webnovel

Chapter Sixteen

Regrets

"Hintayin nalang natin magising ang bata." Sabi ng doctor at hinayaan na kaming pumasok.

Dumating din si tanya at nicolo. Sumunod rin si tita at tito. Bakas sa buong mukha nila ang pag-alala.

"Aera, she'll be fine. Malakas si anna."

Naramdaman ko ang paghaplos ni tanya sa likod ko.

"Natatakot ako, tanya.."

Hindi ko na mapigilan ang sariling lumapit sa anak ko. Umupo ako sa dulo ng kama at hinawakan ang maliliit niyang kamay. Inamoy ko iyon at dinama ang lambot ng kamay niya sa labi ko.

"I know, lalaban siya. Tsaka, sabi naman ng doctor hintayin nalang natin siyang magising."

Muli ay bumuhos ang mga luha ko. Nanatili ang mga labi ko sa noo ng anak ko.

"I'm sorry...Ang dami ko pang gusto gawin na kasama ka. Babawi pa si mama sa'yo, diba?" I whispered. "Please, wake up.."

"Sweetheart.." umangat ang ulo ko at nakita si matteo palapit dito. Mabilis na tumayo ako at niyakap siya.

"I hate seeing you crying, aera.." he whispered behind my ear.

"I'm just scared, matteo..natatakot ako sa possibleng mangyari. Hindi ko alam anong magagawa ko..pag huli na ang lahat."

Kahit pilit kong maging positibo, hindi ko lang talaga maalis sa isipan ko ang magisip ng negatibo.

"Hey, look at me." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pilit na tignan siya sa mga mata. "She'll be fine. Gigising siya. Don't worry too much. She will be wake up, I promise you that."

Unti-unti ay tumango ako at niyakap siya muli.

Umabot ng mga ilang oras ay hindi parin nagising si anna. Umalis narin si tanya at nicolo para sunduin si niccolo sa pinapasukan nito. Gusto man manatili ni mommy at daddy dito ay kailangan din nilang magpahinga. Pinilit din nila akong sumama sakanila, pero ayokong iwan ang anak ko. Gusto ko ako ang unang makita niya. Ang dami ko pang gustong sabihin sakanya. Gusto kong malaman niya na nagsisi na ako, na babawi ako lahat sa pagkukulang ko.

Sumulyap ako kay matteo sa gilid at nakitang natutulog na ito. Hindi ko maiwasang matuwa. Hindi ko akalain tatanggapin niya ako ng buo, at itong si anna, ang anak ko. Nagkakamali ako sa iniisp ko. Akala ko iiwan niya ako, akala ko kakamuhian niya ako, pero hindi. I was wrong all along.

Binalik ko ang atensyon sa anak ko at hinawakan ang mga kamay nito. Hindi ko narin mapigilan ang sariling damdamin at bumuhos ulit ang mga luha ko. Wala na akong ginawa sa araw na ito kung hindi ang umiyak.

"I'm sorry..patawarin mo ako sa lahat-lahat ng pagkukulang ko sa'yo.." I kissed her hands and feel the innocent scent of her. "I'm sorry it took me so long to realize everything. I'm sorry for being a bad mother to you.." pilit ko man kagatin ang labi ko para iwasan ang paghikbi ay kusang lumabas na iyon. Bumibigat rin ang sarili kong paghinga. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakahinga sa sikip ng dibdib ko. Nasasaktan ako sa lahat-lahat.

Sinayang ko lang ang panahon. Sinayang ko lang ang lahat ng oras dahil sa galit ko. I was the only who hurted myself dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari saakin noon.

"Aera.."

Tinikom ko ang bibig ko at mabilis na inayos ang sarili. Tumingin ako sa gilid at nakitang nagising na si matteo.

Lumapit ito saakin at umupo sa tabi ko. Naramdaman ko rin ang paggapang ng kamay niya sa braso ko.

"She really looks like you.." he whispered and looked at me. "I'm sorry for everything..hindi ko akalain na hahantong ang lahat sa ganito." He stopped and held anna's hand. "But I know, everything's happened for a reason."

"Will she forgives me?" Hindi ko na mapigilan tanongin iyon.

Malambot at maingat ang mga sagot ni matteo saakin. Mukhang takot na magkamali. Dahan-dahan ay tumango ito.

"She will. Alam kong mabait na bata si anna. Hindi ko pa man siya nakakausap, pero ang gaan na ng pakiramdam ko sakanya."

Ngumiti ako at hindi na napigilan ang sariling yakapin si matteo.

"Please marry me now, aera. I want to give my surname to you."  He whispered.

Bahagyang tinulak ko ito. Umawang ang mga labi ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Are you serious?!" Gulat na tanong ko. Hindi naman siya siguro nagbibiro, hindi ba?

