webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

Sunday

Paalis na sila Chase at Baby Girl kasama si Belj at hindi talaga nag bago ang isipan ni Ricai na nag pa iwan lang pero hinatid n'ya sa may parking lot sila Chase pero para lang yon kay Baby Girl para hindi ito malungkot dahil hindi s'ya sasama sa mga ito.

"Um. Don't worry Baby pag nakauwi ako ng maaga susunod ako sa inyo. Okay?"

"Opo."

Chase smirked and Ricai glared at him at nakita yon ni Belj kaya pinapasok n'ya na agad si Baby sa loob ng kotse "yes bebe sakay ka na."

"Bye tita Ricai." sa may backseat s'ya pinaupo ni Belj.

Ricai smiled and wave "bye bye ingat kayo."

"Opo. Kayo rin po sunod po kayo ah."

"Um."

Sumakay na rin naman si Chase sa may backseat rin na di kinakausap si Ricai para mag paalam.

"Sige po Miss alis na po kami." Sabi naman ni Belj at ngumiti s'ya kay Ricai.

"Yeah. Ingat kayo."

"Opo Miss kayo rin po ingat sa biyahe."

"Oo."

Pag sakay ni Belj umalis na silang agad pero bago yon bumusina muna kay Ricai na para mag paalam.

"Uncle ninong..."

"Hmm? Is there something wrong Baby?"

"Nothin' but I wanna ask if you and tita Ricai are fighting? Hindi po kasi kayo nag uusap."

"Ha? A—Ano..." tumingin s'ya sa rearview mirror ng kotse at saktong nakatingin rin naman si Belj.

"Ha... Ha... Ha... hindi sila mag kaaway bebe wala lang sila sa mood mag salita di ba Boss? Hehe..."

"O— Oo di naman kami magkaaway. Bakit naman kami mag aaway ng tita Ricai mo eh wala naman kaming dapat pag awayan. Ha... Ha... Ha..."

"Tsss..."

"Baby?"

"Uncle ninong, what do you think of me? Dumb?"

"Ha? No! Why I should think you as a dumb person? You're my daughter so you must be a smart as I do."

"Ahhh... so you're telling me po na di ako smart?"

"H— Ha?"

Natawa naman si Belj dun sa naging reaction ni Chase "Pffft... Hahahaha... Boss mukhang mas matalino ata sa inyo si Baby."

"Heh!"

"But uncle ninong you're not my biological father so I'm more smarter than you."

"Ba— Baby naman..."

Lalo namang tumawa ng tumawa si Belj kaya ang sama ng tingin sa kaniya ni Chase sa rearview mirror ng kotse "cough... sorry po boss."

Baby signed "you like Tita Ricai right? Uncle ninong?"

"H— Ha? Ba— Bakit mo naman yun na sabi? Sye— Syempre I like her she is my girlfriend after all."

"Tsss... don't be so dumb uncle ninong you ain't fool me po I know you two are not in any relationship."

Nakatingin namang muli si Chase sa mirror at ganoon rin naman itong si Belj "Bo— Boss... I... I...."

"No need to explain Tito Belj and don't be mad to him uncle he ain't tell me anything I just noticed it."

"Ba— Baby..."

"Don't worry po I wont tell your secret to anybody but...." she gaze at her uncle ninong as if she's rooting for something from him.

"Hmm?"

***

Linggo na at gaya ng napag usapan nila Ricai at JF nag kita sila sa isang café...

"Sorry, kanina ka pa ba?" Ang humangos na sambit ni Ricai na naka suot ng dress na color light yellow above the knee and she look so stunning kahit na straight lang ang buhok n'ya at wala syang kahit na anong accessories may dala syang black na small sling bag na lalagyan ng kaniyang phone.

"Wow!" Ang reaction naman ni JF na naka black na cap and mask then black na jacket din na pangkaraniwang kasuotan ng mga artistang ayaw makilala in public.

"Nani?"

"Cough... you look so gorgeous."

"Ha? Bakit yan ang suot mo? I thought we're going to your sister's wedding."

Hinawakan ni JF ang kananang kamay ni Ricai then they leave the café immediately "san tayo pupunta?"

"To the wedding ceremony of course!"

"Ha? Na yan ang suot mo?"

