webnovel

03

Bumalik si Steven galing sa kaniyang pagbabanyo. Medyo natagalan lang siya dahil marami siyang nadaanang mga kakilala. Hindi niya napigilang hindi ito kamustahin at kausapin.

Sumilip siya sa bintana ng classroom, ngunit nagsisimula na ang klase. Nasa unahan na rin ang striktong teacher. Hindi na siya makakapasok neto! Napakahigpit kasi ng Professor nilang 'yon. Muntik na nga silang hindi makapasok ni Cess kahapon, e. Mabuti na lang nadala niya ito sa kaniyang karisma at kagwapuhan.

Dumako ang kaniyang mga mata sa pwesto nila ni Cess. Naalala niyang iniwan niya doon ang kaniyang bag sa tabi nito. He immediately creases his forehead when he sees Chard on Cess's side.

"Lopez," tila nahihiwagahan ito sa lalaki.

Well, he knew Chardzon as a famous human being. Sino ba namang hindi? Anak lang naman ito ng mayamang haciendero at businessman na si Mr. Enrico Lopez. Rumors says that he also manage their own business. Kaya, sobrang popular na ng pangalan nito. Lalo pang humanga ang mga tao sa kaniya noong pumasok ito sa public school nung high school ito. Napakadown to earth daw.

He is also known for being smart and athletic. Minsan nga niya itong nakalaban sa Junior Basketball League noong high school sila. At kahit hindi na nito ipangalandakan ang sarili, makikilala't makikilala talaga siya dahil sa apilyedong nakakabakit sa kaniya.

Nairap niya ang mata. Wala naman siyang pakealam doon. Ang kaniya lang, wag lang nitong agawin si Cess sa kaniya. Aba! Ibang usapan na 'yon.

Napapansin niya kasing parang pumoporma ito kay Cess. Lalo na 'yung mga ngisi nito kahapon. Nakakapang-init ng ulo. Ito namang si Cess kilig na kilig sa lalaki na akala mo naman ay kilala niya ito.

Bigla niyang nasapo ang noo, bakit ba siya biglang nagkaganito?

Umalis na lang siya doon. Pupunta muna siya sa labas para manigarilyo. Babalikan na lang niya ang kaniyang bag at si Cess.

Samantala, sa loob ng silid aralan, nagsimula nang magbigay ng proyekto ang Professor para sa kanilang finals. Anito, para wala na daw silang masyadong isipin, agad na daw niyang ibibigay ang kanilang project para magawan na nila nang paraan at wala nang kung ano pang aberya kapag magpapapirma sila ng clearance.

"Okay Class, for this project, you will do this by a partner. You will have your final demonstration. It's dual teaching. Kayo na ang bahala kung anong topic ang pipiliin niyo. Basta, it must be for elementary, dahil elementary educators' kayo. Dapat maipasa niyo rin sa akin ang lesson plan bago kayo mag-demo. Also, you need instructional materials," sunod-sunod nitong sabi.

Nag-ungutan agad ang klase nang marinig nila ang sunod na sunod na pinapagawa ng Prof. Parang ikalawang araw pa lang nila sa school tambak na agad ang kanilang gawain.

Pinukpok ng Prof. ang black board nang marinig niya ang mga bulungan ng klase. "Wag kayong oa! Sa Finals pa yan!" untag nito na nakapamewang pa. "Humanap na muna kayo nang kapartner!" iritang sabi nito. Inirap nito ang mata at padabog na umupo sa monoblock. Inabala niya ang sarili sa kaniyang laptop.

At nagsimulang magkagulo sa classroom para sa paghahanap ng kapartner. Syempre, kapag partneran ang usapan, magsasama-sama na ang matatalino at magaling; o di kaya didikit na agad si bulok kay bestfriend na matalino.

Pero, si Cess sa isang tabi ay palinga-linga na animo'y may hinahanap.

Chard leans on her armed chair. "Partner tayo," sabi niya dito.

Napalingon si Cess kay Chard at bigla siyang namula nang makitang malapit na naman ang mukha nito. Napaisod siya palayo dito. Mabilis na pumintig ang kaniyang dibdib.

His eyebrows furrow. "Ayaw mo ba? May gusto ka bang kapartner?" Biglang sabi nito na tila nadismaya sa ginawa ni Cess.

Inayos ni Cess ang sarili at sinuklay ang nagulong buhok. "Ahm... okay lang naman sa akin." Nakagat niya ang kaniyang labi. "Okay lang ba sayo?" maingat niyang tanong dito.