"Noon paman, pinangako ko na sasarili kong hindi na kita papakawalan pa. I want you to be the mother of my children." He stopped and chuckled at my reaction. "From now on, Hindi na natin babalikan ang nakaraan mo. Ako ang ama ng bata at wala ng iba pa. Please, always remember that."

Gusto ko man tumawa sa sinabi niya pero alam kong hindi nga siya nagbibiro. He was so serious about telling me these.

"I would say yes, matteo!" Masayang sabi ko at tumingkayad ng konti para maidampi ko ang labi ko sakanya. "Thank you, matteo..Thank you!" Maluhang-luhang sabi ko.

"I love you, sweetheart..I will never ever let anyone hurts you and anna, I promise.."

Nabingi ako sa sariling pintig ng puso. No one can ever do this to me, si matteo lang.

"Mommy.."

Mabilis napabaling ang atensyon namin sa harapan at nanuyo ang lalamunan ko nang makitang unti-unting bumukas ang mga mata niya. Mabilis akong napatayo at ramdam ang tuwa at saya na bumalot saakin ngayon.

"Anna! Anna! Matteo! Gising na siya!"

"Anna.." matteo held her cheeks and waited for her to response again.

Sinulyapan ko ito at nakita ang paggalaw ng mga daliri niya.

"Mommy.."

"Omygod! You're awake! You're awake!" Yumuko agad ako at hindi na kumawala ang hikbi ko. Mahigpit na niyakap ko ito at sumikip ang sariling damdamin dahil sa tuwa at saya. Hindi ko na alam ano itong naramdaman ko. It was mix emotion. Hindi ko kailanman naramdaman ang ganitong saya noon. Everything I've experience before was all pain, heartaches and hatred.

"Baby, you're awake.." paulit-ulit na sabi ko at hindi parin makapaniwala.

"M..mommy.." napapaos na tawag niya saakin.

Lumayo ako ng bahagya para matignan ito nang maayo. Maingat na pinadausdos ko ang kamay ko sa pisngi nito. It's true..gising na siya!

"I'm so sorry, anna..sorry..mommy is here. Hinding-hindi na kita iiwan."

Nanatili ang mga halik ko sa noo niya. Naramdaman ko rin ang paggapang ng kamay ni matteo sa baywang ko.

"Mommy..who is he?" Biglang tanong nito.

Tumingin ako kay matteo at hindi alam anong sasabihin ko. Bago ko pa maibuka ang sarili kong bibig ay inunahan niya na ako.

"I'm happy to see you, anak." Si matteo.

Napasinghap ako sa huli niyang sinabi. Nakita ko ang saya at ang kumikinang niyang mga mata dahil sa sinabi ni matteo. Pinilit niya rin bumangon pero agad ko naman siyang pinigilan.

"Don't move to much, anna.." sabi ko at inalalayan siya ng mabuti.

"Aw you my dad?" Shocked was evident on her voice.

I saw matteo's nodded his head.

"But I never seen you befow." Lumabi na sabi nito.

"But now, I'm here." Ngumiti ito at humakbang palapit sa anak ko..sa anak namin..

Umatras ako at hinayaan ang dalawa. Hindi ko mapigilang pagmasdan sila. They were look good together. Hindi ko alam anong ginawa ko para tanggapin at mahalin pa ako ni matteo sa kabila ng lahat. Maybe, there's someone who will accept you despites of your imperfections. Someone will love you whole heartedly and scared to leave you. Siguro nga, may rason ang lahat bakit nangyari ito saakin.

Bumuhos ulit ang mga luha ko dahil sa nakita ko. Is this happening for real? Totoo ba talaga ang lahat na ito?

"But..you didn't call me." Nakita ko ang pangingilid na luha ni anna.

"I was busy with something, but from now on, daddy will not leaving you again. Do you want that, don't you?"

Masayang tumango ito at pinunas ang mga luha niya

"And we'll buy a lot of toys, daddy?"

"Yes. Daddy and mommy will spend time with you after you recover. Kaya dapat maging malakas at magpagaling ka dito."

He tilted his head and looked at me. Kailan ba titigil ang mga luha na ito?

"Anong ginagawa mo diyan?" He chuckled and held my wrist. "Come here.."

"Why are you crying, mommy?"

"Mommy is just happy, baby.." sagot niya kay anna.

Bahagyang tinulak ko ito.

"What?" Humalakhak ito sa ginawa ko.

"Nakakainis ka!" I pushed him more. Pero mabilis niyang nahabol ang mga kamay ko at hinawakan iyon.

"I love you too." Humalakhak ito malapit sa tenga ko.

Hindi ko na nakayanan ay tinago ko ang sarili ko sa dibdib niya at humagulhol na sa iyak. I know all of these tears are joy.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito.