webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Ring

Tahimik akong naiyak nang gabing iyon. 'Yon na 'yon, e. Malapit na sana, e. Bakit biglang may susulpot na panibagong balitang magpapabago ng lahat?

Masiyado mang mayabang isipin pero inasahan ko talagang kakatok siya sa pintuan ng kuwarto at mag-i-explain sa nangyari pero nakatulugan ko na lang ang lahat, walang Sonny na dumating.

Maaga akong nagising nang magising din si Aye. Ibinuhos ko sa kaniya ang atensiyon ko sa araw na ito at pilit kinalimutan ang nangyari kagabi.

Magpakatatag ka lang Ayla.

Saka lang kami lumabas ni Aye ng kuwarto matapos ko siyang paliguan. Tapos na rin ako. Magpapaalam lang sana ako kay Donya Felicity kung maaari bang maisama ko si Aye sa pagbisita ko sa bahay. Gusto ko lang munang umalis pansamantala sa manor na ito. Kahit ngayong araw lang.

Pagkalabas namin ng kuwarto, halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Sonny na nakasandal sa dingding malapit sa pinto. Mabuti na lang talaga at hawak ko si Aye, baka kung ano pang nasabi ko dahil sa gulat.

Lumingon siya sa akin at saka sa bata. Tatahimik na sana ako pero kusang lumapit si Aye sa kaniya kaya wala akong nagawa kundi ang ibigay sa kaniya ang bata. Pagak akong ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad para hanapin si Donya Felicity.

"Ayla, what happened last night was just a big misunderstanding," sabi niya habang sinusundan ako sa pagbaba ng hagdan.

"Wala lang 'yon, Sonny. Sige, sa 'yo muna si Aye, hahanapin ko lang si Donya Felicity."

"Ayla-"

Hindi ko na alam kung may sinabi pa siya kasi agad akong lumabas at nagpunta ng garden. Kapag ganito ka aga at wala pang agahan, sa garden lang niya siya mahahanap.

Nakita ko siyang nagma-marcot.

"M-Magandang umaga po, Donya Felicity," agaw ko sa atensiyon niya.

Natigilan siya sa ginagawa at lumingon sa akin, tinanggal pa niya ang garden gloves na suot at ibinigay na sa akin ang buong atensiyon niya.

"Yes, Ayla?"

"Um, magpapaalam lang po sana ako, Donya Felicity, kung puwede po bang bumisita kami sa bahay. Isasama ko po sana si Aye." Nilakasan ko na talaga ang loob ko woy, gusto ko talaga munang lumayo rito.

Isang eleganteng buntunghininga ang unang isinagot ni Donya sa akin. Sinubukan kong tingnan siya sa mga mata para makita kung anong naging reaksiyon niya sa sinabi ko pero seryosong tingin lang ang ipinukol niya sa akin.

"You're going to visit your parents, Aylana?"

"Opo. Kung puwede po sana."

Nagbuntunghininga ulit siya.

"Okay. Just tell Nanay Vina na aalis ka, siya na ang mag-i-inform sa driver para maihatid kayo."

Gusto ko sanang tumanggi sa sinabi niyang paghatid pero alam ko namang hindi tumatanggap ng tanggi si Donya Felicity.

"Salamat po. Sige po, ako na pong bahala magsabi kay Nanay Vina."

Si Nanay Vina ay ang pinakamatandang kasambahay at nagsisilbing mayordoma ng kanilang pamamahay. Ang sabi ni Sonny sa akin, matagal na raw na naninilbihan si Nanay Vina sa mga Lizares at napalapit na sila rito.

Ngumiti ako at bahagyang yumuko bago tumalikod para tapusin ang pag-uusap naming dalawa nang bigla niya akong tawagin.

"Ayla."

"Po?"

"Ayokong manghimasok sa inyong dalawa ni Thomas but please believe him." Pinilit kong ngumiti sa sinabi niya. Ayokong magsalita ng patapos. "And please be home tonight."

'Yon ang huli naming usapan ni Donya Felicity bago ako nag-ayos para sa pag-alis namin ni Aye. Wala sa plano itong pag-alis namin kaya nang malaman ni Sonny, agad niya akong kinausap.

"Ako na lang ang maghahatid sa inyo. Gusto ko ring bisitahin sina Tito Boyet at Tita Helen."

"Hindi na. Kami na lang ni Aye. At saka nasabihan ko na si Nanay Vina na aalis kami, kaya paniguradong nasabihan na niya si Mang Pasing."

