webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Realizations

Napagsabihan ako ni Sonny nang malaman n'yang ibiniyahe ko ang bata. Alam kong nagalit siya pero hindi lang niya ipinakita sa akin. Wala namang nangyaring masama sa amin, inihatid pa nga kami no'n pabalik ni Miss Callie pero ang inaaalala lang daw ni Sonny ay 'yong hindi ako nagpaalam sa kaniya.

Hindi ko rin naman uulitin 'yon. Humingi ako ng sorry at naging okay na rin naman kami.

Four months si Aye, month of November, nang sa wakas ay napagpasiyahan na naming umuwi na ng Negros. Natagalan bago nangyari 'yon at ito na ang araw na pinakahihintay ko, makikita na nina Nanay si Aye.

Napagpasiyahan na rin namin ni Sonny na sa Manor ako titira para maalagaan talaga si Aye. Pumayag naman ako, at least, 'di ba, malapit lang sa bahay at anytime ay puwede kong mabisita sina Nanay at Tatay. Payag din naman sila at hinahayaan na kaming magdesisyon para sa ikabubuti namin at ng bata.

Ang sarap sa pakiramdam na masaksihan ang paglaki ng anak ko. Apat na buwan pa lang siya pero sukdolan hanggang langit na ang tuwa ko sa tuwing nakikita ko siya. Mas lalo rin kaming napalapit ni Sonny nang dahil sa kaniya. Nagiging kumportable na rin ako sa ganitong klaseng buhay kasama siya, kasama ang anak namin.

Sa tuwing nand'yan siya, hindi ko naiisip ang mga usapan tungkol sa akin, na tila ba'y hindi ko naririnig iyon. Kuntento na ako sa kung anong meron kami ngayon. Masaya ako. Masaya siya. Masaya si Aye. 'Yon ang pinaka-importante sa lahat.

Kaya no'ng pag-uwi namin, ang una kong ginawa, matapos makilala nina Nanay si Aye, ay si Ate naman ay ipinakilala ko sa kaniya.

Kasama sina Nanay at Tatay, nagsindi kami ng kandila sa puntod ni Ate Aylen habang ipinapakilala si Aye sa kaniya.

Kaso pag-uwi namin, nalaman ni Donya Felicity ang ginawa namin and her reaction was the most unexpected one.

"Why did you bring Solano to the cemetery?!"

Nakakatakot ang paraan ng pagtitig n'ya at ang pagpipigil ng boses n'yang isigaw ang sinabi.

"Binisita l-lang po na-namin 'yong puntod ng Ate ko, Donya Felicity."

"Kahit na! You shouldn't bring him there!"

This time, tumaas na talaga ang boses n'ya.

Pinagsalikop ko na lang ang dalawang kamay ko para pakalmahin ang sarili kong maiyak dahil sa nanginginig kong sistema. Nakakatakot si Donya Felicity.

"Mom! Bakit mo sinisigawan si Ayla?"

Hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot ni Sonny sa usapan namin. Nasa kuwarto kami ngayon ni Aye nang bigla siyang pumasok. Hindi ko tuloy alam kung makakampante ako o lalong kakabahan.

"Why not? Pinagsasabihan ko lang si Ayla. Did you know na dinala niya sa sementeryo ang anak mo?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at mas lalong yumuko. Nakakahiya.

"Totoo ba 'yon, Ayla?"

Dahan-dahan akong tumango sa naging tanong niya. Mas lalo akong nanlumo sa tono ng boses n'ya.

"Alam mo, Thomas, pagsabihan mo 'yang si Ayla. Hindi n'ya dapat dinadala kung saan-saan si Solano. There's a purpose kung bakit nandito sila ngayon, to protect them from other people, tapos dadalhin niya lang kung saan-saan? Pagsabihan mo 'yan, Thomas, ha, hindi ako natutuwa."

Nakakatunaw sa sobrang panlulumo ang nararamdaman ko ngayon.

"Sshh, stop crying. Inaalala lang ni Mommy ang kaligtasan ni Aye."