He shrugs. "Ikaw lang naman ang kilala ko dito, e," anito.

Napangiti naman siya sa sinabi nito. Kilala pa pala siya nito. "S-sige!" agad niyang sagot.

"Sige. Isulat mo na sa papel ang pangalan natin at ipasa mo diyan sa Prof.," utos nito sa kaniya. Tapos, umupo ito nang maayos.

Napanguso si Cess at sinamaan ito ng tingin. Aba! Napaka-utusero pa rin pala nito hanggang ngayon! Pero, ginawa naman niya.

Nakita ni Cess na maraming lumalapit kay Chard at pinipilit siyang kapartner, ngunit, may tinataas lang ito sa kaniyang notebook, tapos umaalis na ang mga ito.

Hindi mapigilan ni Cess ang kaniyang ngiti. Eherm! Ako na ang kapartner niyan huy!

Ilang minuto ang lumipas, nagkaroon na ang lahat ng kanilang kapartner. Ipinasa na rin nila sa Prof. ang kanilang mga papel na naglalaman ng mga pangalan ng partners. Nang makitang okay na, nagsimula na itong magdiscuss... sa loob ng tatlong oras.

Natapos ang klase nang matiwasay, ngunit para namang binuhusan ng mainit na sabaw ang mga estudyante dahil sa dami ng terms at definitions na ibinigay ng kanilang Prof. Wala talaga itong sinasayang na oras. Yung kaya niyang ma-cope na maituturo, ay tinuturo niya talaga.

Sabaw na sabaw na naman ang utak ni Cess. Napatingin siya sa kaniyang notebook at halos kalahati na agad ang nagamit niya para lamang isulat lahat ng diniscuss sa kanila ngayon.

Inayos na lang niya ang kaniyang gamit at kakain na siya ng lunch. Buti na lang, dalawang oras ang break time nila, kaya pwede siyang matulog kahit konti.

"Lunch tayo?" ani ni Chard na ikinagulat ni Cess. Nakahilig pala ito sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ni Cess. Inalok siya ni Chard na mag-lunch sila ng sabay?!!!

Waaah!

"Ahm! Dun tayo sa barn ko. Medyo malaki naman 'yon!" anito na talagang kinukumbinsi siya. "Kung... gusto mo lang naman at.... wala kang kasabay."

Hindi makapagsalita si Cess. Nananaginip ba siya? Pwede bang pasampal siya? Baka kasi hindi ito totoo.

"Huy!" Chard snapped.

Bumalik siya sa kaniyang kasalukuyan. Hindi pa rin siya makaget-over! Pero, sino ba siya para tanggihan ang isang Chardzon Lopez. Kaya, nakangiti niyang sinabi, "Sige ba!"

Tumungo si Chard at Cess sa sinabing "barn" nito. Medyo malayo ito mula sa kanilang department dahil napansin ni Cess na iba na ang suot na uniporme ng mga nadaanan nilang estudyante. Syempre, hindi naman magkamayaw ang mga babaeng tawagin ang pangalan ng kasama niyang lalaki.

Naiirap niya tuloy ang mata.

Hanggang sa makarating sila sa sinabi nitong kamalig. Cess was overwhelmed. Medyo malaki ang kamalig na ito. Unang nakita niya ang kuwadra sa harapan na may maliit na pinto. May hagdan paakyat patungo sa pintuan ng kamalig.

"Tara!" aya ni Chard na unang uamkyat sa hagdan at binuksan ang pinto ng kamalig.

Sumunod si Cess na dahan-dahan sa kaniyang bawat paggalaw baka mapunit ang suot na pantalon. Nang makapasok siya sa loob, namangha siya sa lawak nito. Punong-puno din ito ng dayami. Inangat niya ang kaniyang ulo sa bubong at napansin niyang may malaking butas roon na sumisilip ang liwanag. May nakita pa siyang nakataling kabayo sa isang kahoy.

Sa isang dako naman ay naroroon ang libruhan at ibang gamit ni Chard. Para itong mini-office nito dahil nakita niyang maraming nakapatong na folder sa lamesa nito.

"Welcome to my barn," anunsiyo ni Chard.

"S-sayo 'to?" tila hindi siya makapaniwala.

"Yes! At ako ang gumawa nito." Tapos umupo ito sa kaniyang swivel chair.

Inikot ni Cess ang kaniyang leeg sa buong lugar. Hindi niya naiwasang matanong. "Ikaw lang ang gumawa nito? Ilang araw? Tyaka, bakit dito sa school?" Umupo naman siya sa mga tuyong dayami. Malambot naman 'yon at hindi makati.

