webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

Missing Each Other

Mag gagabi na at inaantay pa rin ni Baby Girl ang tita Ricai n'ya sa may labas...

Pababa ng hagdan si Chase at tinawag nga si Belj na nag nababasa ng newspaper sa may gilid ng hagdan.

"Belj."

"Boss."

"Did you see Baby? Wala s'ya sa kwarto n'ya."

"Ahhh... andun po s'ya sa labas kasama n'ya si Felly."

"Hmm? Anong ginagawa nila sa labasan?"

"Ehhh... di ba po nag sabi si Miss na pupunta s'ya dito? Eh... Alam n'yo naman si Baby pag na sabihan na pupunta eh mag aantay talaga yun kahit na wala namang ipinangako si Miss na pupunta s'ya dito."

Napakamot at napa buntong hininga nalang ang naging reaction ni Chase at pinuntahan n'ya si Baby "Boss..."

"Ano?"

"Anong gagawin n'yo?"

"Baka mag babasa rin ng newspaper gaya mo. Tsss!"

"Boss..."

"Tantanan mo ko mag basa ka nalang dyan kahit gabi na!"

Hinarangan naman s'ya ni Belj ang kaniyang boss "teka lang boss."

"Umalis ka nga dyan!"

"Boss, kapag pinuntahan n'yo si Baby dun baka mag yakag yun na sunduin n'yo si Miss."

"So?"

"Ehhh... Boss, di naman po ata tama yon."

"What? Ano bang pinag sasabi mo diyan?"

"Ang akin lang po kasi hayaan n'yo na muna si Miss. Actually, ito nga lang po ang araw na nag off s'ya simula ng mag sama kayo sa condo. Isipin n'yo mag tatatlong buwan na rin po na puro pabor n'yo nalang ang pinag bibigyan n'ya tapos s'ya hindi rin nakakanpag enjoy. Kung tutuusin nga po dapat may 3x in a month man lang sana na day off si Miss kung ang mga kasambahay nga may day off si Miss pa kaya? Eh di n'yo naman s'ya kasambahay girlfriend n'yo sya."

Napaisip at natahimik naman si Chase sa sinabing iyon ni Belj sa kaniya "ang akin lang po eh hayaan n'yo nalang muna si Miss na i-enjoy ang me time n'ya nakita n'yo po ba ang post n'ya? Ang saya-saya n'ya sa picture kasama ang kapatid ni Mr. JF."

Nagulat at para bang na galit si Chase ng narinig n'ya na ang kasama pala ni Ricai ay si JF "phone!"

"Boss?"

"Gimme your phone!"

"O— Opo Boss."

Dali-dali namang ibinigay ni Belj ang phone nya "eto na po Boss." Aniya pero ang sama ng tingin sa kaniya ni Chase. "Boss?"

"Bukasan mo!"

"Ah... Ye— Yes Boss sorry."

At pag ka bukas nga ni Belj ng phone n'ya kinuha naman agad ito ni Chase at hinanap ang apps na parating ginagamit ni Ricai ang tiktok "anong account name n'ya?"

"Sino po Boss?"

Chase glared at him kaya dali-dali nyang tinaype ang account name ni Ricai "ayan po Boss yan po ang latest na post ni Miss. Wala po ba kayong tiktok?"

"Shut up!"

"O— Opo."

Pag tingin nga ni Chase sa tiktok ni Ricai nakita nyang kasama sa sayaw nito ang kapatid ni JF na bagong kasal at may content din si Ricai na sila lang ni JF ang nag sasayaw meron pa ngang nag li-lip sync silang dalawa na para bang sweet kaya lalo namang nag init ang ulo ni Chase kaya na itapon n'ya ang phone ni Belj.

"Ahhh!!! Boss... ang cellphone ko."

"Bumili ka ng bago! Ang panget! Lumang model na!"

Then Chase walked away habang nag dadrama si Belj sa basag nyang phone "grabe talaga ireng si Boss, nakita lang na may kasama si Miss na iba yung phone ko pa talaga ang napag diskitahan? Di ko pa nga tapos hulugan ito tapos sinira niya lang?!"

Nakita s'ya ni Eulla at lumapit "mukhang wala sa mood ang Boss mo."

Nag bago namang ka agad ang mood ni Belj at tumayo "parang ang dami atang lamok dito ngayon sa mansion." Then he left Eulla alone.

"Hoy!!!!"

Napahinto at lingon naman si Belj at sinabing "marunong na palang mag salita ang lamok ngayon." Then he smirked at Eulla and left.

"Hindi ako lamok!!!"