"I'll fetch you then."

"Sonny, hihinga lang ako. Hayaan mo na ako, please?"

Pagak akong ngumiti sa kaniya bago kami sumakay ni Aye sa kotseng maghahatid sa amin sa bahay. Wala nang naging angal si Sonny at hindi ko na rin naman siya hinayaang makasagot sa sinabi niya.

"Okay lang po kayo, Ma'am Ayla?"

Bago pa man kami makarating sa bahay namin, nakatulog na si Aye kaya nagkaroon ng pagkakataon si Mang Pasing na kausapin ako. Nasa daan pa rin naman ang tingin niya pero nakita ko kanina na paminsan-minsan siyang napapatingin sa akin gamit ang salamin na nasa harapan.

Ngumiti ako sa kaniya at masigasig na tumango. Siguro nalaman nila ang nangyari sa pamilya kagabi. Pero required ba talagang tanungin ako kung okay lang ako? Kanina si Nanay Vina at Ate Ivy, pareho rin akong tinanong kung okay lang ba raw ako. Bakit kasi hindi na lang diretsuhin na itanong sa akin ang tungkol sa nangyari, e.

"Oo naman po."

"Hihintayin ko po ba kayo ni Sir Aye, Ma'am?"

Nakaka-cringe pa rin talagang marinig na tinatawag nila akong Ma'am. Hindi ako sanay.

"Hindi na po, Mang Pasing. Sunduin niyo na lang po kami ni Aye mamayang alas-singko ng hapon."

"Sige po."

Nagulat si Nanay at Tatay sa pagbisitang ginawa namin ni Aye. Pero nangibabaw ang kaligayahan nila nang makitang kasama ko si Aye. Parang nawala rin 'yong gulat na naramdaman nila.

Hinayaan ko muna silang laruin si Aye at nag-presentang magluto ng pananghalian. Sakto rin kasing pagdating namin ay naghahanda na si Nanay sa lulutuin niya. Linggo nga pala ngayon kaya pareho silang walang trabaho sa bukirin.

Nagluto ako ng ginataang munggo. Parang nakaka-relief din pala itong ginagawa ko and it's been awhile na nakapagluto ako. Sa Manor de Lizares kasi, hindi ko magawang magluto kasi nahihiya ako.

Simple lang ang naging pananghalian naming pamilya. May kuwentuhan din naman, 'yon pa ba mawawala?

Matapos ang pananghalian, patutulugin ko na sana si Aye sa kama ko sa kuwarto kaso kahit anong gawin ko, dilat na dilat pa rin talaga ang mata niya. Laro lang siya nang laro kahit anong gawin kong pagtapik sa puwetan niya para mahele siya sa pagtulog. Usually kasi ganitong oras tulog na dapat siya. Siesta time niya 'to, e.

"Ilabas mo muna si Aye. 'Di rin 'yan makakatulog kahit anong gawin mo."

Sumangayon ako sa naging suhestiyon ni Nanay kaya kinarga niya si Aye para dalhin sa may lamesa namin doon sa labas ng bahay, sa ilalim ng puno ng talisay.

Umupo ako sa kanilang harapan habang bitbit ang laruan at ang gatas ni Aye. Pinagmasdan ko ang mga magulang ko na laruin si Aye. Kusa ka talagang mapapangiti kapag narinig mo ang tawa ng iyong anak. Para bang ang lahat nang bumabagabag sa 'yo ay mawawala at makakalimutan mo nang dahil sa tawa ng anak mo.

Natutuwa akong makita siyang na-i-enjoy ang bawat hanging dumadampi sa kaniyang pisnge na sinabayan ng bulaga ng kaniyang Lolo at Lola.

Kung hindi talaga dahil kay Aye, kanina pa ako naiyak kaiisip sa problema ko. Aye can really wash away the negative vibes I'm always feeling.

Alas-dos na ng hapon at kailangang-kailangan na talagang matulog ni Aye kahit ayaw niya kaya nagkaroon ng ideya sina Tatay. Sanay sa crib at kama si Aye kapag natutulog kaya this time, ginawan ni Tatay ng improvised duyan si Aye. Gamit lang ang kumot at ang tali. Itinali niya ito sa puno at sinubukan naming ilagay si Aye roon. First time niya ito kaya no'ng sinubukan ni Nanay na i-hele si Aye na may kasamang pag-hum, agad namungay ang kaniyang mata hanggang sa tuluyan itong makatulog.

Hinayaan ko si Nanay na magbantay muna kay Aye habang patuloy siya sa ginagawa. Kami naman ni Tatay ay bumalik sa kaninang puwesto namin. Medyo malayo ito sa puwesto nina Nanay.

"Busy ba si Sonny?" Pagbabasag ni Tatay sa katahimikan naming dalawa.

Ang kaninang kalmadong estado ko ay napalitan na naman ng kaonting kirot. Pero sa kabila ng magulo kong mundo, mas pinili kong ngumiti ag ipakitang okay lang ako sa harapan ng magulang ko.

"Opo, 'Tay. Hindi na po namin inabala na maghatid sa amin, hinatid na rin naman kami ni Mang Pasing kanina."

Tumango si Tatay sa naging sagot ko at kusa akong nag-iwas ng tingin. Baka kung ano pang maibigay kong meaning sa titig niya sa akin. Ayoko namang mag-alala si Tatay.

Lumipas ang isang linggo na wala kami masiyasong iringan ni Sonny. Nakikipag-usap lang ako sa kaniya kapag may itatanong siya. Isang tanong, isang sagot. Ganiyan ang naging plastada naming dalawa. Mas itinoon ko ang atensiyon ko kay Aye. Hanggang ngayon, iwas pa rin ako sa usaping iyon.

Mas lalong lumakas ang usapan sa paghihiwalay ng dalawa. May ibang usapan na nagli-link kay Sonny sa hiwalayan at meron namang ibang lalaki raw ang dahilan.

Usap-usapan ngayon si MJ Osmeña at Darry Lizares, hindi lang ng mga mayayaman sa bayan namin, maski sa buong bayan na mismo, ng mga ordinaryong tao.

Please spare me with your dramas in life.

Sumasabay pa rin naman ako sa araw-araw na pag-kain ng kanilang pamilya. Pinapansin ko pa rin naman ang mga kapatid at magulang niya. Siya lang talaga itong hindi. Hangga't walang kumpirmasyong hindi totoo ang ipinaratang ni Darry sa kaniya, hindi ako makakampante. Gusto ko manggaling sa kaniya. Gusto kong siya mismo ang magsalita pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang sinasabi.

Hanggang sa pangalawang pagkakataon, nabulabog na naman ng isang nakalulungkot na balita ang angkan ng mga Osmeña. Pumanaw na si Senyora Auring.

Seryoso? Kailangan talagang maranasan ng pamilyang iyon ang sunod-sunod na pagkawala ng kanilang mahal sa buhay? Once is enough to feel the intense pain, but twice? I can't barely imagine them surviving it. Lalo na si MJ Osmeña.

Nanumbalik ang inis na nararamdaman ko sa kaniya noon nang dahil sa paratang ni Darry. Pero ngayon, hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko sa kaniya. Kung awa ba o galit. Aba ewan.

Huling gabi ng burol ni Senyora Auring, bumisita ang mga Lizares. Isinama kami ni Aye. Labag man sa loob ni Donya Felicity na isama ang apo, wala siyang nagawa dahil 'yon ang utos ni Don Gabriel.

Pero ang ikinagulat ko bago pa man kami umalis papunta sa mansion ng mga Osmeña ay ang biglang pagsulpot ng presensiya ni Miss Callie Dela Rama.

Tahimik ang buong pamilya na sinalubong siya. Questionable man ang kaniyang biglang pagsulpot, wala rin silang nagawa kundi ang batiin ito. Mukhang napalapit na rin si Miss Callie sa mag-asawa.

Hanggang sa araw na ito, hindi ko pa rin maayos na kinakausap si Sonny. Isang tanong, isang sagot.

"May problema ba tayo, Ayla?" Biglang tanong niya habang nasa biyahe kami papunta sa Osmeña Mansion. I have no choice but to sit inside his car with Baby Aye and Ate Ivy behind.

Nilingon ko siya at pagak na napangiti.

"May tayo ba, Sonny?"

Laking pasasalamat ko na kasalukuyan siyang nagda-drive kasi hindi niya maibigay ang buong atensiyon niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at hindi na siya masiyadong pinansin.

Dapat, by now, alam niyang may problema. Sana noon pa lang sinabi na niya sa akin ang lahat. Bakit hanggang ngayon, wala pa rin akong naririnig mula sa kaniya?

Hindi ko na siya masiyadong pinansin nang makarating kami sa burol kasi agad akong nilapitan ni Miss Callie at personal na binati. Bigla rin niyang inangkla ang braso niya sa braso ko. Na-awkward tuloy ako sa ginawa niya, baka isipin ng iba, close talaga kami. Anak ng baboy naman.

