webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 3

Natapos na ang klase namin kaagad medyo nalilito lang ako pero keri ko naman. Lumabas na ako pumunta sa locker kasi may nalimutan ako kunin kaya kukunin ko na lang kas malapit lang naman yung locker sa next na room ko mamaya ko pa kikitain sila Asha kasi mga busy pa sila sa mga klase nila kaya magisa lang ako. 

Nakarating na ako sa locker ko kaso naiilang ako sa mga nakatingin sa akin. Tapos yung sinamaan pa ako ng tingin. Ano ba kasi ginawa ko sa kanila? Di nga nila alam kung ginusto ko ba to? Pero syempre deep inside gusto ko to kasi crush ko yun e.

Nawala ang pag iisip ko ng ma biglang may tumawag sa akin. 

"Oy panget!" tawag sa akin ni Callie, my stepsister. Maka-hoy 'to e halatang taga palengke. Alam niyo sa totoo lang di ko alam kung saan nadampot ni Daddy yang mag-ina na 'yan. Nagtitimpi lang ako sa kanila. Buti na lang laging nandiyan lagi nasa tabi sila Quinn pero ngayon ata wala sila sa katabi ko kaya ako na lang iiwas.

Akmang aalis na ako kaso hinarangan niya ako.

"Saan ka naman pupunta? Kinakausap pa kita a" ani nitong bruha.

"Pede ba, Callie layuan mo ko" mahinahon kong sabi kasi ayoko ng gulo.

"Aba, nalaki na ulo mo a? Di porke engaged na kayo ni Bry ganan ka na. 'Wag mong kalimutan na mas bagay sila ni Stella kesa sayo noh" Callie.

Wala akong pake sa kanila ni Stella. Ang alam ko childhood bestfriend lang naman siya ni Bry pero sa tingin ko mas bagay nga sila. Nanghina tuloy loob ko.

Aalis na lang dapat ako kaso biglang hinila ni Callie ang aking buhok.

"Oy 'wag ka nga bastos!" sigaw nito.

"Please Callie. Tumigil ka na. Nakatingin sila sa atin oh. Ayoko ng gulo" pagsusumao ko sa kanya kasi hiyang hiya na ako sa mga nakatingin.

"Wala akong pake kung nakatingin sila sa atin. Wala naman tutulong sayo" sabay tawa niya. Naiinis na talaga ako sa kanya. Oo mahinhin ako at mahina pero iba ako kapag napuno na. 

Bigla kong hinigit ang kanyang kamay para kumawala sa buhok at tinulak ko siya. Ayoko sa lahat na mamahiya sa akin pero minsan pinapabayaan ko na lang pero kung ganan naman pala lalaban ako. 

Nagulat ako mga nanonood sa amin dahil sa ginawa ko. Ayoko sana gawin 'to kaso malalate na ako sa klase ko aba.

Aalis na sana ako pero may sumigaw. Kanina ko pa gustong umalis pero lagi na lang may nagpapatigil sa akin.

"What's happening here?" sigaw ni Bry. Shems nakalimutan ko nga pala na President siya sa school na 'to.

Humarap ako sa kanila at nakita ko kaagad ang nakakunot nitong noo.

"Bry! Si Bree tinulak ako kinakausap ko lang naman siya" malanding sabi nito ni Callie. 

As I expected, mag babait baitan na naman siya katulad ng ginagawa niya sa bahay namin. Lagi naman, masanay ka na self.

Tinayo ni Bry si Callie. Eto naman si Callie nag acting na nasasaktan e 'di naman gaano kasakit ang pag bagsak niya sa sahig. 

Makaalis na nga lang dito. Aalis na dapat ako ulit pero may nagpigil na naman sa akin. Pede ba hayaan niyo na ako umalis?

"Hope Aubree Castillo, come to the guidance office" seryoso niyang sabi.

Oh what the f! Ako pa talaga ang may mali dito. Self defense tawag don mga ulupong!

Sinunod ko na lang ang sabi niya kasi wala naman ako magagawa don.