webnovel

01

The Year 2015

It's a typical day for a typical college student like Cess Orenze. First day niya ngayon sa pamosong paaralan na West University. Ang unibersidad na matagal na niyang pinapangarap na pasukan. Kaya nga, nag-aral talaga siyang mabuti para ma-avail ang scholarship nito. Mabuti na lang talaga na-grant naman 'yon!

Nakatingin siya sa salamin habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok. "Kaya mo yan, Cess! Kaya mo yan! Make your college days the best thing happened!" pagpapalakas nito sa kaniyang loob.

College is the crucial stage for a student like her. Dito, hindi ka na pwedeng magpa-bandying-bandying. Hindi ka na pwedeng basta na lang maglinis ng room, magbigay ng pambili ng tambo at tingting, floor wax at BOOM! Pasa ka na, Valedictorian ka pa! Hindi na rin pwedeng basta ka na lang uupo sa armed chair mo at wala ka na lang pakealam. Dito, you have to give your best shot para pumasa ka! Kung kakapit ka sa patalim, bahala ka na! Pero, kung hard-work, faith at determination ang usapan, kailangang kailangan mo ng marami non. Because you have to conquer many things such as follows: Terror na teacher, "PERA" nambawan yan – Xerox dito, Xerox doon, limpak-limpak na quizzes, thesis, sunod-sunod na projects, OJT and so much more.

Future mo na kasi ang nakasalalay dito. It's the path that you will take after all. Kung hindi mo seseryosohin, babagsak ka sa kangkungan. – Ayon lahat 'yon sa kapitbahay nilang grumaduate ng college ngayong taon.

Matagal na tiningnan ni Cess ang sarili sa salamin. Humihingang malalim. "Think positive, Princess Jasmine. Kayang-kaya mo 'yan!" She balled her fist in front of her and says, "Let's go Cess!" Kinuha niya ang bag sa higaan at bumaba na ito.

"Good Morning, Ate," nakangiting bati sa kaniya ng kaniyang Ina ng dumako siya sa kanilang kusina.

"Good Morning, Nay!" humalik siya sa pisngi nito. Nakita niya sa mesa na nakahanda na ang paborito niyang almusal na hotdog at kape. "Sarap naman nito, Nay!" nagsimula na siyang makaramdam ng gutom.

"Ay siya! Kumain ka na! Dahil, baka mahuli ka pa sa school mo! First day mo pa naman ngayon!" Excited na excited na rin ito. Kahit siya ay hindi makapaniwala na darating ang araw na makakatuntong ang unica hija niya sa kolehiyo kahit sila ay salat. Natutuwa siya dahil napaka-talino, mahusay at mabait na anak ni Cess. Kahit nawala agad ang ama nito sa mura nitong edad, masaya siyang napalaki niya ng maayos ang anak.

Hinanda na nito ang binalutan ng anak at nilagay ito sa kaniyang bag.

"Thank you po," ani ni Cess.

Nilapitan siya ng kaniyang Ina at humalik sa noo nito. "Galingan mo, okay? Palaging humingi ng karunungan sa Panginoon kapag pakiramdam mo hindi mo na alam ang gagawin." Hinaplos nito ang buhok ng anak. "Lagi mong tatandaan nandito lang si Nanay."

Awtomatiko namang ngumiti ang labi ni Cess kasabay ng puso nito. She really is blessed to have a mother like her. Niyakap niya ang Ina ng mahigpit at nagpasalamat muli dito.

Matapos niyang mag-almusal, magtootbrush, tumingin muli sa salamin, tumungo na siya sa West University.

Nang makarating siya sa paaralan... para siyang isang manlalakbay na hindi alam ang patutunguhan. Masyadong malawak at malaki ang Unibersidad kung susumahin. Ang alam niya lang na lugar dito ay ang administration office kung saan siya nag-abyad ng kaniyang scholar.

Lumakad siya sa hallway na naroon. Mula sa kaniyang pwesto, makikita sa paligid ang iba't ibang estudyante na may iba't iba ring ginagawa. May sarili silang mundo. Yung iba nagkwe-kwentuhan, yung iba nagpapaganda. May nakita pa siyang excited na excited. Tapos sa may banda doon, dun sa may fountain may kasama ang jowa.

