webnovel

02

"Class, alam kong kilalang kilala niyo na siya! He is the son of the President of West University. Mr. Chardzon Lopez," pagpapakilala ng Professor nito. "Obviously, kaklase niyo siya, so, make friends with him, okay?"

May tumaas ng kamay na babae. "Chardzon, can we be more than friends?" Tapos, nagtawanan ang buong klase.

"Nah! Hindi ganiyan," sabi ng isa. "Chardzon, asawahin mo na ako!" And the laughter of the class roars inside the classroom.

Namumula naman sa hiya si Chardzon.

Nagimulang pumuso-puso ang mga mata ng mga babae. Kinikilig ang mga ito na animo'y anumang oras, maiihi na sa sobrang kilig. Isama na si Cess na nakatitig lang mula sa upuan nito. Lumalakas ang kabog sa dibdib niya.

Natawa naman ang Professor sa itsura ng klase niya ngayon. Sino ba namang hindi kikiligin dito, e, napaka-gwapo naman talaga. Singkit ang mata nito, matangos ang ilong, he has thin lips, matangkad, maputi. Lahat na! Perfection!

Plus 10 lalo na para kay Cess! NAMBAWAN sa puso niya. "Yiiieh!" kinikilig talaga siya.

"Sige, Mr. Lopez, pwede ka nang umupo. Humanap ka nalang ng vacant seat," untag ng Professor at humarap na sa board.

Palinga-linga si Chard upang humanap ng upuan. May umalok sa kaniya pero hindi niya 'yon pinansin. Nakita niya yung vacant seat sa tabi ni Cess. Doon siya tumungo.

Hindi naman mapigilan ni Cess na kumabog pa lalo ang dibdib. Papunta sa dako niya si Chardzon. Maraming babae ang sinusundan ito nang tingin. Sasabog na siya!

Tapos, tumabi ito sa kaniya.

It's Chard, Cess then Steven. Pinapagitnaan siya ng dalawang gwapong lalaki. Parehas pang mabango! Animo'y may nagkakarerahan na kabayo sa kaniyang dibdib. Namamasa ang kaniyang kamay at hindi ito makahinga ng maayos. Kinikilig talaga siya.

Tumabi sa kaniya si Chardzon!

"Are you okay?" Napansin siya ni Steven. Obvious naman kasi ate.

Nilingon niya ito. "O-oo naman!" Parang nawawalan na siya ng hininga.

"Ngayon ka lang ba nakaranas na tabihan ng dalawang lalaki?"

Napalingon si Cess at nagulat. Si Chardzon ang nagsabi non! Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. As in FACE TO FACE! Namula ang kaniyang pisngi. She can't take this anymore!

Tinaas niya ang kamay at tumayo. Natigil ang Professor sa pagtuturo. Ang mga kaklase niya ay napalingon sa kaniya. Everyone is looking at her.

"Ma'am, may I please go to the cr?"

Nakunot ang noon ng Professor at pinayagan naman siya. Dali-dali siyang lumabas ng classroom kasama ng lahat ng gamit nito.

Nagtaka si Steven. "Anong nangyari do'n?" Tapos, natuon siya kay Chardzon na nakangisi.

Hindi sa banyo tumungo si Cess kundi sa may garden ng department. Grabe naman 'yon! Ilang minuto ba niyang pinigil ang paghinga?

Sinampal-sampal niya ang sarili. "EZ Cess! ANONG PROBLEMA MO? AAAAAHHHHH!" Parang maiiyak-iyak pa ito sa katanghan niya. "BAKET BA KASE NAGING KAKLASE KO PA SIYA? OKAY NA KASE KUNG SI STEVEN LANG, UMEPAL PA TONG SI CHARD. Hmp!" Kiri, day?

Tinampal niya ang sarili sa iniisip. Bakit tinatakwil na niya bigla sa puso si Chardzon? Nambawan 'yon diba?

"Oo naman! Chardzon pa rin!" sinabi niya sa sarili. Nagusumot niya ang kaniyang mukha. "Patay ako nito kay Nanay. Dapat nag-aaral ako, hindi kumikiri nang ganito! Ano ba naman 'yan! First day palang nang klase!" Nasabunutan pa niya ang sarili.

"Haiy," malalim nitong buntong hininga. Kinuha na lang niya ang libro para sa subject ngayon at doon ay nagbasa. Hindi na muna siya babalik, last subject na naman niya 'yon para sa araw na ito. Nahihiya din siya. Kaya sa garden na lang siya magpapalipas ng oras.

Hindi namalayan ni Cess ang oras at nawili sa binabasa nitong libro. Tumingin siya sa orasan nito at pasado isang oras at kalahati na palang siya nagbabasa doon. Tahimik kasi doon. 'Yun pa naman ang gusto niya kasi naiintindihan niyang maige ang mga binabasa niya.

