webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Friendship

Nagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.

Ilang linggo ulit ang lumipas. 'Yong trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala 'yong chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko 'yon.

"Ayla, pa suyo naman… pakidala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin 'tong ginagawa ko." Lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.

"Okay…" sagot ko sabay abot no'ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.

Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny. Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho, sa kani-kanilang table.

"Yes?" tanong agad no'ng babaeng sa pagkakaalam ko ay secretary ni Engr. Sonny.

"Si Engineer Sonny po?" Napansin ko kanina na walang nakaupo sa table ni Engr. Sonny pero nagtanong pa rin ako, baka sakaling lumabas lang.

"Wala po si Engineer Sonny, Miss, may kailangan ka po?" tanong niya ulit.

"May ipapapirma lang po sana ang I.T. dept. sa kaniya, Miss."

"Sige, iwan mo na lang sa akin. Day-off po kasi ni Engineer ngayon."

Day-off?

Iniwan ko nga ang folder na iyon sa kaniya at bumalik na sa opisina.

Day-off? Nagdi-day off pala siya? Bakit halos araw-araw, nakikita ko siya noong nakaraan at mukhang hindi naman nag-di-day off? Saan kaya siya nagpunta?

"Nand'yan na si Engineer Sonny, Ayla?" tanong agad ni Shame nang makarating ako sa opisina. Umiling ako bilang sagot.

"Mukhang tama nga 'yong narinig ko sa mga tiga-accounting, umalis nga yata si Engineer."

"Sa'n naman pumunta si Engineer? May seminar ba?" tanong ko naman.

"Wala naman daw. Ang sabi lang, pumunta raw sa Uno-R to run some errands daw. Pero for sure, nandoon 'yon para bisitahin si Miss MJ Osmeña. Kilala mo 'yon 'di ba? Nababalita kasi na may gusto si Engineer do'n."

Ano?

Natigil ang kamay kong aabot na sana sa mouse ng computer ko dahil sa sinabi ni Shame.

Ilang buwan na ang nakalilipas pero gusto niya pa rin ang babaeng iyon? Mga ganoong salita na ang sinabi sa kaniya, gusto niya pa rin ang babaeng iyon?

"S-Sigurado ba 'yan, Shame?"

"Oo naman. Matagal nang usap-usapan 'yan sa ciudad. Hindi na nga ako magtataka kung sila ang ipagkakasundo ng dalawang pamilya, e."

"Ipagkakasundo?"

Ano?

"Oo, 'yong as in kasal. They're back at it again. Hindi pa rin nadadala sa nangyari noon kay Sir Decart at 'yong si Miss Tonette Osmeña. Gusto pa ring i-pursue ang partnership ng dalawang pamilya sa pamamagitan ng kasal. Like damn, nasa modernong taon na tayo ngayon, uso pa rin sa kanila ang kasalang ganiyan? Weird."

Umiwas ako ng tingin kay Shame at pilit ipinapasok sa utak ko ang mga pinagsasabi niya.

Ikakasal silang dalawa? Hindi pa sigurado pero may posibilidad. Malaki ang posibilidad. Malaking-malaki.

Dumaan ulit ang mga araw na puros trabaho lang ang inaatupag ko. Sinubukan ko ang sarili kong ilayo ang atensiyon sa kaniya. Pero kapag mas lalong lumilipas ang mga araw, mas lalo kong hinahanap ang presensiya niya at hindi na mabuti ito.

Isang araw, break time, naisipan kong hindi na muna kumain ng merienda. Hinayaan kong umalis sina Shame papunta sa canteen ng central, kasama siyempre ang iba pa naming kasamahan sa opisina. Ako, mas pinili kong lumabas na muna ng building, magpapahangin lang. Marami kasi akong nakain sa pananghalian kanina kaya wala akong ganang kumain ng merienda ngayon.

"Ma'am, gusto mo ng mais, Ma'am? Bente pesos dalawang piraso na, Ma'am."

Lumingon ako sa may entrance ng building nang may narinig akong boses. Galing kay manong na nagbebenta nang kung anu-ano tuwing break time ng kompanya.

"A-Ay, hindi na po, manong. Busog pa po ako," agad na tanggi ko sa manong na iyon.

"Dalawang piraso nga po, manong."

"Engineer Sonny!"

Anak ng baboy.

Bigla nga'ng sumulpot si Engr. Sonny sa harapan namin ni manong. Ibinigay agad ni manong ang dalawang pirasong nilagang mais sa kaniya at malugod namang binigyan ni Engr. Sonny ng isang daan si manong sabay sabing "Keep the change, manong."

"Maraming salamat talaga, Engineer Sonny!" at biglang umalis si manong na nagbebenta ng mais na may malawak na ngiti sa kaniyang mukha habang bitbit ang basket ng kaniyang paninda.

Wow. As in wow. Ano 'yong nangyari?

"Ito sa 'yo." 'Yong gulat na naramdaman ko sa biglang pagsulpot niya ay mas lalong nadagdagan nang bigla niyang i-abot sa akin ang isang pirasong nilagang mais na kasama sa binili niya kanina. "Tanggapin mo na, hindi ko rin naman ma-uubos ang dalawang mais na ito, e."

Nakita siguro ni Engr. Sonny na nag-aalinlangan akong tanggapin ang mais na ibinigay niya kaya ipinagpilitan niya na sa akin. Tinanggap ko rin naman, matagal-tagal na rin mula no'ng makatikim ako ng nilagang mais kahit na marami namang ganito sa bukirin.

"Bakit mag-isa ka yata rito?"

Sinimulan kong kainin ang mais nang biglang magsalita si Engr. Sonny. Lumingon ako sa kaniya para kumpirmahing ako nga ba talaga ang kausap niya.

"Um, gusto ko lang po mapag-isa."

"I told you, cut the po and opo. And oo nga naman, mag-isa ka nga rito so obviously gusto mong mapag-isa. You want me to leave you alone?"

"Uh, hindi po—I mean, okay lang na nandito ka Engineer Sonny. Hindi ko naman pag-aari ang building, sa inyo naman 'to, e."

"Point taken," natatawang sagot niya matapos marinig ang sinagot ko. "So, how's work?"

Nagpatuloy ako sa pagkain ng mais at patuloy din siya sa pagsasalita niya.

"Okay lang naman, Engineer. Smooth lang ang lahat."

"Are you coping well?"

"Yes, Engineer. Mababait ang tiga-I.T. dept. kaya mas naging madali ang pag-a-adjust ko sa kanila."

"So have you met the I.T. director?"

"Si Sir Johnson? Oka—"

"No, not Sir Johnson. I mean 'yong pinaka-head niyo talaga sa I.T. department. Si Miss Viany. One of the executives. Nakabisita na ba siya?"

Napatagal ang titig ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ba si Sir Johnson ang may pinakamataas na posisyon sa department namin?

"Mukhang hindi pa ah. Better ready yourself before meeting her."

"Bakit naman, Engineer?"

"I heard she's terror."

"T-Terror?"

"Yep, but I'm just kidding. Usap-usapan lang 'yon kasi nga matandang dalaga pero kapag kaharap naman niya kami, she's nice naman."

At hindi ko na alam kung ano pa ang pinag-usapan namin ni boy tingkoy. All I know is that I enjoyed his company. Sobrang gaan niyang kausap, ang dami niyang topikong dala, mukhang hindi nauubusan.

Lahat ng judgments ko sa kaniya rati, parang kabaligtaran sa nakikita ko ngayon. Madaldal siyang tao, magaling siyang makisalamuha sa mga empleyado nila. Sa tuwing lumalabas nga ako ng opisina at saktong nakikita ko siyang nasa labas din, pa-sekreto ko siyang tinitingnan na makipag-usap sa iba pang empleyado. Wala siyang pinipiling kausap, mapa-bata o matanda, kinakausap niya. Maski ang mga bumisitang anak lang ng mga empleyado nila ay kinakausap pa niya.

Siguro nga hindi na niya ako naalala. Siguro nga hindi na niya matandaan ang aksidenteng pagbangga ko sa kaniya. Siguro nga hindi niya alam na ako 'yong kausap niya sa maliit na burol that one lonely night of my eighteenth birthday. Ang dami kong memories sa kaniya na alam kong hindi naman niya alam. But I don't know, I have an urge or gut feeling that I want to treasure those little memories with him.

Lumipas ang mga araw, 'yong kabang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya ay unti-unting naging normal para sa akin. Yes, the fast heartbeat is still evident but I learned how to ignore and control it. Naks, English 'yon ha. But anyways, 'yon nga, natutunan kong balewalain ang kabang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya araw-araw. Nasasanay na nga ako na dapat hindi lilipas ang isang araw na dapat ay nakikita ko siya o napapansin niya man lang ako.

In short, we became friends. Inside or outside the company, we became friends. At nang dahil ito sa ka-officemate ko na si Shame at Ezekiel. Malapit na kasi sila kay boy tingkoy kaya pati ako, napalapit na rin sa kaniya. 'Yong sinabi ni Ezekiel dati na mahilig manglibre at magpakain si boy tingkoy sa mga ka-opisina niya, it turns out that he's right after all.

Sobrang hirap talagang hanapan ng mapipintas sa taong mukhang perpekto sa lahat ng tao.

"Good morning, Ayla! Aga natin ah?" Kalalabas ko pa lang ng opisina ay siyang pagdating ni Engr. Sonny. Mukhang kararating lang niya.

"Good morning din, Engineer!" bati ko naman sa kaniya.

Papunta ako sa pantry para kumuha na naman ng tubig at siya naman ay papasok na sa kaniyang opisina. Nagkasalubong kami at sinabayan niya ng high-five ang bati niyang iyon.

Nang lumampas siya, napatitig ako sa kaliwang palad ko na dumampi sa palad niya kanina nang makipag-apir ako sa kaniya. That was only split seconds pero ramdam kong mas malambot talaga ang kamay niya kaysa sa kamay ko. The perks of being a mayaman.

Ano ba 'yang iniisip mo, Ayla! Walang malisya ang lahat!

Isa-isang nagsidatingan ang mga empleyado sa floor namin nang makalabas ako sa pantry. Mas maaga akong dumating kasi wala lang, maaga naman talaga akong dumadating sa opisina. Sa sobrang aga nga, hindi na ako minsan sumasakay sa shuttle bus ng central.

Bitbit ang punong-puno na bottled water, tinahak ko ulit ang daan pabalik sa opisina nang biglang nag-vibrate ang cell phone ko sa bulsa. Agad ko itong kinuha para matingnan kung sino ang nag-text o baka tumawag kasi tuloy-tuloy ang pag-vibrate, e.

Fabio Menandro Varca is calling…

Oh? Ang aga namang tumawag ni Fabio?

Agad kong in-accept ang tawag ni Fabio kaya habang naglalakad, nasa tenga ko ang cell phone.

"Hmm, magandang umaga, Fab," agad na bati ko sa kaniya.

"Good morning, Aylana!" bati rin ni Fabio. "Nasa trabaho ka na?"

"Oo, Fab. Bakit?"

"Puwede ba tayong mag-video call? Gusto lang kasi kitang makita bago man lang ang exams namin."

"Ha? Ngayon agad? Akala ko ba nagri-relax ka na ngayon. Mag-relax ka na lang, Fab, bukas na ang exams niyo oh."

Last week na ng September ngayon at schedule na ng board exams ni Fabio. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita. Huling pagkikita namin ay no'ng July pa yata. Hindi ko na kasi matandaan kasi pareho kaming naging abala sa gawain ng bawat isa. Siya sa pagre-review, ako naman sa trabaho.

Isang malalim na buntonghininga ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Sige na Fab. Ayoko kitang istorbohin ngayon para makapag-concentrate ka bukas. Kaonting tiis na lang at matatapos na ang lahat ng pinaghirapan mo."

Malalim na buntonghininga ulit ang una niyang sinagot sa akin.

"Salamat talaga, Ayla, for always cheering me up. I promise after this, babawi ako sa 'yo. We'll going to date as long as we can. I love you."

Anak ng baboy!

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa huling sinabi ni Fabio. Hindi ko pa narinig sa kaniya 'yon. Sa ilang taon niyang panliligaw sa akin, hindi niya pa ako sinabihan ng tatlong salitang iyon. Nagulat ako, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin.

Saktong natigilan ako sa paglalakad ay siyang paglabas ni Engr. Sonny mula sa kaniyang opisina. May hawak din siyang cell phone katulad ko at nasa tenga niya rin ito. Nang makita niya ako, agad siyang tumango na may kasamang ngiti sa akin. Umiwas siya ng tingin sa akin at agad inatupag ang kaniyang cell phone. Tumagal ang titig ko sa kaniya.

"Um, Ayla… can you say I love you to me? Para naman ganahan ako sa board exams ko bukas?" nanatili ang titig ko kay Engr. Sonny habang nasa tenga ko pa rin ang cell phone.

Lumingon ulit siya sa akin at isang mahabang titigan ang iginawad niya sa akin habang nasa tenga ang kaniyang cell phone.

And there goes my heart again…

"I love you…"

Anak ng baboy?

Huli na ang lahat kasi nailabas ko na ang tatlong salitang hindi ko inaasahan na lalabas sa aking bibig habang nakatitig sa kaniya. Pinatay ko ang tawag ni Fabio at agad ibinulsa ito. Alam kong hindi alam ni Engr. Sonny kung anong nangyayari sa akin ngayon pero anak ng baboy talaga! Anong I love you?

Sunod-sunod na lunok ang ginawa ko bago ako kalmadong naglakad papunta sa pintuan ng opisina namin. Nandoon pa rin sa kaniyang puwesto si Engr. Sonny kaya no'ng saktong nasa tapat na ako ng pinto, ibinaba niya ang hawak na cell phone.

"Okay ka lang, Ayla?"

"U-Uh, o-oo, Engineer, okay lang ako." Hindi ko pinahalata sa kaniya na sumasabog na ang buong sistema ko! Anong I love you? Mahal na agad, Ayla?

Nakahawak na ako sa doorknob nang biglang may tumawag sa kaniya. Sobrang lakas ng boses kaya sure akong lahat ng nasa accounting department ay narinig ang sigaw na iyon at sigurado rin akong nasa babaeng sumigaw na ang atensiyon nila. Maski ako, napalingon na rin sa kaniya.

"Kuya Sonny!"

Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng iyon mula ulo hanggang paa. Maganda siya, halatang mayaman din, pero ang hindi lang maganda sa kaniya ay ang estado ng kaniyang mukha. Umiiyak siya at mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa niya hanggang sa nasa tapat na siya ni Engr. Sonny.

"Aly? Anong nangyari sa 'yo?" hinawakan ni Engr. Sonny ang pisnge ng babaeng iyon at base sa boses niya, halatang nag-aalala siya sa babaeng nasa harapan niya ngayon.

Maybe ito 'yong pintas na hinahanap ko sa kaniya? Ito 'yong pintas na matagal ko nang hinahanap. Ang pintas na magsasabing hindi perpektong tao si Engr. Sonny Lizares.

Biglang humikbi ng malakas ang babae at yumakap pa kay boy tingkoy! Aba't!

"Alyssa Quanda! Please talk. What is happening to you?" may diing tanong ni Engr. Sonny habang ina-alu ang babaeng ito.

Alyssa Quanda? Pamilyar 'yong pangalan niya. At saka tinawag niyang Kuya si Engr. Sonny kanina? Magkapatid ba sila? Pero wala namang kapatid na babae ang Lizares brothers.

"K-Kuya… Si Renato, Kuya, he's cheating on me. K-Kuya, please samahan mo ako. May nakapagsabi sa akin na nandoon daw ngayon sa dorm ni Ren ang babaeng iyon. Kuya, please… I want to caught them in the act, please samahan mo ako, Kuya Edison!"

Ah! Okay! Kilala ko na ang babaeng ito! Alyssa Quanda Lizares! Pinsan ng Lizares brothers.

"I told you so, Aly."

"Please, Kuya? Mamaya mo na ako pangaralan! Gusto kong samahan mo ako," humahagulgol na sabi pa rin ni Alyssa Lizares.

"Hoy? Ano 'yan?" biglang nagbukas ang pintuan ng opisina namin kaya bumungad agad sa harapan ko ang pagmumukha ni Shame. Nilingon niya ang nag-uusap na mag-pinsan hindi kalayuan sa amin kaya bumalik doon ang tingin ko.

Inayos na ni Alyssa ang kaniyang sarili hanggang sa kaladkarin ni Engr. Sonny ang pinsan niya at umalis silang dalawa. Mukhang pupuntahan yata 'yong sinabi ni Alyssa na boyfriend niyang niloloko siya.

"Mukhang nalaman na ni Miss Alyssa ang tungkol sa manloloko niyang boyfriend ah?" biglang sabi ni Shame kaya naibigay ko ulit ang atensiyon ko sa kaniya. Sabay na rin kaming pumasok sa loob ng opisina.

"Alam mo? At saka bakit nga pala nandito 'yong si Miss Alyssa? 'Di ba tiga-Bacolod 'yon?" tanong ko naman sa kaniya.

"Matagal nang usap-usapan na manloloko talaga ang boyfriend no'ng si Miss Alyssa. Pati nga mga magulang niya at pamilya, alam, e, pero masiyado yatang nabulag sa pag-ibig niya sa lalaking iyon kaya ipinaglaban niya. Siguro natauhan na't ganoon. At saka, sa ospital ng ciudad natin niya napiling mag-OJT at nakatira siya ngayon sa mga Lizares. Matagal na rin kasing gusto niyang tumira na rito sa ciudad natin instead doon sa Bacolod. Ewan ko ba sa trip ni Miss Alyssa," mahabang kuwento ni Shame sa akin na tango lang din ang naging sagot ko bago kaming dalawa nagpatuloy sa trabaho.

'Yong narinig kong sinabi ni Miss Alyssa Lizares sa pinsan niyang si Engr. Sonny ay tama pala. Hapon ng araw na iyon, agad na may kumalat na isang video kung saan sinasabunutan at sinisigawan ni Miss Alyssa ang kaniyang boyfriend na base sa nakalagay na impormasiyon ay si Renato raw. Naging usap-usapan ang video'ng iyon at marami ang pumanig kay Miss Alyssa. Marami rin ang nangutya at nang-bash sa ex-boyfriend niya at sa babaeng iyon na noong nasa video ay nakatapis lang ng kumot. Sa isang karinderya naganap ang pangyayaring iyon.

Kinabukasan no'n, inutusan kami ni Sir Darry Lizares na i-take down ang kumakalat na video. Ayaw niya raw na napapahiya ang pinsan nila kahit na siya naman ang tama sa video'ng iyon. It was then deleted in all social media platforms.

"Finally! Natapos din ang lahat ng araw na busy ako!" Isinalampak ni Fabio ang kaniyang sarili sa sofa dining chair nina Zubby.

Ilang araw matapos mangyari iyon, nandito kami ngayon sa bahay nina Zubby. Birthday ng bunso nila na si Zarry kaya invited ako. Nandito rin si Fabio na naiwan kaming dalawa rito sa kusina nina Zubby dahil nasa salas ang lahat ng bisita.

Umiinom ako ng juice at pinagmamasdan lang si Fabio sa kaniyang ginagawa. Magmula no'ng magkita kaming dalawa kanina, sobrang lawak na ng ngiti niya. Napapasinghap na nga lang ako sa tuwing nagpapang-abot ang tingin naming dalawa at bigla siyang ngingiti sa akin nang napakalawak.

Alam kong may kinalaman ito sa huling pag-uusap namin bago ang board exams niya.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga sinasadyang sabihin iyon sa kaniya. Sigurado ako sa sarili kong hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko pa puwedeng sabihin sa kaniya iyon hangga't hindi ganoon ang nararamdaman ko sa kalooblooban ko. It was just a slip of the tongue. I know.

"F-Fab… tungkol sa—"

"I just want you to know, Ayla, na I'm not pressuring you to answer me immediately. Like we always say to each other, we'll take things slowly. No pressure, Ayla. Masaya akong malaman na pareho talaga tayo ng nararamdaman. That's enough for me... for now."

Anak ng baboy!

Isang malalim na hininga ang nagawa ko at mataman siyang tiningnan sa mga mata.

'Yon na nga ang problema, hanggang ngayon, hindi pa rin dumadating sa akin ang pakiramdam na ganoon. Masaya si Fabio ngayon, kapag sinabi kong hindi pa pareho ang nararamdaman namin sa isa't-isa tapos kinabukasan ay naramdaman ko bigla pero nasaktan ko na pala siya, edi para akong timang no'n? Siguro ang mas mabuti, hihintayin ko. Gaya nga ng sabi niya, dadahan-dahanin namin ang lahat. Walang pressure na mangyayari and I think that's enough for us.

"Hey lovebirds! Kainan na!" biglang sumulpot si Zubby sa kusina at laking pasasalamat ko na lang talaga at dumating siya para makaalis na ako sa awkward situation na iyon.

Nagpatianod ako kay Zubby na animo'y isang ulap sa kalangitan sa mahanging hapon.

Natapos ang birthday party ng kapatid ni Zubby pero nandito pa rin ako. Sabado naman at linggo naman bukas kaya rito na ako papatulugin nina Tita Gina. Nandito rin kasi ang iilang barkada ni Zubby kaya kasalukuyan sila ngayong nag-iinuman sa may terrace ng bahay nina Zubby. Nakiupo ako sa kanila pero gaya ng dati, tahimik pa rin ako habang hawak ang bote ng coca-cola na palagi kong iniinom. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako umiinom ng mga nakalalasing na inumin. Hindi ko kaya.

Nakikinig lang ako sa mga kuwentuhan nila at sa paminsan-minsang pagvi-videoke dahil may videoke machine na inarkila sina Tito Luis para sa birthday na ito kaya ayon, puros kantahan ang ginagawa nila. Salitan din sila sa paggamit sa iilang kamag-anak nina Zubby na nandito pa rin at nag-iinuman.

Pa-ubos na ang coke na iniinom ko at gusto ko sanang maglakad-lakad sa may plaza ng bayan. Wala lang, magpapahangin lang. Marami pa naman ang taong nandoon kahit na wala namang kahit anong event ang nangyayari sa plaza. Sabado nga pala ngayon kaya marami talagang kumakain sa may barbeque-han ng plaza.

Tinanaw ko ang bandang plaza. Wala lang, gusto ko lang tingnan.

"Kuya Fabio, tawag ka ni Tito Pablo."

Nabalik ang tingin ko sa harapan ng biglang sumulpot si Zenna sa tumpokan namin. Nilingon ko na rin si Fabio.

"Sige, Zen, pakisabi susunod ako," sagot naman ni Fabio.

"Sabi ni Tito ngayon na raw."

Nilingon ako ni Fabio kaya nakipagtitigan ako sa kaniya at dahan-dahan siyang tinanguan.

"Sige na, baka may pag-uusapan lang kayo. Pupunta muna ako sa plaza, maglalakad-lakad lang."

"Sige, mag-ingat ka roon ha. Susunod ako kapag natapos ang usapan namin. Mabilis lang 'to." Tinanguan ko ang sinabi niya at tinapik na rin siya sa kaniyang binti para bigyan siya ng permission na puwede na siyang umalis.

Pagkaalis ni Fabio, kay Zubby naman ako nagpaalam. Pinayagan naman niya ako agad at masiyado niya akong kilala kaya alam niyang ganito talaga ako sa tuwing nasa bahay nila ako. Hindi ko talaga nakakaligtaan na maglakad-lakad sa plaza.

Suot ang itim na cardigan, pinag-ekis ko ang dalawang braso ko at dinama ang malamig na simoy ng panggabing hangin. Ber months na. October na nga ngayon, e. Malapit na ang pasko kaya malamig na ang simoy ng hangin.

Nagmamasid-masid lang ako sa paligid ng plaza, pinagmamasdan ang bawat taong nandito. May naglalakad lang mag-isa, may naglalakad na may kasama, may pamilya, may magbabarkada na nagtatawanan pa. Iba't-ibang klaseng tao, may kaniya-kaniyang mundo, may kaniya-kaniyang problemang pinapasan. Siguro kung may label ang lahat ng taong nandito na nagsasabi kung sino sa kanila ang may pinakamabigat na problemang pinapasan, ano kaya ang magiging reaksiyon ng kanilang mga kasamahan o ng ibang taong makakakita sa label na iyon? Would they help them or just ignore those kinds of people? Those signs? Ako kaya? Maituturing bang mabigat ang pinapasan ko ngayon? Naguguluhan lang naman ako sa sariling nararamdaman.

Mabuti pa sigurong ang pasan mong problema ay tungkol sa sarili mong pamilya. Hindi 'yong tungkol sa puso mong lapastangan.

Traydor ang puso. Sobrang traydor nito na puwede ka niyang ilaglag sa kahit anong pagkakataon. 'Yong akala mong kakampi mo ang puso, 'yong akala mo sobrang mapagkakatiwalaan nito, 'yong akala mo na sobrang akala lang pala talaga ang lahat.

Muntik na akong mabiktima ng dikta ng puso. Muntik ko nang kalabanin ang sarili kong kapatid ng dahil lang dito. Muntik ko nang kasuklaman ang sarili kong kadugo para lang sa taong minamahal. Mabuti at napigilan ko kasi alam kong traydor ang puso.

Napabuntonghininga ulit ako at mas dinama ang malamig na hangin.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo," anang isang malakulog na boses.

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata lalo na no'ng mabosesan ko siya. Dahan-dahan akong lumingon sa bandang kaliwa ko at nandoon nga siya, nakangiti ng malawak sa akin and just merely existing.

"Engineer Sonny… magandang gabi!" bati ko sa kaniya.

"Mm-Hmm, mag-isa ka lang, Ayla?"

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng city hall ng bayan. Katabi ko na pala ang iconic na tagpuan sa bayan namin na flagpole.

"Yes, Engineer, pero nasa malapit lang 'yong bahay ng kaibigan ko kaya nandoon 'yong ibang kasamahan ko. Ikaw nga pala, Engineer? Ano nga palang ginagawa niyo rito?" Iginala ko ang tingin ko sa paligid, nakita ko agad ang kaniyang sasakyan na isang pick-up sa may tapat mismo ng city hall. Nasa kabilang daan siyempre, hindi mismong harapan ko.

"Nag-withdraw ng emergency cash. Hindi kasi tumatanggap ng card 'yong pinagkainan namin at saka offline ang ATM doon sa may BDO kaya naisipan kong dito na at mabuti kasi online siya." Ipinakita niya pa sa akin ang hawak niyang ATM card. "'Di ba tiga-Central Leonor ka? Bakit ka nga pala nandito sa dis oras ng gabi? Gusto mo ihatid kita?"

"Hindi na, Engineer. Birthday kasi no'ng kapatid ng kaibigan ko kaya sa bahay na nila ako matutulog ngayon. At saka sumisimhot lang ng hangin, Engineer, kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa plaza."

"Have you done it? The walking part?"

Sunod-sunod na tango ang sinagot ko sa kaniya.

"Good. Good. I won't take long, aalis na ako't baka naghihintay na sila sa akin. Nice seeing you Ayla, see you on Monday!"

Isang mabilisan na paalaman ang nangyari sa amin ni Engr. Sonny. Kinawayan ko siya hangga't nawala ang sasakyang lulan niya sa paningin ko.

Hindi ko alam pero matapos ang pagkikita naming iyon ni Engr. Sonny, naging maaliwalas ang lahat sa akin habang bumabalik sa bahay nina Zubby. Sobrang gaan. Hindi ko nga inaasahan na magkikita kami pero sobrang gaan talaga. Siguro dahil nakapaglakad-lakad talaga ako at nasimot ko nga ang panggabing malamig na hangin sa plaza.

Saktong nakarating ako sa tapat ng bahay nina Zubby ay siyang paglabas ni Fabio sa gate nito.

"You're back! Akala ko pa naman magtatagal ka," bungad na sabi niya sa akin at sabay ulit kaming pumasok sa loob. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa pinanggalingan niya kasi nga nakarating na ako.

"Isang madaling lakaran lang naman ang ginawa ko sa plaza," sagot ko naman.

Nag-iinuman pa rin ang pamilya ni Zubby at ang kaniyang mga kaibigan at siyempre sa iba't-ibang circle iyon.

"Pasensiya ka na, ang dami kasing sinabi nina Papa, e."

"Hmm, ano bang sinabi sa 'yo?"

Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin at sunod-sunod na paglunok ang ginawa niya, base sa adam's apple niya.

"U-Uh, wa-wala naman. T-Tungkol lang sa results ng board exams."

"Oh? 'Di ba ang sabi mo sa December pa ang results no'n?"

"O-Oo, December nga…"

Weird.

Hindi pa rin siya makatingin sa akin kaya umiwas na lang ako ng tingin at hindi na pinansin ang aksiyong ito ni Fabio. Minsan talaga, nagiging weird ang lalaking ito, e.

Sa sumunod na linggo, balik trabaho na ulit ang lahat.

Wednesday nang biglang pinatawag ako ng mga tiga-HR.

Kinailangan ko pang pumunta sa admin building one para puntahan ang opisina ng HR department. Nang makapasok ako sa mismong opisina nila, sinalubong agad ako no'ng isa ring staff. Pinaupo niya ako sa bangko katapat ng table niya. Abala ang lahat ng nasa paligid namin at hindi ko alam kung nasa opisina ba ni Miss Kiara siya. Hindi mo naman kasi malalaman kasi nga nasa kabilang kuwarto pa ang opisina niya, 'yong pinasukan ko noong unang salta ko rito.

"Good morning, Miss Ayla," all smiles na bati sa akin ng staff na iyon, na base sa nakita kong name plate sa table niya, ay si Miss Regie.

"Good morning din po, Miss Regie."

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa… Nag-offer ng isang seminar ang Microsoft Corporation dito sa Pilipinas. It is a five-days seminar in Manila at ang kailangan sa seminar na ito ay isang I.T. personnel lang. Isa lang talaga accompanied by one of the executives of the company. Ma'am Kiara recommended you to attend the said seminar kasi gusto niyang ma-train well ka pa and besides, your job description is pasok sa nasabing seminar. Kaya ikaw ang ipadadala ng kompanya para sa seminar na iyon."

Anak ng baboy?

"P-Po?" gulat na gulat na tanong ko. Teka lang! Seminar tapos Manila tapos isang linggo pa?

"I know this is your first time, Miss Ayla, but don't be afraid kasi sasamahan ka ni Engineer Sonny sa seminar na ito. Hindi ka magiging solo flight kasi you and Engineer Sonny will be the representative of the company. It's a big seminar-workshop kasi and Microsoft Corporation will be the one to facilitate the said seminar. It will help your career growth and development, Miss Ayla."

Mas lalong nagulantang ang buong mundo ko nang marinig ang pangalan ni Engr. Sonny. Gulat pa rin sa mga sinasabi ni Miss Regie, mabuti at nagawa ko pang makapagtanong sa kaniya.

"K-Kailan po ito, Miss Reg?"

"Next week na, Miss Ayla. Don't worry, everything is settled. Accomodations, plane tickets, the fees… sarili mo na lang ang kailangan. Are you up for it, Miss Ayla?"

Aayaw pa ba ako, e, nakalatag na pala sa akin ang lahat, e.

"S-Sige po, Miss Regie. Thank you for the opportunity po."

A five-days seminar-workshop in Manila with Engr. Sonny Lizares. Kakayanin ba?

~