Natatawa siya. Ganito pala sa kolehiyo.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kahit hindi niya alam kung saan ba siya pupunta. Doon niya lang naisip na kuhanin ang schedule at subukan magtanong kung saan ang building na pupuntahan niya.

Abala siya sa pagtingin dito nang marinig niya na lang may sigawan sa may gate. Mula sa kaniyang pwesto tanaw na tanaw niya ang pumasok na sasakyan. May nakalagay sa unahan nito na flag ng school.

Yung mga estudyante kanina na may sariling mundo ay nagkumpol at nagsisigaw ng "Wooooah!" habang nakataas ang mga kamay.

Hindi naman naiwasang magtaka ni Cess. Artista?

Then, bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba doon ang isang lalaki na medyo ma-edad na. Inayos niya ang kaniyang coat tapos nagsimulang maglakad. Tapos non, may isa pang bumaba mula sa sasakyan, dahilan para mas magkagulo ang mga estudyante.

"Waaahh!" rinig niyang sigaw ng mga babae. Yung mga lalaki nakasilip lang.

Nang makita ni Cess kung sino ang bumaba mula sa sasakyan na 'yon. Animo'y bumagal ang oras para sa kaniya. She was star struck! Hindi siya pwedeng magkamali! Siya 'yon!

"Chardzon!" tukoy niya. "Dito rin siya nag-aaral?"

Why not? Mayaman si Chardzon, Cess diba?

"Oo nga pala!" nasabi niya sa sarili.

Nakasakbit sa balikat ng lalaki kaniyang bag. Tapos naka puting hood-jacket ito paired with his black pants. Kung hindi lamang ito nakasakay sa mamahaling sasakyan, iisiping isa lang itong simpleng tao dahil sa uri ng kaniyang pananamit. Nakapasok sa loob ng bulsa ng jacket ang kaniyang mga kamay. Diretso lamang ang paglalakad nito na animo'y walang naririnig na mga babaeng nagsisigawan at nahuhumaling sa kagwapuhan niyang taglay.

At si Cess talaga namang hindi mapuknat ang mga ngiti habang nakatuon ang kaniyang paningin sa lalaki. Naglalakad ito na animo'y matinee-idol. Parang modelo.

Her heart melts.

"Ugh, Crushy," dreamingly she said habang nakataas ang mga kamay na kunware pinisipil nito ang lalaki. Natatawa siya sa sarili.

Kaklase niya ito noong High School. Nagulat nga ang lahat ng malamang mayaman pala si Chardzon, noong inanunsiyo ito ng kaniyan Ama noong graduation nila. Kahit siya ay nagulat din, dahil hindi naman nagpapakita na pagiging elegante ang lalaki.

Sa katunayan, crush nga niya ito e. Kasi sobrang simple, mabait at matalino nito. Hindi naman sila gaanong close dahil, hindi naman kasi ito nakikisama masyado. Tuwing break time nga, bigla na lang ito nawawala. Tyaka, marami rin siyang kaagaw sa lalaki dahil sa gwapo nga ito, marami nang umaangkin.

Kaya siya, humahanga na lamang mula sa malayo. Naalala niya, minsan lang sila nagkausap noon e, noong lumaban silang dalawa sa quiz bee na sila ang nanalo. At hanggang ngayon, si Chardzon pa rin ang "NAMBAWAN" na crush niya! "NAMBAWAN!"

Lalo pa tuloy siyang na-motivate mag-aral! Unang araw pa lang ng school paano pa kaya sa ilang araw pa na parating.

"Yieh!" Kinikilig niyang sabi sa sarili. Bigla niyang inayos ang sarili, baka may makakita sa kaniya. Sabihin baliw siya. Tumuloy na lang siya sa paghahanap ng kaniyang classroom, tutal bumalik na sari-sarili nilang agenda ang mag estudyanteng nagkagulo kanina.

As she was walking, still wondering; may lumapit sa kaniyang lalaki na kapareho ng kaniyang uniform.

"Hi!" he greeted her.

Napatunghay siya dito dahil sa tangkad nito. "He-Hello?" Parang nautal siya bigla. Nakaka-intimade. Gwapo, e.

