webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 4

Nasa loob na ako sa guidance office para harapin kung anong nangyare kanina. Wala naman kasi akong ginawang masama. Oo alam kong masama itulak siya pero kasi self defense ang tawag don noh. Naiinis na talaga ako sa mga tao dito.

Nasa harap ko na si Callie nanapapaawa pa. Nakakapotspa na talaga. Gusto ko na pumunta sa next class ko. Nakatingin lang ako sa baba dahil ayoko ng gantong situation. Hindi ba magsasalita mga taong nakanood kanina. 

"So what's now? Ms. Castillo?" tanong sa akin ng guidance counselor.

"Sir, It's not my fault. I'm just protecting myself sir"

"Bree, just admit it" sabi ni Callie sabay irap niya.

So ako pa talaga ang may mali dito. Ang galing!

"It's enough. Ms. Castillo bibigyan kita ng punishment dahil sa ginawa mo kay Ms. Andrada. Look na injured ang kanyang kamay" sabi nito ni Guidance Counselor.

"But sir?!" 

"No buts. Ms. Castillo. You need to clean our gym this whole week. Mr. Harris will guide you" guidance counselor

Shems, kasama ko si Bry sa paglilinis kaya medyo natuwa ako kasi makakasama ko siya. Wawa ka nama Callie. Nagulat si Callie sa sinabi ni Guidance Counselor. Ano ka ngayon? 

Umuna na akong umalis para makakain na ren medyo late na ako sa klase ko kaya 'di na ako pupunta kasi patapos naren yun.

Pagkarating ko sa likod ng school para makakain ay nakita ko na don sila Asha. Nakakataka kasi diba may klase pa sila ngayon?

"Hi girl! Kamusta sa guidance? Balita ko panalo ka sa laban niyo ni Callie a" Quinn

"Baliw ka na Quinn. Are you okay, Bree?" Asha

"Yup, I'm okay. May good news pala ako sa inyo" sabi ko

Nagtataka sila kasi naguidance na nga ako tapos may good news paren.

"What is it?" Lei

"Maglilinis ako ng gym sa buong week na 'to" sabi ko

Mas lalo silang nagtaka kasi sino magiging masaya sa paglilinis.

"Nabaliw na ren ata tong isa. Bree, sinong masaya sa paglilinis ng gym?" Quinn

"Tulungan na lang naten siya sa paglilinis" Lei

"Hindi niyo na kailangan samahan pa ako kasi may makakasama naman ako" sabay ngiti ko

"Sino naman magiging kasama mo?" tanong ni Quinn.

Nagtataka paren sila pero parang hindi ata 'to slow si Asha kasi nagets niya na kaagad.

"Don't tell me, si Bry makakasa mo?!" gulat na tanong ni Asha.

Tumanong ako habang ang malapad kong ngisi ay nagsilabasan. Natatawa ako sa mga reaction nila sa totoo lang kasi ako din naman ganan magiging reaction e.

"Go girl! Galingan mo sa paglandi a. Kung gusto mo ng tips just call me baby" sabay kindat ni Quinn.

Kapag talaga usapang lalaki magaling si Quinn diyan. Oh jowain niyo na char. Tinawanan na lang namin si Quinn dahil sa thinking niya.

Natapos na kami kumain kaya nagpasya na kami pumunta sa mga room namin para sa makapaghanda naren sa mga klase namin. Hindi na pagtataka na lahat na naman ng tao sa room a nakatingin sila sa akin kasi dahil sa nangyare kanina.

Hindi masisira mood ko kasi mamaya na ako magstastart maglilinis ng gym kaya excited na ako.

Ngayon papunta na ako sa gym para manood muna ng practice nila. Maya maya pa kasi ako maglilinis kasi nagprapractice sila. Kaya pinlano ko muna magbasa ng wattpad.

mga ilang minutes na akong nagbabasa ng biglang may tumama sa ulo ko. Mygod! umalog ata utak ko don a. Pagkatapos tumama yung bola sa ulo ko bigla ako nakarinig na mga kalalakihan na nagsisitawanan. Mga ulupong sila pagkatapos ako masaktan tatawanan na lang nila ako. 

May lumapit sa akin na lalaki. Hindi ko ata  'to kilala siguro bago 'to. 

"Miss, are you okay?" tanong nito.

Tumango na lang ako kasi parang sa sakit sa ulo hindi ko na kaya pang magsalita. Ang sakit kasi.

"Ako nga pala si John Mackenzie Jimeno. Mack na lang itawag mo sa akin" sabi nito.

Siguro eto yung tinutukoy nila Asha na bago lang. Bakit kaya ngayon ko lang to nakita?

"Hi Mack! I'm Hope Aubree Castillo. Just call me Bree" sabay ngiti.

"Mack! Tara na tawag na tayo ni Captain. Galit na ata" tawag sa kanya ng kasama niya.

Galit? Bakit naman magagalit si Bry? Baka stress lang yun.

Nanonood ako ng practice nila at hindi na nagbasa kasi nawala na ako sa mood magbasa dahil sa nangyare kanina. Nagulat ako biglang sumulpot si Lei sa tabi ko.

"Hi Lei!" bati ko.

"Hi, nagiintay ka?" Lei

"Oo e, asan nga pala sila Asha?" Tanong ko rito.

"Si Asha pumunta sa shop ng mom niya pero babalik din iyon para sunduin tayo. Si Quinn naman nakikipaglandian sa gwapong 1st year college kaya iniwan ko sila don" Lei

"Nasan ba si Jae?" 

"May project daw sila pero 'di ko alam kung totoo" sabay tawa nito.

Siguro nag ooverthinking na naman 'to si Lei.

"Ano ka ba? Baka may project lang yung tao. Alam mo naman 2nd year na iyon kaya busy na yon" pagpapagaan ko sa loob ni Lei. Alam ko kasing loyal sa kanya si Jae.

Natapos na magpractice sila Bry. Hindi naman ako nabored kasi kasama ko naman si Lei pero nung natapos na yung practice ay umalis na siya at may sinabi pa ito.

"Galingan mo, Bree" sabi nito ni Lei na kinatawa ko siguro nahawa na 'to  kay Quinn. Lagi ba naman sila magkasama.

Pumunta na ako sa Court para magsimula ng maglinis. Habang papunta ako ay may sinabi sa akin si Mack.

"Ikaw ba maglilinis dito?" Mack

"Oo bakit?" 

"Wala naman. Goodluck sa paglilinis" sabay ngiti nito.

Nginitian ko na lang siya.

"Castillo! Eto muna ligpitin mo" seryoso niyang sabi sabay turo sa mga nakakalat na bola.

Para naman 'tong tokwa. Bat galit?

"Puntahan mo na Bree. Baka magalit lalo" Mack

Tumango na lang ako at pumunta na sa mga bolang nakakalat.