"Na-Naintindihan ko naman. Pasensiya na talaga. Hindi na mauulit."

But at the end of the day, his hug calms me down.

Ilang araw ulit ang lumipas, balik sa pagiging okay ang pakikitungo ni Donya sa akin. Kaso hindi ito ang nakapagpagulat sa lahat, sumabog ang balitang namatay na ang haligi ng mga Osmeña na si Senyor Mado Osmeña. Isang nakababahala at nakagigimbal na balita. Na pati ang mga Lizares ay naging apektado sa balitang iyon.

Noong isang araw daw, isinugod ito sa ospital dahil nagkaroon ng heart attack. Makalipas ang ilang araw, hindi nito nakayanan ang atakeng nangyari kaya binawian ng buhay.

Unang araw at gabi ng burol sa kanilang malaking mansiyon, maraming bisita ang dumating. Mga kilalang bisita. Dumalaw kaming mga Lizares. Isinama ako kasi kailangan daw kumpleto kami.

Tahimik lang akong nakamasid sa mga taong nandito. Lalo na sa mga Osmeña. Halos kumpleto sila, maliban sa isang apo. Wala si MJ Osmeña. Ni-anino n'ya, hindi ko nakita. Napaka-imposibleng wala siya. May nangyari ba?

Gusto ko sanang magtanong kay Sonny tungkol sa presensiya ni MJ kaso… maski ako, natatakot magtanong sa kaniya basta tungkol sa babaeng iyon.

Pero sa kalagitnaan ng pakikilamay namin, bigla siyang dumating. Nasaksihan ko ang nagpabago ng tingin ko sa kaniya.

Nang makita ko kung paanong umiyak ang isang MJ Osmeña sa harapan ng kabaong ng kaniyang Lolo, kung paano niyang kinuwestiyon ang pamilya niya sa kinahinatnan ng haligi nila, ay nagpadurog, hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng taong nakasaksi sa pangyayaring iyon.

Hindi niya pala alam ang nangyari sa Lolo n'ya. Itinago raw sa kaniya para makapag-concentrate daw sa board exam n'ya.

Naiintindihan ko siya. Hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay. Masakit ito. Pero hindi naman siguro deserve ni MJ Osmeña ang pagalitan dahil lang nag-drama siya sa harapan ng kabaong ng Lolo n'ya. Deserve din niyang malaman ang totoo kaya bakit kaya itinago? Bakit kailangang siya ang halos sisihin ng lahat?

Hindi na nanghimasok ang mga Lizares sa mga usapin ng mga Osmeña. Totoong nakakaawa si MJ pero wala kaming magagawa.

"Medyo gago rin 'tong si Darry, e."

Habang nagkakape kaming dalawa ni Sonny at habang tulog pa si Aye, bigla siyang nagsalita. Pinapaikot ko ang kutsarita sa loob ng mug nang lingunin ko siya at nagtaka sa biglang sinabi niya.

"Bakit naman?"

Inilapag ko ang kutsarita at sumimsim sa gatas na hawak habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Alam niya pala ang sakit ni Senyor Mado but he chose to hide it from them, especially from MJ. Kaya ngayon, galit si MJ sa kaniya at hindi raw siya pinapansin."

Pagak akong napangiti nang matapos akong sumimsim sa medyo mainit pang gatas. Wala akong masabi sa sinabi niya. Ilang araw na rin itong naging usapan ng mga Lizares pero sa tuwing nand'yan si Darry, hindi naman nila naitatanong 'yon sa kaniya.

"Magiging okay din si MJ. Nasaktan lang 'yong tao sa pagkawala ng Lolo n'ya. Maiintindihan naman siguro ni Darry 'yon?"

"I dunno. Ang gago niya talaga. Nasa kaniya na nga 'yong babae, gumagawa pa siya ng rason para lang masaktan ito."

