webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 1.20

BANG!

Mabilis na sumabog ang Magic Mirror na summon ni Zen dahilan upang mapaatras ito ng dalawang hakbang.

Kakaiba ang lakas ng Violinist lalo pa't kada tugtog nito ng kakaibang musika ay bumibilis at nagiging mabagsik ang dalawang summon ng kalaban nito.

Binutas lang naman ng buntot ng Giant Green Lizard ang pambihirang Magic Mirror ni Zen at nahihirapan si Zero na kalabanin ang Giant Axe Bear lalo na't ramdam niya ang liksi at lakas ng pagkakahataw ng nasabing halimaw na ito sa Undead Warrior na kasalukuyang nawalan ng kanang kamay at nakatamo ng malalalim na atake.

Naisipan ni Evor na gumawa ng pamamaraan upang hindi sila tuluyang matalo.

Masyado nilang minaliit ang mga kalaban nila na isang malaking pagkakamali nila. Azure Dragon Academy is a school for geniuses, na walang ordinaryong estudyante rito ang nag-aaral rito lalong-lalo na ang magpatalo sa kung sinuman.

Aware sila rito ngunit talagang tumapat lang sila sa kilala at mas malakas sa hindi nila inaasahang unang laban.

Mabilis na nagbago ang kaanyuan ng Fire Fox ni Evor lalo pa't nasa third phase ito.

Tumriple ang laki ng ordinaryong fire fox at kitang-kita kung paanong mabilis na inatake ang Violinist.

Plano ni Evor na puksain ang summon ng lider ng grupong ito.

Skill: Fireballs!

Bumulusok ng mabilis ang mga fireballs patungo sa kinaroroonan ng Violinist ngunit hindi inaasahan ni Evor ang mabilis na pagharang ng mismong Giant Axe Bear at Giant Green Lizard patungo sa atake niya na sana ay sa Violinist tatama.

BANG! BANG! BANG!

sumabog ang katawan ng nasabing dalawang halimaw na agad ring lumitaw ulit.

"Hahaha, bilib din ako sa inyong tatlo. Hindi niyo kami matatalo lalo na at pagdating sa field ngayon ay mukhang pabor sa amin ang labang ito." Sambit ng lalaking lider ng The Best Warriors habang nakangisi.

BANG! BANG! BANG!

Malalakas na pagsabog ang naganap kung saan ay patuloy lamang ang ginawang pag-atake ng Fire Fox ni Evor sa mismong kalaban nilang grupo.

Natatawa na lamang ang mga manonood sa ginagawang ito ni Evor.

Sino ba naman kasi ang mag-aaksayang paslangin ang nilalang na hindi naman mapuksa-puksa at patuloy lamang na bumabaliksa loob ng field.

Maging ang kalaban nila ay talagang pinagtatawanan din sila.

BANG! BANG! BANG!

Muli na namang sumabog ang katawan ng nasabing halimaw na Giant Axe Bear, Water Mermaid at Giant Green Lizard ngunit hindi na muling bumalik sa dambuhalang kaanyuan ang mga ito at naging summoner balls na lamang ito.

Naghihintay ng ilang segundo ang mga manonood maging ang lalaking lider ng The Best Warriors at kagrupo nito ngunit walang nangyayari.

Ang ngiti sa mga labi nila ay unti-unting napawi hanggang sa napansin ng lider ng The Best Warriors na tila wala ng epekto ang tunog na ginagawa ng Violinist na summon nito.

Nagkatinginan naman si Evor at Zero na siyang ikinatuwa naman ng huli.

Mabilis na nagsummon muli si Zero ng summon niya kanina, ang Undead Warrior.

Lumitaw itong muli at sa isang iglap ay nagliwanag ang mga mata nito tanda na magsasaga ito ng skill.

Skill: Undead Claws!

Kitang-kita kung paanong mabilis na humaba ang mga kuko ng undead warrior at patungo ito sa kinaroroonan ng Violinist.

Kahit ano'ng klaseng pagpapatugtog nito ng musika ay tila wala ng anumang enerhiya ang lumalabas rito.

BANG!

Sa isang iglap ay bigla na lamang sumabog ang katawan ng Violinist nang inatake ito ng Undead Warrior matapos nitong maabot ang distansya nila.

Kitang-kita kung paanong naging Summoner's ball na lamang ang nasabing Violinist kasama ang dalawang Summoner's ball ng kalaban nilang grupo.

Nakasimangot namang pinulot at umalis ang grupo ng The Best Warriors matapos ang labang ikinatalo nila.

Masigabong palakpakan at hiyawan naman ang binigay ng manonood sa labanang ito.

Lihim namang napa-roll eyes si Zen nang mapansin ang biglang pagbabago ng panig ng mga nanonood na akala mo ay walang ginawang katatawanan sa kanilang panig.

...

"Paano mo nalaman ang kahinaan ng kalaban natin, Evor?!" Nagtatakang tanong ni Zen kay Evor.

Kasalukuyan silang nasa practice room matapos ang labanan nila. Bukas ay sasabak din sila sa laban at maigi na hindi nila pagurin ang sarili nilang manood sa labanang maaaring magdulot pa ng stress sa kanila.

Sinabihan sila ni Evor na hindi na dapat sila manood ng labanang ito sapagkat isa lang naman ang tatapat sa kanila bukas para sa elimination round.

Napagtanto nilang tama nga ito. Ang dapat na bigyan nila ng atensyon ay magreflect sa kung ano ang dapat nilang matutunan sa laban nila kanina.

"Oo nga noh, normal ka pa ba Evor? Hindi ko aakalaing nagawa mong butasan ang depensa ng kalaban." Sambit ni Zero dahil maging siya ay nagtataka rin sa galing ni Evor na mag-analisa ng mga bagay-bagay lalo na sa mahirap na laban kanina.

Kung iba siguro iyon ay baka sumuko na maging silang dalawa ay muntik ng sumuko sa totoo lamang.

"Ganito lang iyon, isang resurrection skill ang ginamit ng kalaban nating grupo at talagang malakas na skill iyon. Plano talaga ng kalaban na gamitin ang taktikang sumuko tayo sa simula pa lamang ngunit napagtanto ko na katulad ng skill ng Magic Mirror mo Zen ay may limitasyon din ang skill ng Violinist. Isa pa ay mga mababang uri ng summon beasts lamang ang meron ang mga ito na indikasyon na lowest mana consumptions ang mga ito. Kaya halos madaling napaslang at nababalik sa field ang mga iyon. Ang naging advantage natin ay nalaman natin ang kahinaan ng kalaban at iyon ay ang limitadong oras, pagkasaid ng mana consumption at pag-abuso sa skill na sana ay magiging alas nila ngunit sa huli ay pinakinabangan natin dahil sa resurrection skill ay pinipigilan nito ang kalaban natin na magsummon ng iba pang malalakas na summon nila." Mahabang paliwanag ni Evor na ikinamangha naman ng magkambal.

"Oo nga noh, bakit ngayon ko lang naisip iyon. Masyado ko pa namang minaliit ang resurrection skill ng kalaban sa huli. It turns out na malakas pala iyon at maaaring magamit iyon kung sa huling banda na nila ginamit. Kung nangyari iyon ay baka natalo pa tayo! There's no way na pinagbigyan nila tayo, talagang hindi nila pinag-isipan na masyadong limitado ang oras para sa kanila." Sambit naman ni Zero na tila bakas ang mangha ngunit pangamba sa mukha nito.

"Kung gayon ay minaliit tayo ng kalaban natin na to the point na susuko na tayo sa malakas na skill na iyon hindi ba?! Muntik pa tayong matalo kung gayon!" Dito ay halos mapahilamos sa mukha si Zen nang mapagtanto ang katangahang ginawa nila ng kambal niya.

"Tama ka. Hindi porket nanalo tayo ngayon sa unang pagkakataon na nakaharap natin ay ligtas na tayo sa bagsik ng skill na iyon. Sigurado akong gagamitin na nila ng tama ang skill na iyon para sa sariling advantage nila sa kakaharapin nilang kalaban o maaaring makalaban natin silang muli sa susunod na mga araw." Seryosong saad ni Evor na halatang nangangamba rin. Sadyang di lang sila sineryoso ng kalaban nila kaya sila nanalo.

Natahimik na lamang sina Zen at Zero dahil mukhang sila mismo ang gagawa ng sariling hukay nila lalo na sa nangyari na ito.

Ang kaunting kapabayaan nila ay maaaring magdulot ng pagkatalo nila kaya sa susunod na laban ay ipinangako nila na gagalingan pa nila at wag maging padalos-dalos na desisyon. Sa katunayan muntik pa silang sumuko pero mabuti at nanalo sila kahit papaano.