webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

Druken Ricai

Buhat-buhat naman ni Chase si Ricai at sinalubong sya ni Belj pag uwi nila sa mansion.

"Ano pong nangyare kay Miss?"

"She's fine sabihin mo kay Felly kumuha ng maligamgam na tubig ihatid kamo sa kwarto ko."

"O— Opo Boss."

Habang papataas naman ng hagdan nakasalubong ni Chase si Baby Girl na pababa palang sana "uncle ninong..."

"Oh, you're still awake?"

"Um. I'm about to sleep but narinig ko po na dumating na kayo kaya I went out po from my room and what happened to tita Ricai po?"

"Ahm... she fell asleep na baby eh pwede ba bukas nalang tayo mag usap kakausapin ka rin ni tita Rica mo don't worry."

"Sige po pero ayos lang po ba talaga sya?"

"Um. She's pretty good medyo antok na antok lang kaya ikaw tulog ka na rin ha? Late na. Sige ka di ka tatangkad."

"Opo. Goodnight uncle ninong."

"Okay. Nighty night baby pray muna okay? Sleep well."

"Opo."

Sabay namang pumasok ng kwarto nila sila Chase at Baby at bago pa man tuluyang makapasok si Chase sa kwarto nya nakita sya ni Eulla na buhat-buhat si Ricai.

"Ang landi talaga ng babaeng yon! Nakuha nya pang pumunta dito? Tapos dun pa sya tutulog sa kwarto ni Chase?!"

Nakita naman niyang sumunod kay Chase sila Felly at Belj "anong nangyayare? Bakit pati sila andun?"

Nag mamasid sya sa labas at pag ka pasok na pag ka pasok nung dalawa sa kwarto ni Chase nag madali rin syang mag punta sa labas ng kwarto ni Chase para makinig kaso ni isang tunog o salita wala syang narinig dahil sound proof ang lahat ng pintuan dun pati ang wall.

"Mukhang may gustong maki sali Boss." Ang sabi ni Belj at nakita nya sa monitor doon sa may pintuan ni Chase na nasa labas si Eulla.

"Sino?"

Nakaupo naman si Chase sa sofa habang binibihisan ni Felly si Ricai sa bathroom.

"Ang madrasta nyo."

"Talagang gusto nyang makisawsaw sa buhay ko."

"Ano pong gusto nyong gawin ko?"

Tumayo si Chase para sana labasin si Eulla pero pinigilan sya ni Felly.

"Opo Sir, ako na pong bahala sa kaniya."

Nagkatinginan naman sila Chase at Belj "sorry po kung nagulat ko kayo pero mas kailangan kayo ni Ms. Ricai dito."

"Tama sya Boss baka mamaya masuka si Miss sa sobrang kalasingan nya."

"O— Okay? Hindi ba ako yung amo rito? Bakit ako ang mag aayos ng suka ni Ricai?"

"Syempre boss, boyfriend nya kayo alangan naman ako? Gusto nyo bang ako ang tumabi sa kaniya ngayon gabi?" Ang ng iinis na sambit ni Belj.

"Eh kung pa bugbog kita?"

"See, kaya kayo na."

Napatingin naman si Chase kay Felly bilang sa kanilang tatlo ito talaga ang best na maging kasama sa buong mag damag ni Ricai dahil babae ito "Ahm... Sir, kung ako po ang babantay kay Miss baka isipin nya di nyo na sya mahal kasi ayaw nyo syang alagaan porket lasing sya."

"Oo nga boss tama si Felly."

Nagkasundo pa yung dalawa at nag apir.

"Fine! Pero kayo ng bahala sa lamok na nasa labas."

"Yes boss." Anila.

"Tsaka po Sir, wag kayong mag alala dahil sainyo po kaming lahat dito. Pag lilikuran po namin kayo hanggang saan ang kaya namin kaya kapag kaaway n'yo ay kaaway na rin po namin."

"Thanks Felly."

"Welcome po Sir."

