webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Seminar

Handa na ang mga gamit ko. Handa na ang sarili ko. At nasa airport na kami ngayon, kasama ko si Engr. Sonny.

Halata namang may bahay talaga itong si Engr. Sonny sa Manila at puwedeng-puwede siyang ma-una sa akin sa pag-alis pero bakit sinamahan niya ako?

Ah, para siguro hindi ako maligaw. Malaki ang Metro Manila. Oo nga naman, Ayla, kung anu-ano 'yang iniisip mo!

"Is this your first time riding a plane?" biglang tanong ni Engr. Sonny sa akin habang nakiki-linya kami para raw sa check-in ng aming gamit at ticket. Air Asia 'yong sasakyan namin kasi nga 'yon 'yong nakalagay sa plane ticket at itenerary ko.

Tumango ako kay Engr. Sonny. Nasa likuran niya ako pero nakaharap ang katawan niya sa akin.

"So I assume that it's your first time sa Manila?" follow-up na tanong niya matapos kong tumango sa unang tinanong niya.

Umabante ang mga taong nasa harapan ni Engr. Sonny kaya umabante rin siya. Inakay ko na rin 'yong maliit na maleta ko na talagang binili ko para sa trip na ito. Wala akong ibang malagyan na bag na malaki kaya mabuti at may natira pa sa suweldo ko aside sa pocket money na dadalhin ko para ipambili ng iibang gamit na puwedeng dalhin sa trip na ito. Oo, alam kong seminar itong dadaluhan ko pero unang beses ko ang lahat ng ito.

Tumango ulit ako sa tinanong ni Engr. Sonny kasi matapos umabante, lumingon siya agad sa akin.

"Bacolod lang po ang pinakamalayong lugar na napuntahan ko," kibit-balikat na sagot ko sa kaniya.

"Talaga? Like hindi ka pa nakapunta sa Cebu or the nearby islands?"

"Hindi pa, Engineer."

"Wow, it's my honor to be your companion during your firsts in your life."

Napangisi ako sa sinabi ni Engr. Sonny at hindi na pinatulan ang sinabi niya. Nakapag-check in din naman kami agad at matiyagang naghintay sa oras na sasakay kami sa eroplano.

Nakatanaw ako sa malaking salamin ng waiting area, nakikita ko ang mga naglalakihang eroplano na dumadating at umaalis sa airport na ito. Iba't-iba ang kulay na naka-pinta sa katawan ng eroplanong iyon. May yellow, puti, at blue, may puti at blue, at pula at puti. 'Yong pula at puting eroplano yata ang sasakyan namin dahil nakita ko roon sa katawan ng eroplano ang pangalan na nasa ticket na hawak ko ngayon.

"Since it's your first time riding a plane, hindi ka ba nagsusuka tuwing naglo-long travel ka papunta ng Bacolod o kahit saan?" biglang tanong ni Engr. Sonny habang nakaupo kami sa waiting area. Lumingon ako sa kaniya at napangiti.

"Hindi naman, Engineer. Hindi ko nga lang alam sa biyaheng ganito. Nakakahiya man pero hindi pa talaga ako nakakasakay nang mga ganiyang klaseng eroplano, Engineer." Medyo yumuko ako habang sumasagot. Nakakahiya nga talaga.

Siguro siya, maya't-maya ang sakay sa mga eroplanong ganiyan. Kung saan-saang lugar na lang siguro siya napupunta dahil mayaman naman siya at kaya niyang puntahan kahit pa ang pinakatagong lugar sa mundo.

"No… it��s fine. 'Wag kang mahihiya kung first time mo pang sumakay sa mga ganitong klaseng transportation. I've encountered many employees of the company na ganiyan din, mga first timer and it's your lucky day kasi you're in good hands. I'll take care of you and will let you experience the best first ride of your life," nakangisi niyang sagot at pa-cool na sumandal sa sandalan ng upuan.

Natawa na lang ako sa sinabi niya pero tumango na rin. Simula pa lang, may tiwala naman talaga ako sa 'yo.

