webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 1.19

Hindi namamalayan ni Evor at ng magkambal ang paglipas ng mga araw.

Magkagayon pa man ay nasulit nila ang isang buwang preparasyon lalo na at kapwa umunlad ang kambal habang lihim namang nag-eensayo si Evor upang paghandaan ang nasabing laban.

Siya kasi ang ginawang lider ng grupo nila na tinatawag na Three Warlords.

Sumakit ang ulo ni Evor dahil tila nakaka-intimidate ng pangalan nila. Sa pangalan pa lamang ay malalaman mo na tatlo lang sila.

Sabagay ano pa ang aasahan niya sa magkambal na sina Zen at Zero kundi ang maging pasaway paminsan-minsan.

Kahit ganoon pa man ay marami siyang nakitang improvement sa dalawa dahil pursigido silang manalo sa Tournament.

Ang premyo kasi sa mananalo ay hindi basta-basta lalo pa't liban sa pagiging reserve members ng Azure Dragon Academy na lalaban sa National Summoner's Tournament ay makakatanggap ng malaking halaga ng cash prize at ng Summoner's Body Cleansing Vial na kayang pataasin ang pag-unlad ng isang summoner.

Hindi makapaniwala si Evor nang malaman niya iyon. Talagang kahit na makulit ang dalawang ito ay magkakasundo sila sa pagiging praktikal ng mga ito.

Liban sa pagpapaunlad ng lakas at abilidad ng isang summoner ay nangangailangan din sila ng mga salapi na magagamit nila upang bumili ng mga pangangailangan nila sa araw-araw maging sa mga bagay na maaaring makatulong sa kanilang pag-unlad. Sa huli ay masasabing isang propesyon din ang pagiging summoner ngunit walang libre sa mundong ito.

Isa pa ay plano nilang hatiin ang salaping makukuha nila kung sakaling manalo sila sa Summoner's Annual Tournament na mag-uumpisa maya-maya lamang.

Mabuti naman at kapwa nakapagbihis na ang kambal nang matanaw ni Evor ang mga ito na naghihintay sa kaniya sa hallway.

"Himala maaga gising natin ha." Pabirong wika ni Evor matapos siyang makalapit sa magkambal.

"Aba'y wag mo akong idamay Evor sa kapalpakan ng kakambal kong yan!" Sambit ni Zen at tila dumistansya ito kunware sa kakambal niya.

Napakamot na lamang sa kaniyang sariling batok si Zero at magsalita.

"Naku, kahit kailan talaga ay nagawa niyong magbiro. Ako pa ba? Siyempre para sa papremyo tong sakripisyo ko!" Sambit ni Zero habang nakangiting-aso pa ito. Halatang pinagplanuhan at tila iniisip na nito ang gagawin niya sa kaniyang mapapanalunan.

Natahimik na lamang si Evor habang napaka-roll eyes na lamang si Zen sa narinig niya.

Ayaw na nilang kausapin ito dahil mapapagod lamang sila. Sa pag-eensayo pa lamang ay talak ng talak itong si Zero at masasabi nilang dalawa ni Evor na paulit-ulit lamang ang point ng sinasabi nito.

Nauna na sina Evor at Zen sa paglalakad at sumunod naman si Zero sa likuran nila habang sumisipol-sipol.

...

Hindi nagtagal ay napuno na ang bawat sulok ng buong venue ng malawak na field. Dito ay mabilis na nag-umpisa ang hindi mabilang na mga labanan.

Tanging ang mga nauna at pangalawang baitang ang maglalaban-laban na binubuo ng limampong Team.

Sapat na iyon upang pangambahan sina Zen at Zero ngunit malalakas ang loob ng mga ito para sa papremyo lalo na si Zero.

Ramdom ang pagpili sa bawat maglalaban at kapwa sila namanghang tatlo lalo pa't ang nakikita nilang naglalaban ay talagang malalakas at may ibubuga talaga sa field.

Sa katunayan ang ibang mga nasa unang baitang ay may kasamang mga nasa ikalawang baitang. Ang iba ay masasabi nilang sumali na rin noon. Pangalawa beses at huling pagkakataon na rin kung tutuusin ito dahil ganito ang set rules ng bawat paaralan.