"Sige na Boss labas na kami ihiga n'yo na rin sa kama si Miss baka lamigin yun sa bathtub." Opinyon naman ni Belj.

"Oo sige na."

Pag labas naman nung dalawa nagulat si Eulla.

"Cough... bakit kayo nandiyan?" Ang sabi ni Eulla na para bang hindi nahihiya sa ginawa nya.

"Felly."

"Ano po yon Sir Belj?"

"Mag spray kayo dito sa buong bahay ng insecticide dumadami ang ipis lalo na ang lamok na pakialamera."

"Yes Sir."

"At nga pala, wag mo na kong tawaging Sir dahil di naman ako ang boss dito si Boss Chase lang wala ng iba." Then he stared at Eulla.

"Sige po."

"Let's go, baka maka istorbo pa tayo kila Boss at Miss."

"Opo."

Papaalis na sana yung dalawa ng hinarangan sila ni Eulla "kayong dalawa! Hindi ba kayo marunong gumalang?! At ano yung sinasabi nyong si Chase lang ang Boss dito? Baka nakakalimutan nyo fiancée ako ni Fernan kaya technically speaking Boss nyo rin ako!"

Sasagot na sana si Belj pero hinawakan sya ni Felly na para bang sinasabing "I got this."

"Ano yon? Ikaw kamo, Boss rin namin? Huh! Hahahahaha...." Dagdag pa ni Felly.

"Ikaw!!! Ang kapal mong pag tawanan ako!"

Sasampalin nya sana si Felly pero sinangga nito ang kamay nya "subukan mong saktan ako baka magkalabasan tayo dito ng baho Eulla!"

"How dare your to call me by my first name?!"

Gamit ang isang kamay ni Eulla na di hawak ni Felly sasampalin nya sana ito pero pinigilan naman ito ni Belj at sumenyas sya kay Felly kaya sinampal nya ng isang malupit si Eulla at hinawakan nya rin ang buhok nito.

"Bitawan mo kong muchaha ka!"

"Oh really? Do you think yumaman ka dahil kumabet ka kay Don Fernan? Yun ang akala mo dahil you're nothing but a disgusting mistress! Kung muchacha man ako at least naka pag college ako at alam ko ang sinasabi kong english kesa sayo na walang alam kung hindi yung linyang yon!"

"Bitawan mo ko!!!"

Binitawan naman sya ni Felly at sumalagpak si Eulla sa sahig.

"Walanghiya ka!"

Susugurin nya sana si Felly pero hinarangan na si Belj "subukan mo syang saktan hindi ka na makakatayo dyan."

"Mga bwiset kayo! Isusumbong ko kayo kay Fernan."

"Oh? Takot kami."

"Talaga! Humanda kayo pagbalik nya!"

"Don't worry dahil kami na mismo ang mag susumbong kung paano mo sinaktan si Felly. Baka nakakalimutan mo inaanak ni Don Fernan si Felly."

"Ano?"

"Let's go Felly, walang kwentang maki pag usap sa lamok."

"Um."

At iniwan na nga nung dalawa si Eulla na nakasalagmak sa sahig "Ahhhhhhhhh!!! Mga bwiset!!!"

Habang pababa naman ng hagdan nag uusap yung dalawa ni Belj at Felly.

"Galing mo ah para kong nanood ng dramarama sa hapon. Dati ka bang stage play actress?"

"Ah hindi po. Pero hindi ko po ninong si Don Fernan."

"Wag kang mag alala di naman mag lalakas loob ang lamok na yon na mag sabi kay Don Fernan takot nya lang isa pa di naman sila close ginagamit lang sya ni Don Fernan para galitin si Boss."

"Ohh... ganun po pala."

"Oo pero wag mong pagsasabi kahit kanino."

"Opo Sir."

"Hindi ba sabi ko sayo wag mo kong tawaging Sir. Belj nalang o kuya Belj mukhang mas matanda pa ko sayo eh."

"Ah... Opo kuya Belj."

Belj pats her "sabihan mo ko kapag inaway ka uli ng lamok na yun ha?"