Nang may narinig na announcement galing sa speaker ng airport na sinabayan ng pagtayo ni Engr. Sonny ay nagsimulang pagpawisan ang kamay kong medyo nanginginig na. Akala ko magiging cool lang ako, akala ko hindi por que first time ko ay kakabahan na agad ako, akala ko mako-control ko ang kaba ko pero nagkakamali pala ako. Ito na nga't kinakabahan na ako.

"Just relax, Ayla. I got you."

Mas lalong nanlamig ang buong katawan ko dahil sa biglang paglapit ni Engr. Sonny sa may tenga ko para ibulong sa akin ang mga salitang iyon na sinabayan niya pa ng pagkindat.

Relax, Ayla.

Habang nangunguna si Engr. Sonny sa paglalakad, inipit ko muna sa may kili-kili ko ang ticket ng eroplano at pinagsalikop nang mahigpit ang dalawang kamay ko para kahit papaano ay kumalma ang buong sistema ko. Anak ng baboy talaga.

Papasok na kami sa eroplano pero 'yong kabog ng dibdib ko sobrang bilis na. Animo'y mabibingi na ako sa sobrang lakas ng pagtambol nito mula sa loob.

"I told you, Ayla, just relax!"

Anak ng baboy!

Halos singhapin ko ang lahat ng hanging nandito nang biglang binalikan ako ni Engr. Sonny at inakbayan ako. Nagpatuloy ang paglalakad namin pero alam ko sa sarili kong para na akong uod sa sobrang pagka-stiff dahil sa biglang ginawa niya. Alam kong wala lang sa kaniya ang mga ganitong klaseng gestures pero para sa akin, nakakagulat ito. Hindi man labag sa kalooban ko 'to pero nakakagulat pa rin.

Panandalian lang ang ginawa niyang pag-akbay sa akin dahil agad din siyang humiwalay para magpa-assist sa flight attendant na agad sumalubong sa amin. Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng flight attendant at halatang nagpapa-cute nga siya sa lalaking kausap niya ngayon na walang iba kundi si Engr. Sonny lang naman. Napangiwi na lang ako dahil halata talaga ang pagpapa-cute ng babae. Alam ko 'to kasi ganito ginagawa ni Zubby sa mga taong natitipohan niya, e, agad nagpapa-cute.

Talanding babae, maganda nga pero ipinapangalandakan naman ang pagiging talandi. Ewan ko ba. Nakakairita lang.

Ano ba 'yang iniisip mo, Ayla?

Nakarating kami sa upuan namin. Magkatabi lang kami pero ako 'yong nasa may bintana. Pangtatlohan na upuan ang inokupa namin, may isang bakanteng malapit sa pasilyo. Tinulongan niya rin akong ilagay ang natitirang bag na bitbit ko sa may lagayan sa itaas ng upuan. Hindi ko kasi alam kung ano ang tawag do'n. Heller, unang beses ko kayang makakasakay ng eroplano. Unang beses ko rin na makita ang loob nito ng personal dahil sa mga palabas ko lang nakikita ito. Wala naman palang pinagbago. Walang kakaiba. Maliban na lang talaga sa fact na ako mismo ang nakakaranas at nakakakita sa mga ganitong klaseng tanawin na sa mga pelikula ko lang nakikita.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng eroplano. Kaniya-kaniyang upo ang mga pasaherong katulad ko. Mababakas sa mukha nila na parang normal lang para sa kanila ang pagsakay sa eroplanong ito at parang sanay na sanay na sila. Hindi katulad ko na unang beses ko pa lang at sobrang kinakabahan na ako.

Lalo na no'ng nag-settle down ang lahat at may narinig akong nagsalita galing yata sa speaker ng eroplano tapos kaniya-kaniyang paliwanag na ang mga flight attendant sa kung ano ang gagawin in case magka-emergency.

Napapadasal na lang talaga ako ng wala sa oras. Kinakabahan talaga ako!

Nag-explain ang mga flight attendant tungkol sa seat belt pero pagtingin ko pa lang sa seat belt ko, mukhang sobrang kumplikado na nito.

"Here, let me help you," biglang kinalikot ni Engr. Sonny ang seat belt malapit sa baywang ko. Sa sobrang gulat ko, hindi agad ako nakapag-reak. Ang alam ko lang, sobrang lapit niya sa akin at amoy na amoy ko ang kaniyang pabango na panlalaki. Amoy pa lang, alam mo nang lalaking-lalaki talaga siya. Sa tantiya ko, mamahalin ang pabango niyang iyon pero hindi nakaka-umay at parang natural na amoy lang ng isang lalaking katulad niya.

Pati 'yong amoy ng buhok niya, sobrang bango at handa akong amoyin iyon habang-buhay.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa kung anu-ano na itong pumapasok sa utak ko. Ano ba, Ayla? Maghunos-dili ka nga.

Sa sobrang bilis ng pangyayari at puros utak ko na lang ang pinapakinggan ko, hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya sa kaniyang puwesto at tapos na niyang ayusin ang seat belt ko. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti para magpasalamat. Tumango lang siya at ang seat belt naman niya ngayon ang inatupag niya.

Gusto ko siyang titigan pero alam akong mahahalata ako kaya mas pinili kong umiwas na lang ng tingin at titigan ang nasa harapan ko. Some random brochures lang pero wala roon ang utak ko. Nasa taong katabi ko na alam kong walang alam kung gaano na ako kinakabahan ngayon.

Narinig kong nagsalita ang piloto yata ng eroplano kasi sabi niya 'This is the Captain speaking, etcetera.' Basta ang sabi niya lang na naintindihan ko ay magte-take off na raw. Mas lalo kong tinitigan ang nasa harapan ko nang maramdaman na ang pag-andar ng makina ng eroplano lalo na no'ng medyo umaandar na ito. Napahawak ako sa may hawakan sa kaliwang parte ko at doon ko inilabas ang lahat ng kaba ko sa katawan.

Anak ng baboy talaga! Anak ng baboy sa lahat ng baboy sa mundo!

"Hold my hand."

Singhap na may kasamang paglunok ang nagawa ko nang magsalita na naman siya. Nakita ko pang inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin pero sa sobrang gulo ng aking isipan na may kasamang kaba, hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong reaksiyon o emosyon. I am just too clouded. My mind is so clouded.

Naka-ilang kurap ako at hindi ko man lang maibuka ang bibig ko para makapagsalita. Tumitig siya sa akin and without further ado, siya na mismo ang kumuha ng kamay kong nakahawak sa hawakan at isinalikop sa kamay niyang nakalahad kanina.

Napa-awang ang bibig ko dahil sa nangyari, mas lalong naubosan ng mga salitan sasabihin.

Ano 'yung ginawa niya?

At biglang lumipad na ang eroplano at sa paglipad na iyon, parang may kung ano sa tiyan ko na mas lalong nagpahigpit sa hawak ko sa kaniya. Ayoko na munang isipin ang ginawa niya, iisipin ko muna ang kaba kong iyon.

Pumikit ako ng mariin at hinintay na kumalma ang lipad ng eroplano. Medyo unstable pa kasi pero kahit papaano, nakatulong ang paghawak ko sa kamay niya para maging kalmado ako. Pero may kung ano talaga sa tiyan ko e.

Gamit ang libreng kamay, sinapo ko ang bibig ko nang maramdaman na naman ang kung anong kagulohan sa may bandang tiyan at lalamunan ko.

Anak ng baboy, gusto kong sumuka!

"Are you okay? Nasusuka ka ba?" agad na tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Sapu-sapo pa rin ang bibig, agad akong tumango.

He let go of my hand at may kinuha sa may harapan niya, 'yung kasama ng mga brochures o magazines yata. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya at matinding pagpipigil pa rin ang ginagawa ko sa sarili ko para hindi ma-isuka ang mga gustong-gusto nang isuka ng aking tiyan. Anak ng baboy, ngayon pa talaga?

"Here, use this," at may inabot siya sa aking isang puyo o maliit na paper bag at binuksan niya ito at itinapat sa may bibig ko.

Inabot ko ito gamit ang isang kamay at agad tumalikod sa kaniya para isuka lahat ng hinanakit ko sa buhay.

Hiyang-hiya na ako sa sarili ko pero kailangan ko talagang isuka ang lahat. Ang sama-sama talaga ng sikmura ko e.

Sa lahat naman kasi ng pagkakataong sumama pa ang sikmura ko, bakit ngayon pa talaga?

Suka lang ako nang suka hanggang sa maramdaman ko ang kamay ni Engr. Sonny na inaalu ang likuran ko. Ayoko mang aminin pero nakadagdag sa pagpapakalma nang nagwawala kong sikmura ang ginawa niya.

Nailabas ko na yata ang lahat ng kinain ko kaninang umaga at pananghalian. Anak ng baboy talaga kapag first time mong sumakay sa eroplano. Baliktad ng sikmura is real.

Unti-unting kumalma ang sistema ko. Narinig kong tinawag ni Engr. Sonny ang atensiyon ng isang flight attendant para bumili yata ng tubig o kung ano pero basta nagtawag siya ng isang flight attendant. Lugmok na lugmok na ako! Nailabas ko nga lahat ng sama ko sa tiyan pero pakiramdam ko nasa akin ang atensiyon ng lahat ng pasahero dahil sa pagsukang ginawa ko. Ang ingay ko pa naman kanina. Anak ng baboy talaga.

"Okay ka na? Inumin mo muna 'tong tubig," nilingon ko si Engr. Sonny habang hawak ang paper bag na sinukahan ko ng lahat. Inabot niya sa akin ang isang bottled water at sa isang mabilis na galaw, nasa kamay na niya agad ang paper bag na sinukahan ko kanina. Inikot-ikot niya 'yung bibig no'ng paper bag tapos tatayo na sana siya at tatanggalin ang seat belt nang biglang nag-offer ang flight attendant na tinawag niya yata kanina na siya na raw ang magdi-dispose no'ng paper bag.

Anak ng baboy talaga Ayla! Nakakahiya ang ginawa mo kanina!

Nag-iwas ako ng tingin at agad inatupag ang ibinigay na tubig ni Engr. Sonny.

"How are you feeling? Nasusuka ka pa rin ba? You want to go to the lavatory?"

Lavatory? Ano 'yon? Laboratory? Science Lab? May Science Lab dito?

Uminom muna ako ng tubig bago sinagot ang sunod-sunod na tanong niya.

"H-Hindi na Engineer Sonny. Nakakahiya na. Pasensiya na kanina, nanibago lang kasi ako sa pag-take off ng eroplano, Engineer," tinakpan ko 'yung bottled water.

Inabot sa akin ni Engr. Sonny ang isang panyo. Tumagal ang titig ko roon hanggang dahan-dahang inabot iyon. Dahan-dahan at buong ingat kong ipinahid iyon sa bibig ko. Ang laking perwisyo ang ginawa mo, Ayla.

"That's perfectly normal. Hindi ikaw ang unang taong sumuka sa eroplano. My brother, Charles, felt that when he first rode the airplane."

I feel safe. Sa tuwing titingin ako sa kaniyang mga mata, sa tuwing naririnig ko ang boses niya, nakakaramdam ako ng kalmadong buhay. Sobrang gaan niyang kasama. Sa sobrang gaan, hindi ko na namalayan na nakarating na pala ang eroplanong sinasakyan namin sa airport ng Manila.

Kuwento lang siya nang kuwento sa akin kaya hindi ko na ulit naramdaman ang sama ng sikmurang naramdaman ko kanina nang mag-take off ang eroplano. Sa loob ng mahigit dalawang oras na biyahe, kuwento niya ang namutawi sa aming dalawa. Tungkol sa naging experience niya noong unang sumakay siya sa eroplano, pati experiences ng kaniyang mga kapatid, na-share na niya sa akin.

I wonder, was he like this with his ex-girlfriends? With other girls? With other employees? With MJ Osmeña?

Gusto kong ipasok sa isip ko na sa akin lang siya ganito pero magiging feelingera naman ako kapag iyon talaga ang paniniwalaan ko kasi alam nating lahat na ganito siya sa lahat, walang pinipili. Ang suwerte ng babaeng gusto niya. Ang suwerte ni MJ Osmeña.

Tama na Ayla, hindi na tama 'yang pinag-iisip mo.

Sabay kaming lumabas ng arrival area matapos naming makuha ang maleta ko. Isang back pack lang naman 'yung dala niya at hand carry lang iyon. Ako lang yata itong may maraming bagahe sa aming dalawa.

Gusto ko mang pigilan ang sarili kong igala ang tingin sa paligid, hindi ko talaga magawa kasi kailangan kong maglakad. Ito ang unang beses na nakatungtong ako sa lupain ng Luzon at ng Maynila. I can't stop myself from being amazed sa dami ng taong nandito ngayon. Tama nga 'yung nakikita ko sa TV, ang crowded ng Manila.

Kahit na abala ang mga mata ko sa pagtingin sa iba't-ibang tao rito sa airport, attentive pa rin naman ako sa pagsunod kay Engr. Sonny.

Palabas na yata kami sa airport kung saan naghihintay ang maraming tao. 'Yung iba may dala-dala pang placard o banner tapos pami-pamilya pa sila. Hindi para sa amin 'yon, para siguro sa ibang pasahero na kakarating lang din.

Hanggang sa makarating kami sa isang naka-park na sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang brand basta magara at kulay itim pa. Makintab siya at parang bagong bili. May isang matipunong lalaking naka-uniporme ng itim na polo na lumapit bigla kay Engr. Sonny. May inabot siya sa kaniya na mukhang susi tapos ay may sinabi 'yung malaking lalaking iyon kaso hindi ko narinig dahil may distansiya ako sa kanila tapos ay ma-ingay pa rito sa kinalulugaran namin.

Madalian silang nag-usap tapos kinuha no'ng malaking lalaking iyon na mukhang guwardiya ng isang drug lord sa sobrang stiff ng kaniyang tingin at mga kilos ang mga gamit ko. Kinuha nga niya ang maliit na maletang akay-akay ko lang tapos binuksan niya ang parang likuran ng sasakyan, 'yung pinto ay papunta sa itaas tapos ipinasok niya roon ang maleta ko. Sumaludo siya kay Engr. Sonny nang matapos ang lahat tapos pumunta siya sa kabilang daan kung saan may naghihintay namang ibang sasakyan.

"Get in, Ayla. Ihahatid na kita sa hotel mo," naibalik ko ang tingin ko kay Engr. Sonny nang marinig ko ang boses niya. Bukas na ang pintuan ng sasakyang nasa tabi niya at iminuwestra niya ang loob nito.

Ngumiti ako sa kaniya at sinunod naman agad ang gusto niyang mangyari. Siya na rin mismo ang nagsarado ng pinto at agad umikot para puntahan naman ang kabilang side ng sasakyan.

Siya ba magda-drive?

Ay obviously, Ayla? Tanga ka?

Umayos ako ng pagkaka-upo nang makasakay na siya nang tuluyan sa driver's side ng sasakyan. Lumingon siya sa akin at pinasadahan niya ang kabuuan ko.

Anak ng baboy, nakaka-conscious naman ito!

Bigla siyang lumapit sa akin kaya sa sobrang gulat ko, naitaas ko ang dalawang kamay ko.

Anong gagawin niya?

Pero ang agam-agam ko, biglang nawala nang kunin niya ang isang seat belt sa gilid ko at ikinabit ito sa kabilang dulo naman. Katulad nang ginawa niya kanina sa eroplano.

Medyo assuming, Ayla?

"First rule in riding my car: seat belt on!" sabi niya tapos nagmaniobra na siya sa sasakyan.

Humigpit ang hawak ko sa maliit na bag na kanina ko pang bitbit. Akala ko talaga ay hahalikan na niya ako kanina. Sobrang lapit na naman niya at 'yung kaninang bango na na-amoy ko kanina sa kaniya, nandoon pa rin, parang hindi nagdaan ang oras dahil nanatili pa rin ang kaniyang amoy.

At anak ka ng baboy, Ayla! Lumapit siya sa'yo tapos ang baho mo na siguro!

Iwinaglit ko sa aking isipan ang nangyari kanina at inabala ang sarili sa pagtingin sa iba't-ibang establishmentong nasa labas ng sasakyan. May malalaki, may sobrang laki, may katamtaman ang laki. May mga pamilyar na establishmento, mayroon namang hindi rin at mukhang dito lang sa Manila makikita.

Kung nganganga ako ngayon sa sobrang mangha sa mga naglalakihang gusali na nakikita ko, kulang iyon para ipakita kung gaano ako namangha sa naglalakihang gusaling ito. Sobrang tatayog nila! Wala nga'ng ganito sa Bacolod e. First time kong nakita ang mga ganito ka-laking gusali! Anak ng baboy!

Paano na lang kaya kung lumindol? Anong mangyayari sa mga gusaling iyan? Sobrang delikado at at risk ang buhay ng mga taong nasa loob ng mga gusaling iyon. Haru Diyos ko talaga!

Patuloy pa rin sa pag-andar ang sasakyan. Minsan napapahinto dahil sa kaonting traffic pero tuloy-tuloy talaga ang biyahe. Mabuti at hindi ko pa na-experience ang nakikita kong matinding traffic sa TV. 'Yung sa EDSA na sinasabi nila? Mukhang hindi 'yon dito kasi ibang daan yata ang dinaanan namin pero marami pa rin namang sasakyan. Ewan, hindi ko kasi nabasa ang mga signs. Ewan ko ba kung EDSA ba 'to o hindi.

Nakita ko nga rin ang isang sobrang laking gusali na may nakalagay na Osmeña Business Empire.

Anak ng baboy! 'Yon 'yung building ng mga Osmeña rito sa Manila? Ang laki! Sobrang laki! Totoo talaga na sobrang yaman ng pamilyang iyon! Bakit kaya nandito sa Manila ang building nila? Puwede namang doon na lang sa probinsiya namin pero bakit kaya?

'Yung sa mga Lizares kaya? Narinig ko kay Shame na may building at business din ang mga Lizares dito sa Manila. Saan kaya? Makikita ko kaya? Gusto ko mang itanong kay Engr. Sonny pero sobrang tahimik naming dalawa at hindi ako 'yung tipo ng tao na binabasag ang katahimikan. I'll prefer this kind of situation than to enhance my small talk conversation with other people.

Hanggang sa lumiko si Engr. Sonny sa isang malaki ring gusali na may pangalan na Resorts World Manila. Ito 'yung sinabi sa akin ng mga tiga-HR na hotel na tutuloyan ko at kung saan din magaganap ang seminar ng Microsoft Corporation at ng Microsoft Philippines.

Huminto si Engr. Sonny malapit mismo sa entrance ng hotel. Lumabas siya kaagad kaya mabuti at marunong akong magtanggal ng seat belt kaya natanggal ko rin ito para lumabas na pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, naunahan na ako ni Engr. Sonny. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako.

Lumabas ako ng sasakyan niya at pinagmasdan ko siyang i-abot sa isang unipormadong empleyado yata ng hotel ang susi ng kaniyang sasakyan. May kumuha rin ng maleta ko mula sa kaniyang sasakyan.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kilala ba si Engr. Sonny sa building na ito? Kung kumilos kasi ang mga empleyadong ito ay parang alam na nila kung ano talaga ang utos at kung ano ang dapat gawin.

Iginiya ako ni Engr. Sonny papasok sa hotel para makapag-check in. Pumunta kami sa reception area ng hotel lobby at may babae roon na agad sinalubong kami ng malawak na ngiti.

Ay mali, 'yung kasama ko lang pala ang sinalubong niya ng ngiti. Ni hindi nga niya ako napasadahan ng tingin e.

Habang papalapit kami, hinalungkat ko sa bag ko ang papel na ipapakita ko raw sa reception area once na makarating ako sa hotel na ito pero bago ko pa man mailapag ang papel, mas na-una ng naibigay ng babaeng receptionist ang susi o card yata ng hotel room ko.

