webnovel

Chapter Seven

Back

Nang makarating na kami ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako at kusa ng lumabas pa.

Kung pwede lang ito na ang huli namin pagkikita.

Biglang napahinto ako at napahawak sa sentido nang kumirot iyon. Bakit ba kasi ang dami kong nainom. Mabilis na lumapit naman ito saakin.

"Aera, You okay?"

Bago pa ito makalapit ay hinarang ko na ang kamay ko sa pagitan namin. Sige, subukan mo lang.

"Huwag na mong subukan na hawakan ako!"

Umawang ang labi niya at parang hindi pa makapaniwala sa naging reaksyon ko. Kumuyon ng paulit-ulit ang panga nito. Sa huli ay yumuko ito. And now I feel guilty!

"I'm sorry, aera.."

Umirap ako at padabog na tumalikod. Pero ramdam ko parin sa likuran ko ang pagsunod niya. Bakit ba kasi siya sunod ng sunod? Ano pa ba ang kailangan niya?!

Iritado na ay hinarap ko ito ulit.

"Pwede ba, matteo, huwag mo akong sundan. I can take care of myself!"

"Ihahatid na kita, aera.."

I glared at him at mukhang ayaw niya talaga makinig saakin. Bahala ka! Sumunod ka sa gusto mo! Hindi kita papansinin!

Kaya ko naman ang sarili ko! I can go home without him helping and following my every step!

Mabilis akong nakapasok sa elevator. Sinubukan kong isara iyon agad pero mabilis niya rin naman hinarang ang kanyang mga kamay. Oh crap!

Mukhang nagalit pa siya dahil sa ginawa ko. Siya pa yung may ganang magalit!

Hindi narin siya nagsalita at nanatiling naka-igting ang panga. At dahil kita ko ang repleksyon rito at ang katabi ko. Hindi ko na maiwasang pagmasdan siya kung paano kalaki ang pinagbago niya. Napatalon naman ako nang makitang nakatingin din pala ito saakin. Agad na umiwas ako.

Bakit ang bagal ko atang nakarating sa suite ko.

Dahil hindi na siya nakatingin saakin ay matapan na binalik ko ang tingin sakanya. Nakita ko kung paano siya tumangkad lalo. Hindi naman ganito noon ang pangangatawan niya, ah! Or maybe..he was busy working out. Hindi ko alam dahil wala naman akong balita na sakanya! Baka nga nagpapaganda siya ng katawan para sa asawa niya. Tsaka..ano bang pakialam ko!

Hindi ko akalain magkikita pa talaga kami ngayon. Tapos..right now, he was here, beside me!

Parang nabuhayan agad ako nang loob nang marinig ang pagbukas ng elevator. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Doon lang ako nakahinga ng maayos nang makawala na ako doon sa tabi niya.

Hindi ko alam bakit nakasunod parin siya saakin hanggang ngayon. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman siguro ako ganoon ka lasing para hindi makauwi rito!

Buti nalang at mabilis kong nahanap ang susi kaya nabuksan ko agad ang suite ko. Huminga ako nang malalim at sa wakas ay hinarap na ito. Matapang at taas noong hinarap ko ito. Hindi rin naman ito natinag sa titig ko. Damn him!

"I'm safe, I'm home, Pwede ka ng makaalis." I stopped and realized something. "Oh, wait, Should I say, thank you Mr. Alvéro?" Tumaas ang kilay ko.

Hindi ito natinag sa sinabi ko at mariin parin ang bawat titig niya saakin. Sa huli ay ako na ang umiwas.

"Can we talk?" Seryosong sabi nito hahang naka-igting ang kanyang panga. At walang pakialam sa mga sinabi ko.

Talk? Ano pa ba ang pag-uusapan namin? Wala na, diba? Nasaan na ba kasi iyong babae niya? Maganda naman iyon! Bakit ba andito siya sa harapan ko.

"Talk?" Tumawa ako ng bahagya kahit wala naman talagang nakakatawa.

"Please..I just want us to talk, area." Nakita kong humakbang ito palapit saakin. Nataranta agad ako at umatras nang kaonti. Napansin niya ang ginawa ko kaya siya huminto.

"Para saan pa, matteo? Ano pa ba ang kailangan natin pag-usapan? Matagal na tayong tapos."

"I...miss you.." halos pabulong na iyon pero sa lakas ng pandinig ko ay klarong-klaro iyon.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang sinabi niya iyon nang walang pagdadalawang isip. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang sabihin niya ito saakin. Humugot pa ako ng tapang bago siya hinarap muli.

