webnovel

Arranged (First Gen series #1)

Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree kaya hiniling ng kanyang ina na sa bestfriend niya na iaarrange ang kanyang anak kay Bree. Di nila alam na si Brylan Kai Perez ang tinutukoy nitong anak ng bestfriend. Crush na crush ni Bree si Bry pero ang tanong mamahalin kaya kaya niya si Bree?

Aubwyy · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 2

Buong gabi ako masaya dahil sa nangyare kagabi pero alam kong may masamang mangyayare. Crush na crush si Brylan Kai Perez sa school dahil sa angking kagwapuhan at katalinuhan hindi lang yan dahil anak siya ng may ari ng Elite Resorts, nakilalang kilala sa buong Pilipinas. Isa rin siyang Basketball player kaya laging dayuhan ang gym kapag nagprapractice sila.

Kaya alam kong maraming may galit sa akin ngayon dahil sa akin siya mapupunta. Aminin na naten na ang manang kong manuot at hindi marunong magayus pero kasi dito ako sa comfortable. Sinasabihan din nila akong anak ako sa labas kasi di ko daw hawig ni mommy dahil isang sikat na modelo si mommy dati kaya ang layo ko daw sa kanya pero nung nabisita ako sa Lola ko sa motherside na kamukha ko daw at kaugali ko daw si mommy. 

"Bree, baba na, nasa baba na sila Asha" tawag sa akin ni manang.

Bumaba na ako kaagad kasi wala naman akong ginagawang kaartehan sa mukha ko kasi hindi ako sanay.

Pagkababa ko naman nakita ko kaagad sila Asha.

"How's your rest, girl?" Quinn.

"Okay lang naman" pagkatapos nginitian ko sila.

"Syempre masaya tulog nito kasi-" Lei

Pinutol ko na kasi baka may makarinig sa kanya.

"Ano ka ba? Tara na malalate na tayo" pangiiba ko sa topic.

Hay nako 'tong mga kaibigan ko hindi marunong magtago ng sikreto.

Sumakay na kami sa sasakyan ni Asha kasi sabi niya siya na lang bahala maghatid at sundo sa amin dahil pinayagan na siya magdrive. Buti pa siya ako kasi hindi ko pa alam kung kelan ako matuto. Pero pede na naman ako matuto kasi nasa right age na ako.

Nakasakay na ako sa sasakyan ni Asha. 

"Bree, kinakabahan ka ba?" tanong ni Lei siguro na halata niyang di ako mapakali.

"Hmm, ano kase...baka maraming magalet sa akin kasi tungkol sa... nangyare...kagabi"

"Ako bahala sayo, girl! squaran kami ano?" Quinn

Natawa na lang ako kay Quinn, alam kasi namin na magaling 'tong bruha sa pakikipagaway sa mga babae.

"I'm serious, Bree. Handa ako ngayon!" Quinn

"Tumigil ka nga diyan baka mapa guidance ka pa diyan malalagot ka na naman sa mommy mo" Lei

"You know me a lot, Lei. Ayokong may mananakit sa inyo na mga impakta" Quinn

"Alam mo, Quinn. Maghanap ka na lang ng target mo sa school. Mas maayus pa yon" Asha

"Balita ko, Quinn may bagong gwapo sa school ah kakatransfer lang daw nung last month pero ngayon lang namin siya nakita" Lei

"Eh?! Sino?! Gwapo?! Yummy ba?!" Quinn

Nagtawanan kaming lahat dahil sa reaction ni Quinn kanina kasi gusto makipagaway tapos ngayon biglang gustong lumandi.

"John Mackenzie Jimeno his name, right?" Asha

"Yup!" Lei

"Shems pangalan pa lang gwapo na!" Quinn sabay hirit niya.

Kaya tawanan na lang kami kanina.

Nakarating na kami sa school kaya bumaba na kami. Gaya ng sabi ko kanina nasa akin ang mga tingin nila siguro sa nalaman nila kagabi. Shems, para akong papatayin sa mga tingin nila. Pumunta sa harap ko si Quinn para maharangan ako sa mga tingin nila at sinamaan din niya ng tingin.

"Uy umayos ka nga Quinn, baka sa guidance punta naten at hindi sa classroom" Lei

"Aba, sino sila para samaan ng tingin nila si Bree" Quinn

"You're right! No one can treat her like that" singit ni Asha

"Girls, bilisan na lang naten lakad naten para di tayo mapaaway" sabi ko

Kasi baka saan to abutin e, ayoko pa naman dumeretso sa guidance. Nakarating na kami sa sarili sariling room namin dahil magkakaiba kaming strand. I'm a grade 12 student ganon rin sila Asha. Kaso ako abm. 

Nakaupo na ako sa upuan ko at nagbasa na lang ng mga wattpad books. 

"Alam mo ba? Si Bree at Bry ay engaged na" girl 1

"Yuck! di sila bagay" girl 2

Hindi ko na lang sila pinansin kasi baka mapaaway pa ako ngayon. Ayoko ng gulo ngayon.