Matagal akong napatitig kay Sonny dahil sa sinabi niya at sa paraan ng ekspresiyon niya sa mukha nang sabihin niya iyon. Medyo kumirot lang 'yong puso ko, ewan ko ba. Hanggang ngayon pa rin pala, natatakot pa rin ako.

"Hayaan na natin sila. Problema naman 'yon ng pamilya nila. Hindi naman natin kailangang manghimasok."

"Oo, alam ko, pero nakakaawa lang talaga si MJ, e."

MJ na naman. MJ pa rin ba hanggang ngayon?

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-inom ng gatas at hindi na talaga sinagot ang sinabi niya.

"Anyways, kailan mo gustong pabinyagan si Aye? Mom's been insisting me to start planning na raw and kung maaari, we can do it next month. What do you think?"

"Binyag ni Aye?" Napa-isip ako dahil sa sinabi niya.

Oo nga pala, kailangan nga pala naming binyagan si Aye. Bakit ba pati 'yon, nawawala na sa isipan ko?

"Sa December? Okay naman siguro. Puwede na."

"So, we can do it on your birthday, then?"

Ha?

"Alam mo kung kailan ang birthday ko?" Nailapag ko nang wala sa oras ang hawak kong mug dahil in-open up niya bigla ang birthday ko.

"Yeah. December fifteen, 'di ba?"

Hala, ngano mana?

"P-Paano?"

"I have my own ways to know you, Ayla," sinabayan niya ng pagsimsim ang sinabi niya pero hindi pa rin ako makapaniwala. "So, sa birthday mo na lang ang binyag?"

Mga piling tao lang ang nakakaalam ng birthday ko kasi simula no'ng mawala si Ate sa mismong araw na iyon, mas natatandaan na ng mga kamag-anak namin ang araw na iyon bilang death anniversary ni Ate Aylen, hindi ang mismong birthday ko.

"Ibang date na lang, 'wag na 'yong sa birthday ko." Pagak akong ngumiti sa kaniya at tuluyan nang inubos ang gatas ko.

"Why? Is it because it's your late Ate's death anniversary?"

Natumbok mo mismo!

Tumango ako sa sinabi niya. Tama naman siya, e. Okay lang December pero 'wag lang 'yong sa birthday ko, iba na talaga naalala ko.

"Okay, ikaw ang bahala. I respect your decision. Kapag nakaisip ka na kung kailan, sabihin mo agad sa akin."

Ngiti ang naging sagot ko sa kaniya.

One thing I like about him is his sincerity towards respect. Malaki ang naging respeto niya sa akin at damang-dama ko iyon habang nakatira ako sa ilalim ng puder niya.

"Sir Sonny, Miss Ayla, gising na po si Aye."

Tuluyan kaming natapos sa pagkakape at agad pinuntahan si Aye.

Life is full of uncertain. One second you're getting jealous with the girl you're supposed to get jealous to. One second everything's fine and you can feel his utmost care towards the family you're slowly building.

Hindi ko alam kung normal lang ba itong nararamdaman ko. Kung normal lang ba ang set-up na meron kami ngayon. Masaya ako, masaya ang anak ko, siguro 'yon na muna ang iisipin ko ngayon.

Kinagabihan, agad kaming nag-prepare para sa pagbisita sa huling gabi ni Senyor Mado. Bukas daw ay ililibing na siya.

Mga eksklusibong bisita lang ang pinayagan sa huling gabing iyon. Hindi ko nga inaasahan na masasali ako sa mga taong makaka-witness ng isang private gathering ng mga mayayamang tao sa bayan namin. Ito ang kauna-unahang beses na masasaksihan ko kung paano sila kapag wala ang mata ng mga ordinaryong tao.

Tahimik lang akong nakamasid nang makarating kami. Lumapit si MJ sa amin para batiin ang Don at Donya. Pati si Vice-Mayor Einny at si Miss Kiara ay kaniya ring binati. Niyakap pa nga ni Miss Kiara si MJ. Ganoon din ang ginawa ni Sir Decart, Sir Tonton, at Siggy. Lahat sila, isa-isang nakipag-beso kay MJ. Saying their condolences.