Unang-una niyang napansin ang matangos nitong ilong at makapal nitong kilay. Medyo kulot ang buhok nito na medyo messy look, pero bagay naman sa kaniya. Yung labi? Pamatay. Pulang-pula.

Bigla tuloy siyang nahiya. Lip tint lang at pulbo ang nilalagay niya sa mukha. Maputi na naman siya, e. Kaya, okay na rin siguro 'yon! Maganda rin naman daw siya, sabi ng kaniyang Nanay. Pinangangatawanan niya 'yon!

"Elementary Education?" tukoy nito sa course niya.

Napatango naman si Cess sa pagsagot. Don't tell me Education din course mo. Parang mas bagay dito ang Tourism dahil sa lakas ng dating nito.

"Ako din! I'm Steven." Nilahad niya pa ang kamay upang makipagkamay. "You are?"

Tila, nagulat si Cess nang malamang kaparehas niya ang kurso nito. "I'm... I'm Cess." Napalunok pa siya. Kinamayan na niya rin ito at mabilis din bumitaw.

He smiled. Lumabas ang dimples nito. "Nice to meet you! Ahm... Section A ka ba? Hinahanap mo ba ang classroom?"

Hindi sigurado si Cess kung mapapagkatiwalaan ba ang lalaki, pero mukha naman itong mabait at approachable.

"Oo, e."

"Nice! Section A din ako. Tara hanapin natin ang classroom natin!" aya nito. "Baka nagsisimula na ang klase."

"Okay?" At hinayaan niya ang saril na sumunod dito.

Pinakita niya kay Steven ang schedule at madali naman nito itong natukoy. Sa kabilang building pa daw 'yon kaya medyo malayo ng kaunti. Kaso lang, sa gitna nang kanilang paglalakad, hindi sila maiwasang pagtinginan. Malakas tuloy ang kabog sa dibdib ni Cess. Sino ba naman kasing hindi mapapatingin e, ang gwapo ng kasama niya. Hindi pa naman siya komportable sa ganito.

"Tahimik ka talaga?" biglang sabi ni Steven dito.

"Huh?" Napatunghay siya dito. Napakatangkad talaga nito. Nagulat siya sa sinabi ni Steven. "Ah, wala lang." She chuckles.

"You're pretty," narinig niyang sabi nito.

"A-ano?" Kunware hindi niya narinig.

He smirks. Lumabas muli ang dimples. "I said you're pretty." Wala man lang ka-abog abog nitong inulit.

Napakagat sa kaniyang labi si Cess at naipit sa kaniyang tenga ang buhok. "Salamat!" nauutal niyang sabi.

Nahinto sila sa isang pinto na may nakalagay na Room 201.

"I think, this is the room!" Kumatok si Steven sa pinto. Bumukas naman ito agad.

Nanlaki ang mata ni Cess nang makitang naroroon na ang kaniyang mga kaklase at nagtuturo na ang kanilang Professor.

"Why are you late?" nakapamewang ito.

Si Steven ang sumagot " Sorry Ma'am ! Hinanap pa po namin ang room, e." Napakamot pa sa kaniyang ulo. Pero, bakit parang nagpapa-pogi naman siya sa teacher namin.

Tinaas ng Professor ang kilay nito. "Walang kwentang rason. First day of school? Nag-de-date agad kayo?"

Mas lalong lumaki ang mata ni Cess. HUWAT? DATE? Sasagot na sana siya para sabihin dito ang totoo, kaso nagsalita na si Steven.

"Sorry na, Ma'am. Can we still enter your class?" mahinahon ito at dinadaan sa kagwapuha niya.

The Professor rolls her eyeballs and just said, "Get In!"

Madali naman silang pumasok na dalawa at napadpad sa pinakadulo.

Kitang kita ni Cess ang mga kaklase mula sa kaniyang upuan. Hindi niya tuloy naiwasang mapa-isip. Grabe ang hi-high class nila. Ba't ba ako napadpad dito?

Nagsimula na ang discussion.

Tatlong oras ang klase ni Cess sa subject na Fundamentals of Teaching at walang pahinga 'yon. Maganda lang talaga na magaling ang Professor nilang magsalita kaya nakikinig siya. Pero, talaga namang first day palang, nalugaw agad siya sa mga terms at domains nito.

