webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 8

"Uy girl! Ang ganda nito oh" Hiyaw ni Quinn.

Nandito kami ngayon sa mall kasi sabi nila gusto nila gumala kasi medyo matagal na nung naggala kami kaya ayon na miss na nila.

"Kaloka ka! Lahat naman maganda sa'yo" Lei

Sa totoo lang napaka gastarol ni Quinn kaya paminsan bentang benta si Quinn sa boutique shop ni tita Colleen. 

"Asha, pakisabi kay tita Colleen bibisita ako sa Boutique niya" Quinn

Napa face palm na lang kami kay Quinn. Alam na kasi namin ang mangyayare halos lahat ng mganew arrivals ni tita Colleen kukunin niya kaya bet nabet siya ni Tita Colleen.

"Oh sure, sabi sa akin ni mom may bago daw dating at nireserve ka na kasi baka magustuhan mo yun" Asha

"Duh kelan ko hindi nagustuhan mga designs ni Tita Colleen" Quinn

Quinn is super right! Kasi ang gaganda ng design ni Tita Colleen kaya din siya sumikat. Tita Colleen once told us if magpakasal kami gusto niya siya yung madedesign. How cute diba. Turing na kasi sa amin ni Tita Colleen na anak kasi ako I don't have experience having a mom kahit may step mom naman ako. Then si Quinn, yung mom niya laging inis sa kanya kasi bakit pa daw siya nabuo e kaya ayon iniwan sila ng dad niya kaya mapaglaro si Quinn sa lalaki e.

"Uy punta tayo don sa store na yun puro magaganda oh" hila sa amin ni Quinn

Wala kaming magawa kund magpahila na lang sa kanya at mukha naman siya nageenjoy kaya okay lang. Kapag nagshoshopping kami pinapabayaan namin si Quinn kasi alam namin ang nangyayare sa bahay nila kapag nauwi yan. 

Pagkapasok namin ay nakita kaagad namin si Bry. Anong ginagawa niya dito sa store na 'to e puro pang babae 'to.

Hinigit kami ni Asha para magtago.

"Anong ginagawa naten?" Quinn

"Diba obvious, Quinn? Edi nagtatago" Lei

"Baliw! Ang ibig kong sabihin bakit naten kailangan magtago?" Quinn

"Iba kaya tanong mo kanina duh" Lei

"Girls, shut up. Kailangan naten malaman kung bakit yan nandito" Asha

"Wow, may pag ka chismosa ka pala Asha" Quinn

Natawa kami sa sinabi ni Quinn. Sa totoo lang ngayon ko lang nakita maging ganto si Asha.

"This is for Bree's sake" Asha

"Eh bakit para sa akin?" 

Ano ba nasa utak nila?

"You crazy, fiance ka niya diba? limot mo na?" Quinn

"Buti na lang slow lang kami pero di malilimutin" Lei

Natawa ako kasi naalala ko yung inaasar ko sa kanila kanina.

"Uy look oh, may kasama siya" Quinn

"Sino yan?"

Sino kaya yang bruhang yan? Parang close sila a.

"Ohmygod!" gulat na sabi ni Asha

"Uy Asha, sino ba kasi yan?" Quinn

Hay nako may pagulat pa 'to si Asha 'di na lang sabihin.

"Girls! 'Di niyo ba siya kilala. Si Stella Fabiana yan yung sikat na model sa new york" Asha

"Eh?! potspa!" Quinn

Grabe! ang laki ng pinagbago niya siguro kasi ang tagal na namin siya nakita at hindi naman kami updated sa life niya si Asha lang naman ang updated diyan kasi modelo rin siya.

"Hindi ko siya nakilala a" Lei

"Yeah me too" pagsangayon ko.

"Ang ganda niya paren" nalungkot ako kasi mukhang totoo nga yung sabi ni Callie na mas bagay sila. Di tulad ko na manang.

Nakalabas na sila kaya nagsilabasan na kami sa pinagtataguan namin.

"Jusko kapagod pala maging chismosa dapat Asha may sweldo 'to a" Quinn.

"Baliw ka na talaga Quinn" Lei

"Bree, are you okay?" Asha

Tumango na lang ako at ngumiti para 'di na sila magalala.