webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 6

"Girl! Tulala ka na naman" Quinn.

Kanina ko pa kasi iniisip kung anong mangyayare. Hahatid niya kaya ako uli? Sana.

"Syempre iniisip niya mangyayare mamaya" Asha

Bakit ganon? Ang bilis ako mabasa ni Asha eh pano ba naman ang sloslow ng dalawang to.

"Ihahatid kaya ako uli non?" tanong ko sa kanila.

"Gusto mo ba uli kami umalis?" sabay tawa ni Quinn

Napatingin ako kay Lei kasi bakit ang tahimik niya. May nangyare ba kahapon?

"Lei, are you okay?" tanong ko sa kanya.

Para kasing may iba kay Lei.

"Bree, kapag ba cold sayo si Bry may iba na ba siyang babae?" Lei

Parang may nangyare sa kanila kahapon ah.

"Bakit may ginawa ba sayo si James Jahred Mendoza?!" galit kong sabi sa kanya.

"Wala naman parang may kakaiba lang sa kanya kahapon. Baka pagod lang yun sa project niya yaan na"

Siguro nga ganon lang yun. I comfort Lei so that she forget that scene.

Nandito ako ngayon sa locker ko para ilagay ko mga gamit para wala na akong mga dala sa gym.

Medyo natetense ako kapag andito ako ulit sa locker parang feeling ko susugurin na naman ako ni Callie.

Thank God! 'di ako sinugod ni Callie dito para ipamukha na naman sa akin na si Bry at Stella ang bagay. Balita ko sa iba may gusto ata si Stella kay Bry pero manhid lang talaga si Bry. Maayos na yun para di sila magkadevelopan. Ang sama ko sa part na yun pero ganun talaga. Crush ko yun e.

Nakarating na ako kaagad sa gym. Ikinagulat ko na walang players na naglalaro pero ang nakita ko lang ay si Bry.

"Hi Bry! Nasan sila?" tanong ko

Pero bakit parang nagiba na naman ang mood niya. Patunugin ko ba ulit seventeen songs para okay na ulit mood niya.

"Bakit mo sila hinahanap?"

Tokwa nagtatanong lang naman ako. Galit ka agad?

"Nagtataka lang kasi ako"

Tinalikuran niya ako at naglaro ulit ng bola niya. Sana bola na lang ako buset para hinahawakan niya ako. Oy wag kayong berde.

Tutal maaga pa naman kaya naglaro na lang din ako ng bola para maiwasan ang awkwardness. Pero feeling ko ang awkward paren kaya kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog ako ng My My ng seventeen siguro naman magiging good mood na 'to.

Yeh balmatchweo eodironga Run away ey~

(My my by Seventeen)

(ps. pakinggan niyo po yung nasa multimedia para ma enjoy niyo hihi)

Gulat na naman siya kasi nagpatugtog ako ng seventeen song pero iba naman. Nagdribble ako at sinabay ko 'to sa beat ng kanta kasi maganda yung beat. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa ginawa ko. Tumigil ako kasi naamaze siya sa ginawa ko.

"Bakit ka nakatingin sa akin?" 

Umiwas naman siya sa akin. Nakaka ulol 'tong kasama ko.

"Bakit masama ba?" 

"Hindi naman. Gayahin mo kaya ako" aya ko sa kanya.

Bigla na nama lumabas yung ngiti niya huhu mami help me.

"Sige ba" 

Natawa ako sa kanya kasi g siya.

Nang umabot sa chorus ay doon kami nagsimula maglaro ng bola.

Jeo taeyang wiro My my my my my way~

Hindi ko maiwasan ngumiti kasi ang cute niya mukha siyang batang nageenjoy. Buong kanta kami naglaro ng ganon.

"Ang cute mo" bigla kong sabi sabay talikod ako.

Ano ba self? 'Wag naman bigla bigla mahiya ka naman. Tinignan ko kung anong reaction niya pero ngumiti lang siya. Sabay biglang sabi...

"I'm not cute, I'm handsome" Sabay ngiti niya lalo.

Bigla ako napasuka ng hangin. Shems ganan pala siya sobrang hangin. 

"Okay ka lang ba? Bakit ang hangin mo ngayon?" tanong ko habang natatawa.

Pero tumawa lang siya bigla at ang ending nagtawanan lang. Pero mas nakakagulat yung sinabi niya ngayon.

"I love your reaction" sabay ngiti.

Potspa naman fall na fall na po ako noh. Di ko na kinakaya mga sinasabi niya kaya umiwas na lang ako kasi alam kung sobrang pula ko na.

"Alam mo? Magsimula na tayo maglinis para matapos na tayo" 

Pangiiba kong topic kasi 'di ko na kinakaya mga sinasabi niya. Eto na ba yung real Brylan Kai Harris na sinasabi nila? Ang cute letse.

Natapos kami kaagad sa paglilinis kasi wala naman masyadong kalat sa gym. Sumabay ako sa kanya papunta sa parking lot dahil don din naman ang punta ko. Buti na lang walang masyadong tao para naman 'di sila tuluyan patayin ako no.

Pagkapunta namin sa parking lot kaagad ko naman nakita yung sasakyan ni Asha. Papunta na sana ako ng biglang nagsalita si Bry. 

"Take care" maiksing banggit niya.

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Ikaw ren"