webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 18: Flowers

Kinaumagahan. Sakit ng ulo ang bumati agad sakin. Para itong nabibiyak. Kulang nalang ihampas ko ito sa pader. Savage mo Jaden!. Keaga.

"Hmm.." napabalikwas pa ako ng may biglang umungol saking likuran. Si Kian lang pala ng tignan ko kung sino. Tulog na tulog ito kahit pa tirik na ang araw sa paanan nya. Nilingon ko ang katabi nyang nakatalikod. Si Ryan na nakalagay pa ang kanang braso sa noo. Humihilik pa.

"Shit!." napamura ako bigla ng biglang umupo si Dave sa kaliwang banda. Tabi nya sina Billy at Bryan na tulog mantika pa rin.

Mga lasinggero!.. Ulul ka Jaden!. Isa ka rin naman diba?. Uhaw sa alak?. Tsk.

"Bakit boy?." paos ang boses ni Dave ng magtanong. Di na nawala ang mata ko sa kanya kanina pa.

Bumangon ako at hinimas ang ulo.

"Masakit rin ba ulo mo?.." anya. Mukhang nakuha rin ang gusto kong itanong.

"Oo. Asar nga e.." tamad kong sagot. Tumayo ako't pumasok ng banyo.

Pagkalabas ko, nakaupo na silang lahat. Pwera lang si Dave na bumalik ng higa. Si Kian, nakayuko sa baba ng kama. Si Billy, humihikab. Habang sina Bryan at Ryan naman ay, kinakamot ang ulo.

"Baba na tayo.." alok ko sa kanilang lahat. Mukha namang okay na sila. Mga sanay to sa inuman eh.

"Mauna ka na boy. Mamaya pa ako.." si Kian.

"Ako rin.. una ka na.." si Bryan to habang papasok ng banyo. Ganun rin ang opinyon ng tatlo pa. Tumango ako at dumaan sa medyo may kahabaang pasilyo nila. Hindi pa ako nakakaakyat ng ikalawang palapag simula noon. Bawal ani Lance. Kaya nirespeto na ng lahat yun. Ngayon lang kami pinayagan ni tita na matulog sa dalawang malalaking guestroom nila.

Sa bawat hakbang ko. May mga painting na nakasabit. Halos mga dalampasigan, puno at ibon ang disenyo. Hindi ko alam kung sinong gumawa. Pero napabilib ako ng isang tingin palang dito. Nilapitan ko ang isang nakasabit malapit sa halaman. Kung tititigan mo ito, parang hindi kathang isip lang. Dahil pulido at malinis ang pagkakagawa. Pakiramdam ko tuloy, nasa dalampasigan ako. Hinahampas ng alon ang aking mga paa.

Nang dumiretso pa ako. May nakita akong tatlo pang kwarto. Hiwalay sa linya ng guestroom. Magkakatabi ang mga ito. Mukhang sa magkakapatid. Sa dulo ng pasilyo. May glass door na nakaawang. Tinatangay ng hangin ang puting kurtina papasok ng bahay. Inaakit akong tumambay ng saglit doon.

Hindi pa ako nakakapag-isip ng tama. Pero nauna nang naglakad ang aking mga paa patungo sa terasa nila. Agad sumalubong saking mukha ang lamig ng hangin. Ang sarap lang. Nabawasan ang sakit ng ulo ko.

"Ang ganda naman dito.." bulong ko. Nang makita ang mga halaman sa baba. Iba't iba ang kulay ng bulaklak.

"Andito ka pala.." agad akong lumingon ng madinig ang boses ni tita.

Nakakahiya ka!.

Mariin akong pumikit sa hiya. Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Ah. opo tita. Pasesnya na po.."

"Hmm... it's okay. Hindi ba masakit ulo mo?.." Anya. Lumapit sa gawi ko. Noon ko lang napansin ang hawak nyang spray. May lamang itong tubig. Inumpisahan nyang diligan ang bonsai na may iba't ibang hugis.

"Medyo masakit lang po.." awkward kong sagot sa kanya. Ngumiti sya sakin.

"First time mo bang uminom?.."

"Hindi naman po tita. Umiinom po kami ni Papa sa bahay tuwing wala synag ginagawa." paliwanag ko. Yun lang din kasi ang bonding namin ni Papa. Madalas itong abala sa school.

"Ganun ba.. hmmm.."

"Opo tita.. Ang ganda naman po ng mga halaman nyo.." dahil wala na akong masabi sa kanya. Yun lang ang pumasok sa isip ko. Ang halaman na hugis puso. May maliit pang bulaklak sa gilid na kulay puti.

"Alaga lahat to ni Bamby. Matutuwa yun pag nakita nya sila. Ang gaganda na ng bulaklak nila.."

Umurong ng wala sa oras ang aking dila. Sabay na natuwa at natakot ng may malamang kaunti tungkol sa kanya.

"Mahilig po pala sya sa mga halaman?.." nanginginig ang pisngi ko sa pagngiti. Dude!. Sobra talaga ang kaba ko. Shet!..

Hinarap nya ako at ipinakita ang hawak na spray na ginamit. Nakangiti pa sya.

"Hilig nya ang mga halaman lalo na ang mga bulaklak.."

"Sa kanya rin po ba yung magagandang bulaklak sa baba?.."

Sinipat nya yun saka ako tinanguan. "Yung roses ang paborito nya dyan. Gusto nyang magtanim ng tulips noon pero wala na syang oras." malaki ang ngiti nyang tinitigan ako.

Hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko na maitago. Yung mga bulaklak. Kasing ganda na nya ngayon. Kaya mas lalo akong humanga ng patago.

"Tara na sa baba. Kausapin natin sya.." tinapik nya ako sa likod bago umalis.

Natigilan ako sa narinig. Kakausapin ko sya?. Ako?. Totoo?. Tita naman...