webnovel

New Me

Marami akong kaibigan noong Grade 7, malapitin kasi ako kaya marami na nga.

Pero masmalapit si Joel sa akin

Mahilig ako sa mga sports, pero ang paborito ko ay volleyball. Lagi ako sumasali about sa volleyball.

Hindi sa pagyayabang pero ako ang pinakamatalino sa amin.

Maganda naman ang takbo ko rito sa PNHS.

Oo pala, si Joel ang nakita mo noong nakaraan ay isa siyang sikat na studyante sa PNHS, maraming nagkagusto sa kaniya. Actually Bestfriend ko siya at kami lang ang nakaka-alam. Kapag nalaman nila baka bugbugin ako ng mga babae.

Malapit kami sa chat, pero umiiwas lang sa school or kahit sa labas. Lagi niya ako kinocomfort at lagi niya sinasabi na proprotektahan niya ako.

Kung maganda ang buhay ko roon, meyroon 'din naninira. Yung mga naiingit sa akin.

Isang araw noong Grade 8 ako at may game pa kami sa intrams ng Volleyball. Habang nag lalakad kami ng kasama ko sa gilid ng kalsada habang kumakain, may isang kotse na mabilis ang takbo na para bang walang kontrol at papunta sa amin ang tinatahak na daan.

Umiwas ang mga ibang kasama ko pero may isang hindi na makagalaw. Tinulak ko siya palayo at na bundol ako.

Tumilapon ako di kalayuan at ang kotse ay patuloy parin sa pagandar palayo.

Nakahandusay na ako sa kalsada at hindi ako makagalaw. Nasugat ang aking siko at tuhod at parang nakapilay ako sa kanang hita.

May naramdaman akong bumuhat saakin at yumakap. Minulat ko ang aking mga mata at si joel ang aking nakita at naririning ko siyang sumisigaw ng tulong.

Pinaupo niya ako sa upuan.

"Meyroon ba kayung First Aid Kit!!?" Sigaw ni Joel at may nag-abot din sa kaniya.

"Ayos ka lang ba Andrea?" Pag aalala niya sa akin habang ginagamot niya ang aking mga sugat. Pag tango na lamang ang nakita kong reaksyon niya.

"Grabeng driver yon, kung makita ko lang ang driver na iyon, sasapakin ko iyon." Saad niya.

"Bakit... Bakit mo ako tinulungan?" Tanong ko sa kaniya.

"Di ba ang sabi ko sa iyo, poprotektahan at aalagaan kita?" Sagot niya sabay tingin sa aking mga mata.

"Teka ba't ganun? Ngayon ko lang nalaman na close sila ah."

"Oo nga, teka kaano ano ba sila?"

"Ewan ko."

Bulong bulongan ng mga studyanteng nakatingin sa amin. Kahit nag bubulungan sila naririnig ko parin.

Pagkalipas ng maraming araw matapos ang mga nangyari.

Halos pabawas pabawas ang kaibigan ko at masakit na ang tingin sa akin ng mga babae rito sa eskwelahan.

Dahil kumalat na ang issue na mag jowa raw kami ni Joel kahit d naman totoo.

Na parang wala na ako kasa-kasama, lumalapit si Joel at lumala pa ang galit na aura sa eskwelahan na ito.

Isang hapon ang dumating at uwian na, binugbog ako ng mga taong naninira ng imahe ko at iniwan nila akong naka sandal sa pader na may black eye.

Nang dahil lang sa tsismis, ganito na ang natamo ko. Binugbog talaga ako.

Nakita ako ni Joel na nakasandal at bugbog sarado ako.

Lumapit siya sa akin at bigla ko siyang niyakap at umiyak.

"Joel, ayoko na. Gusto ko na lumipat at ayaw ko na maki pagkaibigan pa sa iba." Paiyak kong saad.

Tumahimik nalang si Joel at pinakalma niya ako.

Kalagitnaan ng taon, lumipat na ako ng school. Kahit yon ang dahilan, pero ayaw ko nang mabugbog uli.

Hindi na ako makikipagkaibigam sa lilipatan kong paaralan, mag aact ako bilang isang nerd o magsusuot ng malaking salamin, mag papakapanget ng kaunti at laging tahimik. Babaguhin ko ang aking sarili aa kadahilanang takot na akong maulit muli ang nangyari sa akin.

At hindi na ako nakapag laro muli.

So i am now a transferred student from PNHS to BVANHS.

---

Bryan's Point Of View

Kahit ang babaw ng dahilan kung bakit siya nagbago pero naiintindihan ko parin. Ganiyan ang mga mababaw ang luha.

"Naku, hapon na pala, sige may bibilhin pa ako. Bye Bryan." Kaniyang saad at umalis.

"Sige bye! Bukas makikita natin ang resulta ng laban natin." Aking wika, at umalis na siya.

"Ngayon alam mo na kung ano ang dahilan kung bakit siya lumipat." Sabi ng papalapit sa akin na si Joel.

"Yes, haha at nag sinungaling ka pang MU kayo." Ngiti kong saad.

"Hahaha pasyensa na... Hmm hindi ko siya ngayun ma protektahan o malapitan, dahil natatakot na siya."

"So ikaw na ang bahala Bryan, Protektahan mo siya at subukan mong ibalik ang dating siya." Patuloy niya ito.

"Sige, susubukan ko."