Sinalubong kami ng mga Osmeña, ng mga magulang ni MJ Osmeña to be exact. Naki-condolence na rin ako kahit na alam kong hindi naman talaga nila ako kilala. Karga-karga nga pala ngayon ni Sonny si Aye at naka-angkla pa rin ang kamay ni Miss Callie sa braso ko.

Lumingon ako kay Sonny para i-check ang anak ko, pero iba ang nakita ko. Sinundan ko ng tingin ang daang tinitingnan niya at ganoon na lang ang naging kirot sa puso ko nang makita kung sino 'yon. Mas lalong nasugatan ang puso ko nang nakipagtitigan siya pabalik kay Sonny.

Ngayon, sabihin n'yo sa akin kung may problema ba talaga kaming dalawa?

Ang gusto ko na lang sa mga oras na ito ay ang umuwi at magkulong sa kuwarto, umiyak hanggang sa mamaga ang mata ko at mamanhid ang puso ko. Tama ba talaga ang ipinaratang ni Darry sa kapatid niya? Na hanggang ngayon, si Sonny pa rin talaga? Minahal din ba ni MJ si Sonny? Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung saan ako mangangalap ng sagot.

May lugar pa ba talaga kami r'yan sa puso mo, Sonny? Sabihin mo na nang mas maaga nang makaalis na ako sa buhay mo.

Pero kaya ko ba? Ngayong mahal ko na siya?

Sa kalagitnaan ng aming pakikiramay, may maliit na kaguluhan na nangyari sa paligid ng mansion. Isang sagutan na nauwi raw sa kaonting sakitan ang nangyari. Sa pagitan ni Miss Callie at MJ Osmeña.

Bakit nag-away ang dalawa? Nang dahil ba kay Darry? Ano ba kasi ang ginagawa ni Miss Callie rito? Anong sadya niya? Isa ba siya sa dahilan kung bakit magdi-divorce ang mag-asawa? O talagang siya ang dahilan?

Kinabukasan, matapos ang maliit na kaguluhan na iyon, agad na napauwi si Miss Callie papuntang Maynila. Ipinag-utos ni Donya Felicity kaya wala siyang nagawa.

Nakipaglibing din kami kasi ngayong araw na nga ililibing si Senyora Auring, bilang kagabi nga ang huling gabi niya.

Isinama na naman namin si Aye. It's their way to show to the people of Escalante daw kung gaano ka intact ang samahan namin ni Sonny, para raw matigil na rin ang usapan na siya nga ang dahilan nang paghihiwalay ng mag-asawang Darry at MJ. Mapapangiti ka na lang talaga nang mapakla.

Maraming tao ang um-attend ng misa. Punuan nga ang parish church ng bayan.

Kaya sa kalagitnaan ng sermon ng pari, umaksiyong iiyak si Aye kaya bago pa man niya magawa iyon, kinuha ko na siya kay Ate Ivy at dahan-dahang lumabas ng simbahan. Tuluyan siyang naiyak nang makalabas na kami. Siguro, nainitan sa loob kaya naging iritable.

"Sshh, tahan na, Aye," pagpapakalma ko sa kaniya habang mas itinututok ang mini fan na dala namin para maibsan ang init niya sa katawan.

Doon ako pumwesto sa wala masiyadong tao. Gusto ko sanang pumunta na sa sasakyan kasi nandoon naman si Mang Pasing kaso masiyadong mainit ang daan papunta roon at hawak pa naman ni Ate Ivy ang payong namin kaya nanatili na lang ako rito malapit sa pinto.

Agad din namang natigil sa pag-iyak si Aye kaya napatingin ako sa kaniya. Kaso, diretso lang ang kaniyang naging tingin. Na-curious ako, siyempre, kaya sinundan ko 'yon ng tingin.

Anak ng baboy.

"M-Miss MJ, ikaw po pala."

Matinding paglunok ang nagawa ko nang siya nga ang nakatabi ko rito sa labas.

Sa lahat ba naman ng babae, ano?

"Hindi ba siya kumportable sa loob?"

"A-Ah, opo."

Anak ng baboy naman, Ayla, kanina ka pa na-uutal, napaghahalataan ka na.

"Puwede ko bang makarga ang anak mo, Ayla?"

Ha? Bakit naman? Pati ba naman anak ko, aagawin mo? 'Wag naman, please.