"Good afternoon, Engineer Sonny, here's the card key of the hotel room, Engineer," wika ng babae na may malawak na ngiti na nakatingin lang talaga kay Engr. Sonny.

"Thank you Miss," sagot naman ni Engr. Sonny sabay abot sa ibinigay ng babae.

Ni hindi niya man lang pinasadahan ito ng tingin kasi nang makuha niya ang susi, agad siyang tumingin sa akin at iginaya na naman ulit ako sa kung saan.

"Let's go, Ayla."

Anak ng baboy! Ganito ba talaga ka-sikat ang mga Lizares? Akala ko ba sa probinsiya lang namin kilala ito? Oo mayaman sila. Oo maraming mayaman sa probinsiya namin. Pero marami ring mayaman sa Manila. Hindi lang naman siguro sila ang mayaman kaya bakit pati sa isang sikat na hotel na ito ay kilala pa rin siya at kilala pa siya sa kaniyang profession? Dahil ba naging topnotcher siya sa kaniyang profession noon? Dahil ba magaling talaga siya? Dahil ba sobrang yaman talaga nila? O dahil isa talaga siyang Lizares?

Sumakay kami sa elevator. Tahimik pa rin. Nagpapatianod pa rin ako sa kaniya. Animo'y isang ulap sa payapang kalangitan. Nagpapatianod sa bugso ng isang hanging amihan. Saan man dalhin, walang pakialam dahil alam kong nasa isang safe at secured na lugar ako, nandito si Engr. Sonny e, no one's gonna harm me. Ganiyan ang epekto niya sa akin. Ganiyan na ganiyan na hindi ko man lang naramdaman kay Fabio.

"Have a rest. Ihahatid na mamayang gabi ang dinner mo so there's no need to go out and your things are inside already. Wala ka ng ibang gagawin tonight kundi ang magpahinga para bukas. Nasa first floor lang naman ang conference room kung saan ang venue ng seminar but to make sure, susunduin kita rito. Just rest, Ayla," 'yan ang mga huling sinabi niya sa akin bago kami naghiwalay ng landas ng gabing iyon.

Lahat nga ng sinabi niya, nangyari nga. Sa loob ng magarang hotel room ko ang dinner na sinabi niya. Pero mukhang hindi ko yata masusunod ang sinabi niyang magpahinga na dahil sa sobrang excitement sa kuwartong ito, lahat yata ng sulok ng kuwarto ay na-picture-an ko. Mabuti maganda ang resolution ng camera ko. Kahit madaling ma-lowbatt pero mapapakinabangan naman.

Mag-isa nga ako pero hindi ko naman ramdam na mag-isa talaga ako. Nanood ako sa malaking TV na nandito. Binuksan ang aircon. Sinubukan ang shower. Girl, kung sa bisaya pa, manol jud ko kaayo.

Kinabukasan, sinundo nga ako ni Engr. Sonny. Nasa labas lang siya ng hotel room ko nang sunduin niya ako at matiyagang hinintay ang paglabas ko. Siyempre, ilang segundo lang siyang naghintay kasi bago pa man siya makarating, handa na naman ako. Dala-dala ko 'yung laptop ng kompanya at iilang gamit na puwedeng gamitin mamaya sa seminar.

Unang araw ng seminar, sobrang attentive ko pa. Nakinig ako at nag-take down notes pa kahit may mga modules at iilang notes na ibinigay sa amin pero gumawa pa rin talaga ako ng sariling notes ko. Ganadong-ganado ako kasi ang dami kong natutonan. Maraming kalahok, iba't-ibang mukha, galing sa iba't-ibang kompanya sa Pilipinas, mapa-pribado man o gobyernong ahensiya.

Ganoon din ang nangyari sa ikalawa, pangatlo, pang-apat na araw ng seminar. Ang dami-dami ko na talagang natutonan kahit nandoon lang kami sa iisang malaking kuwartong iyon, naka-upo buong araw, nakikinig, kumakain sa mga inihandang pagkain, at obviously nakatunganga lang talaga.