"Um. Salamat kuya."

"No worries kakampi mo ko."

Samantala mabalik tayo sa kwarto ni Chase...

"Anak nang! Mas mahirap pang mag alaga ng lasing kesa magluto ng buffet."

Pagod na pagod sya habang pinagmamasdan nya si Ricai na kahihiga pa lang nya sa kama dahil biglang nagising si Ricai at nag tatantrums na parang bata. Dahil nga lasing hindi nito alam ang ginagawa nya at dahil nga rin si Chase ang nag babantay sa kaniya wala syang magawa kung hindi maki ride on sa gusto nito. Buti nalang nakatulog na si Ricai.

"Sigh... nakahiga rin." Nag latag sya sa sahig at doon matutulog dahil alam nyang magagalit na naman sa kaniya si Ricai kapag nagising ito na katabi sya.

"Haysss... ako yung may ari ng kwarto at nung kama ako itong nasa sahig?! Pambihira!"

Bam...

"Aray..."

Bigla nalang nahulog sa kaniya si Ricai...

"Hayssss... gang dine ba naman? This is too much na iinis na ko!!!" Tinulak nya si Ricai at di niya alintana na magising ito tsaka sya bumangon pero pabangon palang sya nagulat naman sya kay Ricia at pinatungan pa sya ng paa at hita nito kaya naman wala syang nagawa kung hindi mahigang muli.

"Hoy! Wake up are you..."

"Mmm... Chase let me go!"

"Huh! Let me go? Eh maka pulupot ka nga sakin?! Nako!!! Kung hindi ka lang babae baka nasapak na kita."

"Boohoo... dito ka lang wag mo kong iwan."

"Ano? Ganito ba talaga ang mga babae kapag lasing kung anu-ano nalang sinasabi? Kanina gusto nya kong bitawan ko sya, ngayon wag ko daw syang iwan? Baliw na!"

"Tian- Tian... wag mo kong iwan."

Napansin ni Chase na naluha si Ricai at hindi sya ang tinatawag nito.

"At sino naman si Tian- Tian?"

Bigla namang niyakap ni Ricai ng mahigpit si Chase at pinatong nya ang ulo nya sa dibdib nito.

"Sigh... bahala na nga bukas, pagod na ko at inaantok. Kung sinoman yung Tian- Tian na yon na nag papaiyak sayo humanda sya sakin dahil lintik lang ang walang ganti."

Kinaumagahan maagang nagising si Baby Girl para ipagluto ang tita Ricai nya at ang uncle ninong Chase nya.

"Oo Ms. Baby magugustuhan nila yan kasi ikaw ang nag prepare. Di ba kuya Belj?" Ang sabi ni Felly.

"Oo naman. Ngayon lang sila makakakita ng fried egg na may smiley face. Hehe..."

"Pero cute at hindi sunog."

"Yun nga lang di pa masyadong luto ayaw kasi ni Miss na di luto yung yolk."

"Po? Ayaw ni tita Ricai?"

"Ah... Eh... oo Baby ayaw kasi ni Miss na kumakain ng raw food. Di kasi sya gaya ng uncle ninong mo."

"Ahhh... ganun po pala."

Bigla namang nalungkot si Baby kaya naman nag isip ng ibang paraan si Felly.

"Don't worry pwede naman tayong mag cook uli dipa naman siguro gising sila Sir at Miss." Sumenyas sya kay Belj para ma cheer up si Baby.

"O— Oo baby fried nalang uli tayo mabilis lang naman mag luto ng egg."

"Opo."

Nakahinga naman ng maluwag si Felly at tinulungang muli si Baby na mag fried ng egg kahit na naka ilang ulit na sila dahil parating nagkakaroon ng aberya kung hindi matatapon yung itlog masusunog naman at kung hindi sunog hilaw naman. Gusto kasi ni Baby na sya talaga ang mag luto kaya naman hinahayaan sya nila Felly at Belj sila lang ang nag su-supervise para hindi mapaso o maka sunog ng bahay si Baby.

