webnovel

Chapter Eighteen

Talk

"Hindi ako papayag!"

"Pagbigyan mo na, Aera.."

"Vino! Ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi natin alam ang kayang gawin ng mga 'yan!"

"Martha, will you please, calm down?"

Hinilot ko ang sentido ko at hindi alam bakit gusto ni daddy hayaan ang mga ito na makita si anna! And what? Gugulo ulit itong isip ko dahil sa takot at pangamba ko sa anak ko. Kung meron man silang masamang binabalak ngayon, saakin nalang huwag na ang anak ko! Hindi ko iyon kakayanin. Damn it! Ano ba ang pinag-usapan nila kanina at bakit napapayag nila si daddy?!

Alam kong darating ang panahon na maalala niya ang lahat-lahat na ito. Sa nakikita ko, malalim na mag-isip si anna. Matalino ang anak ko. Kung hahayaan ko man makita sila na makita ang anak ko, paano kung tatanungin niya ako? Paano kung tatanungin niya ako kung sino ang mga ito? Anong isasagot ko?

Na ano? Na ito ang mga magulang na gumahasa saakin? Na ito ang sumira sa buhay ko? Anong iisipin ni anna? Ikakahiya niya ba ako? Magagalit ba siya saakin?

Hindi ko na alam..

Kung pwede lang sanang tumakas at iwan ang lahat dito ay ginawa ko na. Gusto kong mabuhay ng normal kasama si anna. Gusto kong makabawi sa lahat nang pagkukulang ko.

"Daddy, hindi ako papayag! Paano pag kukunin nila ang bata?"

"I won't let that happen, anak. May mga tauhan ako sa labas ng hospital kung may balak nga talaga sila."

Pumikit ako nang mariin. Sumulyap ako sa matatandang babae at lalaki 'di kalayuan saamin. Tila naghihintay talaga na sumang-ayon ako. Unti-unti ay napansin ko ang paghakbang ng dalawa at balak ng lumapit rito. Gusto kong pigilan sila pero nanginginig ang katawan ko. Hindi dahil sa natatakot ako sakanila. Kung hindi dahil sa takot at possible nilang gawin sa anak ko.

Ang kapal ng mukha nila! Ang kapal ng pagmumukha nila! Magkakamatayan muna kami bago mangyari iyon!

"Sweetheart.."

lumingon agad ako sa likuran ko at nakita ang papalapit na si matteo. Gumapang agad ang kamay niya sa baywang ko at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Napapikit agad ako dahil sa ginawa niya.

"Don't stress yourself too much, okay?"

Yumuko ako at ramdam ang bigat na nararamdaman. Dahan-dahan na inangat niya ang ibaba ko para matignan ito. Malungkot niya lang akong tinitigan.

"Ayokong hayaan sila, matteo..natatakot ako.." nangingilid ang mga luha ay pinaalis ko agad iyon.

"Hush, baby..I'm here. Hindi ko hahayaan mangyari ulit iyon."

Mabilis na humakbang ako at niyakap ito. Biglang napanatag naman ako nang marinig ko ang sinabi nito. Pinagkatiwaalan ko ang sinabi niya at alam kong hindi niya ako hahayaan, kami ni anna. Kumawala ako nang malalim na hininga at dinama ang yakap niya pabalikZ

"Thank you.." bulong ko.

Kumawala lang ako sa yakapan nang sa wakas ay nasa harap ko na ang dalawang matatanda. Taas noo ay hinarap ko ito at mariin ang paninitig. Pilit na maging matapang at hindi pinakita ang kahinaan ko. Napalipat ang ulit ang tingin ko sa lalaki at hindi maiwasan maalala ang kahayupan ng ginawa ng anak niya. Hinding-hindi ko makakalimutang ang pagmumukha ng lalaking iyon! Umigting ang panga ko at ramdam ang pagkuyom ng kamao. Hindi ko alam kung napapansin nila iyon o sadyang wala lang silang pakialam sa nararamdaman ko.

"Iha, alam kong sobrang laki ng atraso ng anak ko saiyo, at alam din namin hindi iyon basta-basta lang makakalimutan.."

Nagtiim bagang ako at iniwas ang mukha sakanila.

"Hindi kami mapapagod humingi ng patawad sa'yo. Araw-araw namin hinihinga sa diyos ang kapatawaran at saiyo. Kung hindi dahil saamin hindi magka ganoon ang anak k..ko." Narinig ko ang pagbasag ng boses nito.

Hindi ko iyon pinansin at ramdam parin ang iritasyon at galit sa buong katawan.

"Alam niyo ba ang ginawa ng anak niyo? Sobra pa po! Dapat nga hindi iyon nakulong! Sana pinatay nalang din iyon!" Hindi ko na napigilan tumaas ang boses ko.

"Aera!" Si daddy.

Napansin ko rin ang pangingilid ng luha ng matandang babae. Ang lalaki ay nakayuko lang at sising-sisi. Damn it! Ayokong makaramdam ng awa..Ayoko!

"Naintindihan ka namin, iha." Iyong lalaking matanda na ang nagsalita. "Sana..kahit saglit hayaan mo kaming makita ang apo namin bago kami bumalik sa states."

Naramdaman ko rin ang pagpisil-pisil ni matteo sa baywang ko.

"Calm down, please.." halos maramdaman ko na ang hininga nito sa leeg ko.

Tinagilid ko ang ulo ko at padabog na pinaalis ang mga luha. Ano paba ang magagawa ko? Ayoko naman ipagkait sakanila si anna. Pero natatakot parin ako. They can'y blame me, anak nila ang gumahasa saakin noon kaya hindi ko parin kayang magtiwala nang basta-basta'

"Saglit lang at aalis din kami agad." Patuloy nila.