Samantala sa labas,

"Yes Baby, kung gusto mo mag mall tayo." Ang sambit ni Chase na nakikiupo sa labasan kasama si Baby.

"Pero it's already evening baka po dumating na si tita Ricai. What if dumating s'ya na wala tayo? Baka hanapin n'ya po tayo."

"Hindi, hindi n'ya tayo hahanapin masaya s'ya kasama ng JF na yon." Ang pabulong bulong na sambit ni Chase.

"What did you say ninong?"

"No— Nothing, wha— what if lang naman di dumating ang tita Ricai mo? Okay lang ba yun sayo?"

"Um. Pero darating po s'ya sure ako."

"Eh? Pero hindi s'ya nag promise sayo na pupunta s'ya dito. Remember?"

"Aha, I know po and I know tita Ricai pag sinabi nyang susubukan n'ya she'll do her best para pumunta po dito and I texted her na din po."

"Eh? A— Ano namang sabi mo?"

"Secret nalang po yun pero sure akong darating po s'ya dahil dun."

"How do you say so?"

"Sure po ako kasi girlfriend n'yo s'ya."

"Hmm? Baby, hindi kita maintindihan."-

"Basta po..."

Dumating naman si Belj at sinabi nyang "Boss... "

"Ano naman? Wag kang mag alala I will buy you new phone!"

"Ah... Eh... hindi naman po sa ganun... tungkol po ito sa kaninang umaga."

Tumayo naman si Chase at nag usap sila ni Belj sa isang gilid at pinabantayan uli ni Chase si Baby kay Felly "ate, may boyfriend ka na po?"

Nagulat naman si Felly sa tanong na iyon sa kaniya ni Baby "ba— bakit mo naman na itanong?"

"Out of curiosity po. Well, I just want to know if love can really chage a person."

"Ha?"

Sa isip-isip ni Felly "ako pa talaga ang tinanong n'ya eh NBSB nga ako. Paano ko naman masasagot kung ako mismo di pa nakakaranas mainlove?"

"When I grow up I don't like to be love and to be in love."

"Why?"

"I think love is really complicated matter."

"Oh... sabagay totoo yon kahit ako na nasa age na ng pag aasawa di ko pa rin talaga alam kung ano ba ang "love" sa mga nakikita ko kasi sobra nga syang complicated."

"Mmm? I think the cook here likes you."

"Ha? Si— Si Gelo?"

"Aha, I saw him po kanina naka tingin po s'ya dito satin."

"Ha... ha... ha... nako, hindi yun baka sayo lang nakatingin kasi ang cute-cute mo."

"No, well, yes I'm cute lots of people told me that but you're wrong po kasi sayo lang nakatingin si Manong cook."

"Hehe... hindi mag bestfriend lang kami and may girlfriend s'ya."

"Who? You?"

"Hahaha... hindi ah. Gaya ng sabi ko bestfriend lang kami nun tsaka di ako ang tipo n'ya sa babae."

"What is tipo?"

"Ahhh... it means type or kind of girl that he likes."

"Ohhhh... I get it na po. Ahm... What about you po? Did you like him?"

"Ha? A— Ako? Hindi ah."

"Liar."

"Ha? Hindi Baby di talaga..."

"Why do people need to lie?"

"Ah... eh... kasi minsan hindi mo naman yun maiiwasan lalo na kung makakasakit ka ng damdamin ng iba. Kaya minsan makakapag sinungaling ka nalang para sa taong ayaw mong masaktan. Madalas kasi kung ano pa yung nakikita ng mata s'ya pa yung mali."

"What do you mean po?"

"Ay, masyado na bang malalim?"

"Um."

"Hehe... sorry, ganito kasi yon sometimes if something that captures your attention ito na yung magiging mark sa isipan mo. Its like kapag may nagawa kang kasalanan sa ninong o tita Ricai mo then di ka nila pinakinggan sa pag e-explain mo ang ending nun mag tatampo na sila sayo. Kasi, they saw something from you na di mo naman talaga ginawa well, kung na gawa mo man yun sure naman may explanations and good reason. Kaya nga may kasabihan don't judge a book by its cover. You know that?"

"Um. So... it is okay po if sometimes mag lie tayo? But... in a good way so the others can't easily judge you."

"Yes Baby, mas okay kung yung pagsisinungaling mo ay worth it pag dating ng araw na babalatan ka ng buhay."

"What? What is babalatan ng buhay po?"

"Hahaha... sorry its idiomatic expression. Hehe..."

"Hmm? What does it mean?"

