webnovel

Theory

Andrea's Point Of View

Ngayun ay araw ng pagkatalo ni Bryan, I think. Ngayun lang ako kinakabahan during exam dahil may kalaban na ako.

Binigay na sa amin ang unang subject na ie-exam.

Madali lang ang Math na ito. Tinignan ko si Bryan sa aking harapan; ini arrenge kami ni teacher para sa exam. Sa nakikita ko wala siyang scratch paper na pwedeng gamitin sa pag sosolve, scientific calculator lang ang kaniyang hawak. Kung titignan mong mabuti tila isang laro lang sa kanya ang exam.

Hindi kagaya ko na kailangan pa ng scratch at scientific Calculator.

Habang nag sasagot ako sa math, bigla ako napa tingin kay Bryan dahil parang tinawag ako.

Nag sesenyales siya ng hihiram siya ng Ruler sa akin.

Kinuha ko ang aking Triangular Ruler at binato sa kaniya, sinusubukan niyang saluhin subalit natamaan siya sa noo. Mukhang nasaktan siya pero nag approve sign lang siya, hehe katawa ng mukha niya.

Pagkatapos niyon, nagsagot uli kami.

Natapos na ang Math, sumunod naman ang isa kong kahinaan ay ang English.

Pero kakayanin dahil eto lang ang nireview ko maliban sa ibang subject.

Ilang minuto ang nakalipas kinakabahan parin ako. Talagang ngayon ko lang naramdaman ito.

Naka dalawang oras ang lumipas at apat na subject ang natapos.

Lunch time na, ang bilis ng oras noh?

Nilapitan ako ni Bryan. "Hindi ka ba kakain?" Tanong niya sa akin.

"Syempre kakain ako." Sagot ko naman habang inaayos ko ang aking bag.

"Ay, Kala ko 'di ka makakain sa kaba."

"Tse, paano mo nasabing kinakabahan ako?" Tanong ko sa kaniya sabay tingin sa kaniya.

"Yung pambato mo kanina sa akin, ang hina. Oh heto salamat pala." Saad niya habang inaabot niya ang Triangular Ruler sa akin at kinuha ko.

"Gusto mo lakasan ko?"

"Hahaha huwag na, baka bumaksak ka pa." Bigla kong binato ang kakasuli niyang Triangula Ruler at natamaan uli sa noo.

"Bakit mo naman ako binato!!!" Sigaw niya habang hawak niya ang natamaang noo.

"Tse." Sabay tayo ko at umalis, sumunod naman siya.

Nakarating kami sa isang canteen kung saan pwede ka mag lunch, may nabibili ding ulam at kanin. Actually tuwing lunch dito na kami kumakin.

---

Bryan's Point of View

Tahimik na kumakain si Andrea, habang ako ay kumakain din syempre.

Pero kagabi, hindi ako mapakali na ano kaya ang nakaraan ni Andrea at ba't siya lumipat dito noong nakaraan.

Napapansin ko na hindi siya Nerd. Kung titignan mo ang kaniyang salamin ay mahina ang grado at ang lakas niya dahil sa mga pag palo at pag bato niya sa akin. Hindi siya nerd na mahina at parang sakitin.

Siguro atleta siya noon. Kung totoo ang aking teorya, bakit siya nag palit anyo bilang Andrea ngayun? Pero gusto kong siya mag sabi.

"Bryan, ba't ka nakatitig sa akin? Huwag sobra matutunaw ako." Saad niya sabay subo.

"Wala po." Aking sagot. Pero huwag ko munang itanong ang nakaraan niya baka lalo pa siya babaksak kapag naisip niya pa uli iyon.

Ilang minuto rin ang nakalipas tapos na kami mag lunch. Bumalik agad kami sa aming room para sa pag hahanda ng mga susunod na subject na aming iexamin.

Wala pang time kaya tumabi muna ako kay Andrea.

---

Andrea's Point Of View

"Matatalo ba kita Bryan?" Bigla ako napatanong.

"Hindi ko alam, ako nga eh nagtatanong sa sarili ko kung pogi na ako?" Aaarrgh nakakainis talaga itong Bryan na ito. Walang connect lahat ng sinasagot niya.

"Basta, maniwala ka sa sarili mo at huwag kang susuko." Agad niyang saad at umalis na siya't pumunta sa kaniyang upuan. Teka ano ang kaniyang ibig sabihin? Na blanko ako doon ah.

Nag simula uli kami para sa panghapon na subject.

...

Maaga na kaming umuwi ni Bryan dahil maaga kaming natapos.

"Tara Andrea mag meryenda pa tayo, maaga pa naman kaya mag gala muna tayo hehe." Pag aya niya.

"Sige sige."

Dumeretso agad kami sa park at bumili ng makakain at pumwesto sa playground at umupo sa bench.

"Kinakabahan ka sa Resulta ng laban natin noh?" Tanong niya sa akin.

"Hehe Oo naman." Sagot ko.

"Teka, kung matatalo mo ako, anong mangyayari?" Muli niyang tanong.

"Maging akin ka." Mahina kong sagot at sabay yuko hehehe.

"Ano?"

"Wala, ang sabi ko wala lang kahit natalo lang kita parang big achievement ko na yun." Sagot ko.

"Ney, tapos kinalaban mo pa ako." Saad niya sabay sumubo.

"Syempre para sakop ko parin ang Rank 1. Ayaw ko sirain ang Top1 Streak ko mula noong Grade 7!!" Sigaw ko sa kaniya.

---

Bryan's Point of View

Maganda ang aming pag uusap at nililibre ko pa ng pagkain para masarap din ang usapan. Hehe usap lang.

"Oo pala Andrea, bakit ka nag bago noong nagtransfer ka na sa BVAHNS?" Pagkakataong tanong ko sa kaniya.

Bigla siya tumigil sa pagsubo at yumuko.

"Gusto mong...gusto mong malaman?" Mahina niyang saad.

So heto na ang iniitintay kong sagot.