Maliban sa katabi ko. Hindi siya pinansin ni MJ. Tiningnan lang siya at bahagyang tumango. Napatingin ako kay Sonny kung anong naging reaksiyon niya sa ginawa niya pero nag-iwas lang siya ng tingin sa kanila.

Pumasok kami sa loob at sinimulan agad ang isang video viewing. Ang lungkot ng atmosphere. Lalo na sa mga Osmeña. Kilala sila bilang mga masiyahing tao at parang walang problema sa buhay at never kong na-imagine na magiging ganito kalungkot ang gabing ito. Siguro nga, mahal na mahal talaga nila si Senyor Mado.

Makalipas ang isang oras ay agad din namang nag-aya ang mga Lizares na umuwi na. Malalim na kasi ang gabi at inaalala rin ni Donya Felicity ang mga apong naiwan sa manor.

Sunod nang sunod lang ako. Alangan namang humiwalay ako sa kanila, e, sila lang naman ang kilala ko. Maliban na lang kay Vad Montero pero nagpansinan na kami kanina. Isang ngiti lang. Wala rin naman kaming napag-usapan na iba.

It was such a relief when we got home, mahimbing na mahimbing ang tulog ni Aye. Magkasama nga pala kami sa iisang kuwarto ng anak ko pero hindi ni Sonny. Dito kasi ako pinapatulog ni Donya Felicity sa isang guest room nila.

Nagbibihis ako nang may marinig akong ingay sa malaking salas ng bahay. Dali-dali akong nagbihis para matingnan kung ano iyon.

Nasa itaas pa lang ako, nakita ko na kung sinu-sino ang nandoon. Lahat ng Lizares ay nandoon at mukhang ako pa lang nakapagbihis sa kanila.

"Mom, nagkagulo raw sa burol ni Senyor Mado," sabi ni Siggy while holding his phone.

"Why? What happened?" Tanong naman ni Sonny.

"Senyora Auring was rush into the hospital. Nawalan daw nang malay dahil sa commotion na ginawa ni MJ."

"Commotion na ginawa ni MJ? Why? Nag-away ba sila ni Darry doon?" Tanong naman ni Miss Kiara.

"Nope. Not Darry. May dumating daw kasi na bisita to visit the wake of Senyor Mado. Tapos nang makita raw ni MJ ang mga bisita, nagalit na raw ito. That's what the Osmeñas said to me. They were also talking about MJ being raped by that boy."

"What?!"

Ano? Rape? Ha?

"What are you talking about, Siggy?"

"Calm down, Sonny," pagpapakalma ni Tonton sa kapatid nitong si Sonny pero napatitig ako sa kaniya. Isang matagal na titig, pinag-aaralan ang naging reaksiyon niya. "Oh, nandito na pala si Charles, e."

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Hindi binalingan ng tingin ang kapatid nilang bagong dating. Seryoso ang naging tingin ko sa kaniya. Naluluha ako, hindi ko alam kung bakit.

Bakit ganiyan ang naging reaksiyon mo nang malaman mo ang nangyari sa kaniya? Oo, nakakagulat, pero bakit galit na galit ka? Anong meron? May nararamdaman ka pa ba sa kaniya? Wala ba akong pag-asa? Wala ba kaming pag-asa ng anak mo na makapasok sa buhay mo? Nandito nga kami physically pero bakit sobrang layo mo sa amin?

Tumalikod ako at hindi na inalam ang nangyari. Labas naman talaga ako sa problemang kakaharapin ng mga Lizares.

Kahit mabigat ang loob ko, pinilit kong matulog habang nakatingin sa crib ni Aye.

Kinabukasan, sa burol ni Senyor Mado, ipinag-utos ni Donya Felicity na dalhin namin si Aye. Ang akala ko, ipapa-iwan siya gaya nang nakaraang pagbisita namin kasi may balak akong magpa-iwan na rin at hindi na makikipaglibing. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa utos. May magagawa pa ba ako?

