webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 15: Shot pa!

Awtomatikong bumukas ang mataas na gate nang bumusina si Kian. Gawa ito sa mga bakal. Napinturahan ng tsokolate na hinaluaan ng puti.

"Mukhang gagabihin na tayo pag-uwi.." anunsyo nya ng makaparada sa malawak na garahe nila. Madilim na rin sa labas ng tuluyan kaming bumaba. Nakasindi na rin ang mga ilaw sa itaas ng poste. Gilid ng mataas na gate. Di ko mapigilang ilibot ang aking mata. Lumaki ng husto ang bahay. Una. Ang garahe. Doble sa dating laki. Kasya siguro dito ang higit sampung sasakyan. Ganun sya kalawak. Dati kasi tatlo lang ang kasya.

Pagtingin mo naman sa kaliwa. Pintuan na papasok ng bahay. Kung dating nasa tapat ito pagkababa mo. Ngayon, kakaliwa muna bago mo makita ito.

"Ang ganda na ng bahay nila.." namamanghang puri rin ni Dave. Kasabay ko silang maglakad papuntang garden. Pero bago pa kami makalayo sa pinto. Bumukas ito at iniluwa si tita.

"Boys?.." bakas ang pagkabigla sa kanyang himig. Nahinto kami sa paglakad at nilapitan sya agad.

"Tita.." masigla naming bati sa kanya. Lumaki ang kanyang ngiti. Hindi ko rin maiwasang titigan sya. Mas lalo itong gumanda. Lalong pumuti at sumingkit ang mata. In short, mas naging bata dahil sa suot nyang damit na bumagay sa kanyang balat.

"Ang tatangkad. Lalo pang gumwapo.. Naku!. Kamusta na kayo ha?.." matapos nya kaming yakapin isa isa. Tumayo sa harapan namin. Bakas ang tuwa sa mukha.

"Ayos lang po tita. Hehe." si Kian na nagkamot ng ulo. Biglang nahiya. Tinanguan nya ito nang may mapanuksong ngiti. "Mukha nga eh. Para kayong kumikinang.. haha.. mga mukhang inlove..." bumaling sya sakin ng sabihin ito.

Nakaramdam ako ng matinding kaba. Hinde po ako tita. Loyal po ako sa anak nyo. Gago Jaden!. Ano?. kantyaw ko sa sarili mismo. Kinagat ko nalang ang ibabang labi para hindi masabi ang naglalaro saking isip. Kanina nya pa ako sinusutil.

"Si Jaden lang po inlove samin. hahaha.." sutil ni Dave sakin ng makita rin ang pagbaling sakin ni tita. Bwiset!. Pinahamak ba naman ako!..

Agad ko itong kinontra.

"Hinde po tita. Hinde.." tinignan ko ng masama ang kaibigang di na matiis ang sarili sa pagtawa.

Hindi nagsalita si tita. Tinitigan nya lang ako ng matagal. Binabasa kung totoo ba ang sinabi ko. Napalunok ako ng wala sa oras ng makita ang mata nyang napakapamilyar sakin. Damn!. Pakiramdam ko tuloy. Parang sya yung nakatitig sakin ngayon. Ilang lunok pa ang ginawa ko kahit barado na ang lalamunan ko dahil sa hangin na di ko mapakawala ng dahil sa kaba.

"Hahaha.. kayo naman nagbibiro lang ako.." nabunutan ako ng malaking tinik ng tumawa na sya. Akala ko mamamatay na ako sa kawalan ng hangin saking dibdib. Mabuti nalang.

Iniabot nya sakin ang isang malaking tray na may lamang nachos. " Idala nyo na duon yan. Kanina pa kayo hinihintay.. bat ngayon lang pala kayo?."

"Hinantay po kasi namin si Jaden tita." paliwanag naman ni Kian. Inakbayan na ako.

"Ow?. bakit?.." pagtataka pa nya. Nakataas ang isang kilay sakin. Parang tinutukso.