Honk... Honk...

"Is this your car?"

"Aha... sige na sakay na para di tayo ma late."

Ang hindi alam ng lahat mahilig sa pag aaral ng mga sasakyan si Ricai lalong lalo na sa mga sports car na ni minsan hindi s'ya nagkaroon at yung kotse ni JF ang isa sa pinapangarap ni Ricai na maging sasakyan n'ya balang araw ang Mustang dahil mahal ang ganoong sports car at sinasabing pang kalalakihan lang iyong ganoong sasakyan pero hindi alintana yon kay Ricai dahil s'ya yung taong ang gusto ay ang maging kakaiba sa lahat.

"Ricai? You okay?"

"Ha? O— Of courase I'm pretty good sobrang nakakatulala lang kasi ang kagandahan ng Mustang."

"Ohhh... you recognized it mahilig ka rin ba sa mga sports car?"

Ricai nods happily na parang bang kumikinang ang mga mata n'ya "o— okay? Mukhang mahilig ka nga pero sige na sumakay ka na bago pa tayo malate."

"Um. By the way, I think iconic silver is more maangas but kona blue is okay rin naman." Then she go inside the car.

"Ohhh... mukhang marami talaga syang alam sa Mustang pati ang mga kulay alam n'ya." Pabulong bulong na sambit JF.

"Aren't we going?"

"Ah? Ye— Yes."

"."

Habang nasa biyahe nag papatugtog sila ng music at minsan nakikisabay pa sila sa mga kanta hanggang sa ang music na ay naging one of favorites ni Chase ang "way back home of Shaun ft. Conor Maynard" at napansin ni JF na naging malungkot ang awra ni Ricai.

"Is there something wrong?"

"Ha? No— Nothing... ang lamig pala sa loob ano? Ha... Ha... Ha..."

Inihinto naman ni JF ang kotse "bakit ka huminto?"

Hinubad ni JF ang jacket n'ya at ipinatong kay Ricai "wear that para hindi ka lamigin isasara ka na rin ang aircon buksan nalang natin ang window."

"H—Ha? No, I... I'm..."

"It's okay I don't want you to catch a cold baka magalit sakin si Chase I know you ain't tell him na mag kasama tayo. Sorry."

"You... You... don't need to apologize hindi naman ako kailangan nun. Tsaka hindi n'ya na kailangan pang malaman kung saan o sino ang kasama ko wala naman yung pakialam sakin."

"NO!"

Nagulat naman si Ricai sa sigaw na yon ni JF "so— sorry... I just carried away."

"Its okay, mukhang matagal na kayong magkakilala ni Chase base sa reaction mo."

"Ah... eh... hindi naman sa matagal na kaming magkakilala pero kasi s'ya unang naging kaibigan ko sa industriya kung na saan man ako ngayon."

"Hmm?"

"Nung una kasing..."

Beep... Beep...

Ang dami ng bumibusina sa likuran nila at nag cause na nga rin iyon ng traffic dahil bigla nalang inihinto ni JF ang kotse sa gitna ng daan.

"Hoy! Hindi porket maganda yang sasakyan mo basta ka nalang hihinto! Move!!!" Ang sambit na isang lalaki na driver ng isang kotse na nagagalit kay JF.

"So— Sorry po."

"Mukhang... hindi lang ikaw ang sikat pati ang kotse mo. Ha... Ha... Ha...."

"He...He... Oo nga sorry."

Sa magkaparehong oras sa mansion ng mga Alcantara...

Nananghalian sila Chase, Baby Girl at Belj ng biglang dumating si Ysmael.

"Ohhh... so totoo pala ang balita andito ka Chase."

Pero hindi s'ya pinansin ni Chase na patuloy lang kumakain ng kaniyang pananghalian. Tumayo naman si Belj para mag bigay ng pag galang.

"No need to stand up Belj kumain ka lang dyan walang ibang taong kagalang galang na dumating." Ang sambit ni Chase na para bang inaasar si Ysmael.

"Ye— Yes Boss."

Ysmael smirked and he approach Baby Girl "ohhh... you're here pala Baby..."

"Um. Sinama po ako ni uncle ninong dito. Kamusta po kayo?"

"I'm good how about you? How's school?"