Kaya sa panglimang araw, unang oras pa lang talk, nawalan na ako ng gana. Antok na antok ako kasi madaling araw na akong natulog kanina at mga dalawang oras lang yata ang naging tulog ko. Nag-video call kasi kami ni Zubby kagabi tapos no'ng matapos naman kami, sumunod naman si Fabio. Habang nag-uusap, sinabi niya sa akin na manood daw kami ng movie sa isang movie channel sa cable na sabay daw na ipapalabas sa lahat ng cable TV sa mundo. Itong si tanga, sumunod naman kaya ayon, lutang ako ngayon.

Akala ko talaga isang pelikula lang 'yung papanoorin namin. Hindi ko naman alam na series pala iyon kaya tinapos pa namin ni Fabio ang trilogy movie na iyon. Pahamak!

Ipinatong ko ang kanang siko ko sa lamesa at nagpalumbabang nakatingin sa nagsasalita sa gitna. Lumipas na ang isang oras pero wala pa ring pumapasok sa utak ko. Dagdagan pa na sobrang soft ng boses niya, para akong hinehele kaya ang sarap na talagang matulog! Ang boring na!

Bakit ba kasi ang hinhin ng boses nang nagsasalita? Ang sarap na talagang matulog, promise! Tapos sobrang kumportable pa ng baba ko na nakapatong sa palad ko, ang sarap na talagang pumikit, kaonting-kaonti na lang talaga, pipikit na ako. Anak ng baboy!

May narinig akong isang mahinang tawa mula sa katabi ko kaya napalingon ako sa kaniya at nang pumasok sa utak ko na si Engr. Sonny nga pala iyon, agad akong napa-ayos ng upo at inayos na rin ang sarili ko. Mahapdi ang mata ko dahil sa kakulangan ng tulog pero pinilit ko talaga ang sariling ibuka ito para makita kung ano na ang nangyayari sa gitna at harap.

Anak ng baboy ka Ayla!

Mas lalo yatang natawa si Engr. Sonny kaya nilingon ko ulit siya. Relax na relax siyang nakasandal sa upuan niya, naka-ekis ang dalawang braso sa bandang tiyan, nakapatong ang isang binti sa isa pang binti niya, dekuwatro style na pagkaka-upo, at nakangising nakatingin sa akin, almost laughing.

"S-Sorry po, Engineer. Makikinig na po ako," depensa ko kaagad. Baka isumbong ako sa HR nito na hindi ako nakikinig sa seminar.

Pero kahit anong gawin ko talaga, wala talagang pumapasok sa utak ko.

Mas lalo siyang napangisi at kung puwede lang yatang tumawa siya ng malakas sa venue'ng ito, ginawa niya na.

"That's fine, Ayla. Inaantok ka ba? Matulog ka lang d'yan, marami rin namang natutulog e," sabi niya sabay gala ng tingin sa paligid.

Wala sa sarili ko ring iginala ang tingin ko sa paligid. Tama nga ang sinabi niya, may iilan nga'ng pasimpleng nakayuko sa kanilang lamesa at mukhang tulog nga. Dalawa nga sa kasamahan namin sa table ay nakayuko at nakapikit pa.

"H-Hindi na, Engineer, baka isumbong mo pa ako sa HR. Mahal ang naging bayad sa seminar na ito kaya dapat lang na makinig ako," rason ko naman kahit na mas lalo akong inantok nang makita ang ibang nandito na natutulog.

Umayos siya sa kaniyang pagkaka-upo at marahang hinawakan ang likuran ng ulo ko para ilagay sa lamesa. "Matulog ka na. Hindi kita isusumbong. Pero sabihin mo sa akin mamaya kung bakit napuyat ka."

Ang ganda ng posisyon ng ulo ko. Sobrang ganda kaya sobrang nakaka-engganyong matulog kaya hindi na ako nakasagot sa kaniyang huling sinabi dahil hinila na talaga ako ng antok.

"Sweet dreams, Aylana Rommelle."

I heard an angelic yet thunderous voice before sleep consume me.

~