webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 7

Natapos na ang buong linggo ng paglilinis ko sa loob ng gym kaya medyo malungkot ako kasi papano ko ulit makakasama si Bry. Gusto ko ulit magpaguidance pero magmumukha naman akong ewan don masyado ko ng pinagpipilitan sarili ko kay Brylan.

"Uy girl! Anong gawa mo?" Quinn

"Wala naman" 

"Malungkot ka no kasi 'di mo ulit makakasama si Bry" sabay tawa nito.

"Wow, 'di ka slow ngayon a" 

Sumimangot siya bigla dahil sa sinabi ko kaya napatawa ako.

"Buang ka 'di naman ako laging slow a" sabay batok nito sa akin a.

"Hindi ba" kaya mas lalo akong natawa.

Habang natawa ako ay dumating si Lei.

"Oh bakit katawa ng tawa, Bree? Akala ko ba malungkot ka kasi 'di mo na makakasama si Bry"

Sige! ipaglandakan niyo sa akin na hindi ko na makakasama bebe ko, ay pag bebe!

"Lei inaaway ako ni Bree. Slow daw ako" sumbong ni Quinn

Biglang natawa si Lei dahil don.

"Baliw! Slow ka naman talaga" pangaasar ni Lei

Mas lalo akong natawa sa kanila.

"Mga bano! Parehas naman kayong slow e" 

Tawang tawa lang ako tapos sila nag iba mood. Potspa nakalimutan ko lungkot ko don a. 

Nandito ako ngayon naglalakad patungo sa locker ko para kunin ko ang libro ko. Pagkabukas ko may box akong nakita ano kaya ito?

Binuksan ko ito at pagkabukas ko bigla ako na bigla ako nanghina kaya napaupo ako. Shit may dugo! 

Nanginginig ako dahil sa nakita kong dugo. Ayoko ng dugo please! Sobrang raming dugo! May picture yung nasa gym kami ni Bry kahapon 'to. Hindi ko alam na paluha na ako sa nakita ko.

Hindi ko na tinignan ang mga taong nakapaligid sa akin. Please ayoko dito! Ayoko ng ganto! Hindi ko alam may nagbuhat na sa akin. Pero di ko alam kung sino kasi nanlabo na mgam mata ko kasi patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Dinala ako sa Clinic at hiniga kaagad. Inasikaso na ako agad ng nurse ng makita ako. Nakaramdam ako ng pagod kaya medyo nakatulog ako.

"Sino kaya may gawa non? Para masapak ko potspa ee" 

Medyo nagising ako sa boses ni Quinn.

"Tumahimik ka nga Quinn baka magising si Bree" Asha.

"Sino ba kasi may gawa non? Bakit naman niya ginawa yun?" Quinn

Minulat ko na ang mga mata ko. 

"Bree, are you okay?" Asha.

"Sorry, Bree wala kami kanina" Lei

"No, it's okay" sabi ko kasi baka maguilty sila nangyare e 'di naman nila kasalanan.

"Buti na lang nasa malapit lang Bry para tulungan ka kanina" Quinn

"Siya ba nagbuhat sa akin kanina?"

Shems nakakahiya naman. Nakita niya kaya yung laman ng box?

"Yup" Lei

"Bree, sasabihin mo ba 'to kay Tito Frank?" Asha

"I don't know. Siguro 'wag na" 

"Why?" Lei.

"Stress na si Dad sa Hotels namin dahil may incident kaya 'di ko na sasabihin. Please girls, 'wag niyo na sasabihin 'to sa kanila" 

Nagmakaawa ako sa kanila pero they are my friends so they respect my decisions.

"Girls! Gala kaya tayo ngayon" aya ni Quinn

"Ay wow, wala kang kadate mamaya" Lei

"Wala girl. Pero pupunta ako mamaya sa bar" Quinn

"Oh bakit gabi gabi kang natambay sa bar ngayon?" Lei

"I know, kasi dahil don sa gwapong bartender" Asha

Hay nako kapag gwapo talaga no.

"Gwapo nga kabuset naman" sabay irap ni Quinn

"Sino ba yung bartender?" tanong ko

"Eh sino pa ba edi si John Mackenzie Jimeno" Lei

"Wow, kabisado mo 'te" Quinn

"Selos ka naman" Lei

Natawa ako sa kanila. Grabe sila magasaran sa harap ko.

"Bakit ako magseselos sa buset na yun" Quinn

"Sus kunwari ka pa crush mo yun e" Asha.

"Sa rami ng crush ni Quinn may nadagdag na naman" Sabi ko

Kaya nagtawanan kami. Hindi na kami magugulat kung crush yun ni Quinn kasi halos lahat ng gwapo sa school na 'to ay crush niya na yung iba nga nilandi na niya. Ganon siya kalupit.

"Grabe naman kayo sa akin! Tara na kaya!" aya ni Quinn

Tumayo na ako kasi ayos na ako dahil sa kanila medyo nawala na sa isip ko yung nangyare kanina.