "For you. I'll make it real.." agad akong tumalon at niyakap sya patalikod.

"Thanks Pa.." masigla kong sambit. Humalakhak sya at ginulo pang naman ang buhok ko.

Excited na akong umuwi. Sobrang miss ko na sya.