webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 5

Natapos ko ng magpulot ng mga bola pero kaagad ako napagod. Bakit kasi ang raming bolang nakakalat. Pumunta na ako sa room na may panglinis ng gym. Papasok na sana ako kaso...

"Ako na diyan, Castillo. Madilim diyan baka mabagsakan ka ng gamit" seryosong sabi ni Bry.

Pero bakit ganon? Kahit ang seryoso niya, kinilig ako sa sinabi niya. So, ibig sabihin ba non concern siya?

"Castillo! Eto na yung mop" 

Nawala ang pagiisip ko na concern siya sa akin dahil bigla siya nagsalita sa harap ko. Kaagad ko ng kinuha ang mop at pumunta na ako kung saan ako magsisimula. Nagulat ako ng biglang may dala pa siyang isang mop.

"Tutulong ka?" tanong ko

"Di ba obvious" sungit na sabi niya.

Nagtatanong lang naman ako. Akala ko kasi manood lang siya sa akin. Pero ayos lang atlis tutulungan niya ako. Kinikilig na naman si aku.

Natapos na kami agad kasi tinulungan niya ako. Siya na nagbalik ng mga ginamit namin panlinis katulad ng sabi niya kanina baka malaglagan ako ng gamit doon.

Inintay ko sya matpos sa pagbalik ng mga gamit para makasabay ako sa kanya makalabas. Natapos naman siya agad kaa nakalabas na kami sa gym papunta na ako sa parking lot baka kasi nandoon na sila Asha para ihatid kami. Magkasama paren kami ngayon ni Bry siguro kasi sa parking din siya tutuloy. Nang makarating kami sa parking, hinanap ko na agad car ni Asha pero bakit ganon wala.

Biglang tumunog phone ko kasi may nagtext. Chineck ko kung sino sila Asha iyon.

From: Asha

Bree, sorry 'di na ako makabalik sa school inaya kasi ako ni mom na magsalon. Di ko naman 'to pede tanggihan. I'm sorry, Bree.

To: Asha

It's okay, Asha. Enjoy!

From: Quinn

Girl! 'di kita masasamahan sa pagtaxi kasi ihahatid daw ako ni bebe ko. Enjoy sa paglandi kay Bry ;)) Love ya!

To: Quinn

Enjoy sa bebe mo. Love ya too!

From: Lei

Bree, naka uwi na ako kasi hinatid ako ni Jae. Ingat sa paguwi.

To: Lei

Thanks :))

Parang mag isa ata akong uuwi ngayon a. Pumunta na ako sa may labas ng school para mag abang ng taxi kasi ayoko ng abalahin driver namin ngayon kaya ko naman mag taxi e.

Kaso parang wala ng nadaan na taxi ngayon a kasi kanina pa naguwian mga tao dito kaya siguro wala ng dadaan. Hayst. Maglakad na lang ako papuntang sakayan. Medyo familiar naman ako sa pagsakay sa jeep pero pinapaiwas ako ni Dad na magsakay ng ganan kasi daw delikado pero no choice ako kaya sasakay na lang ako sa jeep.

Pero habang naglalakad ako papuntang terminal e may biglang humintong sasakyan sa tabi ko kaya huminto rin ako kung sino yun.

Mas lalo ako nagulat ng biglang makita ko si Bry palabas sa kotseng huminto. Anong ginagawa nito? 'Wag mong sabihin ihahatid ako nito?

"Sakay na, Castillo" sabi nito

Aangal pa ba ako? Hindi na aba, crush ko 'to e.

Pinagbuksan niya ako at sumakay na ako kaagad baka magbago pa isip nito e.

Tahimik kaming nasa loob kaya medyo awkward. Siya yung nagdridrive ng kotse niya kaya kaming dalawa lang talaga. Sana ol marunong magdrive. 

"Bry, pede ba ako magpatugtog?" tanong ko

Nakakahiya kasi kung bigla ko na lang galawin yung kotse niya diba. Atsaka medyo malayo bahay namin dito kaya baka 'di ko kayanin yung awkwardness sa loob ng kotse. 

"Do whatever you want" seryoso na naman niyang sabi.

Ngumiti na lang ako dahil mawawala na ang awkwardness dito. Ano kaya papatugtogin ko? Hindi naman siguro siya magagalit kung patugtogin ko kpop noh sabi naman niya 'do whatever you want' kaya pinatgtog ko na lang yung bagpng song ng Seventeen. 

Ha! dul! set! ne, left n right~

(Left n Right by Seventeen)

(ps. patugtugin niyo yung nasa multimedia para ma enjoy kayo hihi)

Bigla siyang nagulat dahil sa pinatugtog ko. Pero wala naman siyang nagawa dahil medyo bet din niya yung kanta. Natatawa ako ngayon dahil sa kanya.

"Anong nakakatawa?" tanong niya.

"Ang ganda ng song no" habang nagpipigil ng tawa.

"Shut up! Maganda yung song kaya ako ganto" sabi niya

Hindi ko talaga mapigilan di matawa kasi kapag chorus na napapakanta na lang siya bigla na parang alam niya na kaagad ang kanta.

Sinabayan ko na lang siya sa chorus kasi para naman di siya lonely. Naalala ko tuloy sila Asha ganto din kami kapa pinapatugtog ito pero pag ito tumutog sasayaw na lng kami bigla. Mga carats kasi kami nila Asha, Lei at Quinn.

"Left n Right. Left n Right. Left n Right. Rip it, Rip it~" sabay na kanta namin.

Nang matapos na namin ang kanta ay nakarating na kami sa bahay namin. Bumaba kaagad si Bry at pumunta sa pintuan na nasa tabi ko at binuksan. Ay wow, gentleman naman po pala.

Bumaba na ako kaagad kasi nahihiya na ako. Ngayon pa ako may ganang magkaroon ng hiya. 

"Thanks sa paghatid sa akin" sabay ngiti.

"Welcome. Nagenjoy naman ako kanina" sabay ngiti niya.

Shems! nakakatunaw naman ngiti niya parang kanina ang serious niya ah tapos nung narinig niya yung tugtog kanina naging maganda na mood niya. Araw arawin ko kaya pagtugtog ang mga music ng Seventeen. 

"Goodbye, ingat sa paguwi" paalam ko.

"Thanks" 

Pumasok na ako kasi potek parang ramdam ko ang paginit ng pisngi ko kanina pa. Pagkarating ko sa loob nakita ko kaagad si Callie.

"Ang landi mo talaga no, Bree. Di ka man lang nahiya kay Bry nagpahatid ka pa talaga" Callie

Nilagpasan ko na lang siya kasi ayoko masira mood ko ngayon. Pinabayaan niya na lang ako.

Pagkapasok ko sa kwarto. Hirit ako ng hirit dahil sa nangyare kanina. Buti na lang sound proof 'tong kwarto ko kasi lagi kami ng papatugtog ng kpop song nila Asha. At request ko rin yun kay Dad.

Kinwento ko kaagad kanila Asha yung nangyare kanina kagaya ko tawa sila ng tawa.

"Seventeen song are the best!" Quinn

"True! Di mo akalain na yung music lang ng seventeen yung mawawala sa awkward niyo kanina" Lei

"Ang galing ng idea mo kanina" Asha

Natatawa na lang ako sa mga sinasabi nila.