Kahit na kasama namin si Ate Ivy para may magbantay kay Aye, inabala ko ang sarili kong magbantay sa kaniya at itinuon ang buong atensiyon ko only to him. Ewan ko kung bakit hanggang ngayon mabigat pa rin sa loob ng sistema ko. Daig ko pa namatayan nito.

"Behave ka lang, Baby Aye, ha?" Bulong ko sa anak ko. Good boy naman siya, nanatili siyang tahimik habang nilalaro ang paborito niyang laruan na isang cute na cute na maliit na stuff toy ng kambing.

Bigay 'to no'ng asawa ni Tonton. Mukhang nagustuhan ni Aye kaya palagi na niyang katabi ito.

Maraming tao ang nakipaglibing sa yumaong si Senyor Mado. After all, mabuting tao rin pala ang mga Osmeña. Hindi ganito karami ang tao kung hindi. May kasabihan nga na sa bilang ng mga taong makikipaglibing sa 'yo kapag namatay ka malalaman kung anong klaseng tao ka noong nabubuhay ka. Ewan ko kung kasabihan ba talaga 'yon. Baka gawa-gawa ko lang 'yon, paki-credits na lang sa akin kung gagamitin n'yo.

Sa libing na ito ko napagtanto kung gaano ka-vulnerable ang isang MJ Osmeña. Dati, hindi ko gusto kung anong klaseng babae siya at may parte sa akin na naiinggit sa estado niya sa buhay, lagi ko ring iniisip na wala na siguro siyang pino-problema sa buhay. Almost perfect, wika nga nila. Pero ngayon ko napagtanto na hindi lahat ng tao, perpekto. May kaniya-kaniya taong kahinaan, kaniya-kaniyang problemang pasan.

Seeing her right now na iyak nang iyak, halos buhatin na ng kaniyang pinsan, brought tears to my eyes. Pa-simple akong naluha nang makita kung gaano siya kalugmok sa kinahitnan ng Lolo niya. I saw myself to her, of how I broke down when Ate Aylen died. Alam na alam ko kung anong nararamdaman niya at gustong-gusto ko siyang yakapin at aluin.

Umuwi kami agad matapos ang libing. Kailangan daw kasi ng pribadong oras ng mga Osmeña para sa kanilang pamilya kaya hindi na nanghimasok pa ang mga Lizares. Maski si Darry, sumama na rin sa amin pag-uwi. Isa pa 'tong nakakaawa. Nakakaawa siya dahil hindi man lang niya nalapitan ang kaniyang asawa para damayan ito sa sakit na nararamdaman niya. Noong isang araw ko pa 'tong napapansin, iniiwasan ba siya ng kaniyang asawa? Totoo rin ba ang naririnig kong hindi mabuti ang relasyon nila ngayon? I heard from Siggy noong nasa Manila pa lang kami na nagkakamabutihan na raw ang dalawa, kaya bakit ganito?

"Sige na, Ate Ivy, ako nang bahala kay Aye. Magpahinga ka na," sabi ko kay Ate Ivy sabay tapik sa kaniyang balikat.

"Sige po, Miss Ayla." Tumango siya sa akin at agad din namang umalis sa kuwarto namin ni Aye.

Mahimbing na naman ang tulog ni Aye kaya nakamasid lang ako sa kaniya ngayon. Payapang-payapa ang kaniyang pagkakatulog na tila'y anghel na nagpapahinga matapos ang buong araw na paglipad sa malaking kaharian ng hari.

Habang lumalaki ang anak ko, mas lalo kong nakikita ang pagkakahawig niya kay Sonny. Hindi maipagkakaila, isa nga siyang Lizares.

"Is he asleep?"

Naagaw ng isang bulong ang atensiyon ko. Napatingin ako sa bandang pinto nang makita si Sonny na nakatayo roon habang tinatanggal ang unang dalawang butones ng white polo shirt na suot niya.

Tipid akong ngumiti at tumango na rin sa naging tanong niya.

