webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 10

Kinakabahan ako ngayon kasi ayoko pumalpak sa harap niya. Self, wag kabaliwan ang gawin mo ngayon.

"Ganto lang mag start ng engine" sabay turo sa gagawin.

Shems nakatingin lang ako sa mukha niya. Bakit ba kasi ang gwapo mo?

"Try mo" sabi niya

Shems, sana tama. Masyado kasi akong distract sa mukha niya e

"Good" 

Hay! Buti naman tama yung ginawa ko

Tinuro niya na ang mga dapat gawin at iwasan. Nakinig naman ako kasi ayokong pumalpak sa harap niya no.

"Go" 

Pinaandar ko na yung car ko pero buset kinabahan ako kaya bigla kong binreak yung kotse pero dapat kasi dahan dahan lang daw ang pagtapak don pero binigla ko. Parehas tuloy kami nauntog sa harap.

Kinabahan ako buset akala ko maiinis siya sa akin pero bigla siyang tumawa.

"Ayus ka lang ba?" Bry

Tumango lang ako at nakatungo kasi hiyang hiya ako sa ginawa ko.

Nagulat ako ng hawakan niya yung ulo ko at ginalaw na parang nang aamo sa aso.

"It's okay. Ganan rin ako nung una. It's normal" sabay ngiti niya

Shems naman! Natutunaw na ako sa mga ngiti niya. Tumango na lang ako at ngumiti.

"Kaya ko 'to!" 

Natawa naman siya sa akin. Mukha ba akong clown? Depungal 'to a!

Nakalabas na kami ng bahay at nagpaikot ikot sa buong subdivision. Medyo nagagamay ko na kasi siya yung nagtuturo ehe.

"Gusto mo ba kumain sa bagong cafe diyan?" Bry

Shems date na ba 'to?! 

Tumango ako kasi medyo gutom naren ako kasi kanina pa ako nagdridrive.

"Kaya mo na sa labasan no?" Bry

"Medyo"

"Don't worry. Iguiguide kita sa labas" Bry

Medyo nawala naman ang aking kaba kanina kasi sabi naman niya tutulungan niya ako. Kilig na naman si aku!

Nakarating naman kami kaagad sa cafe na sinasabi niya. Malapit lang naman kasi.

Bumaba na kami at pumasok na sa loob. Umorder na kami pero naiilang ako sa babae sa counter nakatingin sa amin. Shems! Alam ko na iniisip nito. Hindi kami bagay?

"Ano pong order niyo sir?" tanong kay Bry.

Potspa ginawa akong hangin ng baliw na 'to. Umirap na lang ako sa kanila.

"What do you want?" Tingin sa akin at hindi pinansin ang babae sa counter.

Ano ka nga yun, ate mong girl? Hindi pinansin, wawa naman.

"Vanilla Frappe and one slice of Choco Vanilla cake"

Hindi naman halata na mahilig ako sa vanilla no. 

"And you sir?" sabay ngiti sa kanya lang.

Ang galing!

"Ice american" Bry

"Yun lang po ba sir?" 

Masasapak ko 'tong babaeng 'to. Comon sense!

Tumango na lang si Bry at humanap ng mauupuan namin. Nakahanap naman siya kaagad kaya nakaupo na kami. Nakatingin lang ako sa paligid, medyo walang tao. Gusto ko sana magpatugtog para mawala ang awkward pero 'wag maging bobo na sa cafe po tayo e.

Dumating naman kaagad ang order at kaagad akong kumain tapos napansin ko nakangiti 'tong isa habang nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng bakit-ka-nakatingin-look.

"Ang cute mo kasi kumain" Bry

Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Jusko naman po e no. Pinagpatuloy ko na lang ang pag kain para maiwasan makatingin sa kanya.

Maya maya may pumasok na babae napatingin si Bry don at ngumiti don.

"Oh hi Kai!" Stella

Anong ginagawa nito?

"Hi stell!" Bry

Lumapit siya amin at tangkang uupo sa tabi ni Bry.

"May I sit here?" Stella

"Sure" Bry

Hindi ako naimik sa kanila at pinagpatuloy ko na lang ang pag kain ko sa Choco Vanilla cake ko. Ang sarap sarap nito e!

"Hi! Bree right?" Stella

Nagulat ako kasi kinausap ako nito. Akala ko pa naman hangin lang ako dito sa kanila.

"Yup" na may kasamang ngiti para hindi halatang nainis ako sa kanya.

So ang nangyare, sila lang nagkakaintindihan. Ramdam na ramdam ko po ang pagiging hangin dito. Ang sarap maging hangin buset!