webnovel

Chapter Seventeen

Apo

Halos hindi na ako makaalis sa upuan ko nang makitang magising ang anak ko. Ni hindi na ako tumigil kaka-alaga sakanya. Kahit busog ay gusto ko parin siya sinusubuan.

"I can't wait to recover!" Maligayang sabi niya habang sinusubuan ko ito ng pagkain sa bibig. Panay naman ang paninitig ni matteo saakin. Huminto ako sa ginawa ko at sinulyapan ito.

"What?"

Lumapit ito at hinawakan ang baywang ko. Tumindig agad ang balahibo ko sa paraan ng paghawak niya.

"I can't wait to have a second child." He whispered. Nandilat ang mata ko sa sinabi nito.

"Matteo!" Hampas ko sa braso nito.

Humalakhak lang ito at hinalikan ako sa pisngi. Umirap lang ako at nakitawa narin sakanya. Ako rin naman gusto na magkaanak. Pero huwag muna ngayon. Gusto ko munang ibigay ang atensyon ko kay anna. Siya muna bago ko mabigyan ng anak si matteo. Ang dami ko pang pagkukulang sa anak ko.

"Mommy, I'm happy because you're not mad na!"

Napabalik ang atensyon ko sakanya dahil sa sinabi nito. Gusto kong mahiya at magtago dahil sa sinabi niya.

"If im fuwy recovered, sana magkatabi tayo sa pagtulog, ha?"

Hindi ko alam na ganito ang naidulot ko sakanya.

Yumuko ako at kinagat ang labi para pigilan ang panginginig at ang paglabas ng luha. Hindi ko akalain maririnig ko ang lahat ng ito galing sakanya. Alam ko naman na noon pa sabik na sabik na siya saakin. Pero pinagkait ko lang iyong maraming taon para sakanya, para makasama siya at makilala ng lubusan. Tumaas ang kanang kamay ko at hinaplos ang mahabang buhok nito. I looked at her with so much longing and adoration. Ngayon ko lang din napansin na sobrang magkahawig talaga kami noong bata pa. Dahil lang sa galit ko, iba ang nakikita ko sakanya noon.

"I'm sorry, anna.." napiyok ang boses ko at naramdaman ang pagbagsak ng luha sa pisngi. Akala ko pa naman mapipigilan ko ang mga luha ko, pero hindi, e..nasasaktan parin ako sa lahat-lahat. Pagsisi at guilty para sa sarili. Naramdaman ko rin ang paglapit saakin ni matteo na para bang hindi parin sapat itong pagkalapit namin sa isa't-isa. Dumagan ang kamay niya sa baywang ko at hinagod iyon. Hindi ko na iyon pinansin at tinuon ang sarili sa batang nasa harapan ko ngayon. Parang anghel ito habang nakatingin saakin. Sa paraan ng pagtitig niya saakin ay parang takot siyang pumikit at baka mawala ako.

"Why you always sorry, mommy? I shouwd be the one to sway sorry kasi nagiging bad ako."

Hindi ko alam na ganito siya ka talino magsalita. Umiling-iling ako at niyakap lang ito.

"We'll make everyday's worth it from now on, okay? Babawi ako sa pagkukulang ko sa'yo."

"And you will read lot of stories before I fall asleep!"

Tumawa ako at tumango-tango.

"Yes, baby. Zombies will do," humalakhak ako.

"I love zombies, mommy!"

Tumawa nalang ako. Kung sana noon pa ginawa ko na ito. I thank Tanya for this.

"And I will always with you two..I promise to protect you and anna.."

Lumingon ako nang magsalita si matteo.  Mabilis na tumaas ang kamay nito at pinunasan ang mga luha ko. Tumitig ito sa mga mata ko at pagkatapos ay sa labi ko. I even saw his jaw clenching. Pumikit ako at dinama ang malambot niyang kamay saakin. Dahan-dahan ay kinuha ko iyon at hinalikan sa labi ko.

Hindi ko akalain matatanggap niya pa ako sa kabila ng lahat.

Dumilat ako ulit at nakita ang seryosong paninitig parin saakin.

"No words how thankful I'am for choosing me, again, matteo.."

Umigting ang panga niya sa sinabi ko. Umiling-iling ito at maayos na pinaharap ako sakanya.

"No, sweetheart..Thank you for choosing me again.."

Kung hindi lang pumasok si tanya, niccolo at nico ay baka nahalikan ko na si matteo. Umupo ako nang maayos at ngumiti sakanila.