"I'm doing treat po uncle."

Chase seems angry so he interrupts the two "yaya Fe?!"

"Si— Sir?"

"Bring out the icecream."

"Yes Sir."

Binitawan namang bigla ni Baby ang kamay ni Ysmael "what's the flavor of the icecream uncle ninong?"

Chase smirked secretly while glaring to Ysmael "of course your one and only favorite chocolate fudge with almond nuts."

"Wow!!! Thankies uncle ninong you're the best!" Then she thumbs up and Chase as well.

"But you better finish your lunch muna bago ka kumain ng icecream."

"Opo."

At hindi na nga pinansin ni Baby si Ysmael...

"Cough... sige Baby see you around." Ang awkward na sambit ni Ysmael at ang sama ng tingin n'ya kay Chase bago s'ya umalis.

"Huh! As if namang welcome sya dito." Pabulong bulong na sambit ni Chase.

"Boss."

"Hmm?"

"Napansin ko lang kailan pa nagkaroon ng bodyguard si Sir Ysmael?"

Hindi napansin ni Chase ang mga bodyguard ni Ysmael dahil hindi pumasok ang mga iyon sa dining area pero napansin naman agad iyon ni Belj dahil nakita nyang agad si Ysmael na papalapit sa kanila kanina.

"Ohhh... I see, mukhang close na close na pala sila ng magaling kong ama."

"Boss, ano sa tingin n'yo ang binabalak ni Don Fernan?"

"I don't care kung sino ang mga taong nasa paligid ni daddy pero ayoko ring nagiging malapit si Ysmael sa kaniya."

"Boss?"

"We will talk this matter later."

Huminto si Chase sa pag sa salita tungkol sa daddy n'ya dahil papalapit sa kanila si Eulla.

"Hello Baby. Kamusta ang tulog mo? Ipinaayos ko na pala yung pool para sayo." Ang sambit ni Eulla na nag kukunwaring mabait sa harap ni Chase.

"Uncle ninong I want to go to farm na po."

"Sige kung yan ang gusto mo."

At hindi na nga pinansin ni Baby si Eulla na umalis na kasama ang uncle ninong nyang si Chase.

Tumayo naman na rin si Belj...

"May mga bagay talagang ayaw si Baby eh lalong lalo na ang mag swimming. Hate na hate nya yon lalo na kung hindi rin kaaya aya ang makikita nya ron." Then he left but before that he looked at Eulla na para bang iniinis n'ya ito sa mga sinabi n'ya.

"AHHH!!! Kainis!!!" Ang galit na galit na sambit ni Eulla at ang hindi n'ya alam nakamasid sa kaniya sila Felly na nag tatago sa may kitchen.

"Hahaha... buti nga sa kaniya kahit yung batang kasama ni Sir Chase ayaw sa kaniya." Sambit ni Felly sa mga kasamahan n'ya.

"Oo nga, pero sino naman kaya yung batang yun? Ngayon ko lang s'ya nakita." Opinyon naman ni Gelo.

"Hindi kaya anak yun ni Sir Chase?" Sambit naman ng ibang mga kasambahay.

"Mga sira! Kilala na natin si Sir Chase bata palang s'ya kaya paanong magkakaroon ng anak si Sir kung wala pa syang nagiging girlfriend uli." Sagot naman ni Reilley ang isa sa pinakamatagal ng kasambahay ng mga Alcantara.

"Bay, kami naman ni Felly eh di kasing tagal mo na dito. Halos 5years palang akong cook dito sa mansion." Sagot naman ni Gelo.

"Oo nga pero marami na kayong alam sa pamilyang ito. Tama ba ko?"

"Well, kung sa kaalaman naman about sa mga Alcantara may alam kami pero di hamak na mas marami kang nalalaman kaysa samin." Sambit ni Felly.

"Tama ka naman pero eto lang ang sasabihin ko sa inyo ni minsan di pa nag dala ng girlfriend n'ya dito si Sir Chase bukod kay Ma'am Ricai oo nagkaroon s'ya ng isang girlfriend noon pero hindi iyon seryoso."

"So ibig sabihin pwede ngang anak ni Sir Chase ang batang yon?" Ang sabay sambit nila Felly at Gelo.

