webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 16: Kabado

"Boy!.." bati nilang lahat sakin. Tinanguan ko lang sila. Naunang umupo si Lance. Dinaanan ko muna ang iba bago tuluyang umupo. Yung mukha ng iilan, mapula na at namumungay na ang mata. Halatang may amats na.

Nagtaas ng kamay si Poro habang tinatawag ako. "Ang tagal mo boy.." Anya sakin habang tinatapik ko ang ibang kasama nya sa mesa.

Mga kabarkada ni kuya Mark na kaibigan ko na rin. "Ah, wala kasing naiwan kay Klein.." sagot ko. Tinanggap ang isang shot na bigay ni Dennis. Pikit mata ko itong nilagok. Agad nag-init ang lalamunan ko sa hagod ng alak na dumaan dito.

Nalintikan na!. Mukhang mapapainom ako ng marami nito.

"Ang ate mo ba?.." Ani Dennis na ngumunguya ng pulutan.

"Umalis eh. Nagpasa ata ng application.." Yun kasi ang paalam nya sakin bago iniwan si Klein.

"Si Gerald ba, wala na naman sa bahay nyo?.." tanong ni Jake. Kasama ni Mark sa modeling noon sa isang magazine. Tinanggap ko ang inabot ni Poro na isang shot.

Alam din nila kung anong ginagawa ng asawa ni ate. Hindi ko man sabihin sa kanila ang buong kwento. Bigla nalang nila itong alam. Ewan ko kung pano nila nalaman. Basta ang sabi nila, lagi daw nila itong nakikita sa casino o sa mga bar. May kaya rin ang pamilya ni Gerald. Nga lang. Sa sobrang naluluho ito sa mga bisyo. Nakalimutan na kung ano ang mas mahalaga kaysa sa mga bisyo nya.

"Lagi naman.." sagot ko matapos ubusin ang isang nachos na kinuha ko kanina.

"Naku pare. Kung di lang talaga asawa ng ate mo yun. Matagal ko ng nabugbog mukha nun. Ang yabang e. Wala namang binatbat.." si Poro na naglalagay ng inumin sa shot glass.

"Kaya nga eh. Akala mo kung gwapo. E mas magandang lalaki naman tayo sa kanya.." sagot naman ni Dennis.

"Nakita pa nga namin yun isang gabi sa isang mamahaling bar. Kung umasta parang walang anak at asawa. Tsk.." iling ni Poro.

"Kailan yun?.." Parang alam ko na kung kailan ang tinutukoy nyang araw. Noong umuwi sya ng madaling araw na.

"Nito lang boy.. may kasamang babae na sobrang iksi ng damit. Naghahalikan pa. P"ta!. Kung di lang ako pinigilan ng mga ito. Baka napaglamayan na yun. Gago eh.." iling pa rin ni Poro. Galit sila dito dahil barkada nila si Ate. At alam din nila na niloloko nya lang ang kapatid ko.

Kung ako lang talaga. Matagal ko ng pinalayas sa bahay ang lalaking yun. Alam ko naman na gawain na nya dati iyon. Manloloko. Nangako sya samin na magbabagong buhay na simula nung magsama sila ni Ate. Pero isang taon lang syang matino. Ewan ko pa kung totoong matino pa sya sa isang taon na iyon. Dahil matapos ipanganak ni ate si Klein ay lagi na itong wala at late kung umuwi sa bahay. Magpapaalam na maghahanap ng trabaho pero pag-uwi na, tumba na ito sa kalasingan.

Mabuti nalang rin at hindi na bumalik kay ate ang topic nila. Dahil pare-pareho lang kaming mababadtrip kung sakaling magpatuloy.

Nagpaalam ako at lumipat sa mesa nila Lance. Andun na rin si kuya Mark. Maayos na ang mukha.

"Totoo palang may anak na ang ate mo Jaden?.." sinalubong ako ni Lance ng isang shot. Kinuha ko ito at nilaro. Naupo ako sa pagitan nina Kian at Dave na medyo may tama na rin. Tinapik pa ang likod ko.

"Hmm.. Limang buwan na si Klein.." nilagok ko ang shot para maibsan ang kaba na hindi ko alam kung saan galing.

"Klein?.." sabay nilang sambit na magkapatid. Tumango ako sa kanila.

Hindi mawala ang tingin sakin ni Kuya Mark.

"Bakit hindi nya man lang sinabi samin?.." si Lance. Nakatingin sakin. Close din sila kay ate. Kaya medyo may tampo ito nang hindi malaman agad na may anak na sya. Pero si kuya Mark. Dalawang shot ang sunod nyang tinungga. I wonder why.

"Hehe. pasensya na. Sasabihan ko syang pumasyal dito.." Yun lang ang tangi kong naisip para maiba ang usapan sa amin. Ramdam kong hindi na normal ang mga kilos ni kuya Mark. Naiilang tungkol sa kay ate.

Binalot kami ng katahimikan ng ilang sandali.

"Ah, Lance. May facebook pala si Bamby?.." nahihiya pang tanong ni Kian sa kanya. Natahimik ang dating bulungan sa biglaang tanong nya.

Humalakhak lang rin si Kuya Mark. Uminom ng isang shot si Lance bago kami sinagot.

"Hmm. private.." tipid ang isinagot nya dahilan para mas kabahan ako.

"Bakit?.." si Kuya Mark naman ang nagtanong pero dumaan ang mata nito sakin na suot ang isang multo ng ngiti.

"Ah wala lang. Ngayon ko lang din kasi nalaman. hehehe.." nahihiyang sagot ni Kian.

"Hmm.. pano mo naman nalaman?.." nakataas na ang kilay ni Lance sa kanya.

"Ah. hehe. si Niko kapatid ni Jaden. Magkachat sila.." paliwanag nya sa magkapatid na seryoso na ang mukha.

Bigla tuloy tinubuan ng kaba ang kalmado kong dibdib ng binanggit ang pangalan ko. Yari na Jaden!..

"Jaden?.." taka akong nilingon ni Lance. Tumikhim naman ang isa.

Damn!. Paano ako magpapaliwanag?. Bakit ba kasi bumalik sakin ang usapan nila?.

"Hindi ko alam na magkachat sila. Kanina lang.." bigla kong paliwanag. Hindi ko alam kung bakit. Basta nalang.

"Ikaw ba, hindi mo kachat?.." bumara ang shot na ininom ko saking lalamunan sa agarang tanong na yun ni Mark. Pumikit ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. At pagkalito.

Umiling lang ako. It's the safest way. Hindi ko kayang magsinungaling. Lalo na at medyo may tama na rin ako.

Tumikhim ang iilan. Tumayo rin si kuya Mark para lapitan ang medyo nag-init na kabilang mesa. Nakahinga ako ng maluwag. Kinakapos na ako ng hininga sa mga titig nila sakin. Mabuti nalang at tumayo rin ang iba at lumapit sa mesa nina Ryan. Pero hinde si Lance. Patuloy pa rin ito sa pag-inom.

"Gusto mo pa rin ba sya?.." sa gitna ng paglunok ko sa bawat lagok nya ay nagsalita ito pero sa kabilang mesa ang tingin.

"Huh?.." Totoo. Hindi ko naintndihan ang sinabi nya.

Umiling sya saka tumungga ng isa pa.

"Nevermind.." anya bago ako iniwan sa mesa. Tinungo si Ryan na kinakausap na ni Kian. Sa kabilang mesa naman ay si Kuya Mark na kausap si Jake.

Mabuti nalang at nabaling sa iba ang atensyon nila. Dahil kung hinde, pagtatawanan nila akong maihian ang pantalon ko dahil sa kaba.