"Umuwi kana." Seryosong sabi ko habang hindi ito tinitignan.

"Please.. let me.." pagmamakaawa niya.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko, pero pakiramdam ko ay masusuka ako ulit ngayon.

Pumikit ako at pinilit na ayusin ang sarili. Damn it!

"Aera!"

Hindi ko na nakita at napansin nang mabilis niya akong nahawakan sa braso para hindi ako matumba o mahilo dito. Agad na iniwas ko ang sarili sakanya. Pakiramdam ko ay mas mahihilo pa ako sa paraan ng paghawak niya saakin, kesa sa alak na ininom ko kanina.

"Leave me alone, matteo." Mariin na sabi ko.

"Aera..I need us to talk."

"Will you please, stop?! I need to rest at ang gusto ko ngayon ay umalis kana sa harapan ko!" Hindi na napigilan ay tumaas na medjo ang boses ko.

Alam kong isang sorry niya lang ay hindi na ako magdadalawang isip na tanggapin siya ulit.

Ayokong maging tanga. Kasi alam ko sa sarili kong hindi pa nawawala itong pagmamahal ko sakanya.

"Aera, please..baby, please.."

Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Pumikit ako nang mariin. Hindi ba siya nakaintindi? Ano pa ba ang kailangan niya? Damn it! Guguluhin mo nanaman itong isipan ko!

"Sabing umalis kana!"

Iritado na at bayolenteng tinulak ito.

Nagulat ito sa ginawa ko. Kahit ako rin naman ay nagulat. Bakit ba kasi ayaw niya na lang umalis!

"Alis!" Sabi ko sabay turo sa labas. Kahit ramdam ko ang kirot sa ulo ay pilit ko parin hindi iyon pinapakita sakanya. Ayokong aluin at lumapit nanaman siya saakin.

Nakita kong kumuyom ang panga at kamao niya dahil sa ginawa ko. Sa huli, bumuntong hininga ito at unti-unting tumango.

"Babalikan kita rito."

Hindi na ako umimik. Ayaw ko ng magsalita dahil alam kong manginginig lang ang boses ko. Unti-unti narin nawala siya sa paningin ko.

Hindi ko pa maproseso ang buong nangyari at nanatiling nakatulala lang kung saan siya nakatayo kanina.

"Babalikan kita rito."

Parang ringtone iyon na bumabalik sa utak ko ang simabi niya.

Babalik siya bukas? Para ano? Ano pa bang kailangan naming pag-usapan? May iba na siya, hindi ba? Iniwan niya na ako at pinagpalit sa babaeng iyon!

"Damn it!" Sapo ang noo at mabilis na umupo ako sa sofa.

Bakit ngayon pa siya nagpakita? Bakit ngayon pa? Para ano?! Bullshit! Ni hindi niya nga alam anong nangyari saakin, hindi ba? Wala siya sa tabi ko noong naghirap ako!

Nasaan ba siya noong araw na iyon? Oo nga pala! He's busy with someone else! Kaya ano pang pakialam niya saakin!

Ni hindi ko makalimutan iyong sinabi niya saakin noon. Ang kapal naman ng mukha niya para pumunta at sunda ako rito!

"I'm always here for you, baby.. hindi kita iiwan."

And now, look at us, iniwan niya parin ako. He found someone who is better than me. Paano pa kaya pag nalaman niyang binaboy ako? Tatanggapin niya pa kaya ako? I'm sure he wouldn't! Ang babae na marumi kagaya ko ay tiyak wala ng magkakagusto...Wala na!

Paano kung hindi ako nadala ni mommy at daddy noon sa hospital? siguro natuluyan na akong nawala dito sa mundong ito. Sana pinabayaan nalang nila akong mamatay noon, kesa magdusa at maghirap sa mundong ginagalawan ko ngayon.

Naalala ko noon na sinubukan kong tapusin ang buhay ko. I took all different medicine into my mouth and swallowed it pero hindi ako nagtagumpay. Ewan ko na at bakit hindi nalang ako namatay at hinayaan na ng tuluyan.

I'm totaly ruined. Ano pa ba ang silbi ko dito?

Hindi ko alam bakit saakin pa mangyari ang lahat na ito.

Kung pwede nga lang alisin ang mga ala-alang ito.

Oh right! That will never happen. Forever I endure and suffer this pain. Ang ala-alang ito ay hindi na mawawala habang buhay.