webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 9

"Asha, please let me teach how to drive" 

Nagmamakaawa ako kay Asha kaso 'di ata tatalab. 

"I'm sorry, Bree. Busy ako ngayon sa boutique ni mom e" Asha

Hayst. Nandito nga pala kami sa Honda para pumili ng sasakyan sinama ko sila Asha pero wala si Lei nandoon sila sa mall may date ata sila ni Jae.

"Gusto mo ba ako na lang magturo sa'yo" Quinn sabay ngiti na parang demunyo.

Natawa na lang si Asha sa kanya tapos ako nakasimangot lang ako. Her idea is worst!

"Ulol, baka nga wala pa tayo sa gate ng bahay namin nabangga na tayo" 

Tinawanan lang ako ni buang. Buset siya!

"Pick the black one, Bree" Asha

Sinunod ko ang gusto niya. Siya lang naman ang magaling sa car kaya sinama ko 'to dito pero itong buang na 'to 'di ko alam kung bakit sumama siguro may target siya rito.

"Dad, can you teach me how to drive?" 

Sana pumayag si Dad kung hindi matatambak lang yung dadating na car bukas. Btw, nandito ako sa office niya para ayain na turuan ako pero parang hindi niya ata kaya.

"I'm sorry, Bree. I have works to do" Dad

As I expected, ganan naman siya lagi.

"Dad, may kakilala ka bang pede magturo sa akin?" 

Sana meron, please.

"Meron naman" Dad

Shems...

"Sino po, Dad?" tanong ko bigla sabay nakangiti.

"Papupuntahin ko na lang sa susunod na bukas" Dad

Yey! Meron na magtuturo sa akin. Akala ko pa naman itatambak ko lang kotse ko.

"Girls! May magtuturo na sa akin magdrive" 

Napatingin sa akin sila.

"Sino naman, girl?" Quinn

Na bano na naman 'to. Titignan niya kung gwapo tapos lalandiin niya. Alam ko na gawain mo Faye Quinn Demanarig!

"I don't know. Dad told me na dadating daw yun bukas" 

Tumango sila at napangiti. Ano kaya iniisip ng mga 'to?

"Ms. Bree, nandito po mga kaibigan niyo"

Ngayon na pala yung araw na tuturuan ako magdrive. Ang mga buang gusto pumunta.

"Papasukin niyo po, manang" 

Kaagad naman nagsipasukan ang mga buang.

"Oh ano na, girl?" Quinn

Bakit ba mas excited sila sa akin?

"Ligo ka na, girl" hila sa akin ni Asha sa banyo.

Hindi na ako umimik kasi kakagising ko lang tapos 'tong mga 'to nagmamadali.

Mabilis akong natapos sa pagligo at pumunta na walking closet. Sumama naman yung dalawa tapos etong si Lei nandon lang sa kama naglalaro ng ML.

"Eto, girl! suotin mo yan a" Quinn sabay turo sa denim skirt ko.

"Ipartner mo dito" Asha tinuro naman ang off shoulder kong light pink.

Ano bang meron sa kanila at kinuha nila yung mga damit na 'di ko naman sinusuot?

"Oo na susuotin ko na 'tong mg 'to. Lumabas na kayo"

Nagbihis na ako at humarap sa salamin. Ayos lang naman 'tong pinili nila. Medyo comfy. Sinuot ko na lang ang aking white sneaker kasi 'di naman ako nagsusuot ng mga heels atsaka bakit ako magsusuot non e magdridrive lang naman ako.

Pumunta na akong dining room kasi alam kong nandon sila kasi rinig ko mga tawanan nila. Feel at home na feel at home ang mga buang palibhasa lagi dito natambay.

"Uy girl! ang sarap ng pancake ni manang oh. Iba't ibang flavor" Quinn

"Buang ka! Ngayon ka lang naka tikim nan?" Lei

"Buang ka ren! Di naman ako nakain sa bahay namin" Quinn

Oo nga pala lagi sa labas yan nakain si Quinn kasi ayaw niya makasalamuha mom niya sa dining nila.

Maya maya may narinig kaming busina sa labas ng bahay namin. Baka yun na yung magtuturo sa akin.

Lumabas kami para tignan kung sino ang taong yun. May nakita kaming kotse na itim. Bakit familliar 'to?

Nagulat ako ng si Bry ang lumabas sa itim na kotse na iyon pero bakit mga kasama ko hindi nagulat? Ganun na ba ako ka slow para 'di ko maisip 'yon? Nahawa na ata ako kanila Quinn.

"Thank us later!" Asha sabay kindat pa.

Natawa ako sa kanya kaya pala pinabihis nila ako.

"Galingan mo sa paglandi a!" Quinn sabay ngiti ng pangmalandi.

Na face palm na lang ako sa kanya. Wala na ata ako maririnig na matino sa kanya.

"Goodluck! Kaya mo yan!" Lei nasabi niya 'yun kahit naglalaro ng ML.

Naadik na naman 'to sa ML pero potek ang swerte ko kasi may supportive friends ako. Pumunta na ako sa kotse ko at siya ren.

"Game ka na ba?"