webnovel

COMPILATION OF ONE SHOT STORIES

lavandeerrrr · Others
Not enough ratings
14 Chs

STORY 9

25 MINUTES

"Pre,buti naman nakasama ka ngayon" diko pinansin ang sinabi ng tropa ko

"Buti naman pinayagan ka ng nanay mo gumala ngayon totoy hahahaha" mga siraulo talaga,si Steph ang nanay na sinasabi nila, gf ko

"Lol" then raised my middle finger

"Hahahaha dipa nga kayo kasal under kana agad"

"Dapat pala Andres pangalan mo pre eh, hindi Carson hahahaha"

"Pakyu uminom na ngalang kayo jan hahaha" maya maya tumunog cp ko tanda na may bagong message

"Oh speaking of,tignan monayan baka pinapauwi kana ng nanay mo hahahaha" diko na pinansin ang mga pang aasar nila at tiningnan ang cp ko, si Steph nga

"Babe katatapos palang namin mag training" cheerleader sa school namin si Steph,actually 2 kaming nanliligaw sakanya and I'm happy kase ako ang napili nya

"Sige babe,sino kasama mo pauwi?" I replied

"Wala nga eh"

"Ano?bat wala?gabi na ah delikado hintayin moko susunduin kita"

"Omooo,talaga? I love you talaga babe sige hintay kita"

"I love you too" dina sya nagreply kaya

tinago kona cp ko hinanap ko mga barkada ko para makapagpaalam at naabutan ko silang may katabing mga babae,tssss mga ulol talaga sabing bawal babae eh

"Bro,una na ako sunduin kopa si Steph eh"paalam ko

"Aga pa uy, shot ka muna"pang aalok nila at dahil sa pag-aakalang makakaalis na after, ininom kona pero naulit ang isang shot ng pangalawa,tatlo at marami pa. Tiningnan ko ang oras 11:35 , dalawang put limang minuto na pala ang lumipas mula nung last na text ko kay Steph.

"Bro,alis na talaga ako kanina pa ako hinihintay ng gf ko eh" kahit na umalma sila hindi na ako nagpapigil pa,pagdating ko sa may gate ng school walang Steph akong nadatnan nagtanong tanong ako kung may nakakita sakanya pero wala naman daw,ngunit sa di kalayuan may nakita akong tumpok ng tao pinuntuhan ko ito para alamin kung anong nangyayari

"Grabe,kawawa yung itsura nung babae tadtad ng saksak sayang ang ganda ganda panaman"

"Balita ko jan rin lang yun nagaaral eh" nakita kong itunuro ng babae ang school namin. Lumapit ako sa dalawa para magtanong pero bago pa ako makapagtanong isang bagay ang nakaagaw sa atensyon ko, scarf na pula pamilyar ito saakin kaya agad ko itong nilapitan tama nga ang hinala ko kay Steph ang scarf, alam ko dahil ako ang nagregalo nito sakanya may name nyapang nakastich sa corner nito, may bahid ito ng  dugo kaya kinabahan ako

"Miss? Y-yung babae po na sinasabi nyo saan po dinala?"

"Ah sa ***** Hospital kaalis lang ng ambulansya" dina ako nagpaligoy ligoy pa agad kong pinuntahan ang sinabeng hospital

"M-miss may dinala poba ditong Stephany ang name?"

"Wait sir check ko lang po.Ahm meron po nasa room ***  po sya ngayon"  tumakbo agad ako ng marinig ang number ng kwarto at naabutan ko ang isang doctor na kalalabas lang ng kwarto ni Steph

"Doc kamusta na po sya?" naguluhan ako ng umiling ang doktor

"Kaano ano mopo ba ang pasyente?"

"Boyfriend nya po ako"

"Iho,maari mobang macontact ang pamilya ng pasyente?para maayos narin ang death certificate nya" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko

"Anong ibig nyopong sabihin?" Ambobo ko na itanong yun kahit alam ko naman ang sagot

"Condolence iho" tinapik ng doktor ang balikat ko at umalis.Nanlambot ang tuhod ko sa balitang narinig ko, ambilis shet. Hindi na mapigil ang pagtulo ng mga luha ko, tahimik akong umiiyak ng marinig kong tawagin ang pangalan ko ng boses na sobrang pamilyar saakin.

"Carson?" Nilingon ko ang nagmamay ari ng pamilyar na boses at parang isang mahika na nagliwanag bigla ang kaninang madim kong mundo ng makita ko sya,ang babaeng mahal ko nakatayo at naguguluhang nakatingin saakin. Akmang lalapitan ko sya ng may kamay na pumigil saakin.

"Sir, sorry pero mali palang room number ang naibigay ko sayo sa kabilang room po pala yun itatama kopo sana kaso paglingon ko wala na kayo sa harap ko sinubukan ko kayong habulin pero ambilis nyong tumakbo" hingal na hingal mula sa tuloy tuloy na pagsasalita ng nurse na napagtanungan ko kanina, tanging ngiti ang sinagot ko sakanya at tinakbo kona ang pwesto ni Steph.

"Anong ginagawa mo dito tska bakit nakaluhod ka dun?" pero imbis na sagutin ang mga tanong nya hinapit ko sya sa bewang at niyakap ng sobrang higpit.

"Im glad you're alive, thanks god. I thought i lost you"