Inayos niya ang kaniyang gamit para makauwi na. Sigurado siyang hinihintay na siya ng kaniyang Ina dahil alam nito ang schedule niya.

Naglalakad na siya sa may Hallway nang biglang...

"Cess!"

"Oh, Steven!" Hindi pa pala ito nakakauwi.

"Hindi ka na bumalik sa klase ah? Saan ka nagpunta?"

"Ah... ahm..." anong sasabihin niya? "Ah medyo sumakit kasi ang tyan ko, e. Alam mo na girl's stuff."

Tumango naman si Steven na naiintindihan ang sinabi nito. "Pauwi ka na ba? Hatid na kita!"

"Huh?" Nabingi na naman siya.

Steven chuckles. "Kelan ang birthday mo?"

Napakunot ang noo ni Cess. "April 23," sagot niya dito.

"Reregaluhan kita ng cotton buds." Tapos tumawa ito ng malakas.

"Hehe," natawa na rin siya sa sinabi ng lalaki. Baka kailangan na nga niya non.

"So, ano? G ka ba? Hatid na kita!"

"No! No! It's okay!" tanggi niya. Nahihiya na siya masyado dito. Tyaka, bago pa lang naman sila nagkakilala. Baka, magtaka ang Nanay niya. Lalo pa't lalaki ito.

"I insist," pamimilit pa nito.

"Hmmm. Okay na talaga ako, Steven! Maraming salamat! Sinamahan mo na nga ako sa buong first day ko, e. Nakakahiya pero, okay naman akong umuwi mag-isa."

"Sure ka?

She smiles. "Oo! Salamat."

"Tsk! Hmm. Sige! Kung hindi talaga kita mapilit. So, see you tomorrow!" Kumaway ito sa kaniya bago tumalikod sa kaniya at umalis.

Napangiti naman si Cess. Mabait siya infairness.

Nag-abang si Cess ng tricycle sa may waiting shed malapit sa may main gate. Lalakad sana siya pauwi, kaso bigla namang bumuhos ang ulan. Nakalimutan niyang magdala ng payong.

Lilinga-linga siya dahil walang tricyle na dumadaan. Mostly ay taxi. E, hindi naman niya afford 'yon! Kinuha niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang phone at nagmessage na lang sa kaniyang Nanay na pauwi na siya at inabot lamang ng ulan.

In her peripheral vision, napansin niyang may lumabas na itim na innova car mula sa gate ng kaniyang paaralan. Nagulat siya nang huminto sa tapat niya mismo. Bumaba ang bintana ng sasakyan.

Si Chardzon! "Sakay ka na!" sabi nito.

Pero si Cess nakadilat ang mata at gulat na gulat.

Binuksan ni Chard ang sasakyan at bumaba doon. May hawak itong payong. "Pasok!" utos nito.

Parang nahipnotize na lamang si Cess kasi nakita na lang niya ang sarili na nasa loob na ng sasakyan nito.

AWKWARD!

Isang mahabang katahimikan ang pumagitna sa kanila. Si Chard ay nakatingin lamang sa labas. Habang si Cess naman ay hawak ang Id lace nito while her hands are under perspiration. May aircon naman sa loob ng sasakyan pero bakit ganon na lang ang pagpapawis niya. Pati ata kili-kili niya.

"Doon pa rin kayo nakatira?" nagsalita na si Chard.

Lumingon siya dito. "Oo," matipid niyang sagot.

"Manong sa Buncayo Residence po tayo!" utos niya sa driver.

"Sege po ser."

Binaybay nila ang daan patungo sa kanilang bahay. Pero 'yun lang ang naging paguusap nilang dalawa. Nang nakarating na sila sa guard house ng subdivision.

"Manong! Dito na lang po ako! Lalakarin ko na lang po!"

"No!" malagong na ani ni Chard. "Go straightway, Manong, then turn right, tapos sa may blue na bahay." Detalyado nitong sinabi.

Napangiti si Cess. Alam pa pala nito ang kanilang bahay. Noong kasing lumaban sila ng quiz bee, minsan itong pumunta doon para sa kanila daw mag-review.

"Yes, Ser!"

Dumating na sila sa kaniyang bahay. Pinagbuksan siya ng driver nito at bumaba siya. Mabuti na lang tumila na ang ulan. Magpapasalamat pa sana siya kaso sinara agad ang pintuan nito. Tinted pa naman kaya hindi na niya makita.

Kumaway na lang siya. Bumusina ang sasakyan at tuluyan nang umalis.

"Ate, sino 'yon? Sino yong naghatid sayo?" Nagtatakang sabi ng Nanay nito na nang marinig ang busina ay biglang lumabas sa bahay nila.

Napakamot si Cess. "Si... ano po... Si anoo.. Nay."

"Sino?"

"Si Chardzon po," nahihiya pa siyang sinabi dito habang pumapasok sila sa loob ng bahay. Inasikaso siya ng kaniyang Ina at nakahanda na sa mesa ang meryenda nito.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

Tumatango-tango naman siya pagsagot.