Tuluyan siyang lumapit at tinabihan ako, napatingin na rin sa natutulog na si Aye.

"Napagod siguro siya kanina. I've noticed na sobrang natuwa siya nang makita ang maraming tao kanina," mahinang sabi niya.

Umiwas ako ng tingin at hindi na siya tinitigan pa. Baka kung ano pang magawa ko.

"Oo. First time niya sa ganoon ka-raming tao."

"Yeah."

And here goes the silence.

"Ayla, can we talk?"

"S-Sure."

Total tulog na naman si Aye at hindi naman kami puwedeng mag-usap sa loob ng kuwarto, baka marinig ang boses namin at magising pa siya, kaya na-una akong naglakad palabas ng kuwarto. Sumunod naman siya.

"Sa terrace mo na lang ako hintayin, I'll call Manang Ivy muna to watch for Aye."

"Sige."

Gaya ng sabi niya, dumiretso ako sa malaking terrace nila sa kanang bahagi ng bahay. Dito mo rin makikita ang malawak na lupain sa bukid kung saan nakatayo ang manor nila, pati ang garden kung saan nakatanim ang mga collectible plants ni Donya Felicity.

Humawak ako sa malamig na railings ng terasa at dinama ang malamig na hangin ng gabi.

Then a strum of a guitar broke the silence of the night.

My heart beat went faster the moment I saw him with guitar and heard his voice to the sound of a familiar tagalog song. I froze and I don't know what to react. Napapa-ingles nga ako sa sobrang gulat.

"Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa ng hangin. Sa 'yong tingin ako'y nababaliw, giliw. At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko, sa isang munting harana para sa 'yo."

His distance got nearer with every line he sang. With his sight only locked on mine.

First time kong narinig ang boses niyang kumanta, first time kong makita na tumugtog siya ng isang gitara, first time.

Nanghihina ang buong katawan ko dahil sa pinaghalong gulat at kilig. Nanghingi ako ng suporta sa railings na nasa likuran ko para hindi ako tuluyang matumba nang tumigil siya nang maliit na lang ang distansya naming dalawa.

I want to look away but his stares pinned me to this kind of position. Para bang sa pamamagitan ng tingin, ikinulong na niya ako, at parang ipinapahiwatig nito na wala akong kawala kahit anong gawin ko.

"S-Sonny…" Mahinang bulong ko, trying to pick up my nervous self together.

Anong nangyayari, woy?

Isinantabi niya ang hawak na gitara without breaking the stares between us.

Matinding paglunok ang ginawa ko nang humakbang pa siya ng isa pang beses palapit sa akin.

Ano ba kasing nangyayari?

"Aylana Rommelle… you came into my life unexpectedly. I never saw that one coming. You were once our employee, I was once your boss. Then our path crossed. We had Aye by accident and we're drunk that night. I never asked sorry for that night and I would like to grab this opportunity to ask sorry for what had happened, for what I did to you. So, Aylana, I'm sorry."

Kahit gusto kong pigilan ang puso ko sa pagtibok ng mabilis, kusa itong bumibilis. Gusto kong magsalita pero wala akong mahanap na tamang salita para isagot sa sinabi niya. Masiyado akong nagulat, ano ba!

"O-Okay lang, ano kasi, ano, um, nangyari na 'yong nangyari at saka masaya naman tayo kay Aye, 'di ba?" Matapos ang ilang minutong pagiging tahimik ko at pangangapa ng sagot, nakapagsalita rin ako.

Putang inang puso naman 'yan, e!

Mas lalong nagkarerahan ang puso ko nang bigla niyang hawakan ang dalawa kong kamay. Putang ina, para na akong jelly ace sa sobrang panghihina, gusto ko na talagang maglupasay sa kilig. Ano ba kasing nangyayari? Bakit may ganito?

"You know what's the other accident that happened to me?" Seryosong saad niya. Mula pa talaga kanina, hindi na niya inalis ang tingin niya sa akin, ako lang talaga 'tong hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Ano ba!