Mag explain na sana si Felly ng bumalik naman na yung dalawa sila Chase at Belj.

"What are you two talking about?" Tanong ni Chase.

"Wa— Wala po naman Sir."

"No, ate Fely is good at advisor uncle ninong if you want advice for love seek for her."

"Ha?"

"Na— Nako, hindi po Sir may sinabi lang po ako kay Baby baka na misinterpret n'ya lang po ako. Ha... Ha..."

"Hindi ba isa kang Psychology graduate?"

"Po? Opo Sir pero undergrad po ako."

"Sayang naman maganda yung course mo." Ang sabi naman ni Belj.

"O— Opo pero may financial problem po kaya di ko po natapos kailangan ko rin po kasing mag trabaho agad so I can help my parents to provide for our family especially my younger siblings."

"Ohhh... ilan ba kayong magkakaptid?"

"Ahm... 7 po may tatlo na po kaming college student."

"Galing naman."

Napangiti naman si Baby din sa dalawa kaya hinila nya ng dahan-dahan papalayo sa dalawa ang uncle ninong Chase nya.

"Where are you taking me Baby?"

"We're going inside so we can give the two some space."

"Ohhh... you want to be Cupid for them ha?"

"Hehe... a bit I just want to help manong cook to realize kung ano po ang sinayang nya."

"Nani? Kailan mo pa natutunan ang mga bagay na yan?"

"By experience."

"Hahaha. Silly. As if you're having a hard time in life at your age? Don't grow to fast bebe, uncle ninong will get mad at you."

"Okay then. Be mad at me."

"Aba't... ikaw ha..."

Nang nakarating sila sa sala dun na nag habulan yung dalawa at nakita yon ni Eulla "mukhang kailangan kong maging close sa bagets na yon para mapansin ako ni Chase." Pinagmasdan nya lang sa taas yung dalawa at umalis rin agad at pumasok sa kwarto nila ni Don Fernan.

***

Mga ilang oras na rin ang nakalilipas ng alukin ng inumin si Ricai ng mga pinsan ni JF kaya medyo dizzy na ang kaniyang pakiramdam at pag labas nya ng comfort room muntik na syang matumba buti nalang na salo sya ni JF.

"You okay?"

"Yah... I'm fine I just feel the world is spinning."

"Oh... I think you're drunk lemme send you home."

"Thankies, but I need to go somewhere..."

"Hmm? To where?"

"To see Chase."

"Ha? Pero sabi mo umuwi sila sa Barrio De Espenzo."

"Yeah... but I want to see him."

At nawalan na ng ulirat si Ricai dahil nakatulog na s'ya sa sobrang dizzy n'ya.

"Ricai? Hey, Ricai? Wake up!"

Wala ng nagawa si JF kung hindi buhatin si Ricai at dinala niya ito papalabas at nakita s'ya ng mga kalalakihang pinsan n'ya.

"What happened to your girlfriend?" Sabi ng isa sa pinsan nyang lalaki.

"Ha? Sinong girlfriend?"

"What are you talking about Floydie? Isn't she your girlfriend?" Opinyon naman ng isa pa nyang pinsan.

Napatingin naman si JF sa buhat-buhat nyang si Ricai "ah... eh... ye..."

"Gimme back my girlfriend." Sabi ng isang lalaki na familiar ang boses kay JF at nung nakita n'ya nga ito nagulat s'ya at sinabing "Cha— Chase?"

Lumapit si Chase at kinuha sa mga bisig ni JF si Ricai "Bro, what are you doing?"

Chase glared at him "her time is up I'm taking her with me." Then he left.

Nanahimik lang ang mag pipinsan ni JF pati na rin ito ng umalis si Chase dala si Ricai "guys, is there something wrong? Bakit mga nakatulala kayo diyan?" Sambit ng babaeng pinsan ni JF na lumabas sa cr.

Pag labas naman ni Chase sa venue isinakay nya agad si Ricai sa kotse at dahan-dahan nya ito ng iniupo sa may front seat ng kotse "what now princess? Are you happy without me?" Tinitigan nya muna si Ricai bago nya isara yung pinto ng kotse.

"Mmm... I need to see Cha...se..." sambit ni Ricai na bigla nalang nag salita out of nowhere kahit natutulog ito at kinagukat naman yon ni Chase.

Chase smiled happily "silly princess your prince misses you so much."

Hinalikan niya sa forehead si Ricai and stares at her about a minute before he goes driving to home.

"I will not let you go ever again, Ricai."

Merry Christmas Ebliwan! Labya’ll ^=^

lyniarcreators' thoughts