Boto naman ang nanay niya kay Chard! Gustong-gusto niya nga ito e. Kasi noong pumunta siya sa bahay nito, nakita niyang napakabait nito at pursigido. Kaya nung sinabi niya sa nanay niya na crush niya ito, okay na okay daw sa kaniya 'yon.

"Ate huh! Kumikiri ka na," pagbibiro nito tapos kiniliti pa siya.

Nakiliti naman siya at nahihiya sa ginawa ng ina. "Nay naman, e." Pero kinikilig siya! Umakyat siya sa kaniyang kwarto para hindi na siya nito asarin. Tumalikod siya sa pintuan. "Talaga si Nanay, oh!" Natatawa siya at iiling-iling.

Nagbihis na siya para makapag-aral.

Kinaumagahan, maagang nagising si Cess dahil 7 am ang klase niya. Tapos, tatlong oras pa 'yon, kaya hindi siya pwedeng mahuli.

"Ate, baon mo." Inabot dito ang pera at binalutan nito. "Galingan mo ah!" Pagpapaalala niya dito.

Humalik siya sa kaniya Ina at nagsimula nang lumakad palabas ng Subdivision. Mag-aabang nalang siya ng Tricycle mula roon. Pero, may tumigil sa tapat niya na puting Honda civic. Bumaba ang salamin sa driver seat. Hindi niya kilala.

"Sakay na po kayo!"

Natuwid siya bigla."Naku po! Wag na po!" Todo tanggi niya, baka mamaya san siya dalhin nito. "Sasakay naman po ako ng tricycle!"

Napakamot ang matanda sa kaniyang ulo. "Ay utos po sa akin, ih! Sakay na po kayo!"

Lumilinga-linga si Cess. Wala naman ding dumadaan na tricycle. Sumakay na lamang siya baka mamaya ma-late pa siya. Pinanalangain na lang niya na hindi ito papuntang kamatayan niya.

Nakarating na siya sa school at binaba siya sa main gate.

"Salam..." Ngunit umalis agad ang sasakyan. "Mat po," binulong na lang niya sa sarili. Iiling-iling siyang pumasok patungo sa kaniyang classroom.

ROOM 204.

Tahimik sa loob ng classroom dahil kakaunti pa naman silang magkakaklase. Umupo si Cess sa pangalawang row doon sa pinakadulo malapit sa may bintana. Kumuha muna siya ng libro at nagbasa.

Mga ilang minuto, dumating si Steven. Nakita niya agad si Cess kaya tumabi agad siya dito. "Good Morning, Cess." Napakalawak nang ngiti nito.

"Good Morning!" sagot naman niya na tinutuloy lang ang pagbabasa sa libro.

"Ang aga mo ah."

"Ganon talaga!"

"Dito na ako uupo sa tabi mo ah!" sinabi pa nito.

"Sige, sige!" Ngumiti siya dito.

Unti-unting nagsidatingan ang mga kaklase nila. Medyo umingay na sa classroom dahil dumating na yung kaklase nilang mahilig magpatawa. Nilagay na lang muna niya sa isang tabi ang binabasang libro at pinanood ang kaniyang mga kaklase.

"Cr muna ako ah," pagpapaalam ni Steve. "Diyan ako sa tabi mo huh!" Iniwan pa niya ang bag upang palatandaan na may nakaupo na roon.

Tumango lamang si Cess at tumuon muli sa kaklase niyang nagpapatawa. Umagang-umaga, napakalakas pa ng energy nito. Lahat ng nasa classroom na 'yon hindi maalis ang halakhak sa kanilang labi. Kahit siya.

Biglang, dumating si Chardzon dahilan para matahimik ang paligid. Lahat ng mata ay nakatingin sa kaniya. Ang kaninang nagpapatawa sa kanila ay napaupo sa isang tabi at pumu-puso-puso na ang mata. Ang mga babae kinikilig na at nagbubulungan.

Grasya sa umaga!

"Ang pogi talaga!" bulong ng kaklase niya sa na nasa harap niya.

Palinga-linga si Chard upang humanap ng mauupuan. Dumako ang tingin nito sa pwesto ni Cess. Doon siya pumunta upang umupo.

Pero, nang uupo na siya.

"Naku! D-dito kasi si Steven eh," sabi ni Cess. Naroroon nga ang bag nito e. Eh makakatabi mo naman si Chard, e. Sabi ng kabilang utak niya. Baka hindi siya makapag-focus kapag katabi ito! Patay na naman!

Ngunit, kesa lumipat ito at tumabi sa ibang nag-aalok ng upuan dito. Kinuha niya ang bag ni Steven at nilagay sa may likod na may vacant seat.

"Pwede na ba?" seryoso itong nakatingin sa kaniyang mga mata.

Nakabuka lang ang kaniyang bibig at wala siyang nagawa. Umupo si Chard sa tabi niya.