Sa anak nyo nalang po ako tuksuhin tita.

Damn Jaden!!.. Ano yang iniisp mo?.

"Nag-alaga pa po kasi sya ng bata.." si Dave naman ang sumagot.

Dinig ko ng may sumipol sa likod. Tinatawag na kami sa gawi nila. Hindi ako lumingon. Kinawayan lamg din sila ni Dave.

"Bata!??.." nabibigla nyang sambit. Bahagya pang tumaas ang kanyang boses.

"Opo tita.. Haha.." tawa pa rin ni Dave.

"May anak ka na Jaden!?.." lumaki na ng husto ang kanyang mata. Humagalpak naman sa tawa ang dalawa. Umiling ako at nagkamot kahit wala namang makati.

"Wala po tita.." sagot ko sa kanya. Nahihiya. Siniko ko ang tagiliran ni Kian.

"Ahahahaha..." naguguluhan na si tita saming tatlo. Mga ulul kasi tong mga kasama ko.

Tuloy, hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ito sa kanya. Kinakain ako ng kaba kahit hindi naman sana.

"Jaden?. What's up bro!.." lumabas bigla si Kuya Mark sa pintuan dahilan para hindi ko masabi ang totoo kay tita. Nilapitan nya ako saka niyakap ng ilang segundo ganun din sa dalawa.

"Nice to see you. Akala ko di ka na pupunta eh.." tapik nito saking balikat.

"Ah.." nawalan ako ng sasabihin. Nagbuhulan lahat ng makita ang kaibigan ni ate. Malaki ang ngiti gaya ng kanyang ina. Tumangkad, lumaki ang katawan at pumuti pa sya. Mas lalong naging malakas ang dating.

"Wala kasing naiwan sa bata kuya. Hinintay ko pa si Mama bago pumunta dito.." paliwanag ko. Kumunot agad ang noo nya.

"Bata!?." nagugulat na tanong nito.

"May anak ka na Jaden?.." Hindi pa rin ako tinitigilan ni tita. Hindi maalis ang chinitang mata sakin. Ganun din ang anak nyang biglang nangunot ang noo.

Walang nagsalita sa kanila. Lumunok ako at bumuga ng hangin. Humugot ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Anak po ni ate Cath. Hinde po akin.." mahina kong sambit. Tama lang para marinig nilang dalawa. Kinuha ni Kian ang tray na hawak ko saka tinapik ang aking likod. Nagpaalam na sila ni Dave na pupunta na sa likod dahil kanina pa kami tinatawag.

Kita kong napabuntong hininga si tita. Saka ngumiti. "May anak na pala sya. Hindi namin alam. Ipasyal mo sya dito misan. Bago kami umalis pabalik ng Australia. Pakisabi kay Catherine..." ginulo nito ang buhok ko bago nagpaalam na papasok ng bahay.

Naiwan kaming dalawa ni kuya Mark na parehong nangangapa ng sasabihin sa isa't isa. Alam kong nagulat ito. Hindi na ako magtataka pa. Kagat ang kanyang labi ng tignan ko sya sa gilid ng mata.

"Nag-asawa na pala sya. haha. Bat di nya man lang sinabi?.." ramdam ko ang sakit sa kanyang halakhak. DAMN!. Pumikit ako sa kawalan ng masabi. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan o alin sa kanila ang unang sasambitin.

"Zup bro!. Tara dun.." sa gitna ng katahimikan samin. Nagsalita ang kanyang kapatid galing sa gawi ng grupo. Tinapik nito ang likod ko saka hinila na sa harapan ng kapatid nyang tulala.

Ang hirap ng ganito. Sa gitna ng kaibigan at kapatid. Parang ngayon ko lang narealize yung pakiramdam ni Lance noon para sa kapatid nya. Maiipit ka talaga kahit hindi mo gusto.

But!. I'm not going to give her up. She's still my girl.