Ang mga sumali ay halatang gusto nilang manalo ngunit nagkakataluhan lang talaga sa estratihiya at kontrol sa laban ang mga ito. Siyempre ay malaking deciding factor talaga ang abilidad na meron ang summons ng mga ito sa pakikipaglaban.

Lumipas ang mga oras at dumating na ang oras ng pakikipaglaban nilang tatlo laban sa isang grupong lumahok din sa nasabing patimpalak.

Three Warlords Vs. The Best Warriors!

Hindi magkamayaw ang lahat nang isa-isang umakyat sa isang malawak na field silang tatlo. Makikitang apat ang makakalaban nila at talagang ang mga ito ang sinusuportahan ng mga madlang nanonood.

Halatang parehong gustong manalo ng magkambal maging siya ay ganon rin.

Halatang pinaghandaan din sila ng kanilang kalaban.

Naningkit ang mga mata ng kalaban nila at kasabay nun ay sabay-sabay silang nag-summon ng kanilang mga familiars.

WOOH! WOOH! WOOH!

Giant Axe Bear, Giant Green Lizard, Water Mermaid at isang Violinist ang summon ng mga ito.

Nagkatinginan sina Zen, Zero at Evor nang malaman nila kung ano ang kakaharapin nilang mga kalaban.

Mabilis na nag-summon si Zen ng kaniyang pangalawang familiar, isang Magic Mirror. Si Zero naman ay nagsummon ng unang summon nito na isang Undead Warrior.

Habang si Evor ay nagsummon ng Fire Fox nito.

Halos magtawanan naman ang lahat ng makita ang mga summons nila at ginawang katatawanan ang kanilang summons.

Kitang-kita naman ng lahat kung paano'ng sumugod ang dalawang naglalakihang mga halimaw na Giant Axe Bear at Giant Green Lizard patungo sa kanilang direksyon.

Biglang pumasok ang Undead Warrior ni Zero sa Loob ng Magic Mirror na siyang summon ni Zen.

Habang sumusugod ang mga halimaw ay kitang-kita kung paanong mabilis na lumaki ang nasabing pambihirang salamin.

Walang ano-ano pa ay lumabas ang isang dambuhalang kaanyuan ng Undead Warrior.

Napanganga naman ang mga kalaban nila maging ang mga nanonood sa labanang ito lalo pa't hindi sila makapaniwala sa magical effect ng nasabing pambihirang salamin.

Halos triple ang laki ng Undead Warrior kumpara sa dalawang higanteng halimaw. Sa isang simpleng pag-atake ng Undead Warrior sa nasabing mga halimaw ay mabilis na napuksa ang mga ito.

Skill: Mermaid's Sonic!

Kitang-kita na nag-skill pa ang sirenang summon ng kalaban nila ngunit hindi man lang ito puminsala sa Undead Warrior.

Mabilis na dinampot ng malaking kaanyuan ng Undead Warrior ang nasabing sirena sa tila pool nitong kinalalagyan.

Sa isang iglap ay natalo na lamang ito at naging Summoner's ball.

Ang akala nilang talo na ang kalaban nila ay mukhang hindi pa.

Halatang di pa sumusuko ang lider ng grupong ito.

Nagliwanag ang nasabing Violinist indikasyon na nagsagawa ito ng pambihirang magical skill.

Skill: Music Resurrection!

Nanlaki ang mga mata nina Zen at Zero maging ni Evor nang mapansin na bigla na lamang kusang nagbalik ang kaanyuan ng natalo nilang mga summons ng mga kalaban nila.

"Kailangan ko lang nang kaunting minuto upang isagawa ang skill kong iyon. Ano'ng akala niyo, madali lamang kaming matalo?! Hahaha mga mangmang!" Nakangising demonyong wika ng lalaking lider ng The Best Warriors!

Kitang-kita ni Evor na biglang nawala ang epekto ng Magic Mirror sa nasabing Undead Warrior ni Zero.

Alam ni Evor na iyon ang pinakamalakas na skill ni Zen lalo pa't hindi pa nito masyadong pinagtuunan ng pansin ang Magic Mirror na ito.

May limitasyon ito at sigurado siyang hindi magiging madali ang labang ito lalo pa't tila alam ng kalaban nila ang kahinaan ng Magic Mirror na summon ni Zen.

Kitang-kita sa mata ni Zen ang lungkot lalo na at mukhang papalpak pa sila sa pagkakataong ito na animo'y inakala niyang mananalo sila.