"Just continue what you're doing. Just pretend you didn't see us." Si tanya. Umirap ako at tumayo para salubungin ito ng halik sa pisngi pati na ang anak nila na si niccolo.

"Shut up!" Tumawa ako. Tumayo rin si matteo para salubungin sila ng bati.

"How is she?"

"She's fine. Baka bukas o sa susunod pwede na siyang makalabas."

"And then we will play!" Si niccolo.

"No, baby. Anna still have to recover. Maybe soon, okay?" Si tanya sa anak nito.

"Okay.."malungkot na sagot. Ngumiti lang ako at hinaplos ang buhok ng bata. He really looks like tanya. Parang lalaking version lang.

Mga ilang oras din kami nag-uusap ni tanya sa gilid. Habang si matteo naman at nico ay nasa labas. Hindi ko alam anong pinag-uusapan nila. Gusto ko man matapos ito ay hindi ko magawa. Sumulyap ako sa anak ko at nakitang nakipag-usap sa pinsan niya na si niccolo. Gusto ko sanang alagaan muna ang anak ko pero sa tingin ko na-aaliw na siya ngayon kay niccolo.

"I love more barbies than batmans!"

"Batmans are amazing!" Si niccolo.

"Barbies too!"

"But batman will kill your barbie!"

Napatawa kami sa narinig. Hindi ko alam na ganito pala kasarap makita siyang masaya at nakikipaglaro sa ibang bata.

"Ewan ko talaga sa anak ko, tanya! Iyang daddy niya kasi kung ano-ano nalang tinuturo!"

Tumawa ako sa narinig pero napawi lang iyon nang makitang bumukas ang pinto at nakita ang pagpasok ng matandang babae at isang lalaking na hindi ko alam kung sino. Napatayo kami pareho ni tanya na puno ng pagtataka at kuryosidad.

"Sino po kayo?" Si tanya.

Luminga-linga pa ang babae bago huminto ang mga mata niya sa anak ko. Kinabahan agad ako doon. Ngayon ay nakatingin na siya saakin.

"May I talk to Ms. Aera?"

Hindi ko alam kung saan ko siya nakita, pero pamilyar siya saakin.

"Yes, it's me. Your name?" Tanong ko.

Bago niya pa iyon masagot ay pumasok na si mommy at daddy. Nagulat nalang ako nang mabilis na napadalo si mommy saakin at itinago ako sa likod nito. Hindi ko na alam anong nangyayari pero matindi ang kaba ko sa dibdib. Damn it!

"What are you doing here?!" Halos pumiyok ang boses nito. "Get out!"

"Martha!" Si daddy.

"Mommy, dad! what's wrong?" Hindi sila sumagot pero ramdam ko ang panginginig sa kamay ni mommy. Nataranta na ako. Kahit si tanya ay gulat na gulat at nakaawang parin ang labi, gaya ko. Sumulyap ako kay daddy at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang panga at kamao. "Daddy! What is happening?!"

Nagmura ako at mabilis na nilapitan ang anak dahil sa takot. Pati narin si tanya ay nilapitan si niccolo. Hindi naman gaano kahigpit ang hawak ni mommy kaya agad ako nakatakas sakanya.

"Mommy, why grandma is mad?" Si anna.

"I don't know, baby.." hinagod ko ang buhok nito at hinalikan.

"Vino!" Si mommy.

Hindi ko na alam anong nangyari. Ayaw naman nila akong sagutin at it fucking irritates me! Ano ba ang nangyari?! At sino ba itong dalawang ito! Damn it!

"Hindi ako naparito para manggulo. I'm here for our apo.."

Kumunot ang noo ko at hindi alam kung sino ang tinutukoy nila.

"Vino! Call the guard to get them out in here!" Si mommy.

"Pwede ba? Sabihin niyo saakin anong meron?!" Hindi ko na napigilan ang mainis at mawalan ng pasensya.

"We're here for our apo, iha.. sana naman maintindihan niyo iyon."

Apo? Sinong apo?! What the hell are they talking about?!

Hindi ko alam kung nababasa ba nila itong nasa isip ko at naunahan na akong sagutin bago ko pa maitanong ang gusto kong sabihin.

"We're here to see her." Tinuro nila si anna na ikinagulat ko pa lalo. "It's nice to see you. We're happy to see you. Nabalitaan namin ang nangyari sa'yo. How are you?"

Nagulat nalang ako nang dahan-dahan itong lumapit palapit kay anna. Pero bago pa nila iyon magawa ay mabilis na humarang ako.

"Vino!" Si mommy at marahas na tinulak ang babae. Mabilis na pumagitna naman iyong matandang lalaki para pigilan. Lumapit si daddy at inilayo agad si mommy sakanila. Takang-taka parin ako. Mukhang mababasag na ang ulo ko kakaisip anong nangyari ngayon!

Hindi ko alam bakit kumalabog itong puso ko sa sobrang kaba kahit hindi ko pa alam kung sino ang mga ito!

"Sino po ba kayo? And what did you say..Apo? Sorry, but I don't know you." Mariin ang bawat salita ko at tinago ang anak ko sa likuran ko.

"Mommy, who is shew?"

Lumingon ako sa anak ko. Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ng babae.

"I'm your lola."

"Lola?" Ulit ko.

"Vino! Sabi ng paalisin mo itong mga criminal na ito!" Patuloy parin ang pagaalbularya ni mommy.

"We're already sorry for what my son has cause for your daughter, Mrs. Fumilla. Andito kami para sa apo ko."

Halos nagbara at nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Nagtagpi-tagpi ko lahat ang nangyari at sinabi niya. Ngayon lang narealize kung ano ang ibig niyang sabihin. Huwag mong sabihin...damn it! Halos hindi ko maigalaw ang sarili kong paa dahil sa gulat at takot. Ito..ito ang ina at ama ng lalaking sumira sa pagkatao ko!

Ang kapal..ang kapal nila para pumunta rito! At bakit nila nalaman andito ang anak ko?! Nangigil at nanginginig ako sa galit. May namumuong luha na rin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ito sa galit o dahil sa nakaraan kung bumabalik!

Hindi pwede!

Andito ba sila para kunin si anna?! Magkakamatayan muna kami bago iyon mangyari!

Biglang naalala ko ang sinabi ni mommy bago nakulong ang lalaking iyon.

"He's born from rich people, aera. Nagkadrugs kaya iyon nagawa sa'yo. Even that witch want to make it quits pero hindi kami pumayag. His son deserves to put in jail."

Sa huli bumagsak ang luha ko nang masulyapan ko ang ama niya. Sobrang magkamukha sila..magkamukha na magkamukha! Hindi ko na napigilan ay tumakbo ako at mabilis na sinampal ang babae na ito.

"Hayop kayo! Ang kakapal ng mukha niyo!"

"Aera!" Si tanya na sinubukan akong pigilan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita si matteo doon. Nagmura ito at mabilis akong inilayo sa babae.

"Damn it!"

Nakita kong inayos ng babae ang sarili niya dahil sa ginawa ko. Pero sa mukha niya, mukhang hindi ito natinag. Hindi ko alam anong iniisip niya. Ang alam ko lang sising-sisi ito at nagmamakaawa sa harapan ko.

"Hindi kita kailanman nakita, iha... Pero humihingi ako ng despensa sa ginawa ng anak ko saiyo.."

"Damn it! Walang kapatawaran iyon!" I fired back. Ngayon ko lang din naisip si anna. Mabilis na nilingon ko ito at nakita ang takot sa buhong mukha. Damn it'

"Mommy!" Gusto niya akong abutin pero nakatusok ang kamay niya sa dextrox. Napamura ako sa nakita ko at niyakap ang anak.

"Shh, sorry.."

"Don't get mad, mommy.."

"Hush, baby.."

"Please, gusto ko lang makausap ang apo namin."

"Belinda, let's just go home.." sabi noong lalaki.

"No, dolfus! Noon pa natin gusto, 'diba?"

"Oo, alam ko..pero huwag muna ngayon.. bukas nalang."

Nagtiim bagang ako sa narinig ko. Bukas?! Akala ba nila papayag ako?! Hindi!

Nakita ko rin kung paano humarang si matteo saamin at mukhang sinisiguradong hindi kami masaktan ng anak ko.

"Umalis na kayo!" Si mommy.

"Martha!" Si daddy. Nakita ko ang pagsulyap ni daddy sakanila. Bumuntong hininga ito at mukhang nawawalan na ng pasensya. Sa huli ay nagsalita ito.

"Let's talk." Pormal na pagkasabi ni daddy bago ito tuluyan ng lumabas.

Damn it!