webnovel

Result

Bryan's Point of View

Rank 1 Bryan Dela Cruz - 98.9

Rank 2 Andrea Lictaoa - 97.6

"Wooow natalo si Andrea."

"Subrang talino nga ni Bryan."

"Yiee unti nalang crush ko na siya."

"Panalo ako sa pusta, akin na bayad mo."

And yeah naka first ako this 1st grading, at natalo ko si Andrea.

"Hahahaha...Natalo nanaman kita, ano nangyari?"Pang aasar ko sa kaniya.

"Tse." Sabay roll eye niya. Hahaha halatang galit siya.

"Sino ka-chat mo?" Tanong ko sa kaniya dahil nag labas siya ng phone at.Wow for the first time nag labas ng phone sa school.

"Pake mo?" Hahaha galit na talaga siya.

"Huwag ka nang magalit, ililibre kita para sa celebration ng aking pagkapanalo hahahaha." Aking saad pero parang galit parin siya.

Sumandal nalang ako at tawa ng tawa dahil lang sa pagkatalo nya, at bigla nalang ako sinampal ng Ruler. Teka wala naman ako ginagawang masama ahh.

"Huwag ka nang mag alala, siguro sa 3rd Grading wala ka nang kalaban." Bigla siyang lumingon sa akin pagkasabi ko non.

"Bakit?" Tanong niya.

"Uuwi kami ng Cebu." Nang sinagot ko ang tanong niya, bigla nanaman ako hinampas sa aking Braso.

"Bakit mo ako hinampas!"

"Huwag kang lilipat! Gusto pa kita matalo!" Sigaw niya at nagsitinginan lahat sa amin.

"Wow grabe ka ah, gusto mo talaga ako matalo meyroon pa namang 2nd, baka matalo mo ako." Aking saad.

"Pero kapag natalo ka pa, susubukan kong huwag lumipat." Aking patuloy.

Nanatiling naka tingin sa akin si Andrea, tae naiilang ako sa pagkakatitig sa niya sa akin.

"Tara Andrea, kain, mag lunch na tayo, wala naman tayo ginagawa dahil kakatapos ng 1st Grading." Pag-aya ko sa kaniya.

"Tara sulitin natin pagsasama natin bago ka lumipat." Wika niya.

"Bakit? Matatalo mo ba ako this Grading?" Tanong ko.

"Haha sigurado na iyon."

"Ipa postpone mo na yang sigurado mo hahahah!!!" At bigla nanaman ako hinampas ng Ruler. Tae ang hirap kapag ang kaibigan mo ehh mahilig mang hampas.

Pumayag ang mga guard na pwede lumabas ang mga Junior high.

Nang nakarating kami sa Bayan, nilibre ko si Andrea ng pang lunch. Kahit galit pa siya sinusubukan ko siya pasayahin.

Pagkatapos mag lunch nag window shooping pa kami sa Mall.

Agad siya dumeretso sa mga Libro at sumunod naman ako sa kaniya.

"Wow nandito na pala siya." Ika niya at kinuha niya ang He's into Her Volume 1at 2

"Kaso ubos pera ko nito." Saad nito at bigla siyang tumingin sa akin. Teka parang nababasa ko ang isip na ito.

"Sige na nga, ako mag babayad." Sabay buntong hininga.

.

"Yieee, salamat Bryan!" At sabay yakap sa akin. Ok so ngumiti na siya.

"Hehe, meyroon ka pang bibilhin?" Aking tanong sa kaniya at bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

"Wala na. Teka lang Bess." -Andrea.

"Huh, bakit 'Bess' ang pagtawag mo?"

"Hahaha... Bess na kita, hindi mo alam?" Masaya niyang saad at bigla ako nanginig dahil tumapat siya sa stand ng mga ruler.

"Ito bibilhin ko." Saad niya at kinuha siya ng Faber Castell brand ng Ruler.

"Halos maputol na yung dating Ruler ko eh haha, kaya bibili ako ng bago." Saad niya at parang hinahasa pa niya ito.

Katakot talaga ang babaeng ito.

Pagkatapos bumili, nilibre ko nanaman siya ng Milk Tea at Ice Cream. Ang saya niya.

Parang nakakita ko ang dating siya.

"Andrea?" Tawag ko sa kaniya.

"Bakit Bess?"

"Pwede mo bang tangalin iyang suot mong Salamin, kahit ngayon lang?" Request ko sa kaniya.

Nag smile lang siya at nilapag ang kaniyang hawak na milktea. At inayos pa niya ang kaniyang malaking salamin.

"Ayaw ko nga, baka ma inlove ka pa, mahirap na." Sabi niya. Haha grabe siya.

"Sabagay Bestfriend naman kita, gagawin ko." Patuloy niya at dahan dahan niyang tinangal ang kaniyang salamin at nag lugay siya.

Bigla nalang tumibok ang aking puso. Grabe, ang ganda niya nga. Para siyang anime, parang ibang tao na siya at hindi siya si Andrea.

"Bakit Bryan? May dumi ba sa mukha ko? Nakakatunaw yung titig mo." Ngiti niyang sabi.

"Hahahaha... may mukha ka pala." Bigla niya uli ako hinampas ng bago niyang biling ruler.

"Bwesit ka talaga Bryan." Sabi niya at sinuot niya uli ang kaniyang salamin at nag-pony tail siya.

Pagkatapos namin gumala sa bayan, maaga kaming umuwi.

Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso na ako sa aking kuwarto at agad ko binuksan ang aking FB.

Meyroon akong sampong mensahe sa aking Account na Mystery Cy. Pero binuksan ko agad ang message ni Princess.

Princess: Mystery, Bumaksak ako ng 1st Grading.

Me: Teka ano rank mo dati?

Princess: Dati 1st, ngayun school year 2nd na!!!

---

Teka lang dati siyang 1st at ngayun ay 2nd? Hmm pamilyar ah. Pero kailangan ko siguradohin.

---

Me: Hahaha ok lang yan, bawi ka this 2nd Grading.

Princess: Sana nga.

Me: Teka sino yung nag 1st?

Princess: Yung nang bubully sa akin.

---

Tila isang malabong tubig na lumilinaw o nagsisimbolong si andrea ang taong ito pero kailangan ko manigurado.

Dahil ako ang bully ni andrea at si andrea ay dating 1st na nanging 2nd dahil sa akin.

Pero di dapat ako makampante na sya nga ito hanggat walang kasiguraduhan na si princess at andrea ay iisa.

Princess: sigeh na po mystery, pahinga muna ako.

Me: ahhhh sigeh pahinga kana. Ako rin pagod ehh.