"M-Meron ba? Naaksidente ka ba? Ito ba 'yong pag-uusapan natin?" Medyo nataranta ako sa sinabi niya kaya napahigpit ang naging hawak ko sa kamay niya, nanghihingi ng sagot sa naging tanong ko.

Pero imbes na sumagot, isang mahinang tawa ang nagawa niya at 'yon din ang nakapag-iwas ng tingin niya sa akin. Kahit medyo madilim sa kinalulugaran namin ngayon, kitang-kita ko pa rin ang pamumula ng tungki ng tenga at ilong niya. Kakapigil ba 'yan ng tawa? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"You're a lowkey funny talaga, Ayla. You always sway me with your inside jokes. Mabuti na lang talaga nagi-gets ko."

Mahina ko siyang hinampas nang bigla na naman siyang natawa. Nandito pa rin 'yong kaba sa dibdib ko pero legit na kaba na talaga. Ano ba kasing aksidente 'yon?

"Seryoso kasi, Sonny. Ano ba kasing aksidente 'yon? Alam ba 'to ng Mommy at Daddy mo?"

Pinigilan niya ang kamay kong hahampas na naman sana ulit sa kaniya at ibinalik na sa akin ang kaninang seryosong tingin niya.

Gamit ang isang kamay, may kinuha siya sa may bandang bulsa ng pants niya.

"The only accident I'm willing to experience again and again is falling in love with you. Ayla…" At bigla siyang lumuhod. AT BIGLA SIYANG LUMUHOD. PUTANG INA, BIGLA SIYANG LUMUHOD!!!!! "Ayla-"

"Putang ina, Kuya! Ano na namang ginawa mo?!"

'Yong kilig at kaonting kabang naramdaman ko kanina ay agad napalitan ng gulat at pag-aalala. Bigla akong napaatras nang pagluhod ni Sonny ay biglang lumabas galing saan si Darry para suntukin ang kapatid. Sa sobrang gulat, agad na tumilapon ang una. Gusto ko sanang umawat pero masiyado akong nagulat sa nangyari.

Ano 'yon?

"What is happening here?! Darwin Charles! Ano 'to?"

"What the fuck is your problem, Charles?!"

Biglang nagkagulo lahat at nagsilabasan na rin ang iba pang miyembro ng pamilya. Masiyado akong tulala sa nangyari. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"What the fuck is my problem?! Ikaw! Ikaw ang problema ko! Hanggang ngayon ba manghihimasok ka sa buhay namin? Kasal na kami, Kuya, and I am disappointed with you for taking advantage of her weak situation just to be near her. Really, Kuya? What the fuck?"

"Teka! Ano ba kasing nangyayari?!"

"Ano? Ano na namang ginawa ko? Wala akong ginagawa!"

"Walang ginagawa?!" Marahas na hinablot ni Darry ang kuwelyo ng damit ng kapatid at mariin itong tiningnan. "Makikipaghiwalay lang naman si MJ sa akin dahil sa 'yo. Dahil sa 'yo, Kuya Sonny! It's fucking because of you!!"

Ha?

"Ayla, let's go inside."

Gusto ko pa sanang marinig ang pinag-uusapan nila nang bigla na akong alalayan ni Miss Kiara papasok sa loob ng manor.

Ano 'yong sinabi ni Darry? Maghihiwalay sila nang dahil kay Sonny? Ano? Bakit?

Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at pina-inom agad ako ng tubig. Hindi ko pa malalaman na sobrang paghinga na ang ginawa ko at dahil sa halu-halong emosyon nararamdaman ko kung hindi pa ako inalu ng ibang babaeng Lizares.

"Magpahinga ka muna, Ayla. Kami nang bahala mag-settle sa away ng magkapatid. I'm sure what Darry said is nothing. Hindi 'yon totoo," pang-aalu ni Miss Kiara sa akin.

Napatingin ako sa kaniya at isang tingin pa lang parang gusto nang bumagsak ng luha ko.

Bakit parang totoo?

~