Samantala, ang katabi niyang si Steven ay natulog lamang sa buong klase. Nagising lamang nang maramdamang nagkagulo na sa room dahil awasan na.

Inaayos ni Cess ang kaniyang gamit at mabilis na lumabas sa classroom. Pupunta na siya sa canteen para mag-lunch.

"Hey! Sabay tayong magluch!" Hindi niya alam na sumunod pala sa kaniya si Steven.

"Huh?" Parang nabibingi na naman siya. Close na ba sila ng lalaki?

Ngumiti lamang ang lalaki at nakamot ang batok nito. "Binge ka noh?"

"H-hindi naman." Parang matatae ang mukha niya dahil nahihiya siya dito. Hindi lang ako sanay na may gwapong sumusunod sa akin.

"Let's go?" aya ni Steven.

At tumango lamang siya at sumunod na naman dito.

Nang makarating sila sa Canteen, sobrang nawindang si Cess nang makitang andaming estudyante doon – Canteen kasi, Cess!

Umupo sila sa may vacant table.

"Ako na ang kukuha ng pagkain natin," sabi ni Steven.

"Naku! Naku! Wag na! May binalot ako."

"Really?"

"Oo!"

Tila naweirduhan ito sa kaniya. Bakit? Dahil may binalot siya? Tumayo na lamang ito at kumuha ng sarili nitong pagkain.

Naiwan naman siya na inilabas ang pinadalang binalot sa kaniya ng Nanay. Hamon ang kaniyang ulam. Paborito niya ito! Kinuha niya sa kaniyang bag ang kutsara at tinidor. Pagkaharap niyang muli sa lamesa, may nakaupo na sa harap nito.

Isang magandang babae na makapal ang lipstick. Nakahalukipkip ang mga kamay nito sa kaniyang mapagpalang dibdib. She is staring at her na animo'y kakainin siya. "So, you're Steven's girl friend?"

Napa-awang ang bibig niya. Anong sinasabi ng babaeng ito?

"You're denying? Tss! Beware, girl, Steven's a playboy!" sinabi nito. Umirap ito saka umalis.

Naiwan lang siya doong nakatulala.

"Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo ah?" pagbibiro ni Steven na nakabalik na pala mula sa pagbili ng pagkain nito. Afritada ang binili nitong ulam at tatlong kanin.

Bumalik naman siya sa wisyo at hindi na lamang pinansin ang sinabi nito. She closes her eyes for a prayer at nagsimula nang kumain.

"I saw it! Nilapitan ka ni Lyca." Yun pala ang pangalan ng babae. "Just ignore her, okay?" And he smiled again with that dimples on his both cheeks.

Nagaalinlangan siyang ngumiti.

Natapos na ang lunch at next class na! Pumunta na sila sa kanilang classroom which is Room 201 pa rin. Kakaunti pa lang sila.

Dahil wala naman siyang ibang makakausap, humarap siya kay Steven. "Ahm... pwede bang magtanong?"

"Yes?" He charmingly said.

"Bakit ang bait mo sa akin? E, first day pa lang ng school, ah! Hindi ba't sobrang comfortable mo na agad sa akin? E, hindi mo pa naman ako lubos na kilala? Hindi ka ba na-awk-awkard sa mga taong nakatingin sa atin?"

"Hindi!" agad nitong sagot. "Wala namang masamang makipagkaibigan sa'yo diba? Tyaka, maganda ka kaya gusto kitang kaibiganin."

Nakunot ni Cess ang kaniyang noo. So, ibig sabihin kung hindi ako maganda, hindi mo ako lalapitan at kakaibiganin?

"Ano naman klaseng rason 'yon?"

Tinuon ni Steven ang siko nito sa armed chair niya at hinarap siya. Mas gwapo ito sa malapitan tapos mabango pa. "Just go with the flow, okay?" At bumalik sa ayos nitong upo.

Nanigas si Cess sa ginawang 'yon ni Steven. Namula pa ang kaniyang pisngi. Mabuti na lang dumating na ang mga kaklase nila kaya medyo nawala ang awkwardness sa kaniya.

Dumating na rin ang kanilang Professor, pero may kasama itong lalaki.

"Chardzon?" Nanlaki ang mga mata niya. Kaklase niya ito?