"Hindi naman ibig sabihin kapag sinabi kong ako ang gumawa. It's me all the way! I asked help from my friends," sagot nito.

"Friends? May friends ka?" Kasi sa pagkakaalala niya, noong high school hindi naman ito nakikipagkaibigan. Eh, kapag nga kinausap mo lang siya tyaka lang siya magsasalita.

"I do have," maiksi nitong sagot na may kinuhang libro sa kaniyang drawer. "Tyaka, gusto kong malayo sa mga babaeng lapit nang lapit. Hindi ako sanay," dagdag nito.

Tumango lamang si Cess at hindi na lang nagsalita pa. Kinuha na lang niya sa kaniyang bag ang kaniyang lunch box at kumain. "Kain ka!" inalok niya kay Chard bago sumubo sa kaniyang kutsara.

Ngunit, para atang mabibilaukan siya nang sinabi ni Chard na, "Okay na sa akin na makitang kumakain ka. Busog na ako don."

Namula ata ang pisngi niya. Napangiti siya ng bahagya. Hindi pwedeng malawak baka mahalatang kinikilig siya.

Kalma lang!

Kaso, hindi ata titigil si Chard sa ginagawang pagpapakilig sa kaniya dahil may sinabi pa ito, dahilan para mapahinto siya sa kaniyang pagkain. "Kinilig ka?" tapos mahina itong tumawa. Napansin ata nito ang mapula niyang pisngi.

Ngumuso siya dito kahit may laman pa ang bibig. "Chumigil ka nga jan!" Sabay inom sa tubig niya. Mabibilaukan ata siya dahil sa pinagsasa-sabi nitong lalaking ito.

Chard playfully grins. "Pag binabanat ko 'yan, madaming babae ang kinikilig," pagmamayabang anito.

Kahit ako rin naman huy! Gusto niya sanang sagutin. Pero, napapangiti na lang siya. Ayaw na niyang sagutin pa baka ano pang lumabas mula sa bibig niya. Baka si Chard pa ang kiligin! Ay! Charms!

Inubos na ni Cess ang kaniyang pagkain at nilagay na sa bag ang kaniyang lunch box. Mabuti na lang hindi na nangulit pa si Chard. Napansin niyang abala na rin ito sa kaniyang binabasang libro.

"Hindi ka ba nagugutom?" tanong niya dito na tutok sa pagbabasa.

"Hindi!" agad nitong sagot na hindi man lang siya tinunghayan.

Sinisilip niya kung ano bang binabasa nito, pero hindi naman niya makita kaya hinayaan na lang niya. Tiningnan niya na lang ang kaniyang wrist watch. "11:30 lang pala," aniya. "Pupunta muna akong library, Chard," pagpapaalam niya dito.

Saka lang ito tumunghay at nakakunot ang noo. "Bakit? Marami namang libro dito, ah?"

Natawa siya sa sarili. Oo nga noh? "Eh, kasi matutulog ako," pag-amin niya.

"Pwede ka namang matulog diyan. May kumot ako sa may cabinet," tinuro niya ang cabinet. "Kumuha ka diyan tapos ilatag mo. Gigisingin na lang kita kapag time na," anito.

Napakamot sa kaniyang ulo si Cess. Hindi na lang niya nilagyan ng ibig sabihin dahil magmumukha na naman siyang assuming. Kaya, ginawa na lang niya ang sinabi ni Chard. Kinuha niya ang kumot sa cabinet at inilatag iyon sa inupuan niya kanina. Buti na lang dalawa ang kumot at may unan pa.

Siguro, dito na rin ito natutulog para hindi ma-late. Natatawang naisip ni Cess. Hanggang sa pinikit niya ang kaniyang mata at umidlip.

Nang mapansing mahimbing na ang pagkakatulog ni Cess. Binaba ni Chard ang hawak na libro at dahan-dahang lumapit sa hinihigaan ni Cess.

Agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang marinig niya ang mahina nitong paghilik. Natuon ang kaniyang mata sa mukha nito. Mahaba ang kaniyang pilikmata, straight eyebrows, katamtaman ang taas ng ilong at natural na kulay ng labi.

May kung anong kumiliti sa kaniyang puso.

Inangat niya ang kaniyang kamay upang hawakan ang pisngi nito, ngunit, bigla naman itong gumalaw kaya mabilis siyang bumalik sa kaniyang mesa at itinuloy na lang ang kaniyang pagbabasa.