"Sweetheart.." si matteo at mukhang gusto rin na pagbigyan na ang mag-asawa.

Gusto kong ipagkait at pagtulakan sila rito palabas pero alam ko sa sarili kong wala silang kasalanan dito. Pride ang kumalaban saakin ngayon. Ayokong maging talunan ulit at basta-basta lang nila napapayag na para bang walang nangyari. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib. Sumulyap ako ulit dito at hindi parin naalis ang iritasyon ko sakanila. At kahit magtanim ako ng galit, hindi naman maibabalik ang lahat. At kung papipiliin ako, ayaw ko na rin ibalik iyong dati. Masaya ako at nagbunga si anna saakin. Anak ko siya, anak namin ni matteo. Sa huli ay tumango ako.

"Hahayaan ko kayo, pero hindi ako aalis sa tabi ng anak ko."

Nakita ko ang sigla sa buong mukha nila nang sinabi ko iyon. Parang ako pa ang naging kontrabida dito sa storya na ito.

"Thankyou! Thank you!"

Hindi na ako sumagot pa at mabilis silang tinalikuran para mapuntahan ang anak ko.

"I'm so proud of you, aera." Si matteo na nakasunod saakin. Huminto ako at hinarap ito. Bumuntong hininga ako.

"Pinagbigyan ko lang sila.."

Humakbamg ito at maingat akong hinila para yakapin. Hinayaan ko naman ang sariling yakapin siya pabalik.

"I'm sorry, I wasn't there..But I promise I won't let anyone hurts you again and anna, Remember that. Mas minahal pa kita lalo dahil sa tapang mo."

Diniin ko pa lalo ang yakap nang maramdaman ko ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko na alam anong gagawin ko kung wala siya rito sa tabi ko. Pag nanghihina at nawawalan ako ng lakas ay parati siyang andiyan para palakasin ako at laging pina-alala kung gaano niya ako kamahal. Ramdam ko ang bawat salita niya para saakin.

Ilang sandali rin sa ganoong posisyon ay napagdesisyunan na namin na bumalik na kami sa loob. Lumapit agad ako sa anak ko at niyakap ito.

"Mommy, where you have been and daddy?"

Humiwalay ako sa yakap at hinagod ang buhok nito. Ngumiti ako.

"I'm sorry, anna.."

"You always say sorry, mommy.."

Tumawa ako at hinalikan lang ito sa noo.

"Kasi hindi parin sapat iyon."

Nakita ko ang pagtataka at pagkunot ng noo niya.

"Kailan tayo uuwi? Sabi ni niccolo maglalaro daw kami ng bahay-bahayan sa labas!" Masaya na sabi nito.

"Pagmagaling kana.."

Pilit ko man pigilan ang nababadyang luha ay hindi ko na napigilan lumandas iyon nang sunod-sunod sa pisngi ko. Damn it!

"Mommy? Aw you cwaying?" Umiling-iling ako at niyakap ito ulit.

Ang dami kong gustong sabihin sakanya. Ang dami kong gustong gawin na kasama siya. Iyong mga araw na sinayang ko ay gusto ko nang makabawi. Guilt building up inside me. Hindi ko makakalimutan iyong muntikan ko na siyang masaktan at matulak dahil sa maliit na kasalanan noon. Wala akong kwentang ina. Sana mapatawad niya ako sa mga ginawa ko noon. Hindi niya pa man maintindihan ang lahat, pero alam kong paglaki niya ay babahain ako nang mga katanungan na hindi ko alam kung kaya ko bang masagot.

"Get out! Tignan mo! Nasira mo ang gawa kong sketch!" Halos lumabas na ang ugat sa leeg ko sa galit nang makitang sinulatan niya iyon. At bakit ba siya andito sa kwarto ko?! Bakit ba pasok siya ng pasok?! Hindi niya ba alam na kwarto ko ito? And how could she enters herself without my permission?!

"Mommy.."

Bakit ba tawag siya ng tawag ng mommy saakin? Hindi ko siya anak! At hindi ko siya magiging anak! Tangina! Gusto kong maiyak sa galit. Hindi ko alam ano itong nararamdaman ko. Gusto kong umiyak sa sakit at paninikip sa dibdib. Lalo na noong makita kong lumabi ito at pilit akong hawakan.

"I said, leave! Nakaintindi kaba?!"

Nakita ko ang pagyuko nito at nilalaro ang maliliit niyang darili. Umiwas ako at hindi gusto itong naramdaman kong awa para sakanya. Bullshit!

"I draw something for you thew, mommy.."

Umigting ang panga ko at nakita doon ang isang guhit na batang babae at matandang babae. Hindi iyon gaano kaayos at parang human stick lang ang nakaguhit doon. May puso pa sa gitna nakalagay. Mas sumikip lalo ang dibdib ko sa nakita. How could she do this to me? How could she so sweet despites of what I did to her, everyday? Damn it!

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at halos sumabog na sa sobrang galit.

"Get out at huwag ka nang pumasok rito!"

Hindi ko makakalimutan ang ginawa ko sakanya. Araw-araw ay pinagsisihan ko iyon. Araw-araw ay hiniling ko na sana maibalik ang oras para maitama ang pagkakamali ko. Walang araw na nasasaktan ako at sising-sisi ako bakit ko siya sinisigawan kahit sa maliit na bagay. I feel sorry for everything. I feel sorry for being so impulsive towards her.

"Don't cry mommy..Hindi na ako magiging bad.."

"O..anna.." humigpit ang yakap ko at lumabas na sa huli ang hikbi.