webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 17: Still

"Kalma lang pare. Ano ba?. Andito tayo para magsaya.." pakalma nina Dave at Bryan kay Ryan na nakaigting parin ang panga dahil sa galit.

Ano kayang dahilan ng away nila?.

Binulungan ko si Kian na nakapamaywang. Panay ang iling at sulyap sa gawi nina Jake.

"Anong nangyari?.."

"Nagkapikunan. tsk.." patuloy nyang iling.

"Tungkol saan?.." namaywang rin ako sa kanya.

"Hindi ko alam." kibit balikat nito.

Tinapik sya ni Lance sa balikat. "Kumalma ka nga. Mag-inuman nalang tayo.Tara." kalmado nyang hinila si Ryan patungo sa aming mesa.

"Bat nya kasi dinamay chick nung tao. tsk. tsk. Playboy talaga.." bulong naman ngayon ni Billy. Nakamasid sa likuran ng dalawa.

"Bakit?.." nalilito kong tanong. Hindi naman ako aware sa ibang bagay. Ang tanging nasa utak ko lang ay sina ate at si Bamby. Wala nang iba.

"Nilait ata ni Jake si Mercy. Alam mo naman yang si Ryan pagdating sa mga babaeng dinadate. Mainit ang ulo.." Hindi na nya ako binigyan ng pagkakataong magsalita pa ng tungkol sa opinyon ko. Imbes hinila na ako pabalik ng mesa. Tinabi sa kanya.

Purong katahimikan ang namalagi sa amin. Panay ang buntong hininga ni Ryan habang sa kabila pa rin ang matalim na mata.

"Chill bro. Baka palayasin tayo dito.. Haha." si Kian ang bumasag ng nagyeyelong pader sa palibot ng mesa.

"Oo nga. Chill. Eto. Ishot mo nalang.." sabay abot naman ni Bryan dito ng isang shot. Mabuti nalang at kinuha nya ito saka tinungga ng diretso. Bahagyang nabawasan ang tensyon sa kanya.

Lumabas si tita at naglagay muli ng inumin at mga pulutan sa aming mesa. Napansin nya pang tahimik ang lahat. May nagsasalita pero kita kong bulong nalang. Nawala yung ingay at sigla.

"May dumaan bang anghel dito?. Ang tahimik ata?.." pagtataka nya. Lumipat sya sa kabilang mesa. Ganun din ang ginawa. Naglagay ng alak at pagkain.

"Ma, tumawag ba si Bamby sa'yo?." tanong ni Lance ng dumaan samin si tita. Napatuwid ako ng upo. Kinuha ang inumin. Nagsalin ng alak sa baso saka nilaro. Nagulat pa ako ng may maglagay bigla ng ice cube sa baso. Inangat ko ang aking tingin at mukha lang ni Kian ang nakita ko. Nakataas ang isang sulok ng labi. Nang-aasar.

Huminto si tita sa mesa namin. Sinipat ang mukha ng lahat. Lalo na ako.

"Hindi pa eh. Baka tulog pa yun. Bakit?."

"Wala po. Baka lang malate sa graduation ball nya Ma."

"Hindi yun. Andun Papa nya eh..." si tita.

"Kaya nga Ma. Papa's girl. Baka hindi na naman gisingin.." irap nya sa kanyang nanay.

"Don't worry. Tatawagan ko mamaya. Ayos lang ba lahat dito?." nilinga nya ang iba.

"Yes tita. Thank you.." taas kamay ni Poro. Humalakhak pa. Ganun din ang ginawa ni Dennis at Paul. Maging ng iba. Bahagyang nakahinga ng maluwag ang lahat.

"Good. Ang tahimik eh. Nakakapanibago.." iling pa nya. "O Jaden hijo. Wag masyado sa alak ha. Kakatawag ng Mama mo.. Dito ka na rin matulog pati ng ibang may gusto.." nagpaalam na ito matapos kami o ako lang talaga ang pinaulan ng payo.

Mama naman!. Alam ko naman ginagawa ko. Bakit kailangan mo pang tumawag?. Nakakahiya.

"Ahahahaha.. boy!. Okay ka lang?." tinawanan pa ako ni Billy nang makita ang pagakakunot ng noo ko.

"Hmmmm.." tamad kong sagot.

Nagkwentuhan ang lahat. Bumalik ang naglahong saya. Lumalakas ang tawanan ng bawat mesa. Halatang lasing na ang lahat. Umiikot na rin ang paningin ko. Kaya medyo naghinay ako sa pagtungga. Dinuduga ko na nga ang ibang binibigay nila. Tuwing dumadaan sakin ang baso. Tinatago ko sa ilalaim ng mesa para itapon sa baba. Hindi naman nila pansin dahil lasing na ang mga ito.

"Jaden, may itataanong ako.." pikit matang sambit ni Lance. Sa langit na nakaharap ang mukha.

"Ano yun?.." kinabahan ako. Gagong Jaden. Relax ka nga.

"Anong gagawin mo kung sakaling uuwi na dito ang kapatid ko?.."

Nasamid ako. Totoong nasamid. Humagikgik pa si Kian at Dave sa tabi ko dahil sa pagkasamid. Damn!.

Wala akong mahanap na tamang salita para sagutin sya. Naghalo halo silang lahat. Wala akong makitang matino para sabihin sa kanya.

"Paano kung may iba na syang mahal?.."

"Hahaha.. huk. huk.." nasasamid pa ang mga gago sa pagtawa. Bwiset!.

Bumuntong hininga ako. Kinabahan sa maaaring lumabas saking bibig. "Kung may mahal na syang iba. Hindi ako sususko. Mamahalin ko pa rin sya." Fuck!. Anong sinabi mo Jaden!?..

Nagitla si Lance ng ilang minuto bago ngumisi sakini ng nakakatakot.

Kinantsawan nila ako. May narinig pa akong sumipol. Kaya napailing lang ako sa kabaliwan kong ito.

Naisip ko ba talaga yun?. Kung ganun, saan galing?. Sa puso ko?. Imposible naman.

Possible Jaden dahil sinabi mo na diba. Kahit masaktan ka pa. Sya pa rin ang pipiliin mo.