Sa magkaparehong oras naman pa sikretong umalis ng mansion si Eulla at ginamit nya ang isa sa mga kotse ng mga Alcantara.

"Si Chase ba yon?" Ang sabi ni Ysmael na na nasa balcony ng room nya sa kabila bahay pero sakop parin sa solar ng mansion ng mga Alcantara.

"No Sir, si Ms. Eulla po yon." Sagot naman ni Basty ang assistant ni Ysmael at bodyguard na rin para syang si Belj kay Chase.

"Si Eulla? At saan sya pupunta?"

Inabutan naman sya ni Basty ng tea "sa tingin ko po makikipagkita na naman sya sa dati nyang kinakasama."

"What?!"

"Nabalitaan ko po kasing na huli ito ng mga pulis kagabi."

"Sa anong kadahilanan?"

"Isa pong ex- convic ang dati nyang boyfriend dahil lulong sa droga nabalitaan ko rin pong may grupo ito na puro ex- convic na mga notorious po."

"Sa tingin mo alam ni uncle Fernan ang mga sinabi mo sakin?"

"Yes Sir. Kung babalikan ang nakaraan ni Ms. Eulla kaya lang sya sumama kay Don Fernan dahil gusto nyang mag higanti."

"Mag higanti? Kanino at bakit?"

"Sa ngayon, hindi ko pa po kayo masasagot dahil hindi pa ako sigurado sa mga impormasyong mga nakalap ko."

"Okay then, basta siguraduhin mong hindi malalaman ni Chase ang mga malalaman mo."

"Wag po kayong mag alala mukhang hindi rin naman interesado si Sir Chase sa nakaraan ni Ms. Eulla."

"Wag kang paka sigurado hindi mo pa ganoon kakilala si Chase."

"Yes Sir. By the way, kung hindi nyo pa po alam umalis ng gabi si Sir Chase."

"Ha? Bumalik na sila ng Manila?"

"Hindi po Sir, sinundo nya lang po si Ms. Ricai."

"What do you mean?"

"Kung hindi nyo pa po alam kaya hindi kasama nila Sir Chase si Ms. Ricai pauwi dito sa kadahilanang sumama po ito sa actor na si JF."

"Wait, what? As in John Floyd?"

"Yes Sir. Isinama ni Mr. JF si Miss para umattend ng kasal ng kapatid nito. Kaya naman lasing na iniuwi ni Sir Chase si Miss kagabi."

"What the?! Why didn't you tell me?"

"Sorry Sir pero may lagnat po kayo kagabi."

"Tsk. Kahit na! Nasan si Ricai?" Pupuntahan sana ni Ysmael si Ricia pero pinigilan sya ni Basty.

"Sir, kumalma kayo sa kwarto po ni Sir Chase na tulog si Ms. Ricai."

Nawalan naman ng kibo si Ysmael at naupo nalang na para bang nawalan sya ng energy "Sir, ayos lang po ba kayo?"

"Yes, I'm fine... iwanan mo na muna ako."

"Ye— Yes Sir."

Kahit noon pa mang mga bata sila Ysmael at Chase parating isa sa kanila ang nakakakuha ng kung ano mang gustuhin nila at iyon nga ay si Chase ni minsan hindi pa nanalo si Ysmael kay Chase kaya naman parati silang hindi nagkakasundo. Pero isang araw dumating sa lugar nila sa Barrio De Espenzo si Ricai kasama ang mga magulang nito at ng nakilala nung dalawa si Ricai tsaka lang naramdaman ni Ysmael na hindi siya talunan. Kaya naman ng sinabi ni Chase sa pamilya nila na girlfriend nya si Ricai parang pinagsakluban ng langit at lupa si Ysmael. Pero nanatili parin syang umaasa dahil mahal na mahal niya si Ricai.

"Ricai, hindi ako papayag na maangkin ka ni Chase... Hindi pwede!"

Happy New Year Everyone! (>.<)

lyniarcreators' thoughts