Pinag bebeltukan naman ni Reilley yung dalawa "mga sira! Paano magiging anak ni Sir Chase yung batang yon eh highschool pa ang huling girlfriend noon ni Sir Chase sa tingin n'yo ilang taon na yung batang yon? Lately lang naman nagkaroon ng gf si Sir at iyon nga ay si Ma'am Ricai."

"Ang sabi sakin nung bata 6 o 7? Di ko na maalala." Sabi ni Felly.

"See, ilang taon ng graduate si Sir Chase ng highschool? Matagal ng panahon kaya bakit naman n'ya magiging anak yon? Kung anak n'ya yon edi sana mga teenage na ang batang yun ngayon. Mag isip nga kayo."

"Hmmm...."

"Eh kung si Ma'am Ricai?" Tanong naman ni Gelo pero binatukan lang sya ni Felly.

"Hindi nga pwedeng kay Ma'am Ricai bago lang sila ni Sir Chase tsaka ang kayo ng mukha nung bata ang puti puti rin ni Ma'am Ricai yung bata naman di masyado. Pero bakit kaya wala s'ya ano?"

"Oo nga eh ang bait-bait pa naman ni Ma'am Ricai."

Clap... Clap...

"Hala sige, magsi balik na nga kayo sa trabaho kung ayaw n'yong matalsik sa mansion." Ang naiinis na sambit ni Reilley.

"Ma'am Yes Ma'am." Anila.

"Puro kayo tsismis."

Samantala mabalik kila Chase at Baby Girl....

"Wow... ang daming cow."

"Ah, actually baby hindi yan cow it's carabao sa kabilang side yung cow."

"Hmm? Kalabaw?"

"Um. Magkaiba kasi ang cow sa carabao ang cow kasi hindi masyadong mahaba ang sungay kesa sa kalabaw."

"Weh? Parang di naman po totoo."

"Hehe... basta hindi cow yang nakikita mo ngayon kalabaw yan at dito sa farm na ito nanggagaling ang karamihan sa mga meats na tinitinda sa palengke dito sa Barrio De Espenzo."

"Ohhh... galing."

"Gusto mo ba silang pakainin?"

"Pwede po?"

"Oo naman halika bilis ipapakilala muna kita kay Quintin."

"Hmm? Sino po yun?"

"Bro!!!"

"Chase!!!"

Nakita ni Baby na naka white na lab gown si Quintan kaya may idea na s'ya kung sino ito "ohhh... he is the veterinarian here."

"Eh?" Ang naging reaction naman ni Chase.

Papalapit naman na sa kanila si Quintan "kanina ka pa?"

"Ah hindi naman kararating lang din namin dito ni Baby."

"Oh, s'ya na ba yung sinasabi mong inaanak mo?"

"Oo s'ya si Baby Girl."

"Wow! Ang komplikado ng name n'ya. Hehe..."

"Baby, s'ya hi to Uncle Quintan s'ya ang veterinarian dito sa Alcantara Farm. Pwede mo din tanong sa kaniya kung kalabaw ba ang mga ito o baka."

"No need uncle ninong I know na but hello po Dr. Quintan."

"Awww... ang cute naman n'ya. Para syang batang si Carmin."

"And who's Carmin po?"

"Ahhh... s'ya yung dating...."

Di naman na tuloy ni Quintan ang sinasabi n'ya because Chase put some grass to his mouth.

"Mmmm...."

"Halika Baby, dun tayo mamaya mo na kausapin yang si Quintan mahilig kasi talaga yan sa damo."

"Ta— Talaga po?"

"Oo halika dun naman tayo sa may fish fond."

"Okay po."

Lumingon si Chase kay Quintan then he teased him "haysss... umandar na naman ang pagka isip bata ng tukmol na yon. Pwe! Pwe!"

"Doc? Anong ginagawa n'yo?" Ang sabi ni Dadeng isa sa mga nag papakain ng mga kalabaw sa farm.

Dali-dali namang binitawan ni Quintan ang Damon hawak n'ya "pwe! Bwiset na Chase. Pwe! Sabihin mo sa cook ipagluto ng sinabawang damo yang lintek na boss natin."

"Ho?"

"Wala! Sige na magpakain ka na ng kalabaw."

"Si— Sige po."