webnovel

COMPILATION OF ONE SHOT STORIES

lavandeerrrr · Others
Not enough ratings
14 Chs

STORY 11

THE GUY FROM A FAR

"Bem pwede ba kitang ligawan?"

"Taena mo Kai manahimik ka"

"Matagal kona talaga itong tinatago eh Bem gusto kita noon pa"

"Isa pa Kai pag dika tumigil kakaltukan na talaga kita!" at ang bunggol kong besfriend humagalpak sa tawa

"Chill,joke lang Bem eh masyado kang hot jan HAHAHAHA"

"Laos yang mga joke mo Kai,bulok wala nabang bago?"

"hmf, nagtataka na ako sayo Bem ah sabihin mo nga saakin tibo kaba??!" at dahil sa inis tuluyan ko napong napatay ang bespren ko,joke

"Hayop ka, porket di ako tinatablan ng mga banat mo tibo agad? "

"Eh kase naman, gwapo naman ako, habulin ng mga chics pero bat sayo wa epek mga banat ko?amin na Bem tibo ka no?ok lang yan tanggap naman kita kahit na ti—"

"Aray!bat ka nambabatok!" sabay himas sa nasaktang ulo

"Eh kase naman pasmado bunganga mo eh, hindi nga ako tibo ok? Period!"

"Uy Kai! Paabot nga ballpen ko gumulong jan banda sayo eh"

"Huh?eh ikaw na naglalaro ako eh"

"Ang ano naman nito oh, dali mas malapit ka eh"

"Bem naman kase rank to eh" kahit na nagrereklamo sumunod parin naman sya, ulol talaga kukunin lang naman dami pang sinabe

"Uy Bem nakita monaba yung transferee?"

"Hindi pa,oh tapos kana maglaro?"

"oo, uy Bem sabe nila maganda daw yung transferee!"

"maganda?so babae?"

"oo,lika tingnan natin! Sa kabilang section lang naman yun eh" at kahit na ayaw ko wala na akong nagawa kase hinila na ako ng hinayupak

"hmm, maganda nga"

"dinaman, sakto lang"

"Kai bulag ka ba o ano?maganda kaya siya anong sakto kajan"

"mas maganda kaparin jan" agad akong napatingin sakanya ng marinig ang sinabi nya

"m-maganda ako?"

"ha? Sino nagsabi at uupakan ko pinapaasa ka eh" sabi na namali lang ako ng rinig eh

"tsss" at nabuo nanaman ang araw niya dahil naasar ako ulol talaga

"Bem, prom na next week ah may partner kana?"

"oo" ikaw,nakalimutan monabang nangako kang ikaw lagi ang partner ko pag prom.

"haysss mabuti naman pala akala ko makokonsensya ako eh"

"konsensya meron ka nun?"

"pakyu Hahahaha meron no, pero seryoso meron kanang partner ah?kase ano eh si Mara yung transferee tanda mo?"tumango lang ako

"oh ano sya partner mo?"

"oo, naka oo na kase ako eh, kaya nakoko sensya ako na baka wala kang partner pero buti naman pala meron hahaha"

"Bem! Ganda mo ngayon ah mukha kang babae hahaha"

"Taena mo talaga Kai bakit noon mukhang lalake ako?"

"syempre,oo HAHAHHA"

"umayos ka, sasapakin kita tamo"

"wag naman, ampanget sa babaeng nanapak ganda ganda mo pa naman ngayon" namula ako sa sinabe nya

"oh wag kang kiligin joke lang yun hahahaha" susuntukin ko na sana sya ng may biglang tumikhim, si Mara kasama pala ni Kai diko napansin.

"Ah btw, asan na date mo Bem?" Tss may date na rin na iba

"kumuha lang ng juice"

"sige, alis na kami ng date ko ah, Bem babae ka ngayon wag mong kakalimutan baka sapakin mo partner mo Hahahahq" at bago kopa sya masapak ng tuluyan, umalis na ang gago

"Bem! Liligawan kona si Mara" hindi na ako nagulat sa sinabe nya, ilang beses naba syang nagpa-alam saakin na may liligawan sya .

"ok"

"ahm Bem"

"Busy ako"

"Eh parang dimo naman ako besfriend nya eh!" sabay pout pa ng loko, tss parang pato

"Kai, ayoko"

"Bem alam mo namang wala akong alam sa mga pasurprise surprise nayan eh ikaw expert jan kaya tulungan mona ako dali naa mahal kong bestfriend" taenang bestfriend yan

"last na to Kai ah, after nito ayoko na."

"Don't worry Bem may pakiramdam akong last na talaga to" halatang inlove ang gago tss

"Kai!asan kanaba?sabe mo magkikita tayo ngayon nandito na ako mall asan kana?wag mong subukang injanin ako kukutusan talaga kita naiinis na ako kanina pa ako naghihintay dito" pang ilang message kona ba ito sa siraulo kong bestfriend pero hanggang ngaayon diparin nag rereply.

"Bem!" dumating rin ang lalake

"I'm sorry sinundo kopa kase si Mara eh, ah oo nga pala diko nasabe sayong kasama natin si Mara ngayon ok lang ba?" so magiging thirdwheel ako ngayon?hmp

"ok" sinungaling

"yes! Lakas ko talaga sayo eh!" ngayon molang bayun na realize Kai.

"Bem mag popropose na ako kay Mara!" halata ko sa mata nyang sobra nyang saya

"agad?! Kai wag kang pabigla bigla baka nakakalimutan mong college palang tayo!"

"Bem propose lang ang sabe ko hindi naman magpapakasal agad. Gusto ko lang mapanatag na talagang akin na Mara, alam moba Bem? Sa lahat ng babaeng nakilala ko kay Mara ko lang nafeel yung ganito eh yung ramdam kong sya na?alam mo yun?pero alam ko namang hindi alam yun kase dikapa nga nagkaka bf eh mainlove pa kaya hahahaha" i know that feeling Kai, kase 5 taon konayang nararamdaman sa isang isang taong alam kong kaibigan lang ang tingin sakin

"Do you take Kairro Enriquez to be you husband in richer and poorer till death do you part?"

"I do"

"You may now kiss the bride" at ang labi nya'y tuluyan ng dumampi sa labi ni Mara. Nakikita kong napapasaya ni Mara si Kai, alam kong mamahalin rin ni Mara si Kai tulad ng pagmamahal ko sakanya and I think that's enough para isuko sya. My feelings won't change I will still love him secretly, i will still care for him like I used to because he is the guy I love from a far.