Ayoko namang maging hipokrita sa istoryang ito kaya kahit na may pag-aalinlangan, ipinahiram ko sa kaniya ang bata.

Nakamamanghang ang galing niyang kumarga ng bata. Mayaman siya at wala sa tipo niya na marunong siyang kumarga. Pero heto ako't nakatingin sa kaniya habang ngumingiti pa sa anak ko at sinusubukang patawanin ito.

Manang-mana nga sa Ama, agad napapangiti, e.

"How old is he and what's his name?"

Napalunok ako sa naging tanong niya. Hindi niya ba alam kung anong pangalan ng anak ko?

"Five months na and his name is Aye."

"Hi, Aye! How are you? I'm Tita MJ!"

Siguro kung may feelings talaga silang dalawa sa isa't-isa, magiging mabuti siyang ina kay Aye. Siguro ang ganda nilang tingnan. Siguro si Aye sana ang Mama niya ngayon at hindi ako. Kung siguro hindi ako nabuntis baka anak nila ang hawak niya ngayon. Ang dami kong siguro! Anak ng baboy na pag-iisip naman 'yan, Aylana Rommelle.

"M-Miss MJ, totoo po bang naghiwalay kayo ni Darry dahil kay Sonny?"

Kinapalan ko na ang mukha ko. Sa kaniya ko na mismo itinanong ang matagal ko nang naging tanong. Naniniwala pa rin ako na kapag babae sa babae ang usapan, paniguradong magsasalita siya ng totoo. Sana.

"No. Ginawa ko 'yon para sa sarili ko, hindi dahil sa ibang tao. Kailangan lang talaga naming tapusin ang relasyon namin. At Ayla, hindi ko tinuloy ang pagpapakasal kay Sonny para sa 'yo, para sa anak mo, at para sa pamilyang kailangan n'yong buuin. Kaya sana, do your part. Kung mahal mo si Sonny, 'wag mong hayaang mawala siya sa 'yo. 'Wag mong hayaang mauwi sa wala ang sakripisyong minsan kong ginawa."

Napatitig ako sa shades na iniwan ni MJ sa anak ko kanina at saka lumipat ang tingin ko sa kaniya na ngayo'y halos bumagsak na sa lupa kakaiyak.

Gusto ko siyang hangaan sa pagiging matatag niya sa lahat ng problemang dumating sa pamilya niya at sa mismong sarili niya. Siguro nga napamahal na siya sa kaniyang Lolo at Lola kaya ganito siya kung umiyak. O baka nasasaktan siya dahil sa paghihiwalay nila?

Kahit papaano, naging kalmado at klaro ang pag-iisip ko ngayon. Panigurado mamaya kakausapin ko na nang maayos si Sonny ngayong narinig ko mismo sa bibig ni MJ ang rason.

The conclusion is: walang kasalanan si Sonny. He's clear.

And my perception changed the moment I heard MJ's side.

'Tang inang pag-ibig talaga 'yan, oh. Mapapamura ka na lang talaga nang wala sa oras.

Dumating ang annulment papers ni MJ at Darry. Talagang seryoso nga sila sa hiwalayan nila. Ganito siguro kapag ipinagkasundo ang mga mayayaman. Ewan, masiyado silang kumplikado.

Hindi na namin mahagilap si Darry matapos niyang mapirmahan ang annulment papers. Pinabayaan na rin siya nina Don at Donya, binigyan ng pagkakataong makahinga.

Kinabukasan, araw ng Linggo, buong araw akong nanatili sa manor. Si Sonny naman ay naging abala na rin sa pag-check daw sa iilang lupain na meron sila. Masiyado kasi siyang hands-on sa mga lupa nila, akala ko sa trabaho niya lang bilang chemist ng kanilang central, e, pati ba naman pagiging haciendero ay kina-career niya. Pang-gatas siguro ni Aye.

Dahil Linggo at wala masiyadong ginagawa, halos buong araw din akong naka-tambay lang kasama si Aye. Minsan ay kinakausap siya ng mga pinsan niya, ng mga Tito at Tita niya, pero suma-tutal, nasa loob lang talaga kami ng kuwarto.

Naisipan kong lumabas muna para kumuha ng maiinom sa kusina. Iniwan ko muna pansamantala si Aye kasama si Ate Ivy at Ate Zetty, 'yong asawa ni Kuya Tonton Lizares.

Si Sonny naman ay kararating lang galing sa pinuntahan nila ng kapatid niya kaya pinaligo ko muna bago siya makipag-bonding kay Aye.

Nasa itaas pa lang ako, malapit sa railings, natigilan na ako sa paglalakad at agad napatingin sa malaking salas ng bahay. May narinig kasi akong ingay doon at no'ng nakita kung sinu-sino 'yon, napatigil talaga ang paa ko.

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, nandito po ako para humingi ng tawad."

Napahawak ako sa bakal na railings ng second floor at mariing napatitig kay MJ Osmeña nang magsalita siya.

Alam kong masamang makinig sa usapan ng ibang tao pero, ano kasi, hindi ko talaga mapigilan, at mukhang hindi naman nila alam na nandito ako sa itaas. Hindi naman agad ako mapapansin dito.

"Wait, why are you saying sorry, hija?" Gulat na tanong ni Donya Felicity.

Oo nga, bakit siya nagso-sorry?

"Sorry po sa biglaang naging desisyon ko sa gitna ng problema ng pamilya namin. Sorry po kung napahiya at napag-usapan pati ang pamilya niyo po."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niyang rason.

Ano ba talaga ang totoong nangyari, MJ?

"No, hija, kami nga dapat ang humingi ng pasensiya sa 'yo. Nadamay ka sa pagkakasundo ng dalawang pamilya."

Buong akala naming lahat ay nagkakamabutihan na talaga ang dalawa. At the end, she will always come back to her old self. She's being MJ Osmeña. Nice.

Nagpatuloy ang usapan nila at nagpatuloy din ako sa pakikinig sa kanila.

"Naiintindihan ka namin, hija, kung bakit mo napag-desisyonang tuluyang putulin ang ugnayan ninyo ni Charles. I cannot imagine how deeply hurt you are of what happened to your family. I do understand it, hija."

Sana all naiintindihan.

"Thank you po for everything. Rest assured po na walang magbabago sa relasyon ng parehong pamilya - the Lizares and Osmeñas."

Pinagmasdan ko ang susunod niyang gagawin hanggang sa dahan-dahan niyang tinanggal ang mga singsing yata sa kaniyang daliri at inilapag iyon sa center table para ilapit sa mag-asawa.

Anak ng baboy?! Legit na talaga? Wala na talaga?

"Isinasauli ko na po ang mga singsing. Thank you po for accepting me to your family. I need to go na po. I have a flight to prepare with pa po kasi. Thank you for your time, Tito Gabriel and Tita Felicity."

Wow! Legit na napanganga ako sa ginawa niya. Talagang isinauli niya 'yong mga singsing na ibinigay sa kaniya? Talagang hiwalay na sila? Talagang wala ng pag-asa? Nagpakasal lang talaga sila ni Darry nang dahil sa paluging negosyo ng mga Lizares? Legit talaga na hindi na-fall si MJ Osmeña kay Darry Lizares? Hanggang ngayon ba, playgirl pa rin siya o si Sonny Lizares pa rin?

Ang dating kaba na naramdaman ko ay biglang nanumbalik. Hindi ko inaasahan ito at mas lalong hindi ko nagugustuhan kung anong kabang nararamdaman ko ngayon.

"Dapat na ba akong matakot?" Bulong ko sa sarili ko habang sinusundan ng tingin si MJ Osmeña hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Don't be scared. Maka-ilang beses man silang maghiwalay, bumalik man sa akin si MJ, I'll always choose you and Aye, remember that. It will always be you and Aye."

Putang ina!!!!!

Mala-kulog na boses, pamilyar na amoy, at ang pigura ng katawan sa aking likuran.

Literal na nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi talaga ako makagalaw dahil sa dalawang braso na nakatukod sa railings sa magkabilang gilid ko.

Putang ina! Legit 'yong gulat ko!

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko habang dahan-dahan na gumalaw para makita ang mukha niya. Ayokong makipag-usap nang nakatalikod kahit na alam kong mas lalo akong manghihina kapag nakita ko na ang mukha niya.

Putang ina! Kailangan ba ganito talaga ka lapit?

"S-Sonny," mahinang bulong ko, total magkaharapan na naman kaming dalawa.

His dark eyes said he's that serious. Madalas ko na siyang matingnan sa mata kaya alam ko na kung kailan siya seryoso at kung kailan hindi.

Bahagya siyang nakayuko sa akin dahil nakatukod pa rin hanggang ngayon ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko.

"It will always be you, Aylana."

And a soft kiss in my forehead eases my worries.

Dati, ang pag-iisa sa buhay ang comfort zone ko. Ngayon, siya na.

You're now my comfort